🖇️ Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 1

HALOS magsalubong ang dalawang kilay ni Kisses habang nagbabasa ng isang medyo may kalumaan ng libro. Tungkol ito sa nangyari noong kapanahunan pa ng paleolitiko. Pilit niyang pinapatay ang cellphone niyang kanina pa tunog ng tunog. Hindi niya ito masagot sapagkat nasa librong binabasa lamang ang buong atensiyon niya.

Bzzzttt... bzzzttt...

'Ano ba yan? Kainis naman oh!'

Agad niyang kinuha ang cellphone niya saka tiningnan ang kanina pa tawag ng tawag. Tsk! Yung abnormal na kaibigan niya lang pala. Lagi talagang timing kung mang-asar yung kaibigan niya lalo na tuwing alas-dos ng hapon. Alam kasi nito na sa ganoong oras siya laging nagbabasa ng pinakamamahal niyang libro.

"Ano na naman ba ang kailangan mong abnormal ka?" Medyo masungit na tanong niya sa kaibigan. Narinig niya ang malakas nitong tawa sa kabilang linya kaya napangiwi siya. Sabi na nga ba eh! Malakas talaga ang hinala ko...

[Wrong timing ba ako? Hehe...] Tanong nito na bakas ang pang-aasar. Kung nandito lang talaga ang abnormal na iyon, kanina niya pa ito sinakal! Nang-aasar pa talaga eh noh? Haaayy...

"Inaasar mo ba ako, Haris?!!" Pasigaw niyang tanong dito. Imbes na tumahimik ay mas lalo pang lumakas ang tawa nito. Nakakainis!! Hrrr!!

[Ayy? Sorry na...hehe] Sabi pa nito. Napairap nalang siya sa hangin saka pinatay ang tawag. Yung abnormal na iyon talaga! Wrong timing palagi. Lakas mang-asar... =_=

Tumayo muna si Kisses saka itinabi sa mini-table niya ang librong binabasa. Mamaya niya na lamang ipagpapatuloy. Napatingin siya sa wall clock ng silid niya. Quarter to 3 na pala. Hindi pa rin siya kumakain. Mukhang nawili yata siya sa pagbabasa.

Instant noodles nalang ang niluto ni Kisses bilang pananghalian niya. Siya lang naman ang mag-isa sa bahay nila lalo na at laging busy ang parehong magulang niya. Palagi itong naka-out of town. Pero hindi niya naman ito masisisi. She knows that what her parents doing is for the sake of her family.

Nagpakulo muna siya ng tubig. Pagkatapos ay saka na niya niluto ang kakainin niya. Sanay na siyang palaging napag-iiwanan. Once in a week lang kasi umuuwi ang magulang niya saka babalik din kinabukasan. Pero kahit ganun, pakiramdam niya hindi siya masyadong malaya. Lalo na't hindi siya pwedeng gumala kahit mag-isa lang siya. Actually, hindi naman sa nag-iisa siya talaga. May mga katulong naman sila kaya ayos lang. At isa pa, di naman siya pinapabayaan ng Nanay Dory niya, ang mayordoma sa bahay nila. Yun nga lang, wala dito ang Nanay Dory niya dahil umuwi ito kahapon sa probensiya. Yung isang kasambahay naman nila ay busy sa paglalabada.

"Ma'am Kisses, may naghahanap po sa inyo. Mukhang may kailangan yata. Pinaupo ko muna sa sala habang hinihintay ka." Nakangiting sabi sa kanya ng isa sa mga katulong nila, si Ikay.

"Ano daw ang kailangan niya sa akin, Ikay? May sinabi ba?" Umiling lang ang kasambahay kaya napakunot ang noo niya. "Sige. Tatapusin ko lang muna itong kinakain ko. Pakisabi nalang na sandali lang" Dagdag niya pa saka pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kumain ni Kisses ay nagtungo siya sa sala. Wala naman siyang inaasahang bisita. At malabong mapagkamalang bisita ang kaibigan niyang si Haris lalo na at walang kasing kapal ang mukha ng lalaking iyon. At kung sino man ang naghihintay sa kanya sa kanilang sala ay hindi niya alam.

"MR.HOLEY?" Takang tanong ni Kisses ng makumpirmang tama nga ang hinala niya. Si Mr. Holey ang may-ari ng sikat na CvenOurs Company na unang nanghikayat sa kanya na pumasok sa mundo ng pagmomodelo. Subalit tinanggihan niya ito dahil gusto niyang ituon ang atensiyon sa pag-aaral. Third year college na siya ngayon. One year remaining na lang at gagraduate na siya.

"Good afternoon, Ms. Monterez." Paunang-bati nito kaya bumati din siya pabalik. Hindi siya sanay na makipag-usap sa mga kilalang business tycoon tulad na lamang ng taong kaharap niya ngayon. "So, I'm here again to ask you about the offer we give to you last 2 years. And I hope na sana napag-isipan mo ng mabuti ang opportunity na iyon."

Napalunok ng dalawang beses si Kisses bago sumagot. "Ahmm... actually, hindi ko pa din po napag-iisipan eh. Masyado po kasi akong focus sa pag-aaral lalo na't isang taon nalang po ay gagraduate na ako. Kaya... I don't think so kung mapapaunlakan ko po ang opportunity na sinasabi niyo..." Nakatungong tugon niya. Sa totoo lang ay masyado siyang nahihiya dito. Siya lang kasi ang personal na kinakausap ni Mr. Holey when it comes to modelling career. At kung tutuusin, wala naman siyang hilig sa pagmomodelo. Hindi nga niya alam kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng paunlakan ng ganung oportunidad ay siya pa ang naisipang alokin ng mga ito.

Hindi naman kasi sa pagmamalaki pero may ibubuga naman siya. Mataas kasi siya at sexy daw batay pa sa mga taong lagi niyang nakakasalamuha.

"But think about it again, Ms. Monterez. Maraming gustong kumuha sayo as their public figure. Hindi naman nito maaapektuhan ang pag-aaral mo, right?" Tanong pa ni Mr. Holey sa kanya. Ngumiti lang siya saka umiling. Napakalaki talaga ng epekto ng negosyo sa isang tao. Handa nilang gawin ang lahat para lamang mapilit ka.

"My decision is final, Mr. Holey. Sa tingin ko po kasi, masyadong maaapektuhan talaga ng career na yan ang pag-aaral ko. Knowing na graduating na ako next year. I don't want to waste my chance this time. Ibigay niyo nalang po ang oportunidad na iyan sa mas nangangailangan..." Paliwanag niya saka umayos ng upo. Medyo naiinip na din siya lalo na't gustong-gusto na niyang ipagpatuloy ang pagbabasa ng libro. Pero ayaw niya namang bastusin ang bisita nila lalo na at siya ang ipinunta nito sa bahay nila.

"Mukhang hindi na yata magbabago ang desisyon mo, Ms. Monterez. If that's what you want, I'm not going to persuade you anymore. Thank you, Ms. Monterez and I have to go now." Ngumiti lang siya saka tumayo na din. Si Ikay na ang naghatid kay Mr. Holey palabas ng bahay nila. Lumapit pa siya sa may malaking bintana para kumpirmahin kung nakaalis na ito. Nakahinga lang siya ng maluwag ng makitang nakaalis na nga ito sabay sapo sa noo niya.

"Whew! Napa-english tuloy ako kanina... Haay..." Napakibit-balikat na lamang siya saka nagtungo sa kwarto niya. Ipagpapatuloy niya na lamang ang pagbabasa para mabawasan ang stress niya.




Author's note:

Good day, Arkiess!!! This is WhiteGelPen again. Gusto ko lang magpasalamat sa pagbabasa niyo ng story ko. Don't forget to vote and follow my account. Thank you so much, Arkiess!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro