Chapter 6: Pest

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kimmy

When the world turned its back on you, always remember there is someone who will still stay with you. That's what they say, but the truth is, the world will never turn its back on you, people will.

Because God created a world for people.

How ironic. Earth can live without a human, but human cannot live without earth, pero sinisira natin ang mundo.

As years passed by, mas lalong nawawalan ng tiwala ang mga tao sa Diyos. Ang mga henerasyon ngayon, alam pa kaya nila ang bibliya? Nababasa pa ba nila ito? O baka nananatili na lang din itong kuwento gaya ng isang kuwentong-bayan?

Malaki ang mundo, pero hindi na magkasya ang mga tao. We're over popularion.

Nagkukulang na rin ang mga supplies ng pagkain para sa mga tao. How funny, kung ano ang ikinaunlad ng mundo, ito namang ikinabagsak ng mga mabababang tao.

Napakasuwerte pa rin ng mga tao na ipinanganak sa ibang distrito, ibang lugar, o ibang panahon. Minsan, nananalangin ako sa Diyos na sana ay hindi ako sa ganitong distrito nabuhay, na sana ay sa iba. Sana sa ibang panahon o sana ipinanganak din ako ng may R+ blood.

Pero hindi talaga para sa akin ang buhay na iyon.

I was born to be like this: poor, ugly, dumb, and worthless. Kung hindi lang ako nagkaroon ng lola na maloko at tatay na supportive ay baka matagal na akong patay ngayon.

Napunta na rin ako sa sitwasyon na gusto ko nang magpakamatay, gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko kaya naiintindihan ko ang mga taong ninais na wakasan na lamang ang kanilang mga buhay.

I also tried to kill myself many times, pero naisip ko; If my life is meaningless when I'm still alive, would it be meaningful when I die?

And that is when it hits me.

The realization hits me.

That time, I came back to my lola and hugged her tight. I did the same to my father.

Ito ang unang beses na matutulog ako sa malambot na sapin at unang beses rin na makatabi ang ibang lalaki. Ngayon ay nahihirapan tuloy akong umiyak, pigil na pigil ko ang aking mga hikbi.

Kasalukuyan kong katabi si Yuan, ngunit pinanatili niya ang espasyo sa aming dalawa kahit pa nararamdaman ko minsan ang bahagya niyang pag-usog dahil sa kalikutan ni JD ay hindi pa rin naaalis ang espasyo sa pagitan naming dalawa.

Hindi nagpakita ang peste sa amin ngayon, malamang ay natunugan kami. Kaya minabuti ni Ate Jai na rumito muna kami matulog.

Pero mukhang seryoso talaga si Ate Jai sa sinabi ko sa palengke. Pinagtabi talaga kami matulog dahil kailangan daw ito ng mag-asawa. Oh my ghad. I made a wrong mistake.

Buti na lang talaga, may pagka-gentleman pa rin itong si potato boy.

Kinabukasan, nagising akong nakaakap sa isang malambot na unan at tanging ako na lang ang mag-isa sa kuwarto. Dali-dali akong lumabas at naabutan ko sa maliit na sala sina Marisa, JD at ang magkapatid na sina Grey at Angeline.

"Nasa'n si Ate Jai?" aniko na nagkakamot pa ng buhok.

Si Angeline ang sumagot dahil busy sa pagkain ang tatlo.

"Nasa taniman, Ate, kasama si Kuya Yuan at Manong Cloud." Tumango ako at tinungo ang taniman nila.

And there, I saw them harvesting fresh and big sizes of potatoes. Parehas na nakahubad si Manong Cloud at Yuan habang kinukuha sa lupa ang mga patatas. Habang si Ate Jai naman ay isa-isang pinupulot ito at inilalagay sa salop.

Agad akong lumapit kay Ate Jai upang tumulong.

"Kimmy, ako na r'yan, kumain ka na ro'n," aniya at kinuha ang mga patatas sa kamay ko.

Ngunit matigas ang ulo ko kaya umiling ako at tumulong pa rin sa pagpupulot.

"Tutulong po muna ako rito," aniko. "Kumusta po pala? Marami po bang sira?"

Ngumiti siya sa akin. "Sa ngayon ay wala gaano. Natunugan yata ng peste na may bagong tao at baka nangingilala."

"Nangingilala?" natatawang usal ko. "Ano 'yon, pusa?"

"Pusa lang ba ang nangingilala?"

I shrugged. "Pusa lang po kasi ang kilala ko." Natawa kami pareho.

"Mahal!" Napabaling si Ate Jai sa sigaw ng asawa niya. Gano'n din ako. Mukhang importante. "Hali kayo rito, dalian!"

Agad na pumunta kami ni Ate Jai sa gawi nilang upang tignan ang kung ano ang mayroon doon. Nang nakarating kami ay saglit pa akong tinitigan ni Yuan ngunit agad ko siyang inirapan.

Bumaling ako kay Manong Cloud.

"Ito ang pinakamalaki, kaso may kagat."

Itinihaya niya ang malaking patatas at doon nakita ang mga kagat galing sa matutulis na ngipin. Tila hanggang loob ay abot, talagang nginatngat ng mabuti.

Ngunit ang pinagtataka namin ay ang mga kalmot gamit ang matutulis na kuko.

These aren't marks from a teeth, malakas ang kutob namin na mga kalmot ito. Pero anong hayop naman iyon? Hindi ako pamilyar sa mga hayop sa tanang buhay ko at hindi pa ako nakakakita ng mga ganon.

Puro kuwento lang ni lola.

"Siguro, simulan na natin mamayang gabi. Sana ay hindi umulan para lumabas ang peste," usal ni Ate Jai.

Inalalayan niya ang kaniyang asawa at inaya kami na pumasok sa loob. Ngunit pinauna namin sila at kami naman ni Yuan at nakatingin pa rin sa malaking patatas.

I looked at him and scanned his facial expressions. Malamang ay mabigat sa loob niya ito. Paborito niya kaya ang patatas.

Marahil ay galit na galit siya sa peste dahil kinain nito ang pinakamamahal niyang patatas o baka naman ay naghahanda na ito upang maghiganti.

Napasinghap ako.

Kawawa naman ang peste kung si Yuan ang unang makakita. Paniguradong patay agad iyon. Ah, poor pest. Dapat kasi nanghingi na lang siya.

"Kumain ka na?" Napabaling ako sa kaniya dahil sa bigla niyang pagsasalita. Pero hindi naman siya nakatingin sa akin.

Sino naman kaya ang kausap nito? Tumingin ako sa aking kaliwa at kanan pero wala naman akong nakitang ibang tao.

"Kumain ka na ba?" tanong niya ulit.

Napabaling ako sa patatas. Dito kasi siya nakatingin. Kawawa naman ang lalaking ito. Nangungulila sa patatas.

I took a deep sigh.

"Alam mo, alam kong masakit ang nararamdaman mo sa patatas, pero marami pa naman na tutubo na gan'yan ka laki, 'wag ka agad mababaliw."

Marahas siyang napalingon sa akin habang nakakunot ang noo.

"What are you saying?" Nginuso ko ang patatas. Napanguso rin siya. "You want me to kiss you—"

"Oy, hindi!" Nginuso ko ulit ang patatas. "'Yang patatas ka'ko. Wag ka na panghinaan ng loob dahil marami pa naman na gan'yang patatas—"

"I'm asking you if you've already eaten," aniya. "Kasi kung hindi pa at ayaw mo kumain then akin na lang ang parte mo!" Marahas siyang tumayo at nagmartya papunta sa loob ng bahay.

Naiwan naman akong nakatulala at bumagsak ang tingin sa patatas.

"'Di ka naman nagsabing ako pala ang kausap!" inis na usal ko rito.

Inirapan ko ang patatas at sumunod na rin papasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Manong Cloud na nakabihis na at mukhang papasok na rin sa trabaho. Habang si Ate Jai naman ay inaasikaso siya.

Ganito siguro talaga ang mag-asawa. Bata pa kasi ako nang mamatay ang aking ina kaya hindi ko nasaksihan na ganito sila.

Pero siguro mas sweet pa ang mga magulang ko kapag nagkataon.

Tumabi ako ng upo kay Marisa na ngayon ay tinatalian ng buhok si Angeline. Habang sina JD at Grey naman ay kumakain pa rin. Nangunot ang aking noo nang may mapansin.

"Nasaan si potato boy?" tanong ko.

Si Marisa ang sumagot habang nanggigigil. "Nasa banyo, naliligo si kapatid—tigasan mo ang ulo mo!" aniya kay Ange.

"Matigas na 'yan, may ulo ba na malambot? Kung malambot 'yan, edi patay na ako ngayon?!" pagsagot niya.

"Aba't... I was talking figuratively! Napakapilosopo mo, gusto mo bang magpatirintas o hindi?"

"Oo na!"

"Maiwan muna namin kayo," ani Ate Jai. Napabaling ako sa kaniya. "Pupunta akong palengke, si Cloud ay papasok na—"

"Kayo lang po?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo, ibebenta ko lang ang iba."

"Edi isama n'yo na lang po sina JD at Grey para may katulong kayo magbuhat." Bumaling ako sa kanila at inosente silang nakatingin sa akin. "Sasama kayo, 'di ba? Kayo ang pinakamaraming nakain," aniko gamit ang nagbabantang boses.

"Naku, ayos lang naman—"

"Sige po, sige po, sasama po kami!" aligagang usal ng dalawa.

Walang nagawa ang dalawa kung hindi samahan si Ate Jai papunta sa palengke upang magbenta ng mga patatas. Habang sina Marisa at Ange naman ay naglinis ng bahay.

Nagpunta ako sa taniman upang silipin kung nandoon ba ang peste ngunit ibang peste ang nakita ko.

Nakadamit pang-itaas na siya at tila gumagawa ng panghuli—malaking panghuli. Nilapitan ko ito at umupo rin sa lupa sa kaniyang tabi. Pinagmasdan ko ang mga tanim na may kagat at kalmot-lahat sila may ganito.

"Achoo!" Napatakip ako sa aking ilong dahil sa biglang pagbahing. "Naaay! Mabalahibo rito."

"Mabalahibo ang peste. Kaya umalis ka rito dahil mabubugaw 'yon sa bahing mo."

"Grabe ka, makakatulong naman ako 'no." May inilabas akong maliit na bagay sa bulsa ko. "Tanan! Bait!"

"Patatas 'yan," walang buhay na usal niya.

"Oo nga! But can't you see? The pest likes potatoes kaya magagamit natin ito. Akin na..." Kinuha ko ang kulingan niya at nilagyan ng isang stick sa itaas. "Ito ang pinakamaliit kaya mukhang kasya naman—"

"Alam mo bang pinakamalaki ang kinakain nila?"

Saglit akong bumaling sa kaniya, kapagkuwan ay bumalik din sa aking ginagawa.

"May mga nakatanim pa ba?" tanong ko. Natahimik siya. "Wala na, 'di ba? Ibig sabihin ay no choice na siya kung 'di kunin ito o wala siyang makakain ng ilang linggo—"

"Araw."

Tumango ako. "Araw!"

Kinuha niya ang kulungan at itinapat ito sa may butas na lupa at iniwan doon. Sa oras na hatakin ng peste ang patatas sa stick ay magsasara ito gamit ang malakas na magnet na nakakabit sa harangan.

Napabahing ulit ako. At naulit. At naulit-ulit.

Kaya naman ay tumayo na ako sa kinauupuan at lumayo roon. Akma akong babahing ulit ngunit napigilan ko ito. Sobrang kati ng ilong ko dahil sa balahibo.

"Allergic ka sa balahibo."

Tumango ako ngunit agad na natigilan nang hubarin niya ang kaniyang baro. Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa akin.

"Oy, bata pa ako! Ayaw ko! Lumayo ka—Ouch!" Pinitik niya ako sa noo.

"Malisyosa! Lumapit ka rito." Hindi pa ako nakakalapit nang hatakin niya ako. "Wala akong mask kaya ito na lang."

Isinoot niya sa aking ulo ang t-shirt.

Natatakpan nito ang aking ulo, bibig at ilong; tangging mga mata na lang ang nakalabas sa akin.

Hindi ako gumalaw nang may tinali siya sa likod ko. Sobrang lapit namin. Naiilang pa ako dahil wala siyang damit.

Pasalamat siya, mabango ang damit niya.

Tuluyan lang siyang umalis nang marinig namin ang sigaw mula sa hawla na nilagay namin. Gano'n na lamang ang aking gulat dahil sa aking nakita. Mamabalahibong katawan, mahabang buntot at masakit na ngiyaw.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang lahat. Base sa kuwento ng aking lola... Malamang ay ito nga!

"Yuan!" Nagtatalon ako habang tinuturo ang peste. "Pusa! Pusa 'yan!" ani ko habang hinahatak ang kaniyang kamay. "Oh my ghad! Ngayon lang ako nakakita n'yan, pero laging kinukuwento ni lola—"

Pinalayo niya ako gamit ang pagtulak sa mukha ko papalayo sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pusa na ngayon ay ngumingiyaw pa rin.

"Anong nangyari?" Sinenyasan ko sina Marisa at Ange na huwag lumapit. "Arabo ka ngayon, Kimmy?" aniya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at sumunod lang kay Yuan. Ngayon ay buhat-buhat niya ang kulungan na may pusa.

"Pusa, 'di ba? Gan'yan ang pusa na kuwento sa akin ni lola—"

"Pusa pero daga ang pag-uugali," aniya na ikinatahimik ko.

"'Yong mabait?" He boredly looked at me. "Mabait..." aniko sa pusa.

"Tanga." Napalayo ako ng bahagya dahil sa sinabi niya.

"Ang sabi ni lola dapat daw tinatawag na mabait ang daga para 'di mangatngat. Buti nga sa daga ay tawag ni lola mabait, sa akin animal—'di ba parang baliktad?"

Napailing-iling ito habang bahagyang natawa. "Tanga talaga." Humarap siya sa akin at itinaas ang hawla. "Ugali ng daga ay mangatngat. Kahit tawagin mo pa silang mabait ay hindi sila titigil sa pagngatngat. See his teeth—"

"Paano mo nalamang lalaki?"

Umikot ang mata niya. "Malaki ang boses. Kapag ang babaeng pusa ay matinis ang boses kung sumigaw, habang ang lalaki naman ay malaki at buo-at ganon ang boses niya, that's why I presume that this creature is a he," aniya.

Napatango ako.

"Proceed..."

"So I was saying, ang ugali ng mga daga ay mangatngat ng mga bagay dahil sa kanilang ngipin. Hindi ganito ang ngipin ng pusa dahil ang ganitong ngipin ay katulad ng daga—mabilis humaba ang kanilang mga ngipin kaya kailangan nila ngumatngat upang hindi ito tuluyang humaba. Kaya—"

"Ngangatngat sila ng ngangatngat?" Tumango ito.

"Isa pa, nasa ugali rin nila ang tumira sa ilalim ng lupa—"

"Lupa?!" Tumango muli siya.

"Kung sa siyudad ay nasa imburnal sila—"

"Imburnal?!" Marahas siyang bumuntong-hininga.

"Kaya ang pesteng ito ay pinaghalong pusa at daga—"

"Pinaghalo—"

"Kailangan ba lahat uulitin mo?" he said in a low tone. Natahimik ako.

"Sige, proceed," aniko.

Napailing ito at pumasok sa bahay dala-dala ang pusa-pusa na may halong daga raw.

"Paano naman maipaghahalo ang pusa at daga? Ano 'yon, a cat impregnated a mouse? Or a mouse impregnated a cat? That's not possible, 'di ba?"

Inilapag niya ang hawla sa lapag at dahan-dahan na inilabas ang pusa. Tahimik na ito ngayon at tila nangingilala na lang.

Hinipo ni Yuan ang ulo niya hanggang buntot na napakahaba na tila nagugustuahn naman ng pusa.

Tumabi sa kaniya si Ange. "So cute! Pahawak—" Ngunit pinigilan siya ni Yuan.

"Baka kagatin ka, siguro may rabis ito," aniya.

"How can they produce a cat with a personality of a mouse? Walang gano'n diba? Animals cannot impregnate other animals unless kung kapareha nila ito ng uri," paliwanag ko.

Tumango siya.

"How about an ape?" sabat ni Marisa. "98% ang DNA ng tao at ape, 'di ba? Katulad natin? Posible ba?" Napangiwi kami ni Yuan.

"Nasa pusa at daga tayo," aniko. "Tsaka na 'yan kapag nakakita tayo ng unggoy na may pag-uugaling tao."

"May kilala ako," aniya. Sabay kaming tatlo na napabaling sa kaniya.

"Sino?"

"Si JD..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro