HINDI KITA PIPILITIN

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HINDI KITA PIPILITIN

Ps:

Special credits sa Nemic, dahil sa kanta nilang 'hindi kita pipilitin' ay nasulat ko ang ONESHOT na to. Relate ako sa song nila sobra •́  ‿ ,•̀

---

"Ang tagal na kitang crush no, pang limang beses na ngayon" matapang kong wika habang nakatingin mismo sa mga mata niya.

Tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking to. Lagi naman siyang ganyan sa tuwing sinasabi ko sa kanyang gusto ko siya. Wala siyang imik at nakatingin lang sa akin.

Siguro iniisip nanaman ng lalaking to na pinagtitripan ko siya. Pshhh

"Uyy, ano? Para kang nabato jan." Sabi ko at siniko siya. "Para namang others to oh, wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong ko

Seryoso lang siya habang nakatingin sa'kin. Malayo sa itsura niya kapag kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. Ang cute niya nga ngumiti eh, pag sa iba. Pero pag sa'kin lagi siyang seryoso, kapag nasa mood naman inaasar niya ako at tinataasan ng kilay. 'bakla siguro to'.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at umiwas ng tingin. Nakamasid lang ako sa mga kilos niya, gaya ng lagi kong ginagawa kapag nakikita o kasama ko siya.

"Ano namang nagustuhan mo sa'kin?" Kunot nuong tanong niya. Ngumiti ako at nagkibit balikat. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko siya nagustuhan.

"Hindi ko alam" sagot ko sa kanya. "Dapat ba may dahilan?"

Mula sa pagkakatingin niya sa malayo ay ibinaling niya ang atensyon niya sa'kin. Umiling siya "Simpleng tar*nt*do lang ako, imposible yang sinasabi mo Val" aniya at tumingin ulit sa malayo.

"Oi wag ka nga, yan nga yung nagustuhan ko sa'yo." Napangusong sabi ko. Puro nega nanaman siguro laman ng utak neto.

"Ngayon lang yan" aniya at bumaling ulit ng tingin sa'kin. "Mawawala rin yan, just like others." Dagdag niya.

Doon palang, alam ko nang nireject niya ako.

----

Ilang buwan ang nakalipas mula nang makatanggap ako ng tugon mula sa kanya. Hindi na ako nagpasulpot sulpot sa harap niya. Madalang na rin kaming magkita. Siguro dahil sa inis ko sa kanya. Bakit naman kasi ganon? Bakit tingin niya katulad ako ng iba na sa una lang nagkakagusto bago mawawala rin katagalan?

Haler, five times, limang beses ko na siyang nagustuhan. Para namang lugi pa siya don pshhh.

Kasalukuyan akong nagi-scroll sa fb, Wala, inamag messenger naten mga besh. Nag check ako ng message, nakita ko ang name ni Del na nangunguna sa active list ko.

Napangisi ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Pinindot ko iyon at nagchat sa kanya.

Me: hoyy

Ilang minuto ang nakalipas bago ito mag reply.

Del: oi?

Me: May ginagawa ka ba?

Del: Wala
Del: bakit?

Me: paturo naman oh

Del: nang alin?

Mahina akong natawa dahil sa kalokohan na nasa isip ko.

Me: can you please teach me how to un-crush?

✔️✔️seen

Nag seen lang siya. Mukhang masi seenzoned ako hehe. Nabuhayan ako ng loob ng makita ko siyang mag type.

Del: ha?

Me: hakdog

Del: ano na namang k*t*rant*duhan yan val?

Me: Mweheheehhe, seryoso ako 😗 any tips

Del: tanggalin mo yung mukha para matapos na

Natawa naman ako dahil sa sinend niya.

Me: so, tanggalin ko mukha mo ganon?

Del: Val

Me: charing lang

Nag seen nalang siya pagkatapos no'n. Hayss nakulitan na siguro siya sa'kin 🤧

----

Ilang araw after no'n ay nakita ko siya ulit, I was about to call his name, nang makita ko na may kasama siyang babae. Nagsalubong ang kilay ko at sinundan nalang sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Who's that pokemon??

Day after day, lagi ko silang nakikitang magkasama. Masakit sa part ko syempre. Hanggang tingin lang ako sa kanila. Ayoko namang I approach si Del. Nakakahiya sa kasama niya.

Sana man lang sinabi niya sa'kin na may nagugustuhan siyang iba. Maiintindihan ko naman.

Ibinaling ko nalang sa ibang bagay ang aking atensyon. Siya ang naging paksa sa bawat tulang aking isinusulat. Madalas ay napupuri ako ng iba, masarap sa pandinig ngunit iba ang hinahanap ko.

Araw ng mga puso. Valentine, pangalan at kaarawan ko. Ako'y nakatayo sa entablado ng school, nakatingin sa mga kamag aral kong makikinig ng Spoken Poetry na ginawa ko.

Habang ibinibigkas ko ang mga salita na laman ng aking tula ay nakita ko siya, nasa malayo. Nakapulang damit kasama ang babaeng kasintahan niya. Oo, nalaman ko na gf niya pala yong lagi niyang kasama. Nakita ko rin sa fb.

Bakas ang bawat emosyon sa binibitawan kong salita. Pansin ko rin ang iba't ibang reaksyon ng mga nanonood sakin habang akoy tumutula. Kasabay ng pagbagsak ng aking luha ang huli kong kataga.

"Hindi kita pipilitin at ipapaubaya na sa iba."

Nakatingin lang ako sa kanya ng mga Oras na yon. Nasa isip ko na dito ko na ititigil ang pagka gusto ko sa kanya. Ito na ang huling beses na titingnan ko siya sa mata. Huling beses dahil lalayo na ako para kalimutan siya.

Masakit. Pero tama na. Hanggang dito nalang. Ayoko na

----------------------------------------------------------------

H.L.A.C •||• 11/13/2022

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro