Chapter 5: Time Travel Exists?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kimmy

"Bangon! Maaga tayong aalis, bangon!" paggising ko sa kanila.

Sa totoo lang, wala naman akong balak gisingin sila dahil hindi pa naman sumisikat ang araw. Kaso ayokong maiwan na gising kasama si Yuan na ngayon ay naglalaga na naman ng patatas.

"Ate!" ani Angeline na pupungas-pungas na bumalik sa pagkakatulog. "Later!"

"Anong later? Bumangon na kayo!" Hinatak ko ang kamay ni JD pero napakabigat naman niya. "Mabigat! Argh!" Ginulo ko ang aking buhok at hinayaan na lang sila na matulog.

Nagpunta ako sa puwesto kung saan nakalibing ang papa ko at kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Iniiwasan kong mapatingin kay Yuan. Guilty pa rin kasi ako sa pagtapon ko ng patatas niya kagabi.

Hindi naman siya galit sa akin at wala rin naman siyang sinabi na galit siya—awkward lang talaga para sa akin. 'Yong mga titig niya kasi napakainosente. Bakit ba may mga ganiyang tao?!

"'Wag mo nang guluhin ang pagtulog ng tao, mahalaga 'yun," aniya habang nakaupo sa tapat ng kaldero. "Kumain ka na ba—"

"'Wag mo akong tanungin ng gan'yan! Magtatanong ka kung kumain na ako tapos pipilitin mo akong kumain, tapos kapag hindi ako pumayag ay tatakunin mo ako ng 'eat this or else, I'll eat you'. Pa-fall!" mahabang lintaya ko.

He chuckled using his deep baritone voice. " Ang lawak ng imagination mo, pake ko ba kung hindi ka pa kumain?" Inis akong napalingon sa kaniya. "Mabuti nga 'yon at dalawa ang patatas na sa akin—"

"Maramot!" sigaw ko sa kaniya at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit. "Mabulunan ka sana. Napakaramot mo!"

Nang maglaon at tuluyan ng magpakita ang araw ay nagising na rin ang mga kasama ko. Kumain muna sila bago inihanda ang mga gamit. Ang plano namin ngayon ay pupunta sa district four.

Kukuha muna kami ng makakain dahil panigurado walang magbibigay ng pagkain sa amin sa district three—lalo naman sa district two at one. Baka mamaya sa district three pa lang kami ay pabalikin na agad kami rito. Syempre, hindi kami dadaan sa mga arko ng district. Gagamit kami ng illegal na paraan.

Mahirap para sa akin na lisanin ang lugar na ito. Dito ako pinanganak at nagkaisip. Dito rin ako natuto ng mga diskarte kung paano mabuhay, at nandito rin ang papa ko. Pero ang hirap ng walang choice. Iyong tipong 'do or die' na lang talaga ang naiwan sa amin.

Kailangan kong makita si lola, kailangan naming makuha ang ate ni JD at ang pamilya nina Grey at Angeline. Isa pa, kailangan naming samahan si Yuan pauwi sa kanila.

Gusto ko na nga agad na makapunta na kami sa district three para mawala na sa landas ko ang Yuan na iyan. Puro patatas ang bukang bibig! Mukhang patatas na nga lang ata ang nakikita niya.

"Mamahagi ka naman d'yan," ani Marisa kay Yuan na kasalukuyang kumakain na naman ng patatas. "Penge."

Natigil ang akmang pagsubo ni Yuan at inosenteng tumingin kay Marisa. Isa pa 'yang mga tingin niya. Bakit ba ang inosente ng mukha niya?! Para siyang bata na walang muang sa mundo.

Pumingot ito ng kapiraso sa patatas at binigay kay Marisa bago siya bumalik sa paglalakad.

Habang si Marisa naan ay pinagkatitigan ang kapirasong patatas na ibinigay sa kaniya. "Wow, salamat, a? Mabubuhay ako rito!" aniya at inisang subo ang patatas.

Napakaramot talaga no'n. Mabuluban sana siya—

"Okay ka lang?" tanong ni Grey nang mabulunan si Yuan. Malakas na napatawa kami ni Marisa. "Anong nakakatawa?" takang tanong ni Grey.

Sabay kaming umiling ni Marisa at nauna sa paglalakad. Napatigil kami nang marating namin ang bakod na nagdurugtong ng district five sa district four. Kung pupuntahan kasi namin ang natural na daan ay baka harangin kami. Ito ang alam naming mas ligtas na daan upang tuluyang makalusot papunta sa district four.

"Is this safe?" mabagal na usal ni Yuan na bahagya pang nakaawang ang labi.

"Proven and tested!" ani JD at tinapik sa braso si Yuan. "H'wag kang mag-alala. 'Di tayo mahuhuli. Grey, look-out ka!"

"Bakit ako? Ikaw ang magamay rito, 'di ba?"

Nagturuan pa ang dalawa. "Ako na lang!" prisinta ko at nagpunta sa awang ng yero. Hinila ko ito upang lakihan ang butas. Nang mapansin na wala namang nagmamasid ay tuluyan na akong lumusot dito.

Agad na sumunod sa akin si Marisa at Angeline. Nang tuluyan kaming makalusot lahat ay agad naming binaybay ang madilim na daan sa eskinita na dating dinaanan namin ni Grey noong mahuli ko siyang nagnakaw.

Ngunit bago pa kami makalabas sa liwanag ay may isipang pumasok sa isip ko na nakapagpatigil sa amin.

"Bakit?!" inis na usal ni Grey ng magkaumpugan sila ni Yuan.

Dahan-dahan akong bumaling sa kanila. "May pera ba kayo pambili ng pagkain natin?" Doon ay nagkatinginan kaming lahat.

---

Naghiwa-hiwalay kaming lahat upang makahanap ng paraan kung paano kami makakadelihensya ng pagkain. Magkasama sina JD, Grey at Angeline habang kami naman ni Marisa at patatas boy ang magkakasama.

Easy, easy lang sa paglalakad si Yuan at palinga-linga habang kami naman ni Marisa ay mukhang magnanakaw dahil sa pagtitig namin sa mga gulay na nandito. Mahal ang karne, dito na lang kami sa gulayan.

Taka akong napabaling kay Yuan ng maramdaman ko ang kamay niyang hinahatak pababa ang damit ko. Napairap ako. Para siyang bata na nagpapabili.

Nakatingin siya sa isang babae na nagtitinda ng maraming papatas—orihinal na patatas. Hindi gaya ng katabi niyang tinda ay puro may halo na. Akmang pupunta roon si Yuan ng pigilan ko ito. Kunot ang kaniyang noo nang bumaling siya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Anong gagawin mo?"

"Manghihingi ng patatas!" aniya at nagmartsa papunta sa tindahan.

"Matigas ang ulo," dinig kong usal ni Marisa sa aking tabi. "Kaya mo kayang makasama 'yan? Mukhang ipapahamak tayo, e!"

"Subukan n'ya talaga. Itatanim ko siya para gawing patatas!" aniko at sinundan si Yuan.

"May pera ka ba?" ani ng babae sa kaniya paglapit ko. Umiling si Yuan. "Ilang patatas ba ang gusto mo—"

"Wala po kaming pambayad, Ate," singit ko. "Pasensya na po, may sakit po kasi itong... Asawa ko!" Awkward na ngumiti ko.

Naramdaman ko ang paninigas ni Yuan sa tabi ko. Pasimple kong kinurot ang kaniyang likuran upang sabihin na sumakay na lang siya. Habang si Marisa naman ay tumabi sa akin.

"Ito po pala 'yung kapatid ng asawa ko, si Marisa. Si Yuan po asawa ko at ako naman po si Kimmy," pakilala ko sa amin. "Pasensya na po talaga sa abala ng asawa ko, ilang araw na kasing hindi siya nakakakain."

Ngumiti sa amin ang babae. "Okay lang, may sakit pala s'ya 'no? 'Di bale, ibibigay ko nalang sa inyo ito," aniya. "Ako nga pala si Jai."

Nanlaki ang mata ko nang balutan niya kami ng mga patatas. "Naku, wala po kaming pambayad, Ate Jai. Nakakahiya po," aniko.

"Hindi, libre na ito. Mag-aani rin naman kami mamaya. Tsaka, try n'yo bumalik at bibigay ko 'yung mga na-reject namin— may salot kasi sa taniman namin—"

"Salot po?!" gulat na tanong ko.

"Oo, hindi lang namin mahinuha kung anong klase. Sobrang ilap at likot!"

Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkatinginan kami ni Yuan. Saglit kaming nagkatitigan na para bang nag-uusap kami sa aming isipan. Kapagkuwan ay bigla siyang tumango.

Bumaling ako kay ate na nagbabalot ng patatas. "Gusto mo, Ate, tulungan ka namin huliin ang mga salot sa taniman mo? Gagawin namin!" buong kumpyansang sabi ko.

Agad nagliwanag ang kaniyang mga mata dahil doon.

"Talaga? Sige, dadalhin ko kayo sa bahay namin. E, paano ito...." Pakita niya sa supot.

Si Marisa ang nagsalita. "Next time na 'yan, Ate, kapag nahuli na namin ang salot para may nabayad naman kami sa kabutihan mo."

---

Agad naming hinatak si JD at ang magkapatid upang sumama sa bahay nila Ate Jai. Ayon sa kaniya ay mayroon silang bahay na nasa likod at mayroong taniman ng mga patatas. At tuwing gabi nga raw ay umaatake ang peste.

Nang marating namin ang kanilang bahay ay nagtaka agad ako dahil maliit lang naman siya. Ngunit nagulat ako nang makita ko ang loob at kanilang bakuran. Tila isang malaking tent ang kanilang bakuran at mayroong mahabang taniman ng patatas.

"Maupo muna kayo, pasensya na at sa lapag kami naupo gawa ng wala kaming upuan," ani Ate Jai.

Iniwan niya ang kaniyang paninda na nakakariton sa labas ng bahay at sabay-sabay kaming pumasok sa loob.

"Okay lang po, kami nga sa lupa naupo. Depende kung may sapin ang bahay," JD said in between his laughter.

"Kumain na ba kayo? Sandali ipaghahain ko kayo..." Pumasok ito sa kusina habang ako naman ay naupo sa papag at nilibot ito ng tingin.

"Ang ganda rito," manghang usal ni Angeline. "Walang-wala 'yung mga tirahan natin sa district five, ang dami pang pagkain."

"Gusto mo rito?" tanong ni Grey. Natahimik namin si Ange. "Libing kita sa bakuran nila!" aniya at tumawa.

Nag-asaran silang magkapatid hanggang sa dumating si Ate Jai na maraming dalang papatas. Prito at lago ang meron. Akma akong kukuha ng pritong patatas ngunit natigilan kaming lahat sa malakas na pagkulo ng isang tiyan.

Agad kaming napabaling kay Yuan na tahimik lang sa gilid. Mayamaya ay nauna pa siyang kumuha ng patatas sa amin at kumain.

"Nauna pa sa may ari, a? Gutom na gutom, kapatid?" sarkastikong usal ni Marisa.

Natawa si Ate Jai. "Kumain na kayo, ubusin n'yo ito para may lakas kayo."

Agad kaming nagsipagkainan dahil sa sinabi niya. Ngayon lang kami naka salamuha ng mabait na tao sa district na ito kaya susulitin na namin. Karamihan kasi ng nakakasalamuha ko rito ay masasama ang ugali.

Kung hindi bastos, gahaman naman sa pera. 'Yong iba nga, ayaw nilang palapitan ang mga pulubi sa mga tinda nila. Akala mo naman fresh ang tinda, e, puro gawa naman sa laborotoryo.

Matapos namin kumain ay sumama kami ni Yuan kay Ate Jai papunta sa likod ng kanilang bahay upang malaman ang tungkol sa salot.

"Tuwing gabi umaatake ang peste. Mabalahibo siya at may kalakihan. Ito," aniya at tinuro ang binungkal na lupa at iniangat ang mga may kagat na patatas. "Ito ang ginagawa nila sa mga pananim, kaya n'yo ba?"

Tumabi ng upo si Yuan kay Ate Jai at pinagkatitigan ang bungkal na lupa bago sila nag-usap. Habang ako naman ay inilibot ang mata sa paligid. Wala namang kakaiba, orihinal ang pagpapatubo ng kanilang mga pananim at hindi gawang laborotoryo.

"Ate, sa kapitbahay mo ba may halong kemikal ang mga tanim?"

"Nilalagyan nila ng kulay? Pinapadoble? Hindi ko sigurado, basta mas marami silang naiaangkat kaysa sa amin." malungkot na usal niya. "Hindi rin pinepeste ang kanila—ewan, mukhang sa akin lang ang may peste."

Dahil gabi nga lumalabas ang petse ay minabuti ni Ate Jai na rito kami patulugin kahit isang gabi. Nagulat din ako ng malamang may asawa na pala siya. I mean, mukha pa siyang bata at bente anyos pa lang naman siya.

Hindi ko naman siya masisisi, mukhang bata pa rin naman si Kuya Cloud.

Ang isa pang kinamangha ko ay mayroon silang ilaw ngayon. Ang alam ko kasi hanggang district three lang ang kuryente pero sila ay meron na. Talagang district five lang ang wala, a?

"Sana sa district five magkaroon din ng kuryente 'no, kapatid?" Lihim akong natawa kay Marisa.

Tuwing kausap niya kasi si Yuan ay lagi niya itong dinudugtungan ng 'kapatid' sa dulo. Mukhang naging hobby niya pa yata ito.

"Nakaraang linggo lang nagkakuryente rito. Pinatupad ng bagong ranggo dahil kailangan ito ng mga pananim at katayan ng karne." Agad nagpintig ang tainga ko nang marinig ang salitang 'ranggo'. "Baka sa susunod ay sa district five na rin."

Hindi ko mapigilan ang pagsabat. "Wala naman silang mapapala sa district five, bakit pag-aaksayahan nila ng oras 'yun?"

"Tiwala ka lang," ani Kuya cloud. "Hindi rin namin inakala noon, malay n'yo baka sa makalawa ay meron na, 'di ba?" Nagkibit-balikat ako. "Nararamdaman ko, magbabago na ang ating mundo." Bumaling ito kay Ate Jai. "Hindi ba, mahal?"

"Oo naman, mahal, tiwala lang tayo." Napangiwi ako sa kanila. I am not bitter pero... sukot!

"Hindi pa po ba nagbago ang ating mundo?" takang tanong ni Yuan.

"I agree..." sabat ni Jd. "Base sa kuwento sa akin ay hindi naman ganito ang mundo rati. Nakakapagtaka lang, bakit ang bilis ng pagbabago? Hindi ba kayo nagtataka?"

"Nagtataka ka pala? 'Di halata sa'yo." asar ni Marisa.

"Aware pa rin naman ako sa nangyayari sa paligid ko 'no, palibhasa kasi ikaw gusto ng magpakamatay!" Nanlaki ang mga mata namin ni Marisa.

Paano niya naman nalaman iyon? Nagtatanong ang tingin na ipinukaw sa akin ni Marisa. Agad akong umiling. Wala akong sinabi sa kaniya o kahit na sino tungkol sa balak niyang pagtalon noon.

"Paano mo naman nalaman iyon?!"

Ngumisi si JD "Nasa kabilang kuwarto ako, balak ding tumalon." Doon ay natahimik kaming lahat.

"Gano'n na ba talaga kahirap ang pinagdaraanan ng district five? Pasensya na at hindi namin alam. Hindi naman kami pwedeng tumawid doon upang magdala ng mga pagkain," pagsingit ni Ate Jai.

"You know what? JD is right, sobrang bilis ng pagbabago at pag-unlad. Mukhang hindi ito ang timeline nila." Natawa ako sa sinabi ni Yuan.

"Time travel doesn't exist. At kung totoo man, hindi kakayanin. Kahit ang tatay ko, sinabi na imposible ang time travel."

Mariin niya akong tinitigan bago nagsalita. "That's not what Dr. Servante said. Kilala mo 'yon?" Umiling ako. "S'ya ang pinakahinahangaan ko na siyantipiko sa aming lugar. Sobrang talino. Nasa langit ang mga mata ngunit nananatiling nakaapak sa lupa ang mga paa. He said that time travel exists and he is the creator of that machine with the help of his one and only friend. Pero natagpuan na lang ang kaniyang katawan sa laboratoryo; limas ang gamit at wala na siyang buhay. If time travel doesn't exist, bakit kailangan nilang patayin at nakawin ang imbensyon ng doctor na 'yon? At kasabwat pa talaga ang kaibigan n'ya," aniya at napatiim-bagang.

---

Note:

Hi, I just want to say thankyou for all your support to these stories (Wild bear and soft bear) I am really leaving for good as your admin but I will continue writing these two stories; hanggang matapos ko. Same to my own story. I'm sorry, I am no longer effective to be your admin. I feel so outcast, pero hindi niyo naman iyon kasalanan, kasalanan ko po dahil iyon ang nasa isip ko. Gulong gulo na ako sa sarili ko kung saan ako pupunta o tutungo. I'm sorry if I become weak and insensitive, lol. Hindi lang naman ako ang may problema— kayo rin diba? Napaka selfish ko para intindihin muna ang sarili ko kaysa sa inyo. But I really need to do this. I will be okay, sana kayo rin. Soft bears, I enjoyed the first and last mapya mapya we had. Wild bears, I will miss our last interaction. Tuloy ang story niyo, hindi ko puputulin connect ko— sa mga admods at kay fatima  na editor ng mga kwento. I'm sorry again, I'll do my best para magustuhan niyo ang kwento. Also, your votes and comments are like a fuel to me, nagbabasa talaga muna ako bago mag UD. Gusto ko matapos ito para naman may maiwan ako sa inyo— ito nalang. Hindi ko alam na, I'm not getting healthier, hoho. So, goodbye? Hahaha. Enjoy this chapter! Pwede niyo ko i-chat sa watty of twt active ako doon, pero minsan nalang sa watty. Arigatou, Xiexie, Gracias, thank you and salamat!

Watashi wa kulto daisuki desu!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro