🖇️ Chapter 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng









🖇️ Chapter Eleven

"ALING NADIA! Aling Nadia!"

Nasa hapag-kainan na kami at kumakain ng bigla na lamang may nagsisigaw mula sa labas ng bahay nila Aling Nadia. Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Mang Roman saka ibinaba ang kutsarang gawa sa kahoy na hawak-hawak nito.

"Ano na naman kaya ang problema ni Endoy at nambubulabog na naman?" tanong nito pagkuwan ay bumaling sa amin. "Sige. Kumain lang kayo at ako na ang bahalang humarap kay Endoy..." sabi ulit ni Mang Roman saka lumabas ng kusina. Nagkatinginan naman kami ni Aling Nadia at sabay na kumunot ang noo.

Sa loob ng ilang buwang pamamalagi ko dito sa bahay nina Aling Nadia ay madami na din ang mga kakilala ko. Ilan din sa mga iyon ang laging nagpupunta dito sa bahay upang makipag-usap sa akin.

Si Zeprael lang naman ang hindi na muling bumalik pa dito. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng dumalaw siya dito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit masyado siyang ilag sa akin. Hindi lang naman kami pwedeng malapit sa isa't-isa di ba? Wala namang sinabi na bawal kaming mag-usap?

Galit ba siya sa akin? Bakit ba naman kasi may ganitong pangyayari pa? Bakit hindi pwedeng itama nalang ang lahat?

Hindi ko maintindihan kung bakit ko ba iniisip ang Mamang gwapitong adik na iyon! Ilang araw ko na din siyang naiisip. Crush ko ba siya?

Well... Hindi naman mahirap magkagusto sa isang Zeprael Hinatos. Gwapo siya at mabait na tao. Sa totoo lang mas gwapo pa siya sa abnormal kong best friend na si Harris. At aaminin ko. Nagkagusto din ako sa abnormal na iyon. Pero natigil lamang ito ng magka-girlfriend na siya.



"MAY nakakita na may isang Hesiconian ang nakapasok sa lupain ng Eshion, Mang Roman! Naipaalam na din ito sa emperor. Nakita na lamang daw na walang malay na nakahandusay sa lupa ang mga tauhang kawal na nagbabantay sa hangganan ng bayan!"

Iyon ang una kong narinig ng magpasya akong sumunod kina Mang Roman.

"Maraming nagsasabi na ang emperor daw ang pakay nito. Gusto kasing pabagsakin ni Hecus ang emperor ng bayang ito, Mang Roman. Subalit may nakapagsabi din na may isa pang pakay ang mga ito sa lupain natin... May hinahanap sila at iyon daw ang gustong-gusto nilang kunin mula sa ating bayan..." dagdag pa ni Endoy.

Muli na naman akong kinabahan. Sana naman hindi ako magkasakit sa puso sa lugar na ito. Wala na silang ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng alalahanin.

Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko ang narinig kong kwento mula kay Aling Nadia noong isang araw. Iyong tungkol sa kondisyong hinihingi ng emperor ng bayang Hesico kay Ezaquel. Pero bakit pa sila naggugulo gayong hindi naman nila isinailalim sa isang ritwal si Karia noon? Pinatay na din nila si Ezaquel kaya bakit pa sila naghahasik ng gulo?

Naghahasik...my gosh!! Nagiging katulad na din nila ako. Nahahawa na ako sa pagsasalita ng malalalim na pananalita!!

Kalma lang, Kisses... Just go with the flow...

Natigil lamang ako sa pagmumuni-muni ng mapansing nasa akin na pala ang buong atensiyon nila... Anong meron? Bakit ganyan sila makatingin? Ngayon lang ba sila nakakita ng ganitong klaseng kagandahan? Eh mag-iilang buwan na ako sa lugar na ito pero hindi pa sila sanay?

Sabagay... Nakakalaglag panga naman kasi ang mukhang ito! Hehe... Namana ko yata toh kay Mommy!! (^^)

Pero ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko at pagkabog ng puso ko ng marinig ang sinabi ni Mang Roman...

"Ikaw ang pakay nila, Kariella... At hindi ang emperor. Sapagkat tanging ikaw na lamang sa buong dinastiyang Esh ang may dugong itim..." seryosong sabi nito sa akin.

Dugong itim? Akala ko ba kinuha na ito noon pa ni Ezaquel? Bakit mayroon na naman ngayon? Can somebody explain this to me?

"Pero di ba...?" tanong ko. Marahil ay naintindihan naman agad nito ang gusto kong iparating.

"Ang bisa ng ginawa ni Ezaquel sa iyo noon ay kagaya din ng buhay ni Ezaquel, Kariella. Kung hanggang kailan ang buhay ng taong gumawa nito ay hanggang doon din lang ang bisa..." paliwanag nito sa akin.

"Kasabay ng pagpanaw ni Ezaquel ang pagkawala ng bisang iyon. At ngayong patay na siya ay nanumbalik muli ang dugong itim sa buong katawan mo ngayon..." dagdag pa nito.

Pagkasabi nun ni Mang Roman ay siya ding pagdilim ng paningin ko... Hanggang sa wala na akong makita at naramdaman ko na lamang ang isang pares na kamay na sumalo sa akin.








A/N: End of the chapter!!! Don't forget to vote and comment!!! Salamat!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro