Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Kailangan ko ba talagang sumunod pa?!" nakasimangot na bulong ko kay Jonathan.




Naglalakad kami ngayon papunta sa guidance office dahil sa nangyari. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang sumunod pa'ko sa kanila! I mean, nang-awat lang naman ako, hindi naman ako nakisali! Wala naman akong ginawang masama. Ang mali ko lang siguro ay ang pag-expect ko na sasaluhin si sili ng mga boys, bukod dun wala na! Labas na din naman siguro ang pagiging secretary ko dito!




"Si ma'am ang nagsabi, hindi ako," sagot sakin ni Jonathan habang diretsong nakatingin sa harap. Nangunguna ang adviser namin sa paglalakad pagkatapos si sili tapos kami ni Jonathan at panghuli si Bubbles.



Napakamot ako sa ulo. "Naman oh!" mahinang reklamo ko. Guidance na naman!


Nang makapasok kaming lahat sa office ay biglang bumigat ang atmosphere. May round two?



"Kayong dalawa, umupo kayo dito," stress na stress na sabi ng adviser namin kay sili at Bubbles sa harap ng table ni Dean. Sinulyapan niya pa ako pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa dalawa.



Tumayo lang si Jonathan sa gilid kaya wala akong nagawa kundi ang tumabi sa kaniya. Sumandal ako sa wall habang magkakrus ang braso sa dibdib.


"Anong nangyari?" tanong ni Dean pagkalabas niya sa isa pang room. Umupo siya sa table niya habang nakatayo ang adviser namin sa tabi niya.


"Nagsambunutan lang naman ang dalawang yan, Dean," kunot-noong sabi ni ma'am.


Umayos ng upo si Dean. "Miss Senry? Sa pagkakaalam ko siya ang kasama mo nung dalhin ka dito kasama si Miss Malifiado. Kayong dalawa ang nagsambunutan? Kaibigan mo siya, tama?"


"Hell no!" agarang sigaw ni sili na ikinagulat namin. "Hindi ko magiging kaibigan ang isang ahas!"


Napangisi si Bubbles. "Are you referring to yourself, bitch?"



"Walanghiya ka talaga! Fucking slut!" malakas na sigaw ni sili at sinugod na naman si Bubbles at walang-awang sinambunutan.



Nagsusumigaw ang isa at gumaganti sa abot ng kaniyang makakaya. Nagsambunutan na naman sila sa sahig. Sabi ng may round 2, eh.



"Magsitigil kayo!" sigaw ng adviser namin pero mukhang hindi ata narinig ng dalawa.


Bigla akong napatingin kay Jonathan ng umayos siya ng tayo at nang astang lalapit na siya sa dalawa ay mabilis ko uling pinigilan ang siko niya.




"Aawat ka na naman sa away ng mga babae?" kunot-noong sabi ko.



Kumunot din ang noo niya. "Mind your own business, Malifiado," aniya at tinanggal ang kamay ko sa siko niya.



Inis akong napabuga ng hangin at mabilis na inunahan si Jonathan na lapitan ang dalawa.



"Ah! Aray, ano ba! Bitawan mo 'ko!"


"You motherfucking slut!"


"Sinabi ng tumigil kayo!"



"Punyeta talaga," mahinang sabi ko sa napaka-ingay na paligid.



Hinablot ko ang siko ni sili at buong pwersang inilayo sa katawan ni Bubbles.



"Tumigil na sabi kayo!" inis na sigaw ko.



Sapilitan ko siyang pinaupo at nang astang tatayo na naman siya ay mabilis akong umikot at malakas na sumipa sa hangin sa napakalapit na mukha niya. Sa sobrang lakas, maririnig ang tunog sa hangin. Biglang napaupo si sili at gulat na nakatingin sa'kin. Biglang tumahimik ang paligid.



Sinuklay ko papataas ang maikli kong buhok gamit ang daliri at nilingon si Bubbles na nakahiga parin sa sahig habang nakatingin din sakin. Nagugulat ang kanilang ekspresyon. Napairap ako at bumalik sa tabi ni Jonathan na parang walang nangyari.



Umiwas akong tumingin sa adviser namin at sa Dean. Bumaling ako sa kaliwa kung saan wala si Jonathan.



Pheww, ang astig ko dun. Hehe. Inlove na naman diyan ang isa sa'kin. Ako na talaga! Baka mamaya niyan kuhanin na agad ni Jonathan ang number ko dahil sa angking galing ko sap ag-awat kanina. Baka mataas na ang tingin niya sa'kin, ha. Tsk. Okay lang. Bagay pa din naman kami.



"Baka nakakalimutan niyong nasa office kayo," seryoso at galit na sabi ng adviser namin.



"Malifiado," napatingin ako kay ma'am ng tinawag niya 'ko. "May kinalaman ka ba sa nangyayari? Ikaw ba ang rason ng pag-aaway ng mga 'to?"



"Eh?" wala sa sariling sabi ko. Ako? Ba't ako?



"Naabutan kitang tapak-tapak ang tiyan ng isang 'to kanina. Ngayon naman muntik mo nang masipa ang mukha ni Miss Senry. Tinatanong kita kung ikaw ba ang dahilan ng lahat?"



Mahina akong napasinghal at umalis sa pagkakasandal sa pader. So, ito ang dahilan ng lahat? Pinasunod niya ko dito sa office kasi pinagbibintangan niya kong ako ang dahilan ng lahat?! Hanep! Ako na nga nagpapakabayani! Can't she see that?!



"Lahat--"



"Wala pong kasalanan si Miss Malifiado dito, ma'am. Inaawat niya lang po silang dalawa."



Naputol ang dapat na sasabihin ko nang sumingit si Jonathan. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Mahal ko...


Mabilis niya lang akong sinulyapan at binalik ang tingin sa harap. Inilapit ko ang sarili ko sa kaniya at bahagyang sinagi ang balikat. Ngisi-ngisi kong binalik ang tingin kay ma'am.




"Ah.." tumikhim lang si ma'am na siyang ikinalaki ng ngisi ko. Ha! Ano ka ngayon?! Hindi ako nag-iisa sa labang ito! Nandito ang asawa ko! Isisisi mo pa sa'kin ha! Bwesit.



Napabuntong-hininga si Dean. "Kung ganon pwede na kayong bumalik sa room niyo," tukoy niya sa'min. "Mr. Bermudo, nakapagplano na ba kayo sa darating na sports fest?"



"Hindi pa po, Dean."




"Gamitin niyo na lang ang oras na 'to para makapagmeeting kayo tutal nandito pa ang adviser niyo. Alright? We will just settle this."



Tumango si Jonathan.

"Yes, Dean."

Bahagyang siyang yumuko at naunang lumabas. Tumango lang sa kaniya si Dean.



Ngumiti naman ako ng malaki kung saan nakatingin sa'kin ang lahat at buong puso akong nag-bow.



"Babye," nakangiting sabi ko na siyang ikinunot ng noo nilang lahat. Kumaway pa'ko at pagkatapos masayang lumabas sa office.



Tatawa-tawa ako habang hinahabol si Jonathan. "Thank you for saving me, Mahal.." malambing na sabi ko nang masabayan siya sa paglalakad.



"Yung laptop, dala mo?" sa halip na sabi niya nang hindi man lang ako sinusulyapan.



"Anong laptop pinagsasabi mo?"



"Diba sinabi ko sayo kahapon na dalhin mo ang laptop mo."



"Sinabi sakin? Kailan?" nagtatakang tanong ko. Wala naman akong matandaan na may sinabi siya sa'kin kahapon tungkol sa laptop.



Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya huminto din ako. Kunot-noo niya akong nilingon. "Huwag mong sabihin na hindi mo dala?"



"E, pano nga ako magdadala ng laptop kung hindi mo naman ako sinabihan."



"Kahapon nga. Ano nakalimutan mo na?"



Kumunot ang noo ko. "Anong kahapong pinagsasabi mo e hindi nga tayo nag-usap--"

"Oh?" wala sa sariling sabi ko nang maalala ang pag-uusap namin kahapon nung uwian. Napakamot ako sa ulo. "Yung laptop? Ah, hahaha."




"Tsk. Nasa'n bang lupalop yang pag-iisip mo? Laptop lang 'di mo pa madala-dala," inis na sabi niya sa'kin at iniwan na naman ako.


Sinundan ko lang siya ng tingin. "Ha!" singhal ko.

Pinag-iisip ko?! Siraulong yun! Aba, hindi ko na kasalanan na nakalimutan kong dalhin ang laptop! Siya dapat ang sisihin tutal siya naman ang nagbigay sa'kin ng iisipin! Makaturing siya sa'kin ngayon, parang wala lang siyang ginawa kahapon, ah! Sino bang may sabi na 'harder, Aetrish.' May paharder-harder pa siyang sinasabi, nakalimutan ko na nga ang laptop, nakasuntok pa'ko ng tao. Nyeta.




"Harder daw?" taas-kilay na sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad habang bumubulong-bulong. "Ulol! Harder mo mukha mo! Harder, harder. Putang-inang harder yan! Dahil sa harder mo nakalimutan ko ang laptop. Aba, anong pumasok sa kokote niya at sinabi niya yun! Akala niya siguro maaapektuhan ako sa sinabi niya. Akala niya siguro mahuhulog ako sa patibong niya," bahagya akong napangisi habang umaakyat sa hagdan."Ikaw lang ang ine-eksperimentuhan dito, Jonathan. Ako ang gagawa ng paraan para mabaling ang atensiyon mo sa babae. Dapat sa babae ka lang makikipag-usap--"



Naputol ang pagsasalita ko nang namataan si Venus na kinakausap si Jonathan sa labas ng classroom.

"Aba't!" hindi makapaniwalang singhal ko at mabilis na naglakad papunta sa kanila ng may nanlilisik na mata.

"Nabalitaan ko ang tungkol sa darating na sports fest kaya inumpisahan ko na ang pag-announce sa kanila kung anong booth ang itatayo natin," nakangiting aniya kay Jonathan.

Tumabi ako kay Jonathan at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Maganda siya, sige aminin na natin pero pwe! Alam kong 'di naman siya ang tipo ni Jonathan. Mas maganda parin ako.

"Mabuti naman kung ganon," mabilis akong napalingon kay Jonathan ng magsalita siya ng malumanay sa harap ng impaktang ito.

"Wala ka kasi kanina kaya ginampanan ko na ang pagiging vice president ko. Hindi naman siguro kita na-offend, diba?"

"Nope. Tama lang ang ginawa mo. Thanks," bahagya pang ngumiti si Jonathan kay impakta na nagpakulo ng dugo ko. Pumasok siya sa loob ng hindi man lang ako sinusulyapan.


"Taksil!" mahinang bulong ko habang masamang nakatingin sa likod ni Jonathan. Aba at kailan pa siya ngumiti sa mga babae?! Nangangabit talaga siya sa harap ko. Sa harap ko talaga?!


Binalingan ko ang kaharap ko. Nagpipigil siya ng ngiti habang nilalagay ang buhok sa tenga. Putah!


"Vice president ka?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya.


Nag-angat siya ng tingin sa'kin.


"Why?" nakangiting tanong niya.


"Wala. Akala ko kasi senador ka," sarkastikong sabi ko at pumasok na sa loob ng room.

Umupo ako sa upuan ni Jonathan at tumitig sa kaniya habang nagsasalita siya sa harap. Humanda ka sa'kin mamayang gabi! Sesermonan talaga kita, Bermudo! Papatulugin talaga kita sa labas.


Bigla akong naalerto ng tumabi sa kaniya ang impakta. Langya?!


"Maraming adik ngayon sa mga korean, why would we try it?"


Napataas ang kilay ko nang magsuhestiyon si impakta tungkol sa magiging booth namin. Maraming sumang-ayon sa kaniya lalong-lalo na ang mga babae.

"Hindi ba masyadong pa girl?" kunot-noong singit ko sa usapan ng mga kaklase ko. Napatingin sila sa'kin. "Hindi naman siguro lahat ng manonood ay puro babae, diba?"


"Pero alam nating mas maraming manonood na mga babae," nakangiting sabi niya sa'kin.


Napatingin ako kay impakta at itinabingi ang ulo. Sinandal ko ang dalawang siko ko sa sandalan sa likod ng upuan. "Pa'no ka nakakasigurong maraming babae? Pa'no ka nakakasigurong adik sila sa korean? Bakit lahat ba ng babae sa mundong ito kinausap muna?"


Sinamaan niya ko ng tingin bago ngumiti ulit ng peke. "I was just suggesting. As you can see, lahat kami dito nagpapalitan ng ideas. E, ikaw? What are you doing?" bahagya pa siyang tumawa.


"Nakaupo ako, 'di mo ba nakikita? Atsaka si president lang ang may karapatang makarinig ng suggestion ko," nakangisi kong tiningnan si Jonathan. Ikaw lang ang may karapatan sa'kin mahal ko.


Biglang hindi naging komportable si Jonathan ng tiningnan siya ng mga kaklase namin. Napakamot siya sa noo at tumikhim. "So, what are your suggestions, then?"

"Privacy, please," natatawang sabi ko. Lahat sila kumunot ang noo sa sinabi ko. Hehe.


Iiling-iling akong tumayo at kinuha ang bag sa upuan ko. Isinabit ko ang bag sa likod ko at tiningnan si Jonathan. Lahat sila nag-aantay ng sasabihin ko kaya bigla akong natawa.

"Breaktime na, mamaya na lang natin 'to ipagpatuloy," natatawang sabi ko, iwinagayway pa ang kamay at naglakad papalabas sa room.


Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa labas ng room biglang tumunog ang bell kaya napangisi ako. Sumandal ako sa wall na katabi ng pintuan at tiningnan ang mga dumadaang estudyante sa harap ko.

Napatingin ako sa pintuan nang pumantay sa'kin si impakta.


"Aabangan ko ang iaambag mo," nakangiting sabi niya pero halatang peke.


"Share mo lang?"


Biglang nawala ang ngiti niya at umalis sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin.


"Vice president mo mukha mo," mahinang bulong ko at biglang umayos ng tayo ng lumabas na si Jonathan.


Hinawakan ko ang siko niya at hinila papasok sa room. Wala ng tao kasi lahat sila ay pumunta na siguro sa cafeteria.


"What now?" tamad na aniya.


Nakangisi ko siyang tiningnan. "Samahan mo kong kunin ang laptop sa bahay."


Tumaas ang kilay niya. "Why would I?"

"Syempre president ka. Alang naman na ako lang ang kukuha."


"Sino bang may kasalanan na hindi mo dinala?"


"Ikaw," napairap ako. "Ikaw ang may kasalanan kaya kailangan mo 'kong samahan."

Kumunot ang noo niya. "Ako? Anong kinalaman ko diyan?"

"Basta! Ikaw ang may kasalanan kaya dapat dalawa tayong kumuha. May kotse naman ako kaya pwedeng sumabay kana sa'kin," nakangiting sabi ko.


Bumuntong hininga siya. As if napakatanga ng kausap niya.


"May computer room ang university, Malifiado. Bakit pa 'ko mag-aaksayang sumama sayo kung meron naman dito. Actually, pwede ngang sa cellphone na lang."

Biglang nawala ang ngiti ko. "E, kung ganon bakit mo pa'ko pinapadala kung meron naman pala dito?!" inis na tanong ko.


"Bakit nadala mo ba?" nakangising aniya.


Sinamaan ko siya ng tingin at napanguso. 


"Kung dinala ko ba, tayo na?"


"What?"


Natawa ako. Okay, fine. Bobo. Ba't ang hirap-hirap niya bang makagets?


Tumikhim ako. "Yung sa booth pala. May naisip akong magandang ideya." Pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa harap nila? Wala namang pinagbago," aniya.

"E, sa ayoko, bakit palag ka?"

"You know what, you're wasting my time, Malifiado."

"Sandale!"


Pinigilan ko ang kamay niya nang astang maglalakad na siya. Mukha siyang inip na inip na. Hindi pa nga ako tapos magsalita!


"Sige. Sasabihin ko sayo ang plano ko pero sa cafeteria na lang. Nagugutom na din naman ako."

Bumuntong-hininga ulit siyaat tumango. Napipilitang sumang-ayon na lang sa sinabi ko. Sabay kaming lumabasng room at pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad abot-langit ang ngiti kokasi katabi ko lang naman ang Bal ko. Hehe. Ganda ko talaga!


********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro