Chapter 10: Same Book

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kimmy

Nang magbukang liwayway, nanatili akong nakasandal sa puno kaharap ang malaking hayop. Habang ang tatlo ay tulog pa rin. Nakayakap si JD sa paa ng hayop habang si Yuan naman ay nakaakap sa kamay nito. Si Tyler ay nakatanday ang paa sa hita ng hayop.

Mukhang sarap na sarap sila sa pagtulog nila habang ako ay dilat na dilat. Ilang beses kaninang madaling araw na may naligaw na mga asong lobo rito.

Alulong pa nga ng alulong sa akin at tinatahulan ako.

Dahil sa inis ay hindi ako nakapagpigil. Tinahulan ko rin sila. Hindi ko lang alam kung ano ang pagkakaintindi nila sa tahol ko. Basta bigla na lang umalis ang mga lobo.

Nakita ko ang pagdilat ng mga mata ni Yuan at napatingin sa akin. Ngunit mayamaya ay natawa siya at bumalik sa pagtulog.

"Umagang-umaga, mukha agad ni Kimmy nakikita ko," aniya at natawa pa.

Mukha siyang lasing. Wala sa sarili.

Kinapa niya si JD na nasa likuran niya at dahan-dahan na humarap. Inabot niya ito at kinalabit upang magising.

"Patulugin mo ako!" asik ni JD kay Yuan.

Tawang-tawa na gumapang si Yuan kay JD at bumagsak sa tabi niya. Biglang umatungol ang malaking hayop.

"Ay!" aniya na may mapupungay na mga mata. Mayamaya ay hinipo nito ang tiyan ng hayop. "Sorry, Kimmy, tulog ka na ulit." Paghele niya sa hayop. Hinalikan niya pa ito.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinabi niya. Pinangalanan niya ang hayop na ito? At kinuha pa talaga ang pangalan ko.

"Yuan..." bantang usal ko.

Napabaling siya sa akin. Napatawa pa ito at tila nakakita siya ng ilusyon. Bumaling siya kay JD at niyugyog ito.

"Oy! Tignan mo, nakikita ko si Kimmy rito, o!" Mukhang hindi pa siya naniniwala na totoo ako.

Unti-unti akong tumayo ay lumapit sa kanila.

"Yuan..."

Bigla siyang tumawa. "JD, palapit na siya!" Pero hindi nagising si JD.

Habang tumatagal na papalapit ako sa kaniya, unti-unti ng tumigil ang kaniyang pagtawa at dahan-dahan na nanlaki ang mga mata. Tila ba naniniwala na siya na totoong Kimmy ang nakikita niya ngayon.

"JD!" sigaw niya.

Bumilis din ang pagyugyog niya kay JD dahilan upang mapabangon ito. Tumingil ako limang hakbang ang layo mula sa kanila.

Agad akong itinuro ni Yuan na hindi pa rin makapagsalita. Bumaling sa akin si JD at pinaningkitan pa ako upang siguraduhin na ako nga ito.

"Kimmy!" masayang usal niya. "Kimmy?!" Na naging aligaga kasama ang panlalaki ng mga mata. "Si Kimmy nga!"

Tinanggal ko ang jacket na nakasuot sa akin at marahas na ibinato ito kay Tyler dahilan upang mapabalikwas siya ng bangon. Kapagkuwan ay bumaling sa dalawa.

"Parang gulat na gulat kayo ng makita ako?" asik ko.

Pupungas-pungas na tumabi sa akin si Tyler at pinagmasdan din ang dalawa.

"Malambot d'yan? Pasubok naman!" ani Tyler.

Nabuhayan ang dalawa. "Oo naman, tara, sakay kaㅡ"

"Sandali!" sigaw ko na ikinatigil nila. "Nag-aalala kami roon habang kayong dalawa, nagpapakasarap na humiga dito saㅡ" Tinuro ko ang hayop.

Sumabat si Yuan. "Si Kimmyㅡ"

"At talagang ipinangalan n'yo pa sa akin?! Mga tampalasan kayo!"

"Wow, deep naman," ani Tyler. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Mga bwisit kayo! Ang akala namin ay patay na kayo at nakain na kayo ng mabangis na hayop! Tapos ngayon, hinihigaan niyo pa?!"

"K-kimmy, let us explainㅡ" Napatigil si Yuan sa pagsasalita at tumingin sa hayop.

Taka itong tumingin kay Yuan at tumagilid ang ulo. Kapagkuwan ay dahan-dahan na umupo ito dahila upang mapa-slide sina Yuan at JD at bumagsak sila sa isa't isa sa lupa.

Dinakma ng hayop ang dalawa at tsaka ipinatayo ang mga ito. Nagulat pa ako nang pagpagan sila ng hayop.

Taka akong nakatingin sa kanila. Pabalik-balik ang tinggin ko.

"'Yan ba ang mabangis na hayop na sinasabi mo?" Lumapit pa ako kay Tyler upang bumulong.

Bumulong siya pabalik, "Oo yata. Iyon kasi ang pinaniniwalaan namin dito dahil sa mga kwento kwento ng mga gwardya."

"Gwardya?"

Tumango siya. "Mga gwardya ang nagpakalat ng sabi-sabi at may ipinakita rin sila sa aming pruweba na sinalakay sila nito."

Sabay kaming napabaling kila JD nang biglang umatungal ang hayop at inabot ang pulot pukyutan. Tsaka nito binigyan sina Yuan at JD na agad din nilang tinanggap. Nang mapabaling sila sa akin ay pinanlakihan ko sila ng mga mata.

Ngunit ang dalawa ay tinawanan lang ako at tila wala na naman sa sarili.

Bumaling ulit sa akin si Tyler. "Kakaiba ang pulot pukyutan na iyan, nakakalasing at nakakawala sa sarili. Kaya h'wag ka na magtaka kung gan'yan sila."

Napabaling ako sa kaniya.

"Paano natin sila mapapauwi?" Napahikab ako. "Inaantok na ako."

Nang balingan ko sila ay naabutan ko si Yuan na nakatingin sa akin. Kapagkuwan ay gegewang-gewang itong lumapit patungo sa akin.

Akma niya akong hahawakan nang lumayo ako.

Ngunit hindi siya nagpatinag. Tumawa siya at lumapit ulit sa akin. Nang magtagumpay siya na hawakan ako ay agad kong naramdaman ang malagkit na mula sa pulot pukyutan. Marahas kong binawi ang kamay ko at agad itong lumipad sa mukha niya.

Kasabay ng malakas na pagsampal sa kaniya ay ang malakas na pag-atungal ng hayop. Sa oras ding iyon ay nagliparan ang kung anong maliliit na hayop mula sa itaas.

Napako ang tingin ko sa langit at hindi makapaniwala sa mga nakikita. Tuyo ang mga puno sa dahon ngunit kitang-kita ko pa rin ang mga paglipad nila.

Alam ko ang mga hayop na ito.

Madalas itong ikuwento ng aking lola.

Mga ibon.

Kung sa district five, ang mga nakikita ko lang ay ang liwanag mula sa nagliliparan na mga sasakyan at nakalutang na syudad. Ngayon, ang nakikita ko ay ang nagliliparang ibon.

Napahawak ako sa aking dibdib at napaluhod sa lupa. Ganito pala ang pakiramdam na maging malaya? Hindi man lubos ngunit nararamdaman ko ang pag-asa.

Patuloy pa rin sa pag-atungal sa akin ang hayop ngunit agad itong nilapitan ni Yuan.

"Kimmy bear, shh. She's a friend of mine, okay? Her name is Kimmy, too."

Bagama;t tila wala sa sarili si Yuan ay agad niya ring napatahan ang hayop. Itinagilid nito ang kaniyang ulo na tila iniintindi ang sinasabi ni Yuan sa kaniya. Bahagya pa akong tinuturo ni Yuan.

Pero nag-iba ang kundisyon ko. Nanlabo ang aking mga mata at tila umikot ang paligid. Napabaling sa akin si Yuan ngunit bago ko pa mahinuha ang reaksyon niya ay agad na dumilin ang aking paningin at nakaramdam ng pamamanhid.

Bumungad agad sa akin at bubong ng bahay ni Tyler nang idilat ko ang aking mga mata. Ngunit sandali lang iyon dahil agad akong napapikit muli.

---

Marahil ay lumipas na ang ilang oras bago tuluyang dumilat ulit ang aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon at iginala ang aking paningin. Nasa kwarto pa ako. Pero paano ako nakapunta rito? Ang pagkakaalam ko ay nasa gubat kami kasama ang mabangis na hayop.

Natigilan ako nang marinig ang malakas na atungal sa labas ng kwarto. Maging ang malakas na tawanan at halakhakan ay dinig ko.

Dahan-dahan na bumaba ako sa kama at binuksan ang pinto. Dito bumungad sa akin ang halimaw na nasa loob ng bahay. Sira ang kanilang pintuan, madilim na sa labas. habang tila lahat sila'y wala sa tamang pag-iisip. Maliban na lang kay Yuan na nakaupo sa gilid at pinagmamasdan sila.

Nagtagpo ang aming tingin nang iangat niya ang kaniyang mukha. Marahas siyang napatayo at may pag-aalalang mukha na lumapit sa akin.

"Ayos ka langㅡ"

Iminuwestra ko ang kamay ko sa kaniya dahilan upang mapatigil siya sa pagpunta sa akin.

"Ang baho mo," aniko at nilagpasan siya.

Pasuray-suray na tumayo si Marisa at lumapit sa akin dala ang baso na may laman na kulay dilaw at malapot na bagay. Sa pagkakatanda ko, ganito ang pulot pukyutan na kinain nina JD at Yuan kaya nawala sila sa kanilang mga sarili.

"Kimmy! Now you're awake, inom tayo! Ang tagal mo naman matulog."

Kumunot ang noo ko. "Ilang oras ako nakatulog?"

Nagbilang siya sa kaniyang kamay. "12 hours! Grabe ka!" aniya na ikinalaki ng mga mata ko.

"12 hours?! E 'di hindi tayo nakaalis?"

Umirap siya sa akin. "Malamang! Kaya nga tayo nandito pa rin hanggang ngayon, 'di ba? Ang kulit kasi ni Yuan, ayaw umalis hangga't hindi ka pa gising!"

Napabaling ako kay Yuan. "Bakit hindi tayo umalis?!" sigaw ko.

Tumaas ang kilay niya. "Tulog ka pa, e. Ini-expect mo ba bubuhatin kita?" aniya na ikinatahimik ko. Inirapan ko siya at sumilip sa labas.

Nanlumo ako habang pinagmamasdan ang tahimik na lugar. Nasayangan na naman kami ng isang araw. Napakatanga mo, Kimmy! Bakit naman kasi natulog ka?

Binalingan ko ang mga kasamahan ko na nagsisiyahan.

Ano pa ba ang magagawa ko? Maghihintay na lang talaga ako para maging maayos ang pag-alis namin. Masakit man sa akin, nalapit na kasi ang loob ko sa triplets. Lalo na sila. Pero kailangan talaga naming gawin ito.

Lumabas ako ng bahay at naupo sa may batuhan. Hinayaan ko ang hangin na tangayin ang buhok ko at dinamdam ang lamig nito sa aking balat. Hindi tulad sa district five na hindi kalamigan ang hangin, pero nakakapawi pa naman ng init.

Mapapansin mo rin na iba ang simoy rito. Marahil ay dahil sa klima ng lugar. At baka ito talaga ang natural na hangin, hindi gaya sa district five.

Nakakatawa. Nasa district four pa lang ako at kitang-kita ko na kung gaano kalugmok ang pinagmulan ko. Kitang-kita ang pinagkaiba kahit na sa maliit na mga detalye. Dito, nakakita ako ng iba't-ibang mga hayop; lalo na ang ibon na tawag nila. Iyong lumilipad sa ere. Napakaganda pala talaga nilang pagmasdan.

Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa aking tabi. Hindi ko siya nilingon. Abala ako sa pagtingin sa itaas.

"Hindi ka makakakita ng bituin dito." Boses ni Yuan. "Tinatakpan ng nakalutang na syudad ang mga bituin at buwan, bagama't may araw na nakikita sa umaga, ngunit walang buwan sa gabi."

Nakagat ko ang aking labi. May nagbadyang luha sa akin na hindi ko mahinuha ang dahilan.

"Pagdating natin doon," aniko. "Maaari ba tayong magpalipas ng gabi? Gusto kong makakita ng buwan at bituin." Pagbaling ko sa kaniya ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

Dahan-dahan itong tumango.

Saglit na katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa bago niya itong napagpasyahang putulin na wakasan.

"Pasensya na at hindi kami nakabalik," panimula niya. "Naligaw kami ni JD at napadpad sa kakahuyan. Doon namin naabutan ang oso na kasalukuyang kumakain. Ang akala nga namin ay kakainin din kami, ngunit mabait pa rin ang Diyos at kami ang pinakain ng oso." Tumawa siya.

Bumaling ako sa kaniya na may nakakurbang ngiti sa aking mga labi.

"Paano nga ba ako nakapunta rito?" tanong ko.

Natigilan siya roon at nag-iwas ng tingin. "Sinakay ka namin kay K-kimmyㅡ"

"At bakit nga ba Kimmy ang pangalan ng osong 'yon? Mukha ba akong oso?!" inis na usal ko sa kaniya.

Napalayo siya nang akma ko siyang babatukan.

"Pinag-uusapan ka kasi namin ni JD. At... at narinig no'ng hayop. Kapag binabanggit namin ang pangalan mo. biglang tumatagilid ang ulo niya kaya... tinawag namin siyang Kimmy. Nagandahan yataㅡ"

"Maganda naman talaga akoㅡ"

"Sa pangalan," putol niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at bigla siyang natawa.

"Buti malapit na tayo sa district three. Ibig sabihin ay uuwi ka na..." aniko. Mababawasan na kami at hindi ko inaasahan na malulungkot ako kapag nangyari ito.

Natahimik siya dahil doon.

Bumuntong hininga si Yuan. "Ayaw mo ba akong kasama?"

Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik na nakatingala sa langit.

"Nakakainis ba talaga ako?"

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Pasaway ba ako? Hindi ba ako nakakatulong?"

I still chose to be silent.

"Ayaw mo ba sa akin, Kimmy?"

Nang hindi ako makatiis ay bumaling ako sa kaniya ngunit hindi pa rin nagsasalita.

He bit his bottom lip. Pagak siyang tumawa. "I get itㅡ"

"Mas importante ang pamilya ko ngayon, Yuan." Napatitig siya sa akin. "Wala na akong tatay, pero may lola pa ako. At siya na lang ang mayroon ako. Kaya kung ano man ang nararamdaman mo, please... Just keep it."

Nangungusap ang mga mata niya sa akin.

"But, you're reading the same book, right?"

Tumango ako. "But I guess, we're reading the same book with different point of view."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro