Chapter 36

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



Alingawngaw ng ambulansya ang bumalot sa pandinig ko. Nakahiga ako habang may kung ano-anong ginagawa sila sa aking katawan. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata pero hindi ko magawa. Boses ng kung sino-sino ang huli kong narinig bago tuluyang mawalan ng malay.


Nagising ako ng tahimik ang paligid. Ramdam ko agad ang pagkapagod ng buong katawan. Sinubukan kong galawin ang daliri ko sa kamay para pakiramdaman ang sarili. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa'kin ay ang puting ilaw.


Napangisi ako sa isip.


I'm still alive, huh. What a lucky day. Broken na ang puso ko tapos broken pa ang katawan at sasakyan ko.


Nakarinig ako nang singhap. Iginala ko ang paningin sa paligid.


Nakatutop ang kamay ni mama sa kaniyang labi habang gulat na nakatingin sa'kin.


"Gising kana, Sweetie! Oh my god. I should call a doctor!" nagpapanic na sigaw niya at dali-daling lumabas ng kwarto. Pansin kong nasa isa kaming private room sa isang hospital.


Nakakaisang kurap pa lang ako nang bumukas ang pinto. Dali-dali akong nilapitan ni mama.


Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.


"Are you okay, Frio? Kilala mo pa ba ako? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Ituro mo kung saan anak! Wait! Are you hungry or thirsty? Gusto mo bang uminom muna ng tubig? Or do you want to eat? What do you want to eat?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin.


Napatitig lang ako kay mama. Do I need to answer all those questions?


Napabaling ako nang bumukas ulit ang pinto. Pumasok ang isang lalaking doctor kasama ang dalawang nurse sa likod niya.


"Oh my gosh, Doc!" naghihisteryang sigaw ni mama nang bumaling sa doctor. Napapisik sa gulat ang doctor pati na ang mga nurse. "What happened?! Bakit hindi na siya makapagsalita?! Or can she hear me? She can't hear me!"


Napangiwi ang doctor. Umirap naman ako.


Lumapit ang doctor sa'kin. "May oxygen mask po siya ma'am kaya hindi makapagsalita. Don't worry, she can hear you."


"Oh." Biglang kumalma si mama.


Ngumiti sa'kin ang doctor at sinuri ako ng mabuti. Tinanong niya kung anong mga nararamdaman ko. Mukhang hindi naman ganon kalakas ang impact nang pagbangga ng sasakyan dahil minor injury lang ang natamo ko. Hindi lang ako sigurado sa driver ng isang sasakyan. Maayos naman ang pakiramdam ko bukod sa pagod ang katawan at namamagang mata.


"In the meantime, she needs to rest. Minor injury so you don't need to worry that much ma'am. Pwede na rin siyang ma discharge in the next few days depends on her condition," sabi ng doctor. Tumango-tango si mama.


May konting ibinilin pa ang doctor bago tuluyang umalis sa room namin. Nilapitan ulit ako ni mama.


"Are you sure wala ka ng ibang nararamdaman, sweetie?" kalmado na ang boses niya.


Napabuntong-hininga ako at sinubukang umupo pero mabilis akong pinigilan ni mama.


"No, no! You still need to rest!"


Natawa ako. "Kaya ko na po mama."


"Frio naman, eh!"


"I said I'm okay, mom."


Nag-aalinlangang tiningnan ako ni mama. Napangisi na lang ako at sapilitang umupo. Aangal pa sana siya pero nakaupo na ako kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at ayusin ang unan sa likuran ko.


"Ilang oras po akong tulog?"


"Isang araw kang tulog, sweetie. You must be hungry, want do you want to eat?"


"Soup na lang po."


Tumango si mama. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan sa noo. "Bibili lang ako sa baba, okay? I'll be back."


Nakangiting tumango lang ako sa kaniya.


Nang tuluyang makalabas si mama, malakas akong napabuntong hininga. Tiningnan ko ang katawan ko. Nakasuot ako ng hospital gown. May mga konting galos sa mga braso ko. Sinilip ko naman ang paa ko. May mga galos rin pero mas maliit kumpara sa natamo ko sa itaas na parte ng katawan.


Mabuti nga't mabilis kong natapakan ang break ng sasakyan kaya mabilis ring huminto ito. Tanging ang sasakyan lang sa harap ang hindi natigil sa pag-andar kaya nagkabanggaan talaga.


Napakagat ako sa labi nang maalala ang nangyari bago ako ma-aksidente.


Pumikit ako ng mariin nang bumalik na naman ang kirot sa puso ko. It sucks. Big time. Totoo nga ang sabi nila na mas gugustuhin nila na masaktan ng pisikal kaysa masaktan emosyonal. Kasi kung may manakit man sa'kin, kaya kong lumaban. Kaya ko silang gantihan pero ibang usapan na kung damdamin ang involved.


The pain will not heal immediately. It will keep on hurting and hurting until you realize that you've already lose yourself. At yun ang kinatatakutan ko. Na baka mawala ako sa sarili. Na baka hindi ko kayanin ang mangyayari.


Napahilamos ako sa mukha ngunit mabilis ring napangiwi dahil sa kirot.


Punyeta. Kailan pa ako naging ganito kadrama sa buhay? Fucking shit. Nakakabwisit na dati-rati ang pino-problema ko lang ay kung paano ko babasagin ang mukha ng apat na mga tarantado tapos ano ngayon 'to? Nagmahal lang ako, naging ganito na ako ka-emosyonal! Lintek!


Busangot ang mukha ko buong araw.


Matapos kainin ang biniling soup ni mama, nagpahinga ulit ako. Bumisita rin si papa kinagabihan. Naiintindihan ko naman na masyado siyang busy sa trabaho kaya ayos lang sa akin yun. Atsaka, masyado na akong malaki para silang dalawa pa talaga ang magbantay sa'kin.


Both of them didn't bother asking me of what happened. Hindi ko alam kung nase-sense nila na may problema ako o kung wala lang talaga sa kanila yun, o kung alam na nila ang nangyari. Knowing my father, I doubt he didn't know of what happened. Basta hindi nila ako binaha ng tanong na pabor na pabor sa side ko.


Nag-stay pa ako sa hospital ng tatlong araw bago tuluyang ma-discharge. Nagpahinga sa bahay ng dalawang araw. Masyado na ngang malakas ang katawan ko pero hindi ko alam kay mama kung bakit napaka-OA niya. Kailangan ko pa daw magpahinga. Bakit ano bang ginagawa ko? Nagtatumbling?


Hindi rin nagkaroon ng kaso sa pagitan namin ng driver na nakabanggaan ko. Basta ang sabi ni mama, huwag na daw akong mag-alala. Naiintindihan ko naman na ito ang expertise nilang dalawa kaya hindi ako masyadong kinabahan.


"Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?"


Napairap ako sa kawalan sa tanong ni mama na halos maka-sampung ulit na. Lunes nang napagpasyahan kong pumasok na sa klase. Masyado ng mahaba ang limang araw para lumiban pa ako.


"Maayos na nga po, ma. Kaya ko na ngang makasuntok ng garapata," natatawang sabi ko.


"Stop that, Frio. Kagagaling mo lang sa hospital," saway niya.


"I know, I know. I'm just kidding."


"It's not funny."


Humalakhak pa ako bago tuluyang magpaalam kay mama. Tumango lang siya sa'kin at tinapik sa balikat.


Nang makabiyahe, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Sa limang araw na absent ako, ang tanging nasa isip ko lang ay si Jonathan.


Hindi ko gusto ang pakikipaghiwalay sa kaniya pero kailangan kong panindigan ang sinabi ko. Kailangan kong palayain si Jonathan kasi in the first place, hindi naman siya nakatali sa'kin. Nagkaroon lang naman kami ng relasyon dahil sa sinabi ko sa kaniya. Kahit na sumang-ayon man siya, kung hindi ako nag-offer sa kaniya na maging girlfriend niya ako, hindi mangyayari ang lahat ng ito.


Napahinga ako ng malalim nang makapark na ako sa parking lot ng university.


I wonder if they knew what happened about us? Putik, sana walang makaalam kasi magmumukha talaga akong heartbroken sa paningin nila. Imagine, isang Frio Aetrish, pinagpalit sa pangit?


Taas-noong naglakad ako sa loob ng campus. Nang makapasok sa room, ang maingay kong mga kaklase ay biglang tumahimik. Pinagmasdan nila ako ng mabuti.


Napairap ako sa kawalan at lumampas sa upuan ko. Dumiretso ako sa likod kung saan banda ang mga boys. Pansin kong wala pa si Jonathan at Tina. Di mapaghiwalay, huh.


"Tabi. Ako diyan," maangas na sabi ko kay Drexell.


Napatikhim ang ilang boys at naiilang na natawa. Napakamot naman sa batok si Drexell at bahagya akong nagulat nang bigla siyang tumayo.


"Palit tayo ng upuan? Sige ba," nangingiting sabi niya.


Kumunot ang noo ko bago tuluyang umupo. Nakasunod lahat ng mga mata ng kaklase ko sa'kin pero nang maabutan ko sila, mabilis silang umiwas ng tingin. Mukhang iba ang kahulugan ng tinginan nila at hindi dahil yun sa na-aksidente ako. Mukhang wala silang kalam-alam.


Tsk. So as of now, they already knew what happened between me and Jonathan? Syempre, sa ilang araw ko ba naman na wala sa paligid nila, sigurado akong nilubos-lubos na ng dalawa ang oras nila.


Umiwas ako ng tingin nang sabay ang dalawa na pumasok sa room. Kita sa peripheral vision ko ang pagsulyap ni Jonathan sa pwesto ko gano'n din ang mga kaklase ko.


I gritted my teeth in anger. Fuck.


Nagsimula ang klase ng wala ako sa sarili. Nang mag-breaktime, hindi pa nakakalabas ang teacher namin nang maglakad ako at naunang lumabas sa room. Nagpalipas ako ng oras sa rooftop. Kung saan hindi ko makikita ang dalawa.


"I heard about what happened."


Hindi ako nag-abalang lumingon sa narinig na boses. Bukod sa kilala ko ang nagmamay-ari nito, ayoko ring magpa-istrubo sa pagkatulala.


Umupo si Andrew sa tabi ko at sinilip ang mukha ko.


Umirap ako.


Natawa siya. "Ang bobo mo naman. Hindi ka naman lasing pero bakit nabangga ka pa? Weak!"


"Tigilan mo ako, Salazar. Gusto mo suntukin kita ulit?" iritadong sabi ko sa kaniya.


Humalakhak siya. "Sus! Brokenhearted ka lang, eh."


Napasinghap ako at matalim ang matang ipinukol sa kaniya. Tinaasan ko siya ng isang kilay.


"Ako? Broken hearted? Duh! Wala yan sa bokabolaryo ko, Abo!"


"Tss. Maniniwala sana ako sayo pero anong gagawin ko kung nasa harapan ko na ang ebidensiya? Usap-usapan na ang break up niyo ng Bermudo'ng yun! Akalain mong nung mga araw na absent ka para magpagaling sa hospital, hindi mapaghiwalay si Jonathan at ang isang kaklase mo! Nalaman ko kay Denver na nasa hospital ka, kaya kahit na gusto ko nang bugbugin yung lalaking yun, ayoko namang dagdagan ang problema mo, 'no!"


Natigilan ako at napakurap-kurap. Shit. Mabilis kong iniwas ang paningin kay Andrew at tumingin sa malayo. Pinipigilan ang nagbabadyang luha. What the fuck.


"Wala akong pake. Umalis ka nga dito. Bakit ka ba nandito?!" nanginig ang boses ko.


"Alam mo bang nalaman ko ang lugar na'to dahil sinabi mo yun dati sa'kin, nung magka-textmate palang tayo, ang pampalipas oras mo ay ang tumambay sa rooftop. Kaya kapag hindi kita nakita sa room niyo, sigurado akong nasa rooftop ka, nagpapakatanga."


Hindi ako umimik.


"Pero seryoso, bakit ka pinagpalit ni Jonathan sa isang yun? E, 'di hamak naman na mas maganda ka sa kaniya," natawa siya. "Well, mahinhin siya tapos ikaw siga, pero atleast mas maganda ka kaysa sa kaniya. Wala yung panama sa'yo, dude!"


Napapikit ako ng mariin.


Damn. To be honest may parte parin sa'kin ang umaasang hahabulin ako ni Jonathan. Kakausapin niya ako at makikipagbalikan kasi kahit papaano naman may pinagsamahan kami. Umaasa akong magigising siya sa katotohanan once na makipagbreak ako sa kaniya pero ang marinig mula kay Andrew na hindi mapaghiwalay ang dalawa sa mga araw kung kailan ako nagpapagaling, pakiramdam ko, wala nang katapusan ang sakit na nararamdaman ko. Paulit-ulit na lang. Putangina. Nakakasawa na.


Kahit anong convince ko sa sarili ko na mas maganda naman ako sa garapatang yun. Kahit na wala pa siya sa kalingkingan ko, kung hindi ako ang mahal ni Jonathan, ako parin ang tao sa'ming dalawa. Insekto yung isa, eh. Pro, ako parin ang talunan. Ako parin ang kawawa. Ako parin ang nasasaktan.


Naging gano'n palagi ang mga araw ko sa loob ng university. Hangga't maaari, iniiwasan ko ang dalawa para iwas gulo na rin. Ako ang unang lumalabas sa room tuwing breaktime at nagpapalipas-oras sa rooftop kasama si Andrew. Aaminin kong nakakatulong rin ang kadaldalan niya para mawala sa isipan ko kahit panandalian lang ang dalawa.


"What?! Bakit hindi ka sasali sa senior prom niyo Frio?! Yan ang inaabangan ng lahat ng high school students!"


"Tsk. Ibahin niyo po ako mama," tamad na sabi ko bago sumubo ng popcorn. Nakapatong ang paa ko sa center table habang tutok ang mata sa pinapanood na movie sa flat screen TV namin.


"Why? Wala bang nagyaya sa'yo? Wala ka bang partner kaya ka ganyan? Si Jonathan? Diba, kaklase't boyfriend mo siya? Oh, edi kayo na lang ang magpartner!" sabi ni mama. Nakatayo siya sa gilid ko at nakapameywang na pinagmamasdan ako.


Umirap ako.


"Break na sabi kami mama. Paulit-ulit?"


Malakas na bumuntong-hininga si mama at umupo sa tabi ko. Hindi ako nag-abalang lingunin siya, ni umusog ay di ko ginawa.


"Pero sweetie you need to experience it. Once in a lifetime lang yan. Hindi mo na yan mararanasan kapag college kana! Grab the opportunity!"


"Tsk. Can't you see, ma? Pinagbibigyan ko lahat ng batchmates ko na maging maganda kasi kapag umattend pa ako, lahat sila lunod agad," nakangising sabi ko.


Mahina niya akong hinampas sa balikat. Humalakhak ako.


"But, tell me honestly, wala bang nagyaya sayo? As in kahit isa? Wala talaga?"


Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya. Naalala ko ang mga lalaking lumapit sa'kin para lang maging partner ko sa darating na senior prom. Not worth it.


"Aetrish.. pwede ba kitang makausap?"


Tahimik akong kumakain sa cafeteria nang biglang lumapit sa'kin ang mga lalaking kaklase ko. Umalingawngaw ang tukso nila kay Drexell na ngayon ay pulang-pula na ang mukha.


Napahinga ako ng malalim at tamad siyang tiningnan.


"What is it?"


Napalunok siya. "Pwede ba kitang maging kadate sa prom?"


Malakas na nagsigawan ang mga lalaki sa likuran niya. Lahat ng mata ay nakatutok agad sa'kin. Sa mga nagdaang araw, simula nung in-announce ng adviser namin ang date kung kailan ang magiging senior prom naming mga grade 12, kahit saang lugar, mapa-cafeteria, field, classroom, restroom, benches at saang lugar payan, lumalapit ang mga lalaki sa mga babaeng gusto nilang maging kadate sa prom.


Hindi kasi nangealam ang mga teachers sa pagpapapares-pares ng mga lalaki't babae. Binigyan nila ng freedom ang mga estudyante kung sino ang gusto nilang maging kadate. Na napakapabor sa side ko.


"Sorry. You don't deserve me," sabi ko bago tuluyang tumayo at umalis sa kumpulan.


Napa-ungol ang mga estudyante sa narinig na sagot mula sa'kin. Bigo naman ang mukha ni Drexell habang ang mga boys sa likod niya ay pinuno siya ng tuksuhan. Hindi ko naman siya gustong ipahiya. Just stating the fact.


Bago tuluyang makalabas sa cafeteria, nadaanan ko pa si Jonathan at Tina na papasok sa loob. Nagtagpo ang mata namin ni Jonathan. Madilim ang kaniyang tingin sa'kin. Walang emosyong umiwas lang ako ng tingin sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Tss. Gago.


"Aetrish! Wala kang kadate sa prom?" biglang habol sa'kin ni Niko, isang araw nung paakyat ako sa rooftop.


"Wala."


"Ako wala rin!"


"Oh, tapos? Share mo lang?" walang ganang sabi ko bago iwan siya at nagpatuloy sa paglalakad.


Nagpatuloy pa ang paglapit ng mga kilala at hindi ko kilalang lalaki sa'kin. Lahat sila tinanggihan ko. Matapos malaman na wala na kami ni Jonathan, nagsimula na ring lumapit sa'kin ang mga lalaki, kung hindi mag-aayaya na maging kadate ko, nanliligaw naman na inaayawan ko kaagad.


Masyado nang matigas ang desisyon ko na hindi dumalo sa prom. Kung hindi si Jonathan, edi walang prom para sa'kin. Siya lang ang kaya kong maging kadate. Siya lang ang kaya kong maging kasayaw kaya kung hindi siya, mas mabuting wag na lang akong dumalo.


"Frio naman, e. Excited pa naman ako sa magiging gown mo!"


Napabalik ako sa wisyo sa nagtatampong boses ni mama. Napangiwi ako bago sumubo ulit ng popcorn.


"Kung gusto mo, ikaw na lang umattend, ma. Tutal excited ka naman—aray!"


Napaahon ako sa pagkakaupo nang kinurot ako ni mama sa singit.


"Ma!" inis na saway ko sa kaniya.


Umirap lang siya sa'kin at padabog na umalis sa harap ko. Laglag ang pangang sinundan ko siya ng tingin.


"What the hell?" hindi makapaniwalang sabi ko at bumalik sa pagkakaupo habang hinihimas-himas ang kinurot niya. Ang sakit nun, ah!


Kahit sa araw ng senior prom, hindi pa rin ako tinigilan ni mama sa pangungulit. Paulit-ulit lang ang pag-iling ko sa kaniya.


Sa pagkakaalam ko mag-uumpisa ang program mamayang six ng hapon. Pwede pa akong humabol kung gugustuhin ko pero wala e. Sigurado na akong mag-partner na si Jonathan at Tina.


Buong maghapon akong nanood ng kahit anong movies sa Netflix. Nang magsawa, nagbabad naman ako sa internet.


AgentPulding:

Mabaho utot mo Aetris!


Ako:

Hindi ako umuutot.


AgentPulding:

Bobo. Sa mukha mong yan?


Iking007:

Ex mo pala si Bermudo?


AgentPulding:

Ha? GAGO! PINAGSASABI MO DYAN!! Hindi ko ex yun gago!


AgentPulding:

Pre?


Napaayos ako ng upo sa nabasang message mula kay Iking. Bakit siya nagtatanong ng gano'n? Ano ngayon kung ex ko siya?


AgentPulding:

Pare?


Iking007:

Gago! Siya yung dahilan kung bakit tayo palagi naglilinis sa likod ng gym! Siya rin yung dahilan kung bakit tayo pabalik-balik sa G.O.!


Natigilan ako.


What? May ganoong ginagawa si Jonathan?


Marahas akong napailing.


Heck. I don't think so. Masyado siyang busy sa sarili niyang lovelife at sa pag-aaral para pagtuonan ng pansin ang apat na'to. Halos pabayaan na nga sila ng mga teachers tapos si Jonathan mag-aaksaya ng oras para sa kanila? Kung oo man, wala naman siyang mapapala kaya no. A big no, no.


KoingTheKing:

Tarantadong yun! Humanda siya samin mamaya.


Ako:

What the hell are you guys talking about?


Iking007:

Tapos na ang maliligayang araw niya. Sisiguraduhin naming makakaganti kami sa isang yun!


Iking007:

Ex mo pala ha.


Napasinghap ako at malutong na napamura.


Ako:

Tangina. HOY! ANONG GAGAWIN NIYO!


Ako:

Wag niyo siyang papakialaman punyta kau!


KoingTheKing:

Gudlak na lang sa EX mo! BWAHHAHAHHAHA!


AgentPulding:

Mahaba-haba ang gabing to ah! WHAHAHAAH


"Fuckshit? Fuck!" iritadong sigaw ko. Napahilamos ako sa mukha at naglakad-lakad sa loob ng kwarto ko.


Tangina naman, oh.


Bakit ngayon pa? Damn it! Hindi ako sigurado kung si Jonathan ba talaga ang gumawa nang gano'n sa kanila pero the fact na si Jonathan ang pinaniniwalaan nila, siya ang gagantihan nila. Knowing about their attitude, sigurado akong hindi sila nagbibiro!


Napasabunot ako sa buhok at inis na umupo sa kama.


I shouldn't worry, right! Ex ko naman na si Jonathan kaya wala na akong pake sa kaniya. Marami rin naman sigurong nakapaligid sa kanya. Paniguradong hindi yun madaling lapitan. Palagi din namang nakadikit ang garapata sa kaniya. Atsaka hindi naman guilty si Jonathan kaya wala talaga dapat akong ipag-alala.


Pero pa'no kung manggulo ang apat? Putik naman, oh! Kahit anong tanggi ko, may kinalaman pa rin ako sa mangyayari. Pero kung pupunta ako dun, tapos wala naman pala sila, edi napahiya ako? Shit!


"Tangina. Bahala na," bulong ko sa sarili at mabilis na hinablot ang hoody sa damitan ko. Kinuha ko na rin ang susi ng sasakyan at phone bago kumaripas ng takbo pababa.


Biglang nanlaki ang mata ni mama nang namataan niya akong pababa sa hagdan. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinalikan sa pisngi.

"Alis po muna ako, ma. Emergency lang," sabi ko at mabilis na lumabas ng bahay. Ni hindi ko na hinintay pa ang gustong sabihin ni mama.

Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasan ang mag-overthink. Punyeta talaga. Subukan lang nilang hawakan kahit ang dulo ng buhok niya, hinding-hindi na talaga sila sisikatan ng araw. Ibang usapan na kapag nadamay ang isang yun.

Napahigpit ang paghawak ko sa manibela at mas binilisan pa ang pagtakbo. Ang kaba sa'king dibdib ay sobra-sobra. Natatakot sa kung ano ang bubungad sa'kin. Humanda talaga sa'kin ang apat na yun!

Pagkapark ng sasakyan, mabilis akong bumababa at kumaripas ng takbo papasok sa loob ng campus. Tinawag pa ako ni manong guard pero masyado akong nagmamadali para alalahanin pa siya.

Dumiretso ako sa gym kung saan ang venue ng prom nila. Huminga ako ng malalim bago sumilip sa loob nang hindi nagpapahalata. Ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko ay unti-unting kumalma nang makita na hindi nagkakagulo sa loob.

Mabilis na nahanap ng paningin ko si Jonathan. Mag-isa siyang nakaupo sa table. Seryosong nakatitig lang siya sa kaniyang wine glass habang nagsasayaw sa gitna ang mga kaklase't ka-batchmates namin.

Malakas akong napabuntong- hininga at tumayo ng mabuti habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Namulsa ako.

His clothes look good on him. With his white tie and black suit, he looked like a groom at the wedding. His hair is neatly combed and his body cleanliness is breathtaking. He doesn't have to be muscular just to wear a suit and look perfect. With his built body, he is already freakin' hot.


"Yelling at the sky,

Screaming at the world,

Baby why'd you go away?

I'm still your girl"


Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Ang malumanay na musika ay nagpapalambot sa tuhod ko. Hindi pa rin talaga ako sanay na ganito kalakas ang epekto sa'kin ng lalaking 'to. Pakiramdam ko siya na ang kumukontrol sa tibok ng puso ko. Siya na ang nagmamay-ari nito at bilang may-ari, wala na akong karapatan para utusan ito. Paulit-ulit niya akong sinasaktan pero paulit-ulit naman akong nahuhulog sa kaniya.


Natigilan ako nang lumapit sa kaniya si Tina nang may ngiti sa labi. Silver ang gown niya na nagpapakita ng konting cleavage. Ang straight niyang buhok ay nakawagayway. Ang dating nerd na nakilala ko ay walang-wala na sa katauhan niya ngayon.


"Holding on too tight,

Head up in the clouds,

Heaven only knows where you are now"


Walang emosyong nag-angat ng tingin sa kaniya si Jonathan.


"I love you so much Reil!" malakas na sabi niya at mabilis na hinalikan si Jonathan. Bago pa magdikit ang labi nila, mabilis akong umiwas at tumalikod.


"How do I love?

How do I love again?

How do I trust?

How do I trust again?"


Mabilis na nanlabo ang paningin ko. Ang pagkasikip sa dibdib ay muling bumalik. Napamura ako ng malutong nang pumatak ang luha ko. Kumuyom ang kamao ko at madilim ang paningin na umalis sa putanginang lugar na iyun. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Really, Aetrish. Fucking fuck! Up until now I'm still fucking hoping! Tapos na nga kami! Ako ang nagtapos pero bakit asang-asa pa rin ako? Inlove na ang dalawa sa isa't isa! Sampid lang talaga ang kinginang ako. Hindi ka niya mahal! Hindi niya ako mahal! Putangina. Hindi niya ako mahal.

Natigil ako sa paglalakad nang namataan ang apat na kalalakihan malapit sa nakapark kong sasakyan. Pagkalingon sa'kin ni Iking, wala na akong sinayang na oras. Mabilis akong sumugod sa kaniya at sinuntok siya nang pagkalakas-lakas.

Napayuko siya. Hinablot ko ang kwelyo niya at pinatayo ng maayos.

"Puta! Ae—"

Hindi pa siya nakakabawi nang sinuntok ko na naman ang mukha niya. Malakas kong sinipa ang tiyan niya at bumaling kay Pulding na natulala sa nangyari. Nagulat siya nang makitang nasa harap na niya ako. Hinablot ko rin ang kwelyo niya at pinagsusuntok-suntok. Bawat sapak ko sa kaniya, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. My eyes we're bloodshot as I was looking at my target.

Imbes na bugbugin ako ng kasama niya, mas pinili nilang awatin ako. Hindi ako nagpadala. Duguan na ang mukha ni Pulding pero hindi ko alam kung bakit hindi parin ako nakukuntento. Kulan na kulang pa rin sa'kin. Nang halos hindi na maimulat ang mata ng target ko, patapon ko siyang binitawan at bumaling sa mga kasama niya.

I felt empty inside of me. Fucking empty. Wala akong maramdamang emosyon sa sarili. I fucking think I lost myself in the middle of the jungle. In the middle of the ocean.

Napangisi ako nang makita ang takot nilang itsura.

"Shit, Aetrish! Ano to?!" malakas, iritadong sigaw ni Koing.

Binali- bali ko ang leeg ko at humakbang papalapit sa kanila. Nakatakbo ang isa habang naabutan ko naman si Koing. Sapilitan kong pinaharap siya sa'kin at walang-awang pinagsusuntok. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magsalita. Paulit-ulit ko siyang sinasapak nang pare-pareho ang lakas. Tuwing natutumba, mahigpit ko ulit siyang hinahawakan para suntukin. Ang talsik ng dugo at putik ay hindi ko alintana.

Natigil lang ako ng wala na siyang malay. Hinihingal akong umupo sa lupa. Sinuklay ko papataas ang buhok ko gamit ang mga daliri at nag-angat ng tingin para salubungin ang buhos ng ulan. Ang lamig ng simoy ng hangin ay wala ng epekto sa'kin.

Hilaw akong napangiti. Nagpapasalamat na naging malaking tulong ang apat na kumag na'to para maipalabas ko ang nararamdaman ko na matagal ko nang ikinikimkim.

Sumulyap ako sa tatlo na nakabulagta sa lupa. Humihinga pa. Maswerte ang araw na'to para sa isa nilang kasama.

Nagdaan ang ilan pang minuto na pagpapaulan, napagpasyahan kong tumawag ng ambulansya para sa tatlo. Hindi pa nakakarating ang ambulansiya nang umalis na ako sa university.


Pagkarating sa bahay, nakayukong pumasok ako sa loob. Madilim na ang paligid kaya hindi ko na alintana ang itsura ko ngayon. Lilinisan naman ng mga katulong bukas ang pinagdaanan ko kaya hindi ko na kailangang mag-alala.


"He's bisexual Frio."


Nagulat ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Nakaupo si papa sa couch sa sala habang nagkakape. Nakapukol sa'kin ang kaniyang mga mata.


Napalunok ako. Sana hindi niya mapansin ang mukha ko ngayon.


"Pa.." mahinang bati ko sa kaniya.


Malakas siya bumuntong- hininga at umiwas ng tingin sa'kin.


"Mag-iwan ka para sa sarili mo, Frio. Yan lang ang tangi kong sasabihin."


I gulped the lump in my throat. Nanlabo na naman ang aking paningin. Napatakip ako sa bibig para pigilan ang sarili na humikbi.


I feel like a lost puppy finding his master. Hindi ko alam kung bakit na lang ako bumigay sa simpleng sinabi ni papa.


I am fucking pathetic. Ang liit – liit ng problema ko! Isa! Isang tao lang ang problema ko pero pakiramdam ko, ubos na ubos na ako. Durog na durog! Shit! Damn it! Napakaliit ng problema ko kumpara sa napakaraming tao sa buong mundo pero kung maka-arte ako, parang katapusan ko na!


Kung alam ko lang sana na ganito pala magmahal, sana hindi ko na lang hinayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog kay Jonathan. Tangina naman, oh!


"As much as I want to hug you, I can't because you looked like a messed now. Go change yourself. You might get sick."


Tumango ako kay papa na parang bata. Pinahiran ko ang luha ko gamit ang likuran ng palad bago yumuko.


"Goodnight papa. Sorry for the trouble."


"You don't have to worry. Just fix yourself. Ako ng bahala sa lahat," he smiled sincerely at me.


Ngumiti rin ako. "Thanks pa. I love you po."


"I love you too Frio. Kaming dalawa ng mama mo."


Tumango ako sa kaniya at ngumiti bago tuluyang umakyat sa kwarto. Matapos maligo, hindi ko na hinayaan pang maglakbay ang aking isipan. I am physically and emotionally tired.


Pagkagising, ang unang nasagap kong balita ay suspended ako sa university ng tatlong araw. Ganon din ang apat na mokong. Nag-eexpect na ako na gano'n ang mangyayari kaya ipinagkibit-balikat ko na lang ang nalaman.


Ayoko mang bumalik pa sa klase pero ayoko namang iwan sa ere ang mga kagrupo ko para sa research project namin. Sa mga nagdaang araw, doon ko ginugol ang oras ko. Hindi ko akalaing hindi pala madali ang gumawa nito kung kakaunti lang ang members na nagpa-function.


"Congratulations, Frio! I'm so proud of you!"


Ngumisi ako at sinalubong ang yakap ni mama pagkababa sa stage hawak-hawak ang diploma.


"Tss. Secondary level palang ang natapos ko ma," natatawang sabi ko at nagfist-bump kay papa na nasa likuran niya.


"Still! Isang malaking achievement, sweetie!"


Natawa na lang ako at ganon din si papa. Sabay niya kaming inakbayan ni mama.


"Let's go. Baka mahuli pa tayo sa flight."


Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Kumalas ako sa pagkaka-akbay kay papa. Sabay silang napatingin sa'kin.


"Susunod na lang po ako."


Nagkatinginan silang dalawa. Unang tumango si papa at tinapik ang balikat ko.


"Huwag kang magtagal," aniya.


Tumango ako at ngumisi bago naglakad papasok ulit sa gym. Mabilis na nahanap ng mata ko si Jonathan. Kasama niya ang mommy at daddy niya.


Huminga ako ng malalim at tinatagan ang loob. Taas-noong naglakad ako papalapit sa kanila.


I just want to thank you and say goodbye. The day I received the note from Clark, my life took on a new hue. He became a huge part in my life. Ang sakit sa dibdib ay nandito parin at hindi ko alam kung kailan 'to tuluyang mawawala pero alam kong darating din ako sa araw na yun. Today, I just want to act that as if nothing happened between us. Just for the last minute.


But then, this is the reality. Fairy tales do not exist in this world. Prince charming are just fictional character. Destiny is just a word. And love is just a feeling.


My steps haltered when Tina enter the picture together with her family. Nakangiting isinukbit ni Tina ang kamay niya sa braso ni Jonathan. His face is serious. Hindi nagbabago simula nang nag-umpisa ang program. Kahit na nakatanggap ng medal at certificate bilang With Highest Honor sa grade 12.


Nagkamayan ang daddy ni Jonathan at Tina bago humalakhak sila ng malakas. Tinapik ng daddy ni Tina ang balikat ni Jonathan at nakipag-usap. Kinausap naman ni Tina ang mommy ni Jonathan.


Well...


Napailing-iling ako sa sarili. Yumuko ako at tumalikod sa kanila. Nanginginig ang kamay kong tinahak ang daan papalabas sa gym.


Huminga ako ng malalim para pigilan ang nagbabadyang luha. No. I will not cry again for pete's sake! Tama na. Masyado ng nawawala ang angas ko.


"You done?" nagtatakang tanong ni mama.


Nagkibit-balikat lang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng van.


The story goes on, but I believe our chapter comes to an end here. Until we meet again, Mr. Bermudo. I love you...


********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro