Chapter 37

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



"What?! Next week!" gulat na sigaw ko at napaupo ng mabuti sa hinihigaang sun lounger. Tinanggal ko ang sunglasses ko at nilingon siya.


Umirap sa'kin ang sekretarya ko.


"Pinaalala na kita nito Madame last week, ah! Gulat na gulat?" sarkastikong sabi niya.


"Ano? Bakit wala akong alam?!"


"Pa'no mo malalaman kung tinutulugan mo lang tuwing nagre-report ko sa'yo?"


Suminghal ako at f-in-lip ang buhok na hanggang beywang. Tinitigan ko ang babaeng nakatayo sa gilid ko. Tamad lang siyang nakatingin sa'kin.


"Sinasagot-sagot mo na ba ako?" tanong ko at pinagkrus ang braso sa dibdib.


"Ang arte mo. Proceed na tayo sa next."


"Aba't? Hoy, impakta ka! Baka nakakalimutan mong ako ang boss dito at senador ka lang?"


Malakas na bumuntong-hininga si Venus at umirap na naman. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang irap 'to sa buong araw. Buti nga hindi pa naduduling ang gaga.


"Wala ka namang role sa kasal nila kaya wala kang dapat i-problema, Madame." She emphasized the last word.


"Kahit na. Alam mo namang ayokong bumiyahe tuwing maaga. Masusunog ang skin ko!" maarteng sabi ko at pinaypayan ang sarili.


Napangiwi siya.


"E, anong ginagawa mo ngayon? Kakalangoy mo lang sa dagat."


"I didn't swim—"


"Atsaka, bakit sa labas ka ba ng eroplano sasakay? Magsi-swimming ka ba sa himpapawid? Magfo-floating?"


Masama ko siyang tiningnan. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Napabuga ako sa hangin at tamad na kinuha ang wine glass na nakapatong sa table na nasa gilid ko.


I fixed my gaze on the vast and magnificent ocean in front of me. Whitehaven Beach is indeed a breathtaking view here in Australia.


This is my first week here, and I had intended to stay for a while, but what I heard earlier caught me off guard.


Napanguso ako.


"Ayoko na talagang bumalik sa tropical country na yun. It's so pangit there."


"Wow? Ang arte nito. Baka nakakalimutan mong dun ka pinanganak, gaga," aniya.


Nalaglag ang panga ko. Nabitin ang pag-inom ng wine. Nanlalaki ang matang nilingon siya ulit.


"Minumura mo na ang boss mo ngayon?!"


"Oo kaya umayos kana madame. Bitter ka lang, e."


"Excuse me?" maarte at matigas na tanong ko.


Ngumisi lang sa'kin si Impakta. I rolled my eyes.


"Anyways.."


Nagpatuloy sa pagsasalita ang sekretarya ko. Hindi na lang ako umimik at sa halip nakinig na lang sa kaniya.


It's been three years since she started working with me. At first, I couldn't believe it. Syempre, sinong maniniwala na ang vice president at ang isa sa pinakamatalinong kaklase ko noon, mag-aaply sa company ko bilang sekretarya ko? It doesn't make fucking sense! But then when I heard her story, napangiwi na lang ako.


Maaga pa lang lumandi ang isang 'to. She got pregnant while she was in college. Ending, hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral. May experience naman siya sa pagiging sekretarya sa ibang kompanya kaya tinanggap ko na. Mabuti nang kilala ko ang nagtatrabaho sa'kin kaysa tumanggap ako nang kung sino mang-barakuda d'yan sa tabi-tabi.


Pagkatapos niyang sabihin sa'kin ang schedule ko at ang mga ganap sa kompanya, umalis na rin siya. Pagkatapos masaksihan ang napakagandang sunset, hindi na rin naman nagtagal ay bumalik na ako sa hotel at nagpahinga sa sariling suite.


Bigla akong nagising nang mag-ring ang phone ko. Kunot-noong kinapa-kapa ko ang kama habang nakapikit ang mata. Nang mahanap ito, diretsahan kong sinagot ang tawag.


"What?" I tried to sound angry but my voice didn't cooperate.


"Hey! Kailan balik mo?"


"Huh?"


"Ha? Halabyu?"


Nagsalubong ang kilay ko at iminulat ang isang mata para tingnan kung sino ang caller. Napapikit ulit ako nang makilala.


"What do you want, Andrew E? Alam mo bang dinisturbo mo ang tulog ko, tangina ka."


Humalakhak siya. Bahagyang umangat ang gilid ng labi ko. I hug my pillow tightly and feel the softness of my bed.


"Nabalitaan ko sa pinsan mo na babalik ka daw dito. Hindi nila sinabi kung kailan, ang mga gagong yun. Kailan ba balik mo?"


"Why? You miss me that much?"


"Tss. Oo! Kung alam ko lang kung nasaan ka, matagal na akong pumunta diyan!"


Natahimik ako pero nanatili ang ngiti sa labi.


Si Venus lang ang tanging nakakaalam kung nasaan ako. Sumasama siya sa'kin minsan, katulad ngayon kapag maluwag kami sa kompanya. Kahit hindi man siya kasama, alam niya parin kung saang lupalop ako nagpupunta dahil malamang sekretarya ko siya. Alam niya kung saan ako hahanapin kapag may nagka-aberya. I don't want my cousin, even Andrew to know kasi alam kong susunod ang iilan sa'kin at hindi ako makakapagrelax kapag ganoon.


"Ba't tumahimik ka? Kinikilig ka, 'no?" natatawang tanong niya.


Napangiwi ako.


"Kakakita lang natin last week, Abo. 'Wag mo akong dramahan diyan."


"Tsk. Isang araw lang yun, Aetrish. Tapos sa opisina mo pa! Ayaw mo namang tumapak sa labas ng kompanya mo, kaya sinong mag-eenjoy dun?"


"Sino nga bang mag-eenjoy kung tatapak ka lang sa lupa?"


"Nakakatawa," he sarcastically said.


Humalakhak ako. Nag-usap pa kami bago napagpasiyahang magpaalam sa isa't isa.


Before going back to the Philippines, I stayed for another five days.


Sinulit ko ang mga araw habang nandito ako. I tried different activities here as well as visiting other near islands. Bumili na rin ako ng mga souvenirs para kay mama't papa at sa mga pinsan ko.


"Hello love.. yes. Nandito na kami sa airport. Asan na kayo?"


Umirap ako nang marinig ang malambing na boses ni Venus sa gilid ko habang may kausap siya sa phone. As we wait for the van to pick us up, I put on my sunglasses. May napapalingon sa pwesto namin. I guess some of them can recognize me or some were just mesmerized of my beauty. Wearing a trench coat with blanket scarf around my neck and tall brown boots, I already know I'm fucking gorgeous.


"Alright.. bye. I love you too."


"Tsk."


Napailing-iling ako. Tumingin sa'kin si Venus habang ibinubulsa ang phone niya. Ngumisi siya.


"Inggit ka, Madame?"


"Fuck off."


Humalakhak siya. "Ano kaya sa feeling ang maging single, ano? Palibhasa gano'n talaga 'pag pangit, walang pumapatol."


"What the fuck!" singhal ko sa kaniya.


Mas lumakas ang tawa niya. "Joke lang! Ito naman hindi mabiro."


"E, kung saksakin kaya kita ngayon tapos sabihin ko sa'yo joke lang, tingin mo may trabaho ka pa bang babalikan?"


Imbes na magalit o makonsensya, mas humagalpak pa sa tawa ang gaga. Mabulunan ka sana ng laway mo, nyeta.


Tumayo ako at hinila ang maleta papalabas sa airport. Iniwan ko ang impakta na ngayon ay halos malagutan na ng hininga kakatawa. Bwesit. Ako pa talaga ang sinabihan ng pangit? Akala mo naman kung sinong kagandahan e siya naman ang nawawalang kapatid ni Shrek.


Eksaktong pagkalabas ko, biglang may humintong puting van sa harap ko. Bago pa ako maka-react, mabilis na bumukas ang pinto sa passenger seat nito.


"Oh my gosh. Mami!" matinis na sigaw ng batang babae at mabilis na tumakbo papalapit sa'kin.


Nanlaki ang mata ko. Malaki ang ngiti na sinalubong ko siya ng yakap.


"I miss you so much po!" sobrang laki ng ngiti niya. Her cute baby teeth are showing.


Ngumisi ako at tinanggal ang sunglasses na suot. "I miss you too baby girl. You are so pretty, manang-mana sa tita!"


Sabay kaming natawa.


"My baby!"


"Mama!"


Umayos ako ng tayo nang umalis sa harap ko si Mhyrr para salubungin ang kaniyang ina. Biglang humagulgol ang bata habang yakap-yakap si Venus.


Biglang may tumampal ng pisngi ko.


"Yow!"


"Lintek, Denver!" singhal ko sa kaniya.


"Hindi mo naman siguro pinahirapan ang asawa ko, ano?" natatawang tanong niya.


Hindi niya na hinintay ang naging sagot ko. Lumapit na siya sa kaniyang mag-ina at sumali sa yakap. Hinalikan niya pa ang labi ni Venus sa harap ng kaniyang anak at sa harap ko. Yuck.


"Miss you din po."


Napapisik ako sa gulat nang biglang may yumakap sa'kin galing sa likod. Susuntukin ko pa sana pero mabilis din siyang kumalas. Iritado ko siyang hinarap.


"Away gusto mo?"


Natawa si Andrew. Umirap ako.


He looked so fresh and happy. Soft ang features ng mukha niya kaya madalas pagkamalan na isang teenager, minus na lang sa mature niyang katawan. Mukhang suki ng gym.


"Pakidala na lang ng maleta, Abo. Wala ako sa mood para bitbitin pa yan."


"Wala man lang 'I miss you too' diyan?"


"Wala."


"Wala na naman? Bakit ka ba wala sa mood palagi? Napakawalang modo mo."


Suminghap ako at nilingon siya. Humalahakhak siya ng makita ang reaksiyon ko. How I hate these creatures.


Hindi ko na lang silang lahat pinansin. Nauna na akong sumakay sa van. Lahat sila mga walang kwentang kausap.


Natatawang pumasok at tumabi sa'kin si Andrew.


"Bakit ba ang sungit mo?"


"Shut up."


"Suplada," bulong niya.


Umirap ako.


Habang nasa biyahe, ang anak ni Venus ang bida sa loob ng sasakyan. She's very cute. Napaka-daldal at energetic niyang bata. Mukhang nagmana talaga sa ama't ina niya. Ang kaniyang mata ay nagmana sa pinsan ko pero ang the rest ay halos lahat na kay Venus.


I was not there when my cousin introduced her to our family. Nasa ibang bansa ako nun kasama sina mama't papa kaya naman kahit ang pagbubuntis niya ay hindi ko nalaman. Wala din naman kasing nagpaalam sa'kin sa dami ng pinsan ko. Ewan ko ba. Napakawalang-kwenta talaga nilang lahat.


Nang makarating sa mansyon, si mama't papa ang unang sumalubong sa'kin. Niyakap ako ni mama at nagfist -bump naman kami ni papa.


"How's the flight, sweetie?" malambing na tanong niya.


"Fine po. Jetlag."


Iginaya niya ako sa living room kung nasan ang aking mga binatang pinsan na hinahalungkat ang mga pasalubong kong dala. Dati mga paslit pa lang 'to pero ngayon ang tatangkad na nila. Pwede nang magpaiyak ng mga babae. Tss.


Nagkwentuhan at nagkasiyahan pa kaming lahat habang nasa hapagkainan bago ko napagdesisyunang magpahinga sa kwarto. Bukod sa pagod ako sa biyahe, kailangan ko ring maging fresh bukas para sa dadaluhang kasal. Gusto pa sana akong makasama ni Andrew pero wala na rin naman siyang nagawa nang sinabi ko na gusto ko ng magpahinga. Kahit naman na umapila siya, hindi ko naman siya susundin. Ano siya gold?


"Mami, you are so pretty po talaga!" matinis na boses na sabi ni Mhyrr habang nagtatatalon dito sa loob ng kwarto ko. She's wearing a cute floral dress. Meron din siyang suot-suot na flower crown sa ulo na nababagay sa wavy niyang buhok.


Ngumisi ako at ibinaling ang atensiyon sa kabilang tenga para maikabit ang hikaw. I'm wearing a simple backless dress that hugged my sexy body. It is color peach since it is the motif of the wedding. I like it tho.


Masayang humawak sa kamay ko si Mhyrr habang bumababa kami sa hagdan. Natawa na lang ako sa ka-cute-an niya.


Nagniningning ang matang nakatingala sa'kin si Andrew. Siya ang driver namin for today dahil busy ang siraulo kong pinsan.


"You're so beautiful, Aetrish," nakangiting sabi niya nang makarating kami sa baba.


"I know right," nakangising sabi ko at kumindat sa kaniya. Natawa siya.


"What about me, Tito Jake? Why are you not complimenting me?" kunot-noong tanong sa kaniya ni Mhyrr.


"Of course, baby girl! You are also beautiful. Very beautiful!" natatawang sabi niya at hinalikan sa pisngi ang bata. Bumungisngis naman si Mhyrr.


Luminga ako sa paligid para hanapin ang ina ng batang ito. Siya ang makakasama ko ngayon sa kasal dahil inimbitahan din naman siya ng bride.


"Asan si Venus?" tanong ko kay Andrew.


Tumingala siya sa'kin nang may ngiti pa sa labi. "Mauna na lang daw tayo. Susunod na lang siya sa simbahan. Nagka-LBM ata."


"What?!" Hindi makapaniwalang sabi ko.


Sumulyap ako sa wall clock at nakitang mag-iilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang kasal.


"Sinabi niya sa'kin kanina. Magta-taxi na lang daw siya papunta dun pero sabi ko babalikan ko na lang siya. Let's go?" aniya.


Napakagat ako sa labi at sinulyapan ulit ang orasan. Shit! Lintek naman na tae yan, oh!


"Bakit nasan na ba siya?!" iritadong tanong ko. My ghad. My beauty!


"Malamang nasa CR, Aetrish. LBM nga diba? Halika na kasi. Hindi ka naman mag-iisa kasi kasama mo si Mhyrr."


"Fine! Whatever."


Bahala na sa buhay niya ang impaktang yun! Kung ano- ano ba naman kasi ang lumalabas sa bibig niya, yan tuloy na karma. Malunod sana siya sa kubeta, nyeta.


"Is the bride pretty, mami?"


"Yes, baby girl,"nakangiting sabi ko at nilingon siya sa likod.


"How about her groom?"


"Yes."


"Then, when are you going to be a bride po?"


Nagulat ako sa sinabi niya. Humagalpak naman ng tawa si Andrew. Mabilis na sumulyap sa'kin at binalik ang tingin sa kalsada.


"Why are you asking?" taas-kilay na tanong ko.


Ngumisi ang bata sa'kin. "I think you're getting old na po kasi."


Anak ng impakta.


Mas lumakas ang halakhak ni Andrew. Sinuntok ko siya sa braso niya. Huminga ako ng malalim at pekeng ngumiti sa anak ni Venus. Kung hindi ko lang talaga pamangkin 'to, naku!


"E, kung pag-untugin ko kaya kayong magpamilya, ano?"


"Hoy, gago!" natatawang saway sa'kin ni Andrew.


Umirap ako kay Mhyrr at umayos ng upo. Narinig ko siyang bumungisngis sa likod.


"I'm just kidding, Mami. I just want to see you smile genuinely with the love of your life," she suddenly whispered to my ear.


I stilled. Dahan-dahan ko siyang nilingon. She's smiling at me brightly. Full of innocence.


"Hoy, ano yun? Anong binulong mo, ha?" natatawang tanong ni Andrew at mabilis na sumulyap sa;kin. "Anong binulong niya?"


Hindi ko siya sinagot. Tumikhim ako at tumingin sa labas ng bintana.


Bahagyang kumirot ang puso ko sa 'di malamang kadahilanan. I don't want to think of anything kaya inabala ko ang sarili sa panonood ng tanawin sa labas na puro kotse naman at building ang makikita. Hindi nakaka-relieve ng stress amputa.


Nang makarating sa simbahan, I tried to compose myself. I retouched my make up inside the car.


"Hindi na lang ako bababa? Para mabalikan ko agad si Venus."


"Sure, sure. No problem," sabi ko at nilingon si Mhyrr na ngayon ay manghang-manghang nakatingin sa labas. Marami nang nakapark na sasakyan sa labas at wala ng mga tao. Sigurado akong nag-uumpisa na ang kasal.


Ngumiti ako kay Andrew nang makita na bukas na pala ang pintuan ng front seat at nakaabang na siya sa labas ng sasakyan.


"You don't need to be gentleman," natatawang sabi ko sa kaniya bago bumababa.


Ngumisi siya. "I want to."


Pinagbuksan niya rin ng pinto si Mhyrr. Napatili ang bata na sabay naming ikinagulat.


"Gosh! I'm so excited! Let's go na Mami!" matinis na boses na sabi niya at hinawakan ang kamay ko at sapilitang pinalakad.


Natawa ako at nagpatianod sa kaniya. Sinulyapan ko si Andrew na naabutan kong nakangiting nakatingin samin.


"Thanks, Abo. Balikan mo si Venus, ha. Siguraduhin mong makakapunta siya rito."


Nakangiting tumango lang siya sa'kin.


Tumango rin ako at sabay na kami ni Mhyrr na pumasok sa loob ng simbahan. Dumaan kami sa gilid kung saan hindi makakaagaw-pansin ng bisita. Kitang-kita ko sa mukha ng bata na gustong-gusto niyang tumili pero pinipigilan niya ang sarili dahil naglalakad na ang mga bridesmaid at groomsmen sa gitna.


Pumwesto kami sa upuan na nasa bandang gitna dahil ang atensiyon ng nakararami ay sa likod kung saan lalabas ang bride. Ayoko talagang makaagaw ng atensyon.


Magkahawak kamay kami ni Mhyrr habang nakatayo at pinagmamasdan ang mga naglalakad sa gitna. Nang biglang lumakas ang tugtog ng banda at dahan-dahang bumukas ang malaking pinto ng simbahan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ako ang kinakasal.


"Wow.." bulong ng bata sa tabi ko nang umulan ang mga kulay pink na petals ng rose sa loob ng simbahan.


"Oh my gosh. She's so pretty Mami! She's an angel!" malakas na bulong ni Mhyrr habang niyuyogyog ang kamay ko.


Indeed. She really looked like an angel.

Napangiti ako.


Nakapako lang ang mata ni bride sa harap kung nasaan nakatayo ang kaniyang groom. Napansin kong mangiyak-ngiyak ang mukha ng groom. Napangisi ako pero unti-unti ring nawala nang may namataang nakatayo sa likod niya.


A cold piercing eyes are directly looking at me. I stilled. I was too stunned to speak but I manage to compose myself. I smoothly looked away from him.


Shit! Fuck!


He grew up. His gentle features have already vanished. It's getting dark and hazardous now. His gaze was strong and dark. His jaw became more defined and his hair was not already clean-cut. It is now a bit messy. His fucking physique is incredible.


Hindi ako makapaniwalang sa bilis lang na pagsulyap ko sa kaniya, tanda ko lahat ng pinagbago niya. Wow, huh. Una palang may hinala na talaga ako na maaaring magtagpo kami ni Jonathan dito pero hindi ko parin talaga maiwasan na magulat.


Well, it's just nothing. I don't care tho.


Habang nagmi-misa, bulong nang bulong sa'kin si Mhyrr. Pinapansin ko naman siya kasi kapag hindi ko 'to pinansin, paniguradong titili siya. I didn't bother myself looking at his direction. I'm not interested, anyway. But I feel like every minute passed, someone's looking at me.


Umirap ako.


"Mami, the guy is so lucky, 'no?" bulong na naman ng katabi ko.


"Yeah," tamad na sagot ko sa kaniya.


"She is so pretty talaga. You're pretty din Mami pero mas pretty talaga siya."


"Taena. Huwag mo akong umpisahan, bata ka."


Bumungisngis siya at nagpeace-sign sa'kin. Umirap ako sa kaniya. Umirap din siya. Anak talaga ng impakta.


"Clark, do you take Kathryll to be your lawfully wedded wife? Do promise to love and cherish her in good times and in bad, in sickness and in health, for richer for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live?"


Clark looked at his bride with full of love. "I do."


Bahagyang napatili ang katabi ko. Mabilis ko siyang siniko.


"Ack! Love it!" matinis na boses na bulong niya.


"Kathryll, do you take Clark to be your lawfully wedded husband? Do promise to love and cherish him in good times and in bad, in sickness and in health, for richer, for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto him, for so long as you both shall live?"


She smiled genuinely. "I do, father."


Napabaling ang atensiyon ko sa phone ko nang magvibrate ito. May message galing sa magaling kong sekretarya.


Mercury—:

Nandito na kami sa labas. Di na kami papasok, patapos na rin naman.


Ako:

Share?


Mercury—:

Gaga.


Napaangat ang gilid ng labi ko at bahagyang nagulat sa tili ng katabi ko at palakpakan ng mga tao. Pagkabaling ko sa harap, naghahalikan na pala ang newly wed. Umirap ako at umiwas ng tingin.


"Oh my gosh! Bagay sila!"


Huminga ako ng malalim at kinalabit ang katabi na di parin matigil sa kakatili.


"Nasa labas na ang mama mo, baby. Let's go?" yaya ko sa kaniya.


Ngumuso siya at tumango.


"Alright. But first! I need to pee," binulong niya ang huling salita.


Napangiwi ako at kunirot ang cheeks niya bago hawakan ang kamay at samahan papunta sa restroom ng simbahan.


"Wait. You don't need to go inside. I can manage myself," supladang sabi niya.


Kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay. "Pake ko kung kaya mo ang sarili mo? Maghuhugas lang ako ng kamay, 'no."


"Mami naman, e!" napapadyak siya sa inis.


Humalakhak ako. "What?!"


"Huhugas lang ha!"


"Opo, boss."


Pagkapasok sa loob ng restroom, binantayan niya pa talaga ako habang naghuhugas ako ng kamay. Humalakhak ako. Nang matapos dali-dali niya akong pinagtulakan papalabas sa restroom at pabagsak na sinara ang pinto na nagpatawa ulit sa'kin.


"Shit!"


Napapisik ako sa gulat nang biglang paglingon ko, nakatayo sa harap ko si Jonathan. Mabilis akong napahawak sa dibdib. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa sobrang gulat.


"Jonathan, ikaw lang pala!" I exclaimed.


I was so proud of myself when I said his name without the feeling of awkwardness. Kung dati, hindi gano'n kalayo ang agwat ng height namin sa isa't isa, ngayon ramdam na ramdam ko na. Mas lalo ata siyang tumangkad. His body is really a fucking hot. Bagay na bagay sa kaniya ang suit niya.


"Aetrish," he says seriously. His eyes were really deep, which perplexed me. Iba ang pakiramdam kapag siya ang tumatawag sa'kin ng pangalan ko.


Ang dating imahe ni Jonathan sa isipan ko ay nawala na lang ng parang bula dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.


"Hey. It's been a long time," kaswal na bati ko sa kaniya. "It's been what? Seven years? Or eight?"


Uh-huh. I don't know what to say. Tsk.


"Gosh, Mami!"


Sabay kaming napalingon ni Jonathan nang bumukas ang pinto ng restroom. Diring-diri ang mukha ni Mhyrr pagkalabas niya sa Cr.


"You know, umihi lang ako! Nang binuhusan ko na ng tubig using a tabo, hindi siya nag-flushed and instead, may lumabas pang tae! Like, seriously!" maarteng sabi niya at tumili. "I hate it! It's not even my tae! Why would it come out? So, does it mean, it's been there all this time? Even when I'm peeing?! Nagtatago lang siya? And then boom, surprise?!" Tumili ulit siya. Namumula na ang ilong at mata. "Gosh! Ayoko na. Let's go, Mami! I can't believe this. Color black pa siya!"


Nagmartsa siya papaalis. Diring-diri niya pang sinulyapan ang CR, umirap bago tumakbo nang nagtitili-tili. Napamura ako.


Anak talaga amputa ng impakta. Tangina.


Hahabulin ko pa sana siya nang maalalang kausap ko nga pala si Jonathan. Napasulyap ako sa kaniya. His mouth is partially open. I'm not sure how to explain the emotion in his eyes. He appeared stiff as well.


"Uh.."


Nag-angat siya ng tingin sa'kin. His eyes become cold. He gritted his teeth. I don't know but he looked angry.


Napakamot ako sa ulo at nang binalik kay Mhyrr ang tingin, napamura ako ng malutong nang makitang nadapa siya sa kakatakbo. Kagaga.


"Mauna na 'ko. B-bye," naiilang na sabi ko at dali-daling umalis sa harap niya.


"Nine, actually," he whispered coldy.


Natigil ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim, umiling sa sarili bago ipagpatuloy ang paglalakad papalayo sa kaniya.


Alam ko.



********


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro