Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Class dismiss."




Pagkalabas na pagkalabas ni ma'am ay biglang umingay ang paligid. Nakangiti akong nag-unat-unat.


"Hoooh!!" masayang sigaw ko at pumikit. Nakakapagod din pala kahit nakaupo ka lang ng ilang oras.



Napamulat ako nang biglang may nagbaba ng kamay ko na nakabitin sa ere. Bigla akong napangisi ng makita ang nakatingin sa'king si Jonathan. Walang ka-emosyon-emosyon ang kaniyang mukha.


"Do you have a laptop?"


Napangiti ako. "Hmm?"



"Meron naman kayong laptop, diba?"


"Oo naman, bakit?"



Tumikhim siya at huminga muna ng malalim bago ako sagutin. "Napag-isipan ko lang kanina to na.." tumingin muna siya sa ibang direksiyon bago ibalik sakin. "Mas mabuting dalhin mo na lang ang laptop mo dito bukas nang sa gayon makapagplano na tayo kung anong klaseng booth ang gagawin natin. Baka may kailangang i-search sa internet kaya mas mabuting handa tayo."



Napatanga ako. "Ha?"



Pinagsasabi nito?! Akala ko ba laptop ang pinag-uusapan namin? Hindi ko naman akalain na 'di pala siya marunong mag-umpisa ng conversation. Marami pang eche-bureche! Kung gusto niyang makipag-usap sa'kin dapat natural lang. Masyado naman siyang rich kid kung magsalita. 'Di na lang sabihin na 'Aetrish gusto kita, ang ganda mo kasi. Bagay tayo'. Yung ganon. Maiikli at straight to the point. Hindi ko maipaliwanag ang punto ng isang 'to.


Napangisi ako sa naisip at binalik sa kaniya ang tingin.


"Maging honest ka nga sa'kin Jona—"


Natigil ako sa pagsasalita nang makitang may kinakalukot siya sa kaniyang bag.


"Huy! Tsk. Alam mo hindi ko talaga maintindihan ang mga galawan ng isang—"


Humarap siya at ibinalandra sa mukha ko ang notebook na hawak-hawak niya. He looked pissed.


"Pa'no mo nga ba ako maiintindihan kung hindi ka nakinig kanina sa meeting!" inis na sabi niya. Inabot niya sa'kin ang notebook, nakasimangot ko itong kinuha.


"Basahin mo 'yan para maintindihan mo ang pinapagawa sa'tin. Alam mo bang dapat nga ay gawain mo 'yan pero dahil wala akong aasahan sayo, ako na lang ang gumawa. Listen, Malifiado. Masyado kang lutang," mariin sabi niya.



Nalaglag ang panga ko. Grabe naman 'to makasabi ng lutang. Kasalanan ko bang mahirap talaga siyang intindihin?


"Hindi ko naman 'to ginusto, eh!" nakangusong sabi ko.



"Dalhin mo bukas ang laptop mo."


"Bakit ko ba kasi yun dadalhin? Sino ba kasing putang-inang nagboto sa'kin!" napapadyak ako sa inis.


"Kaysa sa ireklamo mo, gawin mo na lang. Wala ng magbabago kaya pagbutihin mo na lang ang pagiging secretary mo."



Kunot noo ko siyang hinarap. "Nangangaral ka ba?! Akala mo madali lang 'to? Palibhasa kayong mga president utos lang ng utos, puro lang salita, puro lang reklamo pero wala namang ginagawa!"


"And you think it's easy for us too? Hindi mo alam ang pinapasan naming mga leader!"


"Tss. Utak lang ang ginagamit niyo pero hindi katawan. Bakit at the end of the day ba, kayo ang napapagod? Hindi. Kasi ang ginagawa niyo lang ay mag-isip nang mag-isip sa kung anong iuutos niyo sa'ming mga minions niyo."


"Why? Do we expect you to kill someone with a sword or a gun? Are we going to let you crawl in the mud or cross a river? No, right? You just have to take note. Malifiado, it's merely a simple task."


I pursed my lips. "Yan. Diyan kayo magaling. Dinadaan niyo sa talino ang lahat. Anong silbi ng pag-e-english speaking mo kung Filipino ang wika natin?" Umirap ako. "Tss. Matalino nga wala namang ambag sa gawain," bulong ko.



Umigting ang panga niya. Taas-noo ko siyang hinarap habang nakataas ang isang kilay. Aba totoo naman! Akala mo kung sino porke't president! May nararamdaman din naman kami! Napapagod at nagsasawa. Nagagalit sila kapag 'di sinusunod ang utos nila, tutal dada lang naman sila ng dada ba't di na lang sila ang gumawa!


Gustuhin kong mang magalit o ipakita kung gaano ako katapang sa kaniya pero nadi-distract ako sa kulay ng mata niya. Puta naman e! Bakit ang unfair ng mundo! Dapat galit ako, e!


"Tch. Coming from my oh so precious secretary?" he smirked.



Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napasinghap ako. "Harder, Aetrish. Harder," bulong niya habang diretsong nakatingin sa mata ko.


Shutangina.


Nalaglag ang panga ko habang tinititigan siya. Namamangha at nagugulat sa sinabi at pinakita. He looked so fuckin' manly! Wala akong makita ni isang katiting na baluktot sa kasarian niya. How is that possible?!


Naiwan akong nakanganga. Ngumisi pa siya sa'kin bago tuluyang lumabas sa room pero ako naiwang tulala parin.


A-Aetrish? Did he just say my first name? Yun ang kauna-unahang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Ibang-iba ang boses niya. Ibang-iba ang tono. Hindi yun ang inaasahan ko, ang akala ko kasi magagalit siya dahil sa pinagsasabi ko pero bakit ganun?! Yun ang kauna-unahang beses na narinig ko iyon at aaminin kong napakasarap nun sa pandinig. PUTANG--



Bigla akong napasuntok sa hangin dahil sa naisip.


"Anong masarap?!" malakas na sabi ko at sinampal ang sarili. "Hindi! Hindi masarap!" naghihisteryang sigaw ko at dali-daling kinuha ang bag at lumabas ng classroom. Ngayon ko lang din napansin na ako na lang pala ang natitira sa room.



Nanginginig ako sa pinagsasabi ko. Nakakakilabot amputa!



"Himala atang nahuli ka ngayon, iha? Ano na namang nangyari ngayon?"



"Masarap," wala sa sariling sabi ko. Napatingin ako kay Manong Guard na ngayon ay may nanlalaking mata. "Bye po," mahinang sabi ko at nag-umpisa ulit na maglakad ng nakayuko.


"Jusko," dinig kong bulong ni Manong Guard.


Paulit-ulit ang boses ni Jonathan sa pandinig ko at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nagrereklamo. Hindi maalis ang pakiramdam ko nang marinig ang pangalan mula sa kaniya. Puta sakit na'to! Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ko! Inabandona na niya akoo!




Habang nasa biyahe parang nakalutang pa rin ako. Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi pa ako nabangga sa lagay ko ngayon.



Pagkalabas ko sa sasakyan, napatulala na naman ako. Bago ang pangalan ko, may narinig pa akong sinabi niya. Nakagat ko ang labi ko.




Ano nga ba yun? Masyado akong nalunod sa pagkakasabi niya ng pangalan ko kaya 'di ko na matandaan ang una niya pang sinabi. Maikli lang yun at mahina kaya hindi gaanung naging klaro sa pandinig--




"Faster, faster! Bilisan niyo diyan, meron pa dito!"



Mabilis akong napa-angat ng tingin at hinanap ang pinanggalingan ng boses.




"Faster!" sigaw ng hardinero namin na nakatayo sa ilalim ng pine tree na malapit sa gate. Nakapameywang siya at binabantayan ang mga naglilinis sa paligid.



Malakas akong napasinghap. "Ha-Harder?! " hindi makapaniwalang sabi ko at napatakip sa bibig.


"Harder, Aetrish.." panggagaya ko sa boses ni Jonathan. Seryoso, with feelings at with matching eye contact.




Bigla ako napasigaw na ikinagulat ng mga hardinero namin. Puta, harder?! Tangina, harder? Bakit harder?! What does he mean by that? Harder, what? Harder ang ano? Punyeta!


Napasabunot ako sa maikli kong buhok at mabilis akong napatingin sa hardinero namin na sumigaw ng faster. Hindi ko alam ang pangalan pero dahil sa faster niya, naalala ko ang sinabi ni Jonathan.


Mabilis akong lumapit sa kaniya. Yumuko siya.


"Good afternoon po ma'am."



"Pakisapak nga ako," tulalang sabi ko at ipinaharap ang pisngi ko sa kaniya



"P-po?!" nagugulat niyang tanong.



"Sapakin oa ko, ngayon na."


"P-pero ma'am—"


"Inuutasan kita!" atat na sigaw ko.


"A-ayoko po—"


"Lakasan mo! Sobrang lakas!"


"H-hindi ko po talaga kaya—"



"Isa!"



Kailangan kong magising sa katotohanan! Punyeta! Napaka-OA ko na sa simpleng ginawa ni Jonathan! Nyeta, bakla yun pero grabe magpa-apekto sa'kin! Asan ang hustisya dun?


"O-o-opo.." natatarantang sabi niya habang nakatulala parin ako. "Sorry po."


"Dala—aray, puta!" nabitin ang pagbibilang ko nang biglang niyang sinapak ang mukha ko. Mabilis akong napa-angat ng tingin at sinapak siya ng malakas. Sinipa ko pa ang kanang tuhod niya at pagkatumba na pagkatumba niya, umikot ako at malakas na sinipa ang kaniyang mukha.


"Aetrish!"


Napabalik ako sa reyalidad ng makarinig ng sigaw. Napalingon ako. Dali-daling lumapit sa'kin si Manang Beth bitbit ang kaniyang walis-tingting.


"Susmaryusep! Anong ginawa mong bata ka?!" naghihisteryang sigaw niya.


"Po?" wala sa sariling tanong ko.


"Ano buhay pa ba?!" tanong niya sa bandang likod ko kaya naman nagtataka akong lumingon dito.


Nagulat ako nang makita si Kuya Faster na nakabulagta sa damuhan habang ginigising ng iba pang hardinero. Kitang-kita ang marka ng sapatos ko sa kaniyang pisngi.


Malakas akong napasinghap.


"Shit!"


Dali -dali ko siyang nilapitan, lumuhod at tiningnan muna ang pulso kung buhay pa nga at nang maramdamang tumitibok pa ito ay nakahinga ako ng maayos. Ginawa ko to?!


Natampal ko ang noo ko. Kasalanan 'to ng katawan ko! Grabe talaga yung body reflexes ko na ultimo ako na nga ang nag-utos sa kaniya na saktan ako pero automatic naman na ginantihan ko siya! Malay ko bang susuntukin niya agada ko nang hindi pa ako tapos sa pagbibilang!



"Nahimatay ata Manang Beth," sabi ng isang hardinero. Napatingin ako sa kaniya at nang magtagpo ang mata namin ay bigla siyang napatayo mula sa pagkakaluhod. "Tulog lang yan!" malakas na sabi niya at tinuro si Kuya Faster. "Na-natutulog lang yan kasi sinuntok este! Inaantok! Inaantok lang yan Manang Beth! Huwag kayong mag-alala! Hehe," mabilis, kinakabahang aniya. Napakamot pa sa batok at umiwas sa'kin ng tingin.




"Sige na, sige na. Dalhin niyo muna siya dun sa quarters niyo. Kailangan lang niyan siguro ng tulog. Gamutin niyo na rin ang pasa niya," utos ni Manang Beth. Tahimik na binuhat naman siya ng mga hardinero at umalis. Iniiwasan akong tingnan.


Napatampal ulit ako sa noo ko. "Anong nagawa ko?"



"Ikaw namang bata ka, umakyat kana sa taas at magbihis! Susmaryosep!" mahina niya akong pinalo ng kaniyang walis-tingting.


Napasimangot ako. "Nasobrahan ko ata manang.."


"Sinabi mo pa! Bugbog sarado yung isa! Humingi ka sa kaniya ng tawad mamaya," sermon sa'kin ni manang at iiling-iling na sumunod sa mga hardinero.


Kasalanan talaga 'to ni Jonathan e! Kung 'di ba naman siya naging baliw kanina e 'di sana walang mangyayaring ganito! E di sana hindi ako mawawala sa sarili. Putang harder yan! Harder mo mukha mo!


Napasigaw ako ng malakas habang nakaluhod parin sa damuhan. Nakatingala pa ako.


"Jonathan!" buong lakas na sigaw ko.





"Sweetie, you 'kay?" nagtatakang tanong ni mama kinabukasan. Buong gabi akong nagkulong sa kwarto dahil sa 'di makatarungang ginawa ko sa hardinero namin. Hindi din ako kumain kasi nabusog na ang tenga ko sa paulit-ulit na boses ni Jonathan. Di na talaga ako magtataka kung bukas idederetso nako nina mama sa mental hospital. Malala na to!



"Opo ma.." lutang na sabi ko.


"Nagpuyat ka ba? Parang 'di ka nakatulog, Frio."


"Okay lang po ako," mahinang sabi ko at sumubo ng pagkain. Nagtaka ako ng walang manguya. Kunot-noo akong nagbaba ng tingin.



"Kanina mo pa yan naubos, sweetie."



"Sabi ko nga," natatawa kunyareng sabi ko at tumayo na. "Pasok na po ako, Ma." Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi at pagkatapos nun ay lumabas na ng bahay.


Nagpamusic lang ako habang nasa biyahe para malibang.




"Aetrish, kalma.." mahinang sabi ko. Kakarating ko lang sa parking lot ng university. Hindi pa'ko lumalabas sa sasakyan kasi kailangan ko pang bumalik sa reyalidad. Pesteng harder talaga yan!



Tinampal-tampal ko ang mukha ko at nang maramdamang okay na'ko ay napagpasyahan kong lumabas na ng sasakyan.



Pagkatapak na pagkatapak ko sa lupa biglang may sumapak sa'kin ng pagkalakas-lakas. Bahagyang nawalan ako ng balanse at hindi agad naka-angat ng tingin. Medyo nahilo din ako.



"Hoy, ano yan?!" rinig kong sigaw ni Manong Guard at sunod-sunod na pito.



"Gago, takbo! Takbo! Okay na yun!"



Pinahid ko ang gilid ng labi ko ng may malasahang dugo. Napangisi ako.



"H-hija?! Hija, okay ka lang ba?!" aligagang tanong sakin ni manong guard pagkarating niya sa harap ko.


Napatingin ako sa kaniya. "Ganun dapat kalakas, manong.." iiling-iling na sabi ko.



Tinapik ko ang balikat niya at sinulyapan lang ang nagtatakbong grupo nina Iking. Ngayon lang ata ako nasiyahan sa ginawa niyo sakin. Tsk.


"Hija, gamutin mo yang sugat mo sa clinic. Sino bang mga grupong yun! Kilala mo ba sila?! Bakit ka nila sinuntok agad?"



Ngisi lang binigay ko sa naguguluhang si Manong Guard at pagkatapos nun ay nagpaalam na sa kaniya.


Habang naglalakad, binabali-bali ko ang leeg ko. Ganun! Ganun dapat kalakas ang suntok! Yung tipong matutumba ako! Kung gugustuhin ko, kaya kong patulan sina Iking pero maganda yung pagkakasuntok niya sa'kin kaya pinabayaan ko na lang. Yung suntok na magpapagising talaga sayo! Ganun dapat! Gising ang buong kaluluwa ko dahil dun, ah!




Hindi ganun kalakas ang suntok sa'kin ng hardinero kahapon kaya naman nakaganti agad ako sa kaniya. Nasugatan pa siya tuloy. Balak ko sanang humingi ng pasensya sa kaniya kanina pero wala akong makita ni anino ng mga hardinero.



Hindi naman malaki ang sugat ko kaya 'di na'ko nag-abalang magpaclinic pa. Abala lang yan, chicken lang naman 'to.


Pagkarating sa room, nagtaka ako nang makitang andaming mga estudyante ang sumisilip sa bintana namin. Maingay at nagkakagulo din.



"Tabi! Tabi nga!" kunot-noong pinagtutulak ko ang mga nakaharang sa pintuan.


Nang tuluyang makapasok, bumungad sa'kin ang magulong classroom. Nagkakalat na upuan, nagsisigawang mga boys at nag-iingay na mga babae. Pero ang mas naagaw ng atensiyon ko o ang bida sa programang ito ay ang powerpuff girls sa gitna.




"Ano tatanggi ka pa?! Huling huli ko na ang pagiging ahas mo! Hayop ka!"


Maraming napa-oh ang bibig, pati narin ako ng malakas na sumigaw si sili sa harap ni Blossom o Bubbles? Bubbles ata.


Gulong-gulo ang mukha ni Sili. Kalat- kalat ang make-up niya na paniguradong dahil yun sa kakaiyak. Gusot din ang uniform niya. Haggard ang sili. Mukha na siyang siling nilaga.



Ngumisi si Bubbles. "Bakit ikaw?! Ahas ka din naman ah?! Nanggagapang tuwing gabi!"


Malakas kaming nagsigawan sa sinabi ni Bubbles. Napangisi ako at sumandal sa pader habang masayang pinapanood ang dalawa. Pinagkrus ang braso sa dibdib at pati na rin ang binti. Mukhang walang may balak na umawat.



"What did you say?!" nanlalaking mata na sigaw ni sili.


"Sa'ting dalawa, ikaw ang mas-ahas! Akala mo 'di ako nandidiri tuwing kinukwento mo ang gabi niyo ni Ryan! Yuck! Yung tipong ikaw pa ang nanggagapang sa kaniya! Eh, ang pangit mo naman!"



"Time!" napasulyap ako kay Vince na nasa gitna nilang dalawa habang may hawak-hawak na walis-tambo na ginawa niyang microphone. Tatawa-tawa naman ang mga boys sa likod niya at tudo support sa tarantado.



"Gaga! Bakit inggit ka?!" makapal na mukha na tanong ni sili. Di ko alam na nakakaproud pala ang gawaing yun para sa kaniya. "Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan kasi kabit ka lang naman! Nandidiri ka?! Pwes mas nakakasuka ka! Ang pangit ng malaki mong BIBIG!"



"Time! Isang banat para kay Lily!" malakas na sigaw ni Vince.



Nag-igting ang panga ni Bubbles. "Atleast ako bibig lang ang malaki, e sayo?! Gano na kalaki niyang pekpek mo?!"


Malakas kaming nagsigawan. Pinagpapalo ko ang balikat ng katabi kong lalaki sa kakatawa. Pakiramdam ko akin ang pinakamalakas na halakhak. Puta, bokingan na to a! Tss. Bestfriend, my ass.

"H-how could you--" hindi makapaniwalang sabi ni sili at malakas na sinampal si Bubbles. "Malandi!"



"Laspag!" malakas ding sigaw ni Bubbles at ginantihan siya ng sampal.


"Ahas! Makati! Higad! Kabit!—"


"Wasak! Maluwang! Sunog! Mabaho—"

Bigla siyang sinugod ni sili at nagsambunutan sila sa gitna. Mas nag-ingay ang paligid. Sobrang saa ng mga boys na nanonood.


"Kay sili ako, ikaw?" tanong ko sa katabi kong lalaki at dumukot ng pera sa bulsa.


"Yung kabit sa'kin," aniya at dumukot din ng pera.


"Si Bubbles sayo, akin si sili. Yung malandi sayo, sakin yung laspag," nakaturo sa dalawang nagsasambunutan na sabi ko. Tumango siya at binigay sa'kin ang pera niya. Sabay kaming nanood ng away. Hindi pamilyar ang lalaki. Sa ibang section siguro siya.



Napatingin ako sa iba at napangisi nang makita na iisa lang ang tumatakbo sa isip namin. Kitang-kita ang pag-aabot nila ng pera. Kung titingnan ang paligid at pakikinggan, daig pa namin ang palengke sa gulo ng classroom. Meron na ring pumapatong at tumatayo sa armchair para makita ang laban. Samo't saring estudyante na rin ang sa loob ng classroom namin na hindi kaklase.


"Tama na yan, please!" nasulyapan ko ang isa Cindy aka Blossom sa isang tabi. Humahagulgol siya habang nakatingin sa kaibigan niyang nag-aaway sa gitna. Nalunod ang iyak niya sa sigawan sa paligid.



"Pula! Pula!"



"Puti! Puti!"




Nagkibit-balikat ako at binalik ang tingin sa harap. Nakahiga na ang dalawa sa floor dahil sa pagsasambunutan. Pasalamat talaga sila at slacks ang uniform namin dahil kung hindi masisilipan sila ng wala sa oras.



"Stop! Damn it. Itigil niyo yan!"



Bahagya lang na tumahimik ang paligid nang may sumigaw sa gilid ko. Napatingin ako dito at napangisi ng makita ang kunot na kunot na mukha ni Jonathan. Ibinulsa ko muna ang pusta namin at tiningnan ang kabuuan niya. Napagtanto kong kadarating niya lang.


Late? Himala atang nalate ang isang to?! Kaya pala nagkakagulo kasi walang sumasaway. Tsk. Kung saan kailangan ang presensya niya bilang president, dun naman siya na late.


Hindi tumigil ang dalawa sa pag-aaway. Nagpatuloy pa din sa pag-ingay ang mga nanonood. Akmang lalapitan na ni Jonathan ang dalawa ng pinigilan ko ang siko niya.


Kunot noo siyang lumingon sa'kin. Umiling ako. "Mahirap awatin ang away ng mga babae."



"So, anong gusto mong gawin ko?! Tingnan lang sila?!"


"Kung ipipilit mo, ikaw din ang masasaktan."


"President ako, Malifiado! Kaya pwede ba, bitawan mo 'ko!"


"Masasaktan ka sabi!"



"Ano ngayon?!" inis na inis na sabi niya. Napabuntong-hininga ako at hinila ang siko niya papalapit sa'kin.


"Utusan mo ang isa sa classmates natin na magtawag ng teacher! Ako na aawat!" sabi ko malapit sa bandang tenga niya kasi 'di kami nagkakarinigan. Tsansing na din. Hehe.


Binitawan ko ang siko niya. Mariin at naguguluhan siyang tumingin sa'kin. Kitang-kita ko pa ang pagbaba niya ng tingin mula sa mata ko papunta sa labi kung saan sinuntok kanina. Umigting ang panga niya at magsasalita pa sana pero hindi kona pinansin. Kinindatan ko lang siya at pagkatapos pumunta sa gitna.

Ginagawa ko lang 'to kasi baka madumihan ang napakalinis na katawan ni Jonathan. Ang presko-presko pa naman ng mukha niya. Hindi bagay maging referee sa walangkwentang away ng mga halaman na'to. Tutal babae naman ako kaya 'di nila ko masasaktan, aba subukan lang nila?! Dadagdagan ko talaga ang sugat nila.


Nang makarating sa gitna mas nag-ingay sila. Napairap na lang ako ng palihim. Dinampot ko ang likod ng uniform ni sili dahil nakapatong siya sa itaas ni Bubbles at buong pwersang inilayo sa katawan ng isa. Mukhang napuruhan na ang isa. Tsh. Panalo manok ko!


Nang mapaghiwalay ko silang dalawa, tinapakan ko ang tiyan ni Bubbles para di na siya magtangkang tumayo. Hindi ko naman binigay ang buong bigat ko. Sakto lang para 'di na siya manlaban pa.


"Bitawan mo'ko! Papatayin ko siya! Papatayin ko ang malanding yan!" Nagpupumiglas at nagsusumigaw si sili pero 'di ko pa rin binitawan ang uniform niya.



"Aray, peste!" reklamo ko nang napalo niya ang bibig ko na kung saan sa may sugat pa talaga. "Letse ka!" inis na sigaw ko at patapong binitawan sa grupo ng mga boys na kanina pa nag-iingay.


Mabilis na nagsiusog ang mga gago kaya naman nasalampak si sili sa sahig. Una mukha. Lumakas ang halakhak ng mga boys. Dun ko nga binato kasi umaasa akong may sasalo pero masyado silang tarantado. Taena.



Iiling-iling kong inalis sa kanila ang tingin at nilipat kay Bubbles. Puro kalmot ang mukha niya at halos makalbo na ang buhok niya dahil sa sambunutan. Nahahapong nakahiga lang siya at napangisi ako ng malamang hindi naman na siya lalaban pa.


"Anong nangyayaridito?!"



********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro