Chapter 7 - Blake

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Joseph's Pov

"Anong pinaplano mo Joseph?" tanong sa akin ni Sheila, ang girlfriend ko. Nandito kami sa Clinic at alam kong kanina pa sila nakatitig sa akin.

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" sagot ko at tinalikuran ko sila habang kunwaring may tinitingnan sa cabinet na kung ano.

"Wala kang kung ano mang plano para makahanap ng solusyon sa nangyayari na to.." putol nitong sabing at sabay pinaharap ako sa kaniya.

"Ginawa mo ito para makaligtas ang iba satin at hahayaan mo lang si Blake na mamroblema sa bagay na hindi naman niya tungkulin." dagdag pa niya na nagpakaba sakin. tama siya, wala akong kung ano mang plano kundi ng mabuhay. dahil ayoko pang mamatay at ayokong matapos ang buhay ko dito sa campus na ito.

"Totoo ba yun? Tama ba ang sinabi ni Sheila?" sabi naman ni Wendell habang nakatingin sa mga mata ko ng direkta.

"You must do something Joseph, sayo lang kami nakaasa ngayon. Wag mong ipamuka sa amin na mali kami ng naging desisyon, at lalong wag mong hayaan na si Blake lang ang makinabang, you're the boss." sabi sa akin ni Sheila at hinalikan ako sa harap ng mga kasamahan namin kasabay ng isang ideya na pumasok sa isip ko.

"Okay, let's get that keys now. Buksan natin ang gate at antayin natin silang makarating doon, ano sa palagay ninyo?" sabi ko at sinangayunan nila at tumingin ako kay Sheila at ngumiti ito sa akin.

--

Time check, 3:08 am

"Guys, malapit na tayong makalabas!" sigaw ni Paolo habang tumatakbo kami papuntang Entrance ng campus, electrical gate ang dadaanan namin para tuluyang makalabas dito sa campus at tanging ang gwardya lang ang maaaring magaccess para mabuksan ito gamit ang sarili nitong Admin Card pero sa kasamaang palad ay hindi namin ito makita, buti nalang at may isang bagay pa na maaaring makapagbukas dito. Ang kaisa isahang susi sa Clinic na pagmamay ari ni Jhustine, ang anak ng may ari nitong campus, at pareho ding hindi namin makita simula pa kanina.

"WAAAHHHHH!!!" isang malakas na sigaw mula sa taas ng Library na nasa tapat mismo ng gateway.

Isang babaeng nakakulay itim ang nakita naming nakatayo sa taas ng Library at pagkatapos ay bigla itong bumagsak mula sa mataas na gusali.

Dali dali namin itong nilapitan at nagulat kami kung sino ang nakita namin.

Ito si..

Si Ma'am Elizabeth..

--

"Puta! Si Ma'am!" sigaw ni Wendell sa pagkabigla. Halos lahat kami ay nagulat dahil hindi naming inaasahang maski ang napakabuting guro at may pakeilam sa amin na higit sa lahat ng ibang mga walang kwentang guro dito.

"Iayos muna natin ang katawan ni Ma'am bago tayo tuluyang umalis." sabi naman ni Sheila habang nakatakip ang mata matapos nitong makita ang kalunos lunos na nangyari sa guro namin.

Pinagtulungan namin ni Wendell ang katawan ni Ma'am Elizabeth at binuhat ito patungo sa loob ng Library at nagpasya si Sheila na magpaiwan nalang dahil sa takot na makakita pa ng ibang namatay sa Library.

--

Sheila's Pov

namatay si Ma'am Elizabeth, yung kaisa isahan naming prof na itinuring naming ina dito sa campus at may pakielam sa amin, paano na kami ngayon? mamamatay na din kami!

"Papatayin ko kayong lahat.."

puta naman ano yun?!

"H..hindi nakakatawang biro yan Joseph, wag ninyo akong takutin ng ganyan." nanginginig kong sabi ng marinig ang boses na bumulong sa akin kasabay ng isang malamig na hangin ang tumama sa katawan ko.

"W..wendell? J..oseph?" pautal na tawag ko sa pangalan nila habang nagbabakasaling pinagtitiripan lang nila ako.

"Ikaw na ang isusunod ko.." bulong sa akin ng boses na narinig ko at sa mismong tenga ko pa ito tumapat pero ng nilingon ko ito..

Walang sinuman ang nandoon.

Naisipan ko ng tumakbo ng lamunin ako ng takot ko at sumigaw ng pagkalakas lakas na tila walang pakialam sa nasa paligid ko pero..

Hindi ko magawa.

Animo'y may kung ano na pumipigil sakin at hindi ako makagalaw, maski ang bibig ko ay di ko mapakinabangan na parang napipi.

Hanggang sa..

Isang anino ng isang babae ang palapit sa akin at matulis itong nakangiti sa akin kasabay ng nakakatakot na nakalisik nitong mga mata.

katapusan ko na.

--

Eljie's Pov

"Sheila, ayos ka lang ba?" sabi ko pagkatapos kong tumakbo papalapit kay Sheila. Agad itong hinimatay siguro dahil sa labis na takot at naiintindihan ko naman dahil maski ay takot din. Pero ang ikinapagtataka ko kung bakit siya nagiisa at..

Bakit wala siyang ulo ng nakita ko siya sa malayo?

--

Joseph's Pov

si jake, si jake nalang palagi. bakit siya nalang ang bukambibig nila? nakakainis!

Nandito na kami sa loob ng Library at iniayos ang katawan ni Ma'am Elizabeth sa isang sulok at may hindi ko maiwasan na titigan ang muka nito. Bakas parin dito ang kagandahan niya bagkus hindi naman nalalayo ang edad nitong nasa mid 30's kahit na puno ito ng dugo mula sa pagkakabagsak sa mataas na gusali.

"Joseph." bulong sakin ni Wendell habang nasa likod ko.

"Ano yun?" sabi ko at nilingon ko siya na namumutla na.

Napayakap ito sa akin, bagay na ikinagulat ko ng sobra. Agad ko itong itinulak ng malakas upang makakalas ito sa akin at matagumpay ko naman itong nagawa. Dahan dahan akong napaatras at dumistansiya sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?! Nababaliw ka na ba?" sabi ko habang nakayukom ang kamao ko at nagaantay sa mga susunod na mangyayare.

"J..joseph pakinggan mo ako, k..kung hindi man tayo makaligtas dito sa kinahaharap natin ngayon gusto ko sanang sabihin sayo na, gusto kita." sabi niya na dahil para mapatulala ako. Matagal bago magsink in ang sinabi niya sa akin at ng natauhan ako at hindi naman mapigilan ng isip ko na magbigyan ng kongklusyon.

--

"B..bakla ka?!" sabi ko habang naguguluhan padin sa nagaganap.

"O..oo Joseph, gusto ko nang aminin tong nararamdaman ko in case na hindi man tayo makaligtas. Pasensya na, alam kong mahal mo si Sheila pero nakisabay pa ako, okay lang sa akin na kamuhian mo ako dahil naiintindihan ko naman." sabi niya at humagulgol na parang bakla.

"Okay lang, hindi kita ikakahiya o ipagtatabuyan. Basta magkaibigan parin tayo ah." sabi ko na tinanguan nito at nagyakap kami, nang biglang nandilim ang paningin ko at ng bumalik ako ay wala na si Wendell sa harap ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro