Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Una, kailangan nating magbenta. Ano ang ibebenta? Syempre, dapat masarap at gustong kainin ng lahat ng mga tao," seryoso ko kunyareng sabi sa harap ni Jonathan. Negosyante ako, negosyante.


Kakaupo lang namin sa pinakagilid na table sa cafeteria pagkatapos bumili ng snacks. Magkaharap kaming dalawa. Oo. Kaming dalawa lang. Hindi naman sa nagiging assuming ako pero kung titingnan kaming dalawa, para talaga kaming magjowa! Yung mag-jowang nagdadate!


"Oh, tapos?" taas-kilay na tanong ni Jonathan.


Tumikhim muna ako bago magsalita. "Maraming pwedeng ibenta kaya naman kailangan natin ng suggestion at kailangan nating pagplanuhan yun kasama na ng mga kaklase natin," pagpapatuloy ko. "Pero, syempre, kung magbebenta lang tayo, marami tayong magiging kakompetensiya. Hindi tayo magiging iba sa paningin ng mga tao. Magiging boring ang booth natin kaya naman kailangan meron tayong twist."


Napatitig sa'kin si Jonathan. Nagkatitigan kami ng halos limang segundo at pagkatapos ay siya ang unang bumitaw. Tumingin siya sa ibang direksiyon at tumikhim. 


"So? Anong iniisip mong twist?" tanong niya habang di nakatingin sa'kin.


Hindi ko pinansin ang naging reaksiyon niya at sa halip sinabi sa kaniya ang iniisip ko mula pa kanina. Ipinaliwanag ko ang plano ko sa magiging booth namin. Habang nagsasalita, tahimik lang na nakikinig si Jonathan habang nakatingin sa'kin.


"So? What do you think?" nakangiting tanong ko kay Jonathan.


Naghintay ako ng magiging reaksiyon niya. Nakatingin lang siya sa ibang lugar at mukhang nag-iisip. Napangisi ako. Naku, baka mainlove sa'kin 'to! Sa ganda ba naman ng ideya ko, sinong 'di mahuhulog ang bitag? Baka mamaya niyan yakapin lang ako nito bigla. Gosh, I'm not ready pa naman sa yakap-yakap. Bwahaha!




Mahina akong natawa dahil sa naisip. Iiling-iling akong kumain ulit ng carbonara na binili ko.




"It's good." Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. "I like your idea."




"Tss. Yung idea lang ang like mo? Hindi yung nagbigay ng idea?" biro ko sa kaniya pero ni hindi man lang nagbago ang emosyon niya. Pormal pa din. Bweshet.



"I-announce na lang natin sa kanila at gagawan natin ng paraan kung hindi man sila sumang-ayon," aniya.




"Tsk. Sila 'di sasang-ayon? Aba, subukan lang nila--"




Naputol ang sasabihin ko ng tiningnan niya ko ng nakakunot ang noo. Napangiti lang ako sa kaniya at nagpeace-sign. Tsk. Kailangan dapat mag-ingat ako sa kinikilos ko, baka maturn-off!



Bumalik ako sa pagkain. Maliit kong binuksan ang bibig at nahihiya kunyareng kinain ang pasta ng carbonara. Kinuha ko din ang baso at tinagilid ang katawan at ininom ang tubig ng konti.



Malay ko ba kung anong gusto nito. Baka gusto niya ang pagiging mahinhin. Hehe. Kaya ko namang gawin yun. Ako pa buh?



Bigla kong naibagsak ng malakas ang baso ko sa mesa nang umupo sa tabi ni Jonathan si Impakta. Anak ng aswang nga naman oh!



"Can I sit here?" nakangiting tanong niya habang ang paningin ay kay Jonathan na busy sa kinakain.



"Nagtatanong ka pa sa lagay na yan?" nakangiwing sabi ko sa kaniya.



"Sorry but I'm not talking to you," nakangiting aniya na nagpairap sakin.



"Nag-uusap pa kami kaya kung pwede sa ibang table ka na lang."




Ngumiti ulit siya. Nabadtrip ako. Yung totoo, 'di ba siya nangangalay sa kakangiti?




"Oh, it's okay.. tungkol naman sa booth natin ang pinag-uusapan niyo, right? Vice president ako kaya wala naman sigurong problema kung maririnig ko din naman ang ideas mo diba? Atsaka, as if hindi naman namin malalaman ang pinag-uusapan niyo mamaya"




"Sino bang may sabing hindi niyo maririnig? Malamang maririnig niyo. Nag-uusap kami ni Jonathan for personal matters kaya pwede ba, shupi kana kasi labas na dito ang pagiging senador mo."



Tumikhim si Jonathan kaya sabay namin siyang nilingon.


"I'll have to go," walang ganang sabi niya at tumayo. Umalis ng hindi man lang ako tinitingnan.



Pasiring kong inalis ang tingin kay Jonathan na naglalakad na papalayo at binalik kay impakta.



"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" inis na singhal ko.



"Me? Hindi pa ba halata?" sarkastikong sabi niya ng nakangiti. Tungunu?!



Tumayo ako at tinuro ang pagmumukha niya. "Ikaw, ilugar mo yang pagiging senador mo, nyeta ka," pabulong na sabi ko at padabog na nilayasan siya.



Isturbo! Napakalaking isturbo. At kailan pa siya naging interesado kay Jonathan?! Ni hindi nga siya nag-eexist sa mundong ginagalawan ko dati. Ni hindi ko nga siya mapansin-pansin tapos ngayon susulpot lang siya na parang kabute?! Kabute ka gurl, kabute?!






"So, what do you guys think?" tanong ni Jonathan matapos ipaliwanag ang plano ko. Kakatapos lang ng klase at nagpaiwan muna kaming lahat para pag-usapan ang booth namin.



Ngisi-ngisi kong tiningnan si Jonathan ng halos lahat sila ay sumang-ayon. Maging proud ka sa asawa mo uy! Akalain mong akin ang ideya tapos siya yung spokesperson. Napakagandang tandem. Hoohh!



"Ako na lang ang sasama sayo Jonathan para bumili ng requirements," biglang singit ni Impakta na nagpakunot ng noo ko.


Lintek. Ano bang pinaglalaban ng isang 'to? Anong siya yung sasama? Ano siya gold? Napakawalang-hiya niya naman ata.



Pinauna na ni Jonathan ang mga kaklase namin at ang naiwan na lang ay mga officers ng room.



"At bakit ikaw?" agarang singit ko. As always nakatayo na naman siya sa likod ni Jonathan. Kapag hindi ako makapagpigil, pupuruhan ko talaga 'to eh.



"Well, as you can see," inangat niya ang notebook na hawak hawak niya. "Nalista ko dito lahat ng bibilhin kaya mas mabuting ako ang kasama ni Jonathan."


Napangisi ako. "Sa pagkakaalam ko hindi ikaw ang secretary dito. Nakakalimutan mo na ata kung ano ka." hayup ka.



Ngumiti siya. "Ikaw nga ang secretary pero ano namang ginagawa mo? Ni hindi mo nga mabuksan-buksan yang bag mo na yan."


"Baka nakakalimutan mong akin ang ideyang ito. Automatic ng nakalista yun sa utak ko kaya wag kang umangal diyan."



"Ano ba!" nagulat kami nang sumigaw si Vince. Officer din pala ang isang to?! "E, di kayong sumama na dalawa! Sumama na kayong lahat! Tangina naman, uwian na tapos mag-aaway pa kayo?! Bala nga kayo diyan!" galit na sabi niya at nagwalk-out. Pake namin sayo, ulul ka!



Walang pumansin sa kaniya. Walang nagreact nang umalis siya sa room. Akala niya ata kawalan siya? Binalik ko ang tingin sa harap at tiningnan si Jonathan ng ako-ang-asawa-mo look kahit na hindi naman siya nakatingin sa'kin.


Napatikhim siya. "Mas mabuting magpaiwan na lang ang vice president. Walang magbabantay sa kanila dito kapag parehong umalis tayong dalawa. Tutal kay Malifiado naman 'to plano, siguradong alam niya naman ang gagawin niya."



Unti-unti akong napangiti dahil sa sinabi ni Jonathan. Yan! Dapat kampihan mo ang asawa mo Jonathan! May reward ka sa'kin mamayang gabi. Sisiguraduhin kong papagurin kita.



"Aw.. Bal ko," mahinang sabi ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya at kumindat. 'Di niya ko pinansin. Tiningnan ko ang Impakta ng ako-ang-asawa-look pero ang ginanti niya lang sa'kin ay ngiti. Punyeta.




Matapos ng ilang paalala, napagdesisyunan na naming umuwi. Ngisi-ngisi kong tiningnan si Impakta habang papalabas ng classroom. Ma-inggit ka please! Secretary ako, vice president ka lang! Asawa ako, kaklase ka lang! Ako ang asawa, ako!


Hindi ko alam na napakaganda pala ng buhay ng secretary. Hindi naman mahirap katulad ng nakikita ko sa iba, o baka naman 'di talaga ako pinapahirapan ni Bal? Sabi ko na nga ba at nakuha ko na ang atensyon ng isang 'to eh! Pabebe lang talaga siya. Kita mo na ngang binigyan niya pa talaga ako ng sulat na ipapadaan pa sa junior high. Kahit na sinasabi niya dung hindi niya ako gusto, alam ko namang diyan mag-uumpisa ang lahat. Excited na tuloy ako sa magiging date namin!





"Ano yan?" nakakunot na tanong ko kay Jonathan habang nakatingin sa sasakyan niya. Sabado ngayon at nandito kami sa university. Kakatapos niya lang na magbigay ng instruction sa mga naiwan naming kaklase at dalawa lang kami ni Jonathan ang mamimili kaya ipinagdiwang ko talaga yun pero ano to?!




"Sasakyan malamang. Magkita na lang tayo sa mall," tamad na sabi niya at astang maglalakad na nang pinigilan ko ang siko niya.




"E, bakit diyan ka pa sasakay? Dito ka na lang sa kotse ko para makatipid sa gasolina. Ang gastos mo naman!"



"Anong magastos? Hindi naman pera ng iba ang ginagamit ko sa pagpapagasolina."




"Hindi nga pero magastos parin sa ekonomiya!" hinila ko siya palalapit sa sports car ko. Pina-carwash ko pa naman to! "Dito ka na sumakay."



Hinatak niya ang siko niya mula sa pagkakahawak ko. "Magkita na lang tayo sa mall, Miss Malifiado," ulit niya at naglakad papunta sa kotse niya at walang lingon-lingon na sumakay at umalis.



Sinipa ko ang bato sa harap ko. "Langya yun ah!" nakasimangot na singhal ko. Sumakay ako sa sasakyan at nagpaharurot.




Habang nasa biyahe nilakasan ko ang sound ko at puros overtake ang ginawa. Langya yun! Akala ko pa naman dito siya sasakay, bumili pa naman ako ng pampabango dito sa sasakyan. Halos hindi ako makatulog kaka-imagine na nakasakay siya sasakyan ko. Halos hindi ako makumpermi kung anong posisyon ang gagawin ko kapag nakasakay na siya, yung magiging astig ako pero ano to?! Langya talaga yun! Badtrip.




Nang nasa parking lot na ng mall, nakita kong magpapark pa lang ang dark blue na sasakyan ni Jonathan. Ngumisi ako at mas binilisan pa ang pagpapatakbo. Nauna akong nakapark sa pwesto na siya dapat ang magpapark. Dumiretso siya at pinark ang sasakyan sa bandang dulo.




Ngisi-ngisi akong lumabas ng sasakyan at sumandal dito. Hinihintay siyang lumapit sa'kin. Sa dulo pa lang kitang-kita na ang pagkakunot ng noo niya kaya natawa ako ng bahagya. Kala mo ha!




"Ayos ba?" mayabang na sabi ko sa kaniya pagkalapit niya.



"Alam mo bang pwede kang madisgrasya diyan sa pinaggagawa mo?" inis na sabi niya.




"Bakit? Worried ka?" nakangisi kong tanong.




Pairap niyang inalis ang tingin sa'kin at naunang maglakad. Tatawa-tawa akong sumunod sa kaniya. Kung worried siya pwede niya namang sabihin, nahiya pa ang bakla.



Pagkapasok palang sa entrance ng mall biglang uminit ang ulo ko nang nagsisilingon ang mga kakabaihan sa pwesto namin. Syempre sino ba pa ang titingnan nila? Mga nyeta to, a!



Sumabay ako sa paglalakad kay Jonathan at inakbayan siya. Mataas lang naman siya sa'kin ng konti kaya 'di mahirap abutin ang balikat niya.



"A-ano ba!" inis na sabi niya at lumayo sa'kin. Gustuhin ko mang tumawa 'di ko magawa kasi marami talagang nakatingin samin.


Shit! Badtrip naman, oh!



Napatingin ako sa kamay niya at akmang hahawakan na sana para ipalandakan na akin 'tong lalaki na 'to nang maisip na iwawaslik niya lang ang kamay ko. Siguradong mapapahiya ako ng wala sa oras. Mawawala ang dating ko. Baka isipin din ng iba na buttered wife ako. Ayokong hangaan nila si Jonathan, pero ayoko din namang sirain ang reputasyon niya. Mabuti naman siyang asawa noh!


Bumulong ako sa kaniya. "Ilugar mo yang mata mo na yan, Bermudo."




"What?"



"Huwag kang tumingin sa iba!"



"Pinagsasabi mo diyan?"



"Nagseselos ako," nakasimangot na sabi ko.


Kunot-noo niya kong nilingon at nang magtagpo ang mata namin mabilis siyang umiwas ng tingin at nagmamadaling maglakad pero di nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng tenga niya


Okay, what was that? Did he just fucking blush?!



Hinabol ko siya. "Bat ka ba nagmamadali?" nagpipigil na ngiti na tanong ko sa kaniya habang namamanghang sinisilip ang iniiwas niyang mukha.



"Sa'n tayo?"




"Kinilig ka no?" nakangising tanong ko.



"Nalista mo ba ang mga bibilhin?"



"Sus!" natawa ako. "Sige, wag mo na lang aminin. Secret lang natin."



"Sa'n nga tayo?" mariing sabi niya. Nagtitimpi, pero hindi naman ako kayang tingnan.



"Ikaw bahala. Pwede namang manood muna tayo ng sine. Hehe." Tutal nasa mall naman kami ba't 'di na lang kami manood ng sine? "Hindi naman sa iniisip kong magdadate tayo pero kasi may magandang palabas ngayon. Sayang naman kung hindi natin yun mapapanood diba?" tumingin siya sa'kin. Napa-tsk ako. "Hindi nga sabi tayo magdadate! Ano bang iniisip mo?! Hoy, nandito tayo para bumili ng mga bibilhin, hindi tayo magdadate! Manonood lang tayo ng sine."



"Why don't you say it to yourself, Malifiado," nakangiwing sabi niya sa'kin at naglakad ulit. Napangisi naman ako bago siya sundan. Sige lang, sisiguraduhin ko namang hindi masasayang ang pinunta natin dito, Bermudo!


"Sino-sino sa kanila?" kamot-ulong tanong ni Jonathan. Napakamot din ako sa ulo.

"Wala akong kilala maski isa," lutang na sabi ko.



Inis niya 'kong nilingon. "Akala ko ba natandaan mo yung mga suggestion nila? Nagbigay na sila ng mga pangalan diba?"


"Yung ideya lang ang alam ko.. malay ko ba sa mga taong to."


"Wala ka naman palang kaalam-alam, bakit sumunod ka pa?!" singhal niya.



"Aba! Ba't mo ko pinasunod kung ganon?"




Hindi nakasagot si Jonathan sa sinabi ko. Pasiring niyang inalis ang tingin sa'kin at binalik sa mga posters.


Nandito kami ngayon sa shop kung saan may iba't ibang poster, picture ng mga koreano.



Magbebenta kami ng mga iba't ibang klase ng ice cream sticks at pagkatapos nun, pagkaubos nila may makikita silang pangalan sa stick nito. Pangalan ng mga koreano at pagkatapos nun pwede nilang kunin ang reward nila. Ang poster mismo ng koreanong napanalunan. Hindi naman lahat merong pangalan sa popsickle, merong blanko din naman. Sinadya para mabaliw ang mga nakakaalam na may papremyo. Kung lalaki ang nakakuha ng pangalan ng lalaking koreano, pwede niyang ireplace ng ibang poster sa kung anong gusto niya, sikat na basketbolista, billiards, soccer at kung ano pang sports. Pwede ding mga sports car, depende sa mga bibilhin namin.


Ang ganda ng ideya, 'no? Syempre ako pa ba!


"Good morning ma'am, sir. How may I help you?" napatingin kami sa saleslady na lumapit samin.



Ma'am, sir daw e si Jonathan lang naman ang tiningnan! Ano ako dito poster? Poster?! Nyeta to! Ang pula-pula ng lipstick niya at malanding nakatingin sa katabi ko.


"No, thanks. Umalis kana," malditang sabi ko at pinaypayan pa siya papaalis. Mabilis akong siniko ni Jonathan. "Aray ko!"



"Sorry po," nahihiyang sabi niya sa saleslady. Napairap ako.



Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang siko ko at kinaladkad ako papalabas. "Oy, akala ko ba bibili tayo?"



Binitawan niya ang siko ko pagkalabas na pagkalabas naming sa store. "Dito ka lang. Huwag na huwag kang mag-iisip na pumasok dahil kung hindi malilintikan ka sa'kin."


"What?!" kunot-noong tanong ko, hindi makapaniwala. Binigyan niya ko ng nagbabantang-tingin at pagkatapos pumasok sa loob.



"Ha!" hindi makapaniwalang singhal ko at sinundan siya ng tingin. Nilingon niya ako at kunot-noong umiling na siyang ikina-inis ko. Mas kumulo pa ang dugo ko nang makitang nilapitan niya ang saleslady kanina at nakipag-usap.


Tangina?!


********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro