Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

~(JANEL HALENE SYJUCO POV)

Pinilit ko pa ring makahabol sa klase ko even I was not feeling well dahil sa dami kong nainom na alak kagabi.

Na-sermunan pa ako ni dad before going to school dahil kay Helix. Tumakas ito kagabi para manuod na naman ng race ni Zice kaya naman pati ako ay nakita nito sa footage na nag-aala Corazon ang unang aswang, papasok sa loob ng kwarto ko. Mamaya talaga sa akin ang batang 'yon!

Nagsisimula na sa discussion ang Psychology professor ko na si Mr. Hansol. I still had lots of subjects even minor subjects sa dami ng dropped subjects ko the past years dahil sa mga lates ko.

Gusto ko nang maka-graduate next year sa kurso kong nursing kaya naman pinipilit kong pasukan lahat ng klase ko kahit gaano pa ako mahihirapang bumangon sa umaga.

I told mom and dad na gusto kong maging nurse and they both supported me. But then my friends were doubting me. Baka araw alak ang ipainom ko sa mga pasyente ko.

I was 40 minutes late pero kaunting pa-cute lang ay hinayaan pa rin akong pumasok sa klase ni Mr. Hansol pagkatapos niya akong hagurin ng tingin mula talampakan hanggang sa kagandahan ko.

Tiningnan ko agad ang classroom hanggang sa makakita ako ng vacant seat. I opened my bag to get my notes habang nagpapatuloy na sa discussion si Mr. Hansol. Naghanap ako ng ballpen sa loob ng bag ko pero wala akong makita roon.

Siguradong naiwan ko na naman iyon kung saan. Maybe I should wait for a call again kung sakaling may mabuting pusong nakapulot. I don't use ordinary pens so kailangan kong lagyan ng pangalan at contact number ang mga pen ko dahil lagi kong name-misplace ang mga iyon. Hindi rin biro ang halaga kaya naman it was better kung maibabalik iyon sa akin.

Bumaling ako sa taong nakaupo sa tabi ko.

"Excuse me, do you have an extra--" Hindi ko natuloy nag sasabihin ko nang mapansin kong... chopopo ito.

Diretso itong nakatingin sa malaking projection screen. Kita ko ang makakapal nitong kilay, ang matangos nitong ilong at ang mapupula nitong mga labi.

Oh my gosh... I wasn't prepared for that.

"H-Hi..." Alanganing sambit ko. "Ngayon lang kita nakita, irregular student ka ba or you are a transferee?"

Hindi ito nag-abalang tingnan ako. Pinindot nito ang ballpen at nag-take down notes. Sinundan ko ng tingin ang sinusulat nito sa notebook niya. In fairness, ang ganda ng penmanship.

"Hey... do you have an extra pen?" Pangungulit ko rito.

Nagpatuloy ito sa pagsulat at hindi man lang nag-abalang tingnan ako. Gwapo nga siya, but I found it so annoying.

"Bingi," mahinang bulong ko.

Tumigil ito sa ginagawa na ikinatigil ko rin. I stiffened and gulped down. It was obvious na naririnig niya ko at sinasadya niya lang na hindi ako pansinin.

I simply cleared my throat to change the atmosphere. "Anyway, can I borrow a pen?"

Binaling nito ang tingin sa akin at pakiramdam ko ay lalong nanuyot ang lalamunan ko nang makita ko ang kulay tsokolateng mga mata nito.

Chopopo nga, mama!

Bigla akong nainitan kahit pa isa ang Sanville sa pinaka-malamig na lugar sa buong mundo.

Wala man lang itong ka-pores pores. Kaya lang... mukhang suplado. Hindi man lang ito ngumiti o 'di kaya ay sagutin ang tanong ko.

Ganoon pa man, hindi ko pa rin maiwasang napatitig rito.

He seemed to also have a good build. Ilang pack kaya ang abs nito?

"Ms. Syjuco, is there a problem?"

Tinanggal ko rin ang tingin ko rito at bumaling sa professor ko. Kahit kailan ay panira talaga ito ng moment.

"Uhm... I think I lost my pen."

Ilang segundo lang ay isang katutak na ballpen na ang nakalahad sa akin from different men around me.

Gosh... ganoon ba talaga ako ka-ganda?

Kinuha ko ang pinaka-malapit sa akin and smiled at him. "Thanks."

Sinisilip ko pa rin ito while I was taking down notes. I bet he was really new to this school. Sigurado akong transferee siya.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang bumaling ito sa akin and bit the flesh of my cheeks inside my mouth.

Ayokong isipin niyang naga-gwapuhan ako sa kanya. Malandi lang ako, but I still have my pride.

Narinig ko pa ang marahas na paghinga nito.

Mabilis din itong nakalabas ng classroom pagkatapos ng klase.

"Is he new here?" tanong ko sa isang classmate ko.

"Halene..." Bigkas nito na tila ba hindi pa makapaniwalang kinakausap ko siya.

Tumaas ang isang kilay ko. "What?"

"A-Ang ganda mo talaga..."

I flipped my hair. Hindi na bago sa akin ang ganoong compliment.

"I know. So... is he new here?"

"O-Oo... Nagpakilala siya kanina. Pre-med student daw siya at Kenrix ang pangalan niya."

At anong ginagawa ng pre-med student sa klase namin? Wala na ba siyang ibang mapasukang schedule for his minor subject?

Napatingin din ako sa cellphone ko nang marinig kong tumunog iyon.

I had a message from unknown number telling me na napulot niya ang ballpen ko. Sinabi nito sa akin kung saan kami magkikita at dahil may 30 minutes break pa ako before my next class, pinuntahan ko na ito sa north park.

Masyadong maluwag ang Sanville. Sa loob ng isang araw ay baka hindi mo pa iyon magawang libutin. Kompleto roon. May malalawak na field, may garden, may park for some students na mahilig mag-aral under the trees at marami pang iba.

Kahit isang pirasong kalat ay wala kang makikita roon dahil napapalibutan iyon ng CCTVs and any acts that go against the rules ay punishable.

Walang limitasyon si ate pagdating sa punishment kaya takot lahat g estudyante sa kanya. Hindi pa sila makakapagsumbong sa parents nila because Sandovals are the boss. Sila ang nasusunod at sila ang kinakatakutan.

Takot lang ng ibang negosyanteng salungatin sila.

Nakita ko agad ang lalaking nakapulot ng ballpen ko dahil sinabi niya sa sakin kung ano ang kulay ng suot niya at kung ano ang features niya.

"H-Halene..."

Almost every men in the campus had a crush on me pati na rin sa dalawang Sandoval, Raix and Kade. Still, I never liked anyone of them and I never even bothered to date anyone.

"Where's my pen? Do you have it?"

Mabilis itong tumango. "Y-Yeah..."

Nilahad ko naman ang kamay ko sa kanya. "Can I have it now?"

"Ah..." Sa halip na ang pen ko ang ibigay nito sa akin nagdala ito ng container sa kamay ko. "G-Ginawan kita ng pasta... s-sana magustuhan mo."

Pasta?

Napatingin din ako sa gawing likuran nito nang makita ko si King.

"Ito pala 'yung--" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang magmadali akong lagpasan siya para sundan si King.

"King..." I called him.

Sanay na akong sundan ito kahit na mataas ang takong ng sandals ko.

"King Kalzifer!"

Alam kong naririnig niya ako at sinasadya niya lang na hindi huminto at hindi ako lingunin.

Tuwing makikita ko siya, hindi ako magdadalawang isip na lapitan siya thinking na baka pansinin niya rito ako o at least ay maging mabait na siya sa akin.

"King mylabs!"

Nakita kong huminto ito. Gusto niya lang pa lang matawag na mylabs. Sana ay noon ko pa siya tinawag na ganoon.

Nagchi-chismisan na naman ang mga tao sa paligid na nakarinig sa kung paano ko ito tinawag.

Bumaling ito sa akin na may masamang tingin. "Stop being stupid."

"You're ignoring me."

"Do you like me?"

Napatigil ako at napalunok ako sa tanong nito. Alam na kaya niya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya?

Pakiramdam ko ay umurong agad ang dila ko. Even I was being too obvious that I like him, hindi ko pa rin iyon magawang aminin sa kanya.

"I don't feel the same way. There's nothing in you that I like. Stop bothering me."

He turned his back at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Humigpit ang kapit ko sa hawak kong container. Sa totoo lang, hindi lang si Zice ang pasmado ang bibig, his mouth as well!

There's nothing in me that he likes? Duuuh!

Pinagkakaguluhan ako ng mga lalaki sa campus at sa kahit saang club. He must be thankful na sa dinami-raming lalaking nagkakandarapa sa akin siya ang panget na nagustuhan ko!

How dare him hurt me this way?

"King-ina mo talagaaa!" I shouted nang mawala ito sa paningin ko kasabay ng paghagis ko sa hawak kong container pero...

Namilog agad ang mga mata ko nang bigla na lang may dumaan sa direksyon ng container at kung sinuwerte nga naman ay tumama iyon sa ulo niya at sumabog ang spaghetti sa buong ulo niya. Nagmukha siyang pagod na si Hetty na nag-full time job sa Jollibee Anonas branch.

Lalong lumaki ang pagkakabukas ng bibig ko nang bumaling ito sa akin na my masamang tingin sa mga mata.

Sa sa dinami-raming tatamaan, iyon pang masungit na supladong transferee na sigurado akong may 6 pack abs under his clothes!

"Oh... Oh my god..." Napahawak na lang ako sa bibig ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#sandoval