Chapter 8 - The White Ghosts

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Agad ko itong hinahap at nakita ko itong tumatakbo palabas ng Library na parang takot na takot.

"Wendell! Anong bang nangyayare?!" sigaw ko sa kanya pero para wala siyang naririnig at dire diretso lang sa pagtakbo sa kung saan. teka asan nga pala si Sheila?

Hindi ko na sinundan ang baklang iyon at dali dali kong hinanap si Sheila kahit saan pero hindi ko ito makita.

--

Raine's Pov

"Raine, tulungan ninyo ako kay Sheila." sigaw ni Eljie mula sa labas at kasama nito si Sheila. Agad namin itong pinapasok sa loob at itinapat si Sheila sa electric fan bago ito nagkamalay ulit.

"Saan ka nagpunta?" tanong ko kay Eljie. Wala itong naging imik sa akin at tumingin nalang ito sa malayo, gusto ko pa man din siyang tanungin pa sa mga bagay bagay nang bigla namang dumating sila Blake, bagay na sobra kong ikinatuwa. babe!

"Namiss mo ba ako?" sabi nito at ngumiti sa akin. Agad ko itong niyakap ng napakahigpit kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko sa takot na hindi na kami magkita.

"Miss na miss na kita." sagot bago ko siya binigyan ng halik sa labi.

--

Marian's Pov

Nakabalik na si Blake, bagay na sobra kong ikintuwa lalo na at ligtas siya.

Pero..

Nang nakita ko sila..

Kung paano siya hinalikan ni Raine.

Nakaramadam ako ng sobrang kirot sa puso ko.

Napakasakit. wala man lang akong magawa, gusto ko din siyang yakapin ng mahigpit pero hindi pwede. may mahal siya at mahal din siya nito kaya wala akong karapatan.

"Wag mo nalang silang tingnan bebe." bulong sakin ni Rachelle at niyakap ako. Niyakap ko din siya at mahinang umiyak sa mga braso nito dahil ayokong marinig at malaman ng iba ang kahinaan ko.

--

"Okay guys, here are those clues na nakuha namin sa buong campus." sabi ni Blake at inilatag sa lamesa amg mga papel na naglalaman ng mga articles at pictures about sa campus namin.

"5 years ago, may limang katao ang pinatay sa campus na ito. But there is something that get my interest when, yung mga katawan ay nandito padin sa campus kesyo nailagay na sa dyaryo ang balita tungkol dito, marahil may nangyare kaya hindi ito basta basta nakuha at naisapubliko." pagpapatuloy nya na nagpaisip sa aming lahat.

"So you said, maybe na pinatay ang nagsulat ng balitang ito para pagtakpan ang nangyaring krimen dito?" tanong ni Lean habang inuusisa ang bawat clue.

"Yan din mismo ang nasa isip ko, maaaring gusto nilang patahimikin ang media sa pagkakatuklas ng mga katawan ng mga namatay kaya pati ito ay maaari nilang pinatay." sagot ni Blake.

"This picture, ay ang Principal at ang dalawang kasama nito ay sila Mrs. Marciana at Mr. Rodrigo Sy, ang mga may ari ng lupa nitong kinatitirikan ng campus. It said na naging magkaklase din sila habang nagaaral pa." dagdag pa nito.

"So anong kinalaman nitong mga nangyayare sa kanila?" tanong ko na tinanguan ng iba na pare pareho din naguguluhan gaya ko.

Nang biglang isang malakas na hangin ang pumasok..

Kahit nakasado ang mga pintuan at mga bintana..

ano yun?!

"Pinatay nila kami." boses ng isang lalaki nakaputi na halos kaedaran lang namin, kasama nito ang tatlo pang mga nakaputi at lahat sila ay nakatingin sa amin.

M..mga multo.

"Pinatay nila ako pagkatapos nilang ilang beses na halayin at walang sinuman ang nakarinig sa mga paghingi namin ng tulong." sabi naman ng isang babaeng nasa edad early 30's.

"Kuya, ang sama nila. Pinahirapan nila kami bago kami patayin." sabi naman ng batang kasama nito at lumapit kay Blake at umiyak dito.

"Hindi kami makagorabels in the other world dahil hindi pa namin natatapos ang unfinished business namin, kaya nanatili kami dito at itong campus ang nagsilbi naming baler bago tuluyang sunduin ni pudra." sabi naman ng isa pang lalaking nakapony tail.

--

"Pinatay niya kami dahil sa takot na magsumbong matapos naming masaksihan ang nangyare sa kanilang dalawa." sabi ng lalaking multo na kasing edad namin at itinuro ang kasama nitong babaeng 30's

"Gusto naming gumanti pero nakokonsensita din kami, pero kung hindi namin gagawin ay malilintikan kami kay ate Gina." sabi ng batang babaeng multo.

"Siya ang may pakana sa pagpapatay sa lahat ng mga tao dito, sinasaniban niya ang mga matipuhan niya at ginagawa niya ang gusto niya dito. Ilang beses na namin siyang pinigilan, pero hindi namin siya kaya. Uubusin niya kayong lahat hanggang hindi niya napapatay ang hinahanap niya.." putol na sabi ng babaeng pinakamatanda sa kanila at tumingin sa malayo.

"Ang anak ng nagmamay ari ng lupa at campus nato, si Jhustine Sy." dagdag pa nito na nagpakaba sa amin. Matapos nilang sabihin yun ay bigla nalang silang nawala at naglaho.

--

Time check 4:30 am

"Okay anong plano?" sabi ni Migz pagkadating nila sa kwarto.

"I dont know, all I wanna do now is to ensure the safeness of all of us." sabi ni Blake at napaupo habang nagiisip

--

Blake's Pov

"Hmm, what do you think guys, kung hanapin natin si Jhustine at ialay sa Gina na yun para matapos na itong lahat. Tutal as those freaking ghost said, they all just need to revenge to go go go away in this world." sabi ni Patricia na bumasag sa katahimikan.

"No, that's not a good idea." maikli kong sagot kasabay ng pagtaas ng kilay nito.

"Ano bang inaakala mo, na lulubayan niya na tayo if ibigay man natin sa kaniya ang hinahanap niya? We must think other idea except your suggestion, Patricia." dagdag ko.

Think faster, Blake. Nauubusan na tayo ng oras.

Nang parang inaadya ng panahon, isang malakas na hangin nanaman ang pumasok at isang kulay itim na anino ang nagpakita. Nanlilisik ang mga mata nito at nakangiti sa amin ng nakakatakot na para bang papatay.

"May nakamiss ba sakin?" sabi nito na nagpatayo ng mga balahibo ko sa buo kong katawan.

Teka..

Anino? Kulay itim?

S..si G..Gina!

Fuck!

Dahan dahan itong lumalapit sa amin mula sa pintuan. Bawat paghakbang niya ay binibilang ko kung gaano pa siya kalayo bago siya makalapit.

3..

2..

1..

Run!!

WAAAHHHHH!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro