FROM YEAR 2012

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

FROM YEAR 2012

"One, two, three" sabay naming binuhat ni Sarah ang mesa papunta sa kabilang parte ng library

Parehas tagaktak ang pawis namin dahil kanina pa kami naglilinis dito. Well, hindi naman talaga 'DAPAT' kami ang maglilinis, sinamahan lang namin yung isa naming kaibigan maglinis. O diba? Bait namin

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang palda ko, wala namang makakakita eh. Kaming dalawa lang naman ni Sarah ang nasa part na to. Si Jamie nasa first floor naglilinis kasama yung librarian

"When it comes to karupukan, numero uno ka talaga, Viona Ally Ignacio" biglang sabi ni Sarah saka nag map ng sahig

Umupo ako sa sahig saka tiningnan sya "Yah! Anong karupukan? Ikaw rin no, marupok ka rin" wika ko saka tinulungan sya sa pagma map

By the way, I'm Viona Ally Ignacio, Vie for short. I'm 21 years old and a 4th year college student. I have two girl best friend, Chesarah Gayondato and Kimjamie Herrera. And yun nga, kasalukuyan kaming nandito sa library para maglinis, although may janitor naman para maglinis dito kaso wala  dahil Sunday ngayon

Sunday pero nasa school kami. Wala namang problema yun dahil nakatira kaming tatlo sa dorm. And aalis din naman kami maya maya kapag natapos na kami sa paglilinis. Isa rin kasi itong library sa paborito naming pagtambayan. May mga libro kasi dito na paborito naming basahin, dito rin kami madalas magtagal kapag natatapos ang klase

"Hay sa wakas natapos din" nakahingang maluwag na sabi ni Sarah saka nag unat. Tumayo ako at ganon din ang ginawa. Yes, tapos na

Kinuha namin ang sling bag namin saka bumaba, nakita namin na parang seryosong nag uusap si Madam Luz—yung librarian at si Jamie. Nagtaka naman ako, ano kayang pinag uusapan nila?

"Paano naman po naging mysterious ang year 2012? Eh tapos na po yun" rinig naming sabi ni Jamie

Tumabi kaming dalawa ni Sarah sa kanya saka naki usyoso. Hehe, dito muna kami papahinga saglit

"Bakit? Ano meron sa 2012?" Biglang tanong ni Sarah, naunahan nya ako sa pag tanong nun

Huminga naman ng malalim si madam luz bago nagsalita "wala ba kayong kaalam alam sa taong iyon?"

Napakunot noo naman ako, 2012? Ano ba meron dun?

Parang awkward na tumawa si Sarah "hehe, madam luz, ang tagal na nun. Mag e 8 years na kaya mula nung matapos ang 2012. High school pa ata kami nun eh, wala na nga akong matandaan" wika nya

"True" pagsang ayon ko "antagal na nun, wala akong matandaan na nangyari nung taong yun" dagdag ko

Sumandal naman sa sandalan si madam luz "kababata nyo pa para maging ulyanin" aniya "sabagay, sino nga naman ba ang makaka alala ng taong yun. Parang iilan lang talaga ang nakakaalam kung ano talagang nangyari" saka dumapo ang tingin nya sakin

Sinalubong ko naman ang tingin nya saka humalumbaba sa mesa "bakit po? Ano po bang nangyari?" Curious na tanong ko. Pang napaka mysterious masyado gaya nga ng sabi ni Jamie kanina.

"Basta" wika nya saka tumayo "Mula nung matapos ang  ika-21 ng Desyembre noong taong iyon, maraming nagbago"

Mas lalo akong nagtaka, December 21, 2012?

"Birthday mo vie yung December 21 di ba?"tanong ni Jamie

Tumango ako. Taeee, parang kinilabutan ako bigla sa tingin ni madam luz

Ngumiti sya, mas lalo akong kinilabutan "that's for you to know, Ms. Ignacio" aniya saka binalingan ng atensyon sina Sarah at Jamie "sige na, pwede na kayong bumalik sa dorm nyo. Salamat sa pagtulong sa paglilinis"

Tumayo naman ako saka naunang lumabas. Naka kunot pa rin ang aking noo at inaalala kung anong mayroon nung December 21, 2012.

Parang wala namang nangyari, wala talaga akong maalala

Naramdaman ko ang pag ihip ng malakas na hangin. Nagsiliparan ang mga dahon pati ang buhangin. Napapikit ako saka kinusot kusot ang mata. Shit na hangin, pati ako napuwing

Napakurap kurap ako ng mata ng mapansin ko ang pag iba ng paligid. Wait, anong nangyayari?

"Who are you" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko ang isang lalaki na prenteng nakasandal sa puno habang may nguya nguyang  bubblegum sa kanyang bibig

Di ako sumagot, sa halip ay iginala ko ang aking paningin sa kabouan ng lugar

Where the hell am I?

Napatingin ako sa wristwatch ko, kumunot ang noo ko ng makita kung anong oras at petsa ang nakalagay dun

3:45pm

12/19/12

Napatingin ulit ako sa lalaki , he still looking at me. "Anong taon to?" Tanong ko sa kanya

"Why are you asking?"

"Masama bang mag tanong?"

"I'm the first who asked " seryosong wika nya "So, answer me"

Napameywang ako saka lumapit sa kanya "Require bang mag English kapag ikaw kausap?" Pagtataray ko "nasa Pilipinas tayo no, so magtagalog ka"

"I don't want to" aniya sa nilagpasan ako

Nanlaki ang mata ko ng tumagos sya sa katawan ko, shit!

"I guess you're from year 2020" aniya saka tumingin sa relong pambisig nya "I'm Luke Stevens, a time traveler. And it seems you're accidentally got inside on that fucking black hole" badtrip na dagdag nya

"Heh, black hole mo mukha mo" asik ko saka umupo sa damuhan "so ano nga? Anong year to?"

"2012" maikling sagot nya

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, shit!. 2012 talaga? Akala ko pinaglalaruan lang ako ng wristwatch ko

"Now answer me, what's your name?"

"I'm Viona Ignacio" sabi ko saka humalumbaba. Bigla kong naalala yung sinabi ni madam luz kanina, yung about sa nangyari nung 2012. Napatingin ako sa lalaki "hey, can I ask you something?"

"What is it?" Parang bored na wika niya

"Diba sabi mo 2012 ngayon?" Sabi ko sa kanya, tumango naman sya "ano ba talagang nangyari?"

Nako curious talaga ako. I don't know why? Basta yun, gusto kong malaman

"Gusto mo talagang malaman?" Tanong nya, tumango naman ako. Shet, ang swabe ng boses hihi

May pinindot syang kung ano sa wristwatch nya saka dinikit yon sa wristwatch ko. Biglang dumilim ang paligid at lumabas ang isang parang screen na ewan, basta yun. Isa isang nagplay doon lahat, mula ng January-December 2012

"Kung pakiramdan mo ay maiksi lang ang taong 2012, nagkakamali ka" panimula nya "there's a lot of things na nangyari sa taong iyan. Yan din yung taong sinasabi nila na mag e end of the world na. They say on December 21, 2012 there's a planet na tatama sa earth. Which is impossible dahil buhay ka pa naman hanggang ngayon"

May isa pang nag play roon, wait-- is that me??

-

"Eyy, Viona" tawag nung lalaki dun sa batang ako

"Umalis ka nga Luke! Nag aaral ako!" Sabi nung batang ako

_

Luke?

Napatingin naman ako sa lalaki. Same name sila nung batang lalaki

"Bakit ba nagagalit ka sakin? Ayaw mo ba na crush kita?"

Natawa naman ako dun sa sinabi ng batang lalaki. Crush pa nga hahaha

Biglang nag iba ang scene nun, parang nasa birthdayan. September 12, 2012 yung date

"Happy 14th birthday Luke my boy best friend" nakangiting bati nung batang ako dun sa batang lalaki saka inabot yung regalo? Oh? Ano naman kaya yun?

Boy best friend? May kaibigan akong lalaki? Ehh?

"Thank you Yona" nakangiting sabi nung lalaki sa kanya, di na pala sila bata hahaha, 14 daw eh

Bigla ulit nag iba yung scene. Nasa bus sila, nakita ko yung date non December 21, 2012. Ang birthday ko

"Happy 14th birthday Yona" nakangiting bati nung batang lalaki sa batang ako habang nakasakay sila ng bus.

_

"Saan sila pupunta?" Tanong ko kay Luke

"Field trip" tipid na sagot nya

Ibinalik ko ang atensyon sa pinapanood ko. Parang may masama akong napi feel jan sa bus na yan. Nabigla ako ng gumewang gewang yung bus at bumangga sa railings ng tulay, saka ito tumumba sa gitna nun

Napaawang ang labi ko ng makitang duguan lahat ang pasahero nun. Pati yung batang lalaki duguan.

"Di mo sila maliligtas" napalingon ako kay Luke, nanlaki ang mata ko ng makitang duguan din siya. Parehas silang duguan, siya pati yung mga batang nasa loob ng bus

"Hala! Ba't pati ikaw duguan din?" Tanong ko saka hinawakan ang braso nya at tiningnan yun

"I'm so glad na nakaligtas ka Yona" nakangiting sabi nya sakin, parang bumigat naman ang dibdib ko ng makitang tumulo yung luha nya. "And also sad, kasi di man lang tayo magkasamang tumanda" anya saka pinisil ang kamay ko

"Madaya ka, kinalimutan mo na ako" wika niya habang pinaglalaruan ang daliri ko "after ng accident na yun kinalimutan mo na ako ng tuluyan" malungkot na sabi niya

I'm so speechless, di ko alam kung anong sasabihin. Kung anong irereact

"Ako yung batang lalaki na nandoon Viona. Ako yung boy best friend mo noon. Akala ko makaka survive ako after ng accident na yun pero hindi. Di ko natupad yung promise ko sayo na magiging tayo paglaki natin" malungkot na sabi nya "ang tagal kong naghintay Yona, eight years, finally makakapag paalam na rin ako ng maayos sayo" aniya saka pilit na ngumiti

"Don't cry Yona, pumapangit ka" aniya saka natawa. Napapunas naman ako ng luha saka huminga ng malalim

"Goodbye my girl bestfriend. And advance happy birthday always remember that I love you take care" aniya saka lumayo

Unti unti na syang naglalaho

"Luke!"

__

"ILANG ORAS MO BALAK MATULOG JAN VIONA ALLY IGNACIO!"

mabilis akong napamulat ng mata saka napa upo. Shit! Panaginip lang yun?

"Hala ba't ka naiyak?" Biglang sabi sakin ni Sarah

Napahawak ako sa pisngi ko, tama sya may luha nga. Napatingin ako sa braso ko, there's a blood stain

Huh?

"Teka kukunin ko lang yung bag natin sa library" sabi ni Jamie saka umalis

Nakita ko naman si madam luz na papalapit samin ni sarah. "Alam mo na siguro kung anong nangyari" wika nya, tumango lang ako "bisitahin mo siya sa sembreak nyo" dagdag nya saka umalis

Napatingin naman sakin si Sarah "sinong bibisitahin?"

Umiling ako "a friend" sagot ko 

Bumuntong hininga ako saka tumingin sa langit.

So yun pala yun, December 21, 2012, my 14th birthday and also the death date of my boy best friend and schoolmates 

Paano ko naman nakalimutan ang isang malagim na nangyari mismo sa araw ng aking kaarawan? Paano ko basta bastang nakalimutan ang lalaking nagligtas sakin nung araw na iyon?

I'm such a stupid to forgot those painful memories

--------------END--------------------------

8/9/21

HAZELEVIIIII 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro