Chapter 9: Soft Bear

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kimmy

Dahil nag-iisa nga akong anak ay hindi ko alam ang pakiramdam ng may kapatid. Hindi ko naranasan na may pagalitan ako dahil sa sobrang kulit. Hindi ko naranasan na may sawayin dahil sa inis.

Pero hindi ko talaga masyadong ramdan ang ikinagagalit ni Tyler sa kaniyang mga kapatid.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanilang bahay. Malaki ito kumpara sa bahay nila Ate Jai pero mas malinis ang bahay nila Ate Jai. Hindi sa pagmamalinis pero mas malinis pa yata ang bahay namin sa district five.

Magkatabi kami ni Marisa sa sofa habang nasa maliit na sofa si Grey.

Inilibot ko ang aking paningin. Kulay pula at brown ang kulay ng bahay nila. May tatlong apat na pinto sa bawat sulok at isang bilog na lamesa na ginta. Kapansin-pansin din ang kadiliman ng ibang parte ng kanilang bahay at tanging maliliit lang ang ilaw na nakabukas.

"Christel, pakikuha ako ng tubig," utos ni Tyler at pagod na umupo sa katabing sofa. Pumikit siya at isinandal ang ulo..

Habang ang kambal na babae ay nagkatinginan.

"Ikaw na kumuha, Sophie."

"Hala, Christel nga raw, 'di ba? E 'di ikaw ang kumuha!"

"Ih, ayaw ko, may gagawin pa akoㅡ"

"May gagawin din ako! Kuhaan mo na si kuya, baka magalit pa!"

Marahas na dumilat si Tyler at padabog na tumayo tsaka siya ang kumuha ng tubig. Ang dalawang kapatid naman niya ay lihim na nagsisihan.

Nakaramdam ako ng hiya bigla. Parang magiging pabigat pa kami rito sa bahay nila. Hindi na bale, isang gabi lang naman kami magpapalipas at kinabukasan pag-angat ng araw ay lilisan din kami rito. Kailangan namin makapunta sa district one sa lalong madaling panahon.

Makakapunta na rin kami sa district three kung saan ang tirahan ni potato boyㅡspeaking of Yuan, nasaan na nga ba sila? Madilim na sa labas at hanggang ngayon ay hindi ko pa sila nakikita.

Kasama pa naman niya si JD, isang rin iyong duwag, e.

Tumayo ako at sumilip sa siwang ng bintana. Wala ng tao sa labas at sobrang tahimik. Halos maririnig mo ang pagsimoy ng malakas na hangin.

Maya-maya ay narinig ko ang tunog ng babasaging plato. Nakaamoy din ako ng mabango at kaakit-akit na amoy dahilan upang kumalam ang sikmura ko.

Lumapit ako sa kanila at naabutan sina Grey at Marisa na tumutulong sa paghahain sa hapag.

"Hindi pa talaga kayo nakakakain ng karne?" gulat na tanong ni Christel. Umupo ito sa tabi ng kaniyang kuya habang si Sophie ay nasa kabilang tabi rin.

Pinaggigitnaan nila si Tyler. Ganoon din kami kay Grey.

"Oo, mahal kasi ang mga bilihin sa pamilihan, tsaka mas malapit ang bilihan ng mga gulay. Kalimitan ng pagkain namin ay nilagang patatas o sinabawan na patatas."

Napangiwi si Tyler. "Nakakasawa."

Grey chuckled.

"Wala rin naman kaming pagpipilian. Basta malamanan lang ang sikmura namin ay ayos na kami."

"Hindi kayo nagsasawa?"

Sabay kaming tatlo na umiling.

"Sophie, could youㅡ"

"Ito kainin n'yo, masarap 'to."

Natigilan kami. Bumuntong hininga si Tyler at bumaling sa kapatid. Akma itong magsasalita nang magsalita si Christel at tanungin kami.

Hindi naman kami makasagot. Parang nakakabastos sa part ni Tyler ang asal ng dalawa.

"Tang...ina!" asik niya na ikinatigil namin. "Wala na kayong galang dalawa." Marahil dahil sa inis ay hindi na nakapagtimpi pa si Tyler. "Hindi n'yo na ako sinusunod, binabaliwala n'yo pa ako. Kapatid n'yo pa ba ako?"

Ang nakakurbang mga labi ng magkapatid pataas ay kumurba pababa nang mapagtanto ang naging mga asal nila kanina. Natigilan sila at nagbaba ng tingin.

Habang kaming tatlo ay tamang higop lang ng sabaw at nanonood sa kanila.

"Sabihin n'yo lang kung hindi n'yo na ako kinikilalang kapatid para alam ko! Hindi 'yong babastusin n'yo ako at hindi susundin! Nakakagago na kayong dalawa, e."

"Sorry poㅡ"

"Shut up! Wala akong sinabi na magsalita ka." Tumingin siya sa mga kapatid niya. "Nagtatrabaho ako at hinahayaan kayo sa gusto n'yo. Hindi ko kayo pinapayagan na magpaligo ng baka, simpleng pagpainom lang hindi n'yo magawa? Hindi ko rin kayo inuutusan magluto, simpleng pagkuha lang ng tubig hindi n'yo magawa?!" Marahas itong tumayo. "Mga bastos!" aniya at tuluyan ng lumisan.

Kinain ko ang huling karne sa aking plato at pinagmasdan ang dalawa na ngayon ay nagsisisihan na naman.

Napailing ako.

"Walang magagawa ang sisihan n'yo, mabuti pa bumawi kayo sa kuya n'yo," wika ni Grey habang tumatawa.

Nagkamot sa ulo si Christel. "Binibiro lang naman namin siya."

"Hindi naman kasi porke't nabibiro ay lagi ng bibiruin." Kumuha ako ng pritong manok at kinagatan ito. "May oras na seryoso at may oras ng biruan. Hindi lang iisa ang mood ng tao. Kaya sa susunod, matutong magseryoso sa oras ng seryoso."

Sumabat si Marisa. "Tsaka, kahit triplets kayo ay mas matanda si Tyler. Mas nauna siyang nabuo. Kuya n'yo siya at kailangan n'yo s'yang respetuhin."

Tumango ako at bumaling sa mga pagkain.

"I-Ito bang hinanda n'yo ay pang-isang gabi lang?"

Tumango silang dalawa.

Nagkatinginan kami nina Grey at Marisa, kapagkuwan ay sabay na nilantakan ang mga nakahain sa mesa. Napakarami naman kasi ng ulam na nandito tapos pang-isang gabi lang naman pala.

Nagtabi pa ako ng mga karne at gulay para kina JD at Yuan, baka sakaling makabalik sila rito.

Habang sina Sophie at Christel naman ay inilayo ang plato ng kuya nila na may laman pang pagkain.

Matapos namin kumain ay nagprisinta na ako na ako ang maghuhugas ng plato. Makabayad man lang kami sa naitulong nila sa amin. Pero bago iyon ay dinala kami ng magkapatid sa kwarto na tutulugan namin.

Isang kwarto para sa aming tatlo. Sa kama kami ni Marisa habang sa airbed si Grey.

Nang maglaon ay iniwan ko sila sa kwarto at ako naman ay pumunta sa kusina upang maghugas ng plato. May poso sa kanilang bahay na pinagkukunan ng tubig at doon ako nag-igib.

Habang nagsasabon ay bigla akong natigilan dahil sa kabang naramdaman. Mabagal ngunit sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Wala pa pala sina Yuan at JD. Wala man akong pakialam kay Yuan pero kasama niya si JD, paano na lang kung may mangyaring masama roon?

Nagulat ako nang may maglagay ng plato sa hugasan. Dito ko nakita si Tyler na kakatapos lang kumain at ngayon ay umiinom na ng tubig habang nakatingin sa akin.

Nagtuloy ako sa pagsasabon ng plato.

Maya-maya ay nagsalita siya.

"Bakit nga pala tatlo na lang kayo, 'di ba lima kayo ng pumunta rito sa district four?"

Unti-unting bumagal ang kilos ko. "Hindi pa bumabalik ang dalawaㅡ" Natigilan ako nang mabuga niya sa akin ang tubig galing sa bibig niya. Gross!

"Sorry..." aniya na tila walang nangyari. "Malamang ay patay na ang dalawang iyon."

Nanlaki ang mga mata ko. "Wag ka nga magsalita ng ganiyan!" Binanlawan ko ang mukha ko. "Napakasama mo."

"Pustahan tayo," aniya. "Kapag buhay sila pababaunan ko kayo ng maraming karne, kapag hindi naman ay kukunin ko ang mga dala n'yong patatas."

Humigpit ang hawak ko sa plato. Maganda ang pusta niya. Sigurado akong malulungkot si Yuan kapag kinuha ang mga patatas niya. Pero paano siya malulungkot kung patay na s'ya, 'di ba?

Ang galing ko talaga.

Tumango ako. "Okay!"

Agad kong binanlawan ang mga plato. Habang si Tyler ay hindi pa rin umaalis sa tabi ko. Nang matapos ay agad akong nagpunas ng kamay at lumabas sa kusina ngunit nakasunod pa rin siya.

Kinuha ko ang bakal na stick mula sa chimney at akmang pupunta sa pintuan upang lumabas nang agad akong pigilan ni Tyler.

"Saan ka pupunta?!" asik niya.

Marahas kong binawi ang braso ko.

"Hahanapin ko sina Yuan at JDㅡ"

"Nababaliw ka na ba? Delikado sa labasㅡ"

"Mababaliw ako kapag may nangyaring masama sa kababata ko, magagalit sa akin si Ate Christi!"

Nagtuloy-tuloy ako sa paglabas at agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik ang buong lugar at may kadiliman din. Ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang ilaw mula sa buwan.

Naramdaman ko ang paglagay ng mainit na bagay sa akin.

"Magsuot ka ng jacket, sobrang lamig," aniya. Nakasuot din siya. "Sigurado ka ba? Baka maabutan tayo ng wild bear."

"Wild bear?" tanong ko.

"'Yong mabangis na hayop. Malaki siya at mabalahibo, matulis ang kuko at malakas kumain."

Nagkibit-balikat ako at binaybay ang madilim na daan hawak-hawak ang bakal na stick. Wala naman akong kakaiba na nakita. Wala rin kaming nakasalubong na wild bear kuno.

Hanggang sa marating namin ang masukal na parte ng lugar.

Sa pagkakaalam ko ay isa itong puno. Ang pinagkaiba lang ay wala itong dahon. Tila matagal na itong patay o talagang naglagas lang? May mga halaman din sa ibaba. Natutuwa ako na nakatagpo ako ng mga ganito subalit hindi ko lang lubos na makita dahil sa kadiliman.

Natigilan kami nang makarinig ng malakas na ungol ng mabangis na hayop.

Nagkatinginan kami.

"Wild bear..." bulong niya.

Tuminggin ako sa gawi kung saan narinig namin ang ungol ng hayop. Hinawi ko ang halaman na tumatabon doon at nagulat kaming dalawa sa aming nakita.

Sakto ang pagkawala ng buwan mula sa mga ulap ay ang pagtama ng sinag nito sa isang lugar.

Napanganga ako nang makita ang malaking hayop na nakahilatang natutulog. Napakalaki nga talaga at mabalbon. Pero ang mga ikinagulat namin ay ang nasa kaniyang tiyan.

Sarap na sarap ang tulog nina Yuan at JD sa tiyan ng hayop na tila ba ito ang pinakamalambot na kama.

Agad akong lumapit sa kanila at nagdahan-dahan nang makalapit ako sa hayop. Nakalaylay ang kamay ni Yuan at mababanayad pa ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nakayakap sa hayop.

"Yuan..." bulong ko.

Tanging 'hummed' lang ang isinagot niya.

"Yuan, that's a wild bear! Delikado!"

"Hmm? Kimmy? Wild bear? No..." parang bata na turan niya. "She's actually a soft... bear. Very soft."

"Kimmy!" Napabaling ako kay Tyler. "Halika."

Sinamaan ko ng tingin si Yuan bago lumapit kay Tyler.

"Bakit? Ano 'yan?"

Iniangat niya ang bagay na kulay sinag ng araw na may malapot na bagay. Napangiwi ako.

"Malamang sila ang kumain ng pulot pukyutan na 'to kaya bagsak silang lahat." Natawa siya. "Ang swerte, nanalo ka paㅡ" Binatukan ko siya.

"Paano tayo makakaalis?"

"Ano pa, e 'di hintayin silang gumising! Masama gisingin ang tulog na hayop." Lumapit si Tyler sa hayop at hinawakan ito sabay higa sa lupa at dito sumandal. "Dito na rin tayo matulog, ang soft nga talaga," ngiting usal niya at pumikit.

Napasintido ako at walang nagawa kung hindi ang sumandal sa kalapit na puno at bantayan sila. Miminsan ay kamuntikan pang mahulog si JD pero ang ikinahanga ko ay biglang paggalaw ng paa ng hayop upang mabaling si JD sa dating puwesto.

Dito ko lang nalaman na malikot din matulog si Yuan. Pabaling-baling sa kung saan. Hindi siguro nakatiis ang hayop kaya gamit ang malaking kamay ay dinaganan nito si Yuan upang mapirmi ito.

Malikot pala ang isang 'to, parang ang steady naman siya noong magkatabi kami?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro