Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

~(JANEL HALENE SYJUCO POV)

Katulad ng dati, hinintay kong matapos si King sa klase nito. I immediately approached him when I saw him.

"King..." Tumayo ako sa harapan nito.

Kahit mataas ang heels ko ay kailangan ko pa rin itong tingalain nang bahagya para lang makita ang kulay tsokolate nitong mga mata.

"I cooked lunch for you." Inabot ko rito ang isang lunch box.

Nanatili lang itong nakatingin sa akin na walang kahit ano sa mga mata. He didn't even bother to look at the lunch box.

Napansin ko ang galos sa kamao nito.

"What happened to you?" Nag-aalalang tanong ko. "Dahil ba 'yan sa race mo yesterday? Ang sabi ni—"

Bagot itong tumalikod sa akin at nagsimulang humakbang palayo.

Mabilis ko naman itong sinundan at humarang ako sa daan nito. Nakita ko kung paano nagsalubong nang bahagya ang perpektong mga kilay niya.

"Sabay na tayong mag-lunch?" I asked with a smile on my lips.

Nanuyot ang lalamunan ko nang makita kong gumalaw ang panga nito. Hindi ko alam kung bakit lahat ng tungkol sa kanya ay attractive para sa akin.

"I hate people blocking my way," malamig na sambit nito.

I absentmindedly gulped. Binigyan ako nito ng matalim na tingin bago muling humakbang palayo. Hindi ko na ito nahabol pa dahil nakita ko ang grupo ng mga chakadolls na papalapit sa direksyon ko.

Like usual bitch in telenovelas, humakbang palapit sa akin ang leader ng mga quack quack na si Chloe habang naka-sukbit sa braso niya ang mukhang pinagmamalaki niyang Chanel bag. Naka-sunod sa kanya ang dalawang julalay niyang sina Kristy at Loren na mas maganda pa ang talampakan ko.

Of course, hindi ako masisindak. Tinaas ko rin ang braso ko sukbit ang Hermes bag ko worth almost a million pesos.

Tiningnan nito ang hawak kong lunch box at tinaasan ako ng uneven eyebrow.

"You are trying too hard to get King Kalzifer. Obviously he doesn't like you but you still keep on bothering him."

"It's also obvious that I don't like you but you also keep on bothering me." Nakataas rin ang kilay na sagot ko rito.

Ngumisi ito. "I just think that you are pathetic."

I also smirked at her. "I heard last time na sinubukan mo siyang hawakan, tinulak ka niya sa fountain and you were like a poor pathetic wet duck throwing tantrums. I have a video nga eh. Do you want to watch it?"

"He didn't push me." Agad depensa nito. "I just lost my balance, bitch."

Lalo akong napangisi seeing her so pikon. I wanted to annoy her even better pero naramdaman kong may brasong umakbay sa balikat ko.

Kahit hindi ko ito lingunin, sa amoy pa lang nitong daang libong halaga ng perfume ay alam ko na kung sino iyon.

Agad naman nag-ayos ng buhok ang mga quack quack sa harap namin at maaarteng inipit ang mga buhok sa likod ng tainga.

"Hi Zice," bati ng pobreng malditang si Loren.

Pa-cute namang kumaway si Kristy na babaeng mukhang pulboron.

Basta guwapo ang kaharap ay bigla na lang silang nagiging malambing. Ew.

Hinila na ako nito papunta sa cafeteria. Tinulak ko palayo sa balikat ko ang braso nito nang makalayo kami.

"Nasaan ka ba kahapon, huh? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?"

Dinala nito sa bulsa ang mga kamay. "Psh, masakit tiyan ko. Swerte pa nga kung makalabas pa ako ng limang minuto sa CR."

I pouted. "Hindi ko tuloy napanuod ang race ni King. Hindi ko alam kung saan. Hindi naman sinasagot ni Gavin, Brayle at Helix ang tawag ko."

"I also missed it. Akala ko makakaligtas na ako kay Ms. Aldana pero dumating si ate sa bahay."

"Oh, anong ginawa ni ate?"

"Sabi ko kasi... masakit tiyan ko. Ayun... pinainom ako ng gamot."

Napatawa ako nang mahina rito. "Twice or thrice lang naman ang pagtu-tutor sa'yo ni Ms. Aldana every week. 2 to 3 hours lang every tutoring session. Bakit kasi hindi ka pa magpaka-tino?"

Sumunod ako rito nang magsimula itong humakbang. "Ayoko nga, nakakaantok."

I chuckled. "Kung si Gavin, Brayle o Hendrix ang tuturuan ni Ms. Aldana baka gising na gising ang mga 'yon at baka gustuhin pang mag-home school na lang kung siya ang magiging tutor."

"She's gorgeous but she's not my type."

Napangiti ako nang malapad habang papunta kami sa cafeteria. "Kasi hanggang ngayon deads na deads ka pa rin kay Chanel."

"Tss, shut up."

"Sus, if I know sinasadya mo lang naman talagang bumagsak para abutan mo si Chanel at maging blockmates na kayo finally."

"You're always out of your mind. Let's just eat. I'm hungry."

Umupo kami sa mesa nina Kade at Raix nang makarating kami sa cafeteria.

"Nag-abala ka na namang magluto for King," ani Kade nang makita ang lunch box.

Tinatawag lang nila sa pangalan si King dahil hindi raw nito gustong magpatawag ng kuya kahit kanino including his siblings, Zice, Kiandre, Klaire at Kalsey. Kaya lang, Kiandre, Klaire and Kalsey were still calling him Kuya.

"Hayaan mo siya, handa naman 'yang magpaka-tanga," said Zice. Hinila nito sa akin ang lunch box nang makaupo. "Mabuti na rin 'yon, hindi ko na kailangang gumastos for foods."

Sa lahat ng anak ng bilyonaryo sa Sanville siya lang yata ang kilala kong patay-gutom. Lagi na lang siyang walang pera. I understand na naka-budget lahat ng allowance nila because tita Zen and tito Kier wanted them to learn to value money. Still, malaki pa rin ang allowance nila for a day. Sadyang magastos lang si Zice dahil gabi-gabi ito sa mga club except sa club namin dahil siguradong isusumbong siya ni dad.

From what I know, si ate ang ang may control sa budget nila tho all of them have different assistants for their expenses kaya naman bait-baitan siya kay ate dahil kung hindi siguradong sira na ang buhay niya. Ate was generous naman. Kailangan mo lang talagang magtino at magpaka-bait.

King had his first sports car because he was a topnotcher. Hindi lang basta sports car, ate bought him an expensive Bugatti that he asked for. Si Kiandre naman kahit madalas din mag-top ay hindi pala-hingi kaya naman ito ang binubulungan ng masamang espirito ni Zice para humingi kay ate ng kung ano-ano katulad na lang ng Ducati superbike na ginagamit niya ngayon for his race. Kiandre was so nice and kind kaya naman nauuto ito ng kapatid niyang dyablo na ang pangalan ay Zice. The greastest scammer of all time. Palibhasa kahit pambili ng lumpia ay hindi siya makahingi kay Ate K dahil umuulan ng cinco ang grades niya.

"Halene, next time make sure you are safe before having sex with King or anyone again, okay?" ani Kade.

Agad napaubo si Zice at halos lumipad sa mukha ko lahat ng kanin mula sa bunganga nito. Mabilis nitong inabot ang tubig at nilaklak iyon.

"Buti nga sa'yo," sabi ko rito.

Bumaling agad ito sa akin nang makabawi habang namimilog ang mga mata. "Nakipag-sex ka kay King?"

Bahagya akong tumingin sa paligid dahil napa-lakas ang boses nito. Napalingon tuloy ang ibang estudyante sa direksyon namin. Binalik ko rin nag tingin rin at tinutukan ito ng tinidor.

"Bawasan mo ng volume 'yang bunganga mo, Kurseiv."

"You stupid," anito nang nakataas ang sulok ng labi.

"Oo na, stupid kung stupid. My life my rules."

Nagkibit-balikat na lang si Kade at Raix dahil ganoon rin naman ang mga ito. They always don't give a shit about other people's opinion.

"Ulul," anito at muling uminom ng tubig. "Sasaktan ka lang ni King. Alam mo namang malamig pa 'yon sa yelo. Isa pa hindi niya tipo ang mga babaeng talakera at pumapasok sa school ng naka-backless at ikaw 'yon."

Tiningnan ko ito ng masama. Kahit kailan ay pasmado talaga ang bunganga nito. Hindi ko alam kung paano ko siya naging best friend. He was the most annoying asshole living on earth.

"Ang gusto niya 'yung mga mukhang desente. 'Yung mukha matalino at punong puno ng poise. Alam mo kung sino 'yon? Si Ms. Aldana."

Natigilan ako sa sinabi nito.

"Puro ka talaga kalokohan," ani Raix rito.

"Psh... Why don't you look on his eyes? Matagal ko nang nararamdaman na may gusto siya kay Ms. Aldana. Binigyan niya pa nga si Ms. Aldana ng tuwalya noong nabasa siya sa lawn sa bahay. He never give a shit about anyone except her."

"Ms. Aldana is Ate K's friend. Are you nuts? She's like... 8 years older," said Kade.

"Bakit? Mukha naman siyang 21 years old katulad ni King, ah? Almost every man here likes her. It's not surprising."

"Well, sa bagay. She looks young just like Ate. She's also beautiful and she has a perfect bod. Mukha ngang artista and model."

I hated the idea that Raix even agreed to him na pinaka-judgemental sa aming lahat.

"Yeah, she's also smart. She's a doctor pa just like ate K," and Kade.

I couldn't help but frowned thinking about it. I lost my appetite for lunch. Naisipan kong dumaan sa classroom ni King bago ako pumunta sa classroom ko. Nagkataon na si Ms. Aldana ang professor nito.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko seeing the way he looked at her.

Bakit hindi ko man lang iyon nakita noon?

Why didn't I even see that he seriously likes someone else? At sa dinami-raming babae talagang si Ms. Aldana pa? Ang babaeng pinagpala sa lahat at mahal na mahal ni Lord?

Bakit ba hindi niya ako makita? Bakit hindi pa rin ako hanggang ngayon?

"Come on, stop it. Let's just drink tonight," said Raix.

"Kagagaling lang natin sa club last night, we have exam next week." Tutol ni Kade.

Hindi ko tinanggal ang tingin sa mga ito. "I want a bottle of whisky, 6 shots of tequila, 2 shots of brandy and 6 pack abs. Let's go."

I turned my back and walked away like a Miss Universe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#sandoval