🖇️ Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 2

TUMAYO na si Kisses pagtunog ng buzzer. Inayos niya muna ang mga gamit niya at isinilid na sa kanyang bag. Binitbit niya na lamang ang dalawang historical book na hiniram niya kanina lang sa librarian ng university nila.

Para sa kanya, hindi buo ang araw niya na walang binabasa o pinapanood na historical events na naganap noong mga sinaunang panahon pa. Namana niya ang ugaling iyon sa kanyang Lolo na pumanaw na. Isa kasi itong historian noon. Mag-isa lang naman siyang anak ng pamilyang Monterez kaya nabibili niya ang lahat ng gusto niya. Pero isa lang naman ang gusto niya sa buhay, ang magbasa at manood ng mga historical story o mga ancient movie na naganap noong CE o BCE pa. Nagiging interesado kasi siya sa mga ganung klaseng babasahin o storya.

Palabas na sana siya ng gate ng biglang may tumapik sa balikat niya. Paglingon niya ay isang abnormal lang pala iyon, walang iba kundi ang best friend niyang si Haris Jetsoon. Lihim naman siyang napairap. Here we go again...=_=

"What?" Taas-kilay niyang tanong kay Haris saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na siya nag-atubiling tanggalin ang braso nitong nakaakbay sa kanya. Hindi nalang siya umimik ganun din ito. Maya-maya pa ay ito na ang bumasag ng katahimikan.

"May problema ba?" Tanong nito sa kanya. Walang bakas ng awa o kahit ano. Yung normal lang na tanong ng isang kaibigan. Nagkibit-balikat lang si Kisses. Wala naman talaga siyang problema. At kung meron man, hindi niya din naman sasabihin dito. Ayaw niya kasing maulit pa ang nangyari noong sinabi niya dito ang problema niya. Ikinuwento pala nito sa girlfriend niya ang lahat ng sinabi niya dito. Kaya pala pagpasok na pagpasok niya palang noon ay isang sampal agad ang bumati sa kanya. Kesyo daw sipsip siya at nagpapaawa lang siya kay Haris. Tsk...=_=


"HOY!!"

Sinamaan niya ito ng tingin. Kita ng nagi-emot-emot pa siya tapos bigla na lamang siyang gugulatin.


"Alam mo, napakalaking epal mo talaga! Ba't hindi ka pa umuwi?" Takang tanong niya kay Haris. Ngumiti naman ito saka napakamot sa ulo. Gwapo nga abnormal naman...huwag nalang...=_=

"Si Trixie kasi eh... Gustong magpahatid sa akin pag-uwi kaya hinihintay ko pa. Eh ikaw? Saan na sundo mo?" Balik-tanong nito sa kanya.

'Wala...may sakit kasi si Manong Kerio...' Pero siyempre, sa isip niya lang iyon. Asa namang ipagpapalit siya ng kaibigan niya sa girlfriend nito.

"Ahmm...parating na iyon. Sige na! Baka hinihintay ka na ni Trixie sa room nila. Kilala mo naman iyon..." Pagtataboy niya pa sa kaibigan sabay tulak dito. Napakamot pa ito sa batok saka naglakad na palayo sa kanya. Bigla naman siyang napangiwi. Ang suwerte naman masyado ng bruhang Trixie na iyon. Ginawang ninja van ang best friend niya. Yung abnormal naman, sunod lang ng sunod. Haaay...pag-ibig nga naman... (__ _')

Napatingala siya sa langit ng makitang mukhang uulan pa yata. Kung sinusuwerte nga naman siya. Wala na nga siyang sundo, wala pang perang dala, tapos uulan pa? Tsk!

Nagsimula na si Kisses sa paglalakad. Sana naman hindi siya abutan ng ulan. Medyo mahina pa naman ang immune system niya. Minsan nga kahit naambunan lang siya ay lalagnatin na agad siya kinagabihan. Pero anong magagawa niya? Hindi niya naman pwedeng pilitin ang driver nila na sunduin siya. May trangkaso kasi ito at kailangan ding magpahinga. Idagdag pa na matanda na ito kaya medyo sakitin na.

Binuksan niya nalang ang cellphone niya saka isinuot ang headset sa tainga niya. Magsa-soundtrip nalang siya para di masyadong boring. Hindi naman kasi siya pwedeng magbasa ng libro habang naglalakad. Ayaw niya pang mamatay. Hindi din naman iyon ang unang beses na naglakad lang siya pauwi sa bahay nila. Mas okay na rin iyon para ma-exercise din ang mga buto-buto niya.



...Hindi tayo pwede...
Pinagtagpo, pero di tinadhana...
Hindi na posible...
Ang mga puso huwag nating pahirapan...
Suko na...sa laban...
Di tayo pwede...



Sinabayan niya nalang ang lyrics ng kanta saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya na lamang pinapansin ang ang mga taong pinagtitinginan siya. Wala din namang magbabago kung susuwayin niya ang mga ito. Ngumi-ngiti na lamang siya sa mga ngumi-ngiti ding nakakasalubong niya.

Napahinto bigla sa paglalakad si Kisses ng mapansin ang isang medyo may kalakihang shop na parang ngayon niya lang nakita. Hindi niya naman iyon napansin noon. Baka bagong bukas lang na shop. Parang nagningning ang mga mata niya ng mabasa ang nakasulat sa itaas ng pintuan nito...


' ANTIQUE SHOP '


Wala sa sariling dinala siya ng sariling paa niya papasok sa shop na iyon. Pagpihit niya papasok ng pinto ay sumalubong sa kanya ang medyo may kalamigang silid. Inilibot niya ang tingin sa buong silid ng shop. Maganda ang loob nito lalo na at maraming nakasabit na larawan na nakaukit lamang sa kahoy. Wood carving to be exact. Mga kakaiba ang mga nakaukit sa bawat larawan. Kaya naman mas lalo siyang nagkainteres sa mga ito.


Napatingin siya bigla sa paanan niya ng makaramdam ng kakaiba. Doon niya lang napansin na puno ng larawang nakaukit sa bato ang buong sahig. Ipinapakita sa larawang nakaukit ang isang pangyayari na ngayon niya lang nakita. Forbidden love...yun ang ipinapahiwatig ng mga nakaukit na larawan.


Napahawak siya bigla sa ulo niya ng sumakit ito. Bigla nalang kasing may pumasok sa isipan niya na mga pangyayaring hindi niya alam kung ano. Medyo nawala ang pagkahilo niya ng may kamay na umalalay sa kanya. Agad niya itong nilingon at isang may katandaan ng lalaki ang nakita niya. Singkit ang mga mata nito at medyo mahaba ang kasuotan. Ngumiti naman siya ng pilit dito saka umayos ng tayo.

"Magandang hapon po... Pasensiya na po kayo kung pumasok nalang ako dito sa shop niyo. Ngayon ko lang po kasi ito nakita kaya nagkainteres akong tingnan. Pasensiya na po talaga..." Hinging paumanhin ni Kisses sa matanda na tinawanan lang siya.

"Ano ka ba naman, hija. Wala yun. Ayos lang naman sa akin na pumasok ka... Teka? May bibilhin ka ba?" Takang tanong nito kaya hindi agad siya nakasagot. Inilibot niya pa ang tingin sa paligid at saka muling bumaling sa matanda.

"Ahmm...wala po. Sadyang napadaan lang po talaga ako. Pero magkano po ba ang bawat isa sa mga iyan? Mukhang mamahalin po kasi eh..." Tugon niya at napatingin muli sa sahig. Para kasing inaakit nito ang mga mata niya na tumingin dito.


"Bihira na lamang ang mga ganyang bagay sa panahon ngayon, hija. Yung iba sa mga iyan ay nagmula pa sa ninuno natin. May mga desinyo ding inukit pa noong BCE na taon pa..." Paliwanag nito sa kanya. Tumango-tango naman siya. Mga luma na subalit mukhang maaayos pa. Ganun naman talaga ang mga antique na kagamitan.


"Itong sahig po ba, bagong ukit lang po ba ang mga ito?" Pang-uusisa niya sabay baling muli sa sahig. Kung titingnan ay mukha pa itong bagong ukit. Pinagmasdan niya ang matanda hanggang sa umupo ito sa sahig saka itinuro ang nakaukit na larawan ng lalaki at babae. Magkahawak-kamay ang mga ito subalit may malaking guhit na humati sa kanilang dalawa.


"Itong obra ay nagmula pa noong panahon ng Romanismo. Pag-ibig ang ipinapahiwatig ng mga larawang nakaukit... subalit ito ang pinagbabawal na pag-ibig." Paliwanag ulit nito sa kanya. Pinakatitigan niyang mabuti ang mga nakaukit na larawan. Hindi niya maunawaan kung bakit pakiramdam niya ay konektado siya rito. "Gusto mo bang malaman ang kwento sa kabila ng obrang ito?" Tanong pa nito sa kanya kaya napatingin siya dito. Hindi niya alam kung bakit interesado siyang marinig ang kwento nito.







A/N: End of the chapter na po! Next chapter ahead. <33

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro