09

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO \

"TRUTH OR DARE! TRUTH OR DARE!" Malakas na hiyawan naming na magkakaibigan ng huminto sa pag-ikot ang bote at tumapat ito sa kanina pa tatahi-tahimik na si Mia.

"TRUTH!" Walang pagdadalawang-isip niyang sagot matapos lagukin ang juice na nasa shot glass. Juice lang muna siya for tonight, buntis e.

"Mia Belle,what is your favourite sex position?" si Celestine ang nagtanong. What to expect? Sa aming lima, kahit siya ang wala ang asawa ay siya naman ang may pinakamaraming karanasan,

"O.M.G Celes! Kahit kailan ka talagang babae ka!" Natatawang pun ani Badette.

"Sagutin mo 'yan Mia Belle! Gusto naming malaman kung sa paanong paraan ka napapasaya ni Luis!" Humahagikgik na sabi ni Natalie.

"Syempre, doon tayo sa sagad na sagad. Dog style na top tier! Masarap kasi managad ang asawa ko, mapapa- ugh ugh ka sa sarap!" ani Mia sabay hagalpak ng tawa at hampas sa balikat ko.

"Sa true lang! Agreeng-agree ako sa sinabi mo, mars!" pagsang-ayon ni Natalie at nakipag apir pa.

"'Di ba? Real definition of heaven talaga kapag tinitira ka ng nakatuwad, mamsh!" Muli silang nag-apir na dalawa.

Napapainom na lang ako habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Mabuti na lang talaga at nasasapawan ng malakas na musika ang mga boses nila dahil talaga naming nakakahiya ang kanilang pinag-uusapan. Hindi kasi natapos lang sa posisyon na dog style ang topic nila.

Humaba pa ito at napunta sa mga kwentong sexual fantasies nilang mag-aasawa, pat inga BDSM ay kanila nang napag-usapan hangang sa humaba pa ng humaba.

Lahat naman kami ay may karanasan na, hindi na bago sa amin iyon lalo na kina Badette at Celestine na highschool pa lang yata ay ginagawa na ang bagay na sa dapat ay mag-asawa lang ang gumagawa.

Oo na, hindi na ako makarelate dahil laging pagod at tulog ang asawa ko. Gustuhin ko man at kung minsan ay ako na ang kumakalabt ay imbis na kargada niya ang sumampal sa akin ay mukha ko ang humahampas sa sa sahig.

Hindi masaya ang sex life ko— boring, walang buhay, walang kalatoy-latoy at 'yon ang katotohanan.

"Kaya talaga nagtataka ako bakit sinasabihan nila na mahinhin itong si Mia e. It's all lie, naku! Kung alam lang nila kung gaano kakire at kalibog ang bibig nito ay magdadalawang isip talaga sila." Si Badette na tatawa-tawa ang nagsalita.

"Mahinhin namna talaga ako, napasama lang talaga ako sa inyo." ani Mia sabay muling hagalpak ng tawa.

"Hoy! Hoy! Ang kapal-kapal ng mukha, may gusto ata mahampas ng taking ngayon din." Pagkontra ni Celestine na mukhang hindi natuwa sa sinabi ni Mia.

"O tama na 'yan at baka magkapikunan pa kayo. Tignan ninyo 'yong isa nating friend, nakayuko na at nahihiya sa mga pinagsasabi natin." Pag-awat ni Natalie sa mga kaibigan namin.

"Pagpasensyahan ninyo na si Sister Erin, wala kasing dilig kaya ganyan.— Aray! Kita ninyo? Nangungurot pa.."

Napairap ako sa sinabi ni Celestine, medyo napikon ng kaunti kasi naman wala akong maibida, wala akong maiambag sa chika, at mas lalong hindi ko maipagmalaki ang aking asawa kasi bukod sa silent treatment at busy days ay bugbugan ang bonding naming dalawa.

Nakakainggit.

Para naman kasi akong nag-asawa ng patay dahil sa ginagawa ni Jarell e.

"Hay naku Erin Jean! Huwag mong pinagpapapansin 'yang fake mong friend. May surprise ako sa'yo later na sure akong ikakasaya mo." Malanding kumindat si Natalie sabay sipat ng tingin kay Mia na ngingiti-ngiti lang sa tabi ko.

May hindi ako magandang kutob sa makahulugang mga tinginan ng dalawang 'to. Ewan, pakiramdam ko ay may mangyayari na ikagugulo ng mundo ko.

"Ayoko ng mga surprise-surprise na 'yan, Natalie. Alam mo naman na may trauma na ako sa mga ganiyan." Seryosong sambit ko.

"Trauma malala talaga, siya 'yong na-surprise kasi nakita niya si— Ouch! " reklamo ni Celestine na hindi na natuloy ang pang-uukat sa past ko matapos siyang sikuhin ni Natalie.

"It's fine, wala na naming kaso sa akin 'yon. May asawa na ako, may asawa na si Craig. And I think, goods naman na kaming dalawa." Pagpapaliwanag ko.

"Really? Goods na tayo?"

Mula sa bandang likuran ko ay naulanigan ko ang isang pamilyar na tinig.

Deep...

Masculine...

And sexy...

"Oh my God!" Malakas na pagtili ni Natalie habang lumalapit sa lalaki. "I thought you wouldn't come."

"Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa akin." Natatawang sabi ng lalaki.

"Hmm? Ak oba talaga ang pinunta mo rito or 'yong isa?" Pang-iintriga ni Natalie. Tawa lang ang isinagot ng lalaki sa kaniya.

May parte sa isip ko na nagsasabing lingunin ko ang nagsalita pero mas pinili kong hindi sundin ito. Nanatili akong nakatungo at nakatingin sa direksyon ni Badette.

"Girls, I'm sorry pero kailangan ko na yatang umuwi. Baka hinahanap na ako ni Jarell." Pagpapalam ko, isinukbit ko na ang ang sling bag sa katawan ko at pagka ay akmang aalis ngunit hinarangan ni Natalie ang daraanan ko.

I wasn't in my own sanity right now.

Nataranta akong bigla dahil sa pagdating ng lalaking 'yon.

"No. sit down." Sambit niya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Walang aalis, akala ko ba goods na?"

"Nat, this is a bad idea."

I swear, sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko right now.

"Akala ko ba goods na kayo? E bakit may pag-iwas na nagaganap, aber?" Natalie said, clearly provoking me. She liften an ayebrow while looking at me.

Think carefully, Erin. Hindi puwedeng magkamali ka sasasabihin mo, kailangan mong mag-ingat

."Oo nga, sinabi ko nga 'yon but it doesn't mean na—" Natalie cut me off my putting her index finger on my lips.

"Shush! No more explanation, okay na 'yon. Umupo ka na riyan at itutuloy natin ang laro but this time with Craig and Limuel." ani Natalie. "Stop being a killjoy, Erin. Minsan na nga lang tayo magkita-kita e."

"Chill babe, hayaan mo na muna si Erin. Hindi aalis 'yan, akong bahala."

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa upuan, gayon din si Natalie na hinila ng kaniyang asawang si Limuel. Umupo sila sa may harapan naming ni Mia, si Craig naman ay tumabi sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Hindi na ako nagpumilit pa na umuwi dahil mukhang hindi rin naman nila ako papayagan. Malayo din ang lugar na ito, hindi ko lam kung paano ako uuwi kaya naman sumunod na lang ako sa nais ng mga kaibigan ko.

Iitnuloy naming ang paglalaro, itinuon ko rin ang pansin ko rito dahil minsan na lang ulit kami nakumpletong magbabarkada kung kaya't isinantabi ko na muna ang emosyon kong apektado pa rin sa presensya ni Craig.

Kay Craig na mukhang mas interesado sa akin kaysa sa laro dahil magmula nang dumating siya ay nakapako ang malagkit niyang mga tingin sa akin.

I swear, pinipilit kong hindi siya pansinin pero dakilang papansin talaga ang gagong 'to.

"Eyes on the game," mahinang usal ko habang kunwaring iinom sa wine glass na hawak ko at nakatapat sa aking bibig.

"What?" Sa tono niya ay halatang nagulat siya nang magsalita ako.

"Eyes on the game, huwag sa akin."Pag-uulit ko.

"I'm not interested, mas masaya kang panoorin." Nakangising sambit niya at pagka ay pasimpleng umurong para dumikit sa akin at ipulupot ang braso sa beywang ko.

"Don't touch me." Mahinang utos ko.

"I love touching you," pabulong niyang sabi at malandi pa na kumindat.

Sasagot sana ako ngunit napahinto nang sumigaw si Badette na sinabayan pa ni Natalie. Matapos matapatan at mahintuan si Craig ng bote.

"YES! OH MY GOD!"

"First time in the history of Guinness book of world record, truth or dare category." wika naman ni Celestine. "Your turn Mr. Craig Fuller!"

"Bring it on," ngumiti pa itong si Craig.

"Mr. Craig Fuller, this is your question..." ani Natalie na may makahulugang ngiti na naging dahilan ng pagkabog ng ubod ng lakas ng dibdib ko. "Mr. Craig Icelander Fuller, truth or dare?"

"Truth." Mabilis na sagot ni Craig.

"OMG!" sabay na hiyaw nina Badette at Mia.

"For two million pesos..." panimula ni Natalie na mas lalong lumapad ang ngiti habang nakatitig sa akin. "Yes or No. Do you still love Erin?"

"Yes, I still do." Kumurba ang labi ni Craig sa isang ngiti kasabay ng pagpisil niya sa tagiliran ko at paghawak niya sa kaliwang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Hindi na ako nakapalag dahil mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Oh my God!"

"As expected."

"Gano'n sana!"

"Hindi na nakakagulat."

Ito ang mga reaksyon na nakuha ko mula sa kanila kasabay ng malakas nilang tawanan at kantyawan na pinangunahan ng asawa ni Natalie na si Limuel.

Wala silang pagbabago, mula pa man noong highschool kami ay parati na nila kaming inaasar ni Craig, tampulan ng tukso dahil botong-boto sila sa aming dalawa.

Kung hindi lang sana siya nagloko ay baka siya ang napangasawa ko at hindi kami ganito ngayon.

Muling umikot ang bote matapos silang mapagod kakakatiyaw na hindi ko naman pinatulan, nagsimula kami ulit na maglaro ng spin the bottle. Magmula pa noong magsimula kaming maglaro ay hindi pa ako natatapatan ng bote kaya kalmado lang ako dito habang inuubos ang pang-apat na bote ng mojito.

Medyo tipsy na ako kaya hindi ako masyadong gumagalaw dahil nakararamdam na ako ng sundot-sundot na hilo. Hindi lang ako nagpapahalata para hindi sila mag-alala.

"You okay?" mahinang tanong ni Craig.

"Yeah, medyo tipsy lang." tugon ko. 

"Do you want to go home? Ihahatid na kita, I'll just get my car." Akma siyang bibitiw mula sa pagkakahawk sa kamay ko ngunit pinigilan ko ito sa pamamagitan ng pagkapit ko. "Erin..."

"I'm fine, don't worry."

"You're not, namumula na ;yong pisngi mo oh. Hayaan mo na akong ihatid ka, siguro naman ay hindi magagalit ang asawa mo kung magmamagandang loob ako sa'yo." Sinsero niyang sabi.

Impit akong natawa sa sinabi niya kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. "Hindi siya magagalit, wala naman kasi siyang pakielam, tatlong araw na niya akong hindi inuuwian.Okay na rin siguro kung hindi na lang din ako umuwi sa amin kasi wala naman akong asawa na uuwian e. Walang asawa na nagmamalasakit sa akin."

Hindi ko alam kung bakit lumalabas ito ngayon sa bibig ko, ang bigat-bigat ng dibdib ko ngayon. Pakiramdam ko anytime ay sasabog ako.

"Craig, mabuti pa sigurong iuwi mo na lang siya. Mali yata na—" Si Limuel iyon.

"Uuwi? Walang uuwi, magsasaya tayo. Tama si Nat-Nat, wala akong rason para umuwi. Okay naman na kami ni Craig e." My voice was about to cracked but I did manage to stay on my poise.

Bumitiw ako mula sa pagkakahawak sa kamay ni Craig at dahan-dahan a na tumayo para paikutin muli ang walang lamang bote ng mojito sa lamesa. Ako ang nagpasimula ng panibagong round ng nilalaro namin dahil mga natahimik ang mga kaibigan ko nang magsalita ako kanina.

Nang huminto ang bote ay sa akin ito tumapat na naging dahilan ng pagdoble ng kabog ng dibdib ko.

"So... sinong magtatanong sa akin?" Buong tapang kong tanong, tapang-tapangan to be exact lalo na at kakaiba ang kutob ko dahil noong huminto ang bote ay nagpalitan ng kakaibang sulya sina Mia at Natalie, ganon na rin sina Celestine at Badette.

"Erin Jean, truth or dare?" Si Limuel ang nagtanong.

"Dare." tugon ko.

Halatang mga nagulat ang mga kaibigan ko nang sumagot ako, mga namilog ang kanilang mga mata at sila ay nagpalitan pa ng mga pasimpleng sulyap.

Natalie gasp.

Limuel bit his lower lip.

Celestine massages her temple.

Badette looks away.

Mia immediately sips juice from the glass.

And Craig? He gently pulls my arm twice, maybe asking me to change my mind.

"What?" I asked when I turned to looked at him.

"Change it," he murmured.

"I don't want to be a killjoy, Craig." I replied with a sarcastic smile plastered on my face.

"Talaga, Erin? Ayaw mong maging killjoy?" Si Natalie na mukhang nanghahamon.

"Oo naman, sabi mo nga ay minsan lang tayo magkita-kita 'di ba?" aniko at mas lalo kong pinalapad ang sarkastikong ngiti.

"Okay then, I dare you to spend seven minutes in heaven with Craig."

Ito na nga ba ang sinasabi ko e, dapat talaga umuwi na lang ako. Hindi talaga dapat ako nagpasindak kay Natalie, sinasabi ko na nga ba at umpisa pa lang ay may binabalak na silang ganiyan.

Plano kaya ito ni Craig?

"WHAT?"

"Ayaw mong maging KJ 'di ba? Then do it." Tinumbasan ni Natalie ang sarkastikong ngiti ko ng plastikadang ngiti niya.

"Hindi puwede, may asawa akong tao." Pagtanggi ko.

"May asawa ka nga, hindi na naman nadidiligan. So, parang wala rin." Panggatong ni Mia.

Babae talagang 'to, minsan walang preno ang bibig.

"Tama! At isa pa bebs, matagal-tagal ka na ring walang dilig. I-go mo na, si Craig lang naman 'yan e." saad pa ni Celestine.

Isa pa 'tong hindot na 'to, sarap regaluhan ng duck tape.

"Ladies, stop it." ani Craig. "Tama naman si Erin, may asawa siyang tao. Lasing na kayo, malalim na rin ang gabi. Mabuti pa, bago pa mauwi sa kung ano 'tong reunion natin e umuwi na tayo. Mag-set na lang tayo ulit ng another GT kapag okay na tayong lahat." Pag-awat ng kalmado ngunit seryosong si Craig.

Sa totoo lang ay hindi ko sukat akalain na sasabihin niya ang mga bagay na 'yon. Hindi ganito ang kilala kong Craig at hindi gano'n ang inaasahan kong magiging reaksyon niya.

Anong nangyari, Craig? Grabe naming character development 'yan, napakabilis.

Imagine, that guy na patay na patay sa akin. Tinanggihan ang dare sa kaniya na sumiping sa akin ng pitong minute dahil lang sa sinabi ko.Wow just wow! Nakakapanibago, mukha yatang tumalab ulit ang gayuma ni Olivia sa kaniya at tinanggihan niya ako.

Anyway, wala na naman akong pakielam sa pagtanggi niya ang mahalaga ngayon ay makaka-uwi na ako.

Pasado alas-dos na ng umaga, gusto ko na mamahinga. Gusto ko nang humiga sa malambot kong kama at maghapong magkulong sa loob ng kwarto na magagawa ko na oras na magsimulang paandarin ni Craig ang sasakyan niya.

Dito na ako sumakay sa kotse niya, inihiwalay kasi ni Limuel ang asawa niyang si Natalie sa akin dahil lasing na ito at iba na ang isip. Pumayag naman na ako, for safety purposes.

Hindi lasing si Craig dahil hindi naman siya uminom kanina, mukhang pumunta lang talaga siya para sa akin at hindi para uminom.

Craig knows me well, alam niyang hindi ako makaka-uwi ng bahay lalo na at lasing ako. Iba ang epekto sa akin ng alak, bukod sa pagiging tipy ay nagiging... horny rin ako.

Apat na bote ng mojito ang nainom ko, tinungga ko lahat ng 'yon kahit ayaw ko ng lasa dahil 'yon lang ang alak na kilala ng dila ko at sa tingin ko ay 'yon lang din ang pinaka-safe sa lahat ng mga in-order nila Natalie kanina.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro