🖇️ Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



🖇️Chapter Ten


"ALAM mo ba na may isang kweba dito sa Eshion na paboritong puntahan ni Karia noon?"

Napalingon ako kay Mrs. Koen ng sabihin niya iyon. Humarap ako sa kanya ng tuluyan bago magtanong.

"Kuweba? May kuweba po pala dito sa Eshion, Aling Nadia?" namamangha kong tanong sa kanya. Ngumiti naman ito saka tumango.

"Oo. Subalit nasa pagitan ito ng lupain ng Eshion at Hesico... Kaya naman marami ang natatakot na pumunta sa kuwebang iyon. Usap-usapan kasi na maraming mga Hesiconian ang nagbabantay sa lugar na iyon..." paliwanag ulit nito.

Kung gayun, delikado pala ang lugar na iyon. Nalaman ko kasi mula kay Mr. Koen noon na kilala ang mga Hesiconian sa pisikal na pananakit ng mga taong nabibilang sa ibang karatig-bayan nila.
"May dahilan ba sila kung bakit nila ginagawa ang mga iyon? I mean---- este---- Ang ibig ko pong sabihin ay kung bakit ganun na lamang sila kalupit sa mga naliligaw sa kanila na taong nagmula pa sa ibang bayan..." pagtatanong ko pa.

Inilabas nito ang isang malapad na abaniko saka nagsimulang paypayan ang sarili.

"Mga sakim na tao ang mga Hesiconian, Kariella. Hindi sila basta-basta nagpapapasok ng mga taong hindi nila kilala. Malulupit sila kasi akala nila na yaman ang pakay ng mga taong iyon sa kanila..." seryoso nitong paliwanag sa akin. Nagtaka naman ako. Bakit kailangan na pagmalupitan agad kung pwede namang tanungin o paalisin nalang?

"Bakit kailangan pa nilang gawin iyon, Aling Nadia? Ano naman ang ginagawa nila sa mga taong iyon?" tanong ko ulit.

"Ibinibilanggo nila ang mga taong nagmula sa ibang bayan, Kariella... Samantala, pinapatay at pinapahirapan nila ang mga taong nagmula dito sa ating bayan. Malaki ang iingit ng mga Hesiconian sa ating mga taga-Eshion. Sapagkat pumapangalawa lamang sila sa kayamanang mayroon ang isang bayan o lupain...

"At ang kuwebang iyon... Doon nila pinatay si Ezaquel. Sa kagustuhang isalba si Karia mula sa kamatayan ay handa siyang ialay ang sarili sa kamay ng mga tulisang iyon. Kilala kasi ang Hesico sa pagsasagawa ng ritwal upang muling buhayin ang patay... At iyon ang gustong mangyari ni Ezaquel. Gusto niyang buhayin ng mga ito si Kariella para sayo, Kariella..."

Binalot ng kaba at takot ang puso ko. Ginawa iyon ni Ezaquel? Pero bakit pinatay siya ng mga ito? Bakit hindi iyon nakasulat sa librong nabasa ko?

"Kung ganun nga po ang nangyari...bakit siya pinatay ng mga ito?" pagtataka ko.

Nakita ko kung paano dumaan ang kalungkutan sa mga mata ni Mrs. Koen o tawagin na lamang natin na Aling Nadia. Marahil ay sobrang nakakaawa ang kinahantungan ni Ezaquel. Kung talagang ako nga ang sinasabi nilang si Kariella, napakasuwerte ko naman yata. Dahil may handang magbuwis ng buhay para lamang sa kapakanan ko.

"Pumayag si Hecus, ang emperor ng bayang Hesico na tulungan si Ezaquel. Subalit mayroong kapalit..." sabi nito. Nanatili lamang akong nakikinig sa mga kwento ni Aling Nadia. "Ang kapalit na iyon ang hindi kayang ibigay ni Ezaquel. Mas pinili niyang ialay ang sariling buhay kaysa pagbigyan ang kondisyong hinihingi ni Hecus."

"Ano naman po iyon, Aling Nadia?" tanong ko.

"Ang ibigay ang sanggol kapalit ng muling pagkabuhay ni Karia. Ikaw ang gusto nilang kapalit, Kariella. Kaya sinasabi kong hindi ka ligtas sa lugar na ito. Hindi iyon kinaya ni Ezaquel kaya tinanggihan niya. Subalit hindi na siya pinalaya ng mga ito..." mahabang paliwanag ni Aling Nadia sa akin. "Wala na kaming ibang balita kung anong nangyari kay Ezaquel pagkatapos nun. Nalaman nalang namin na pinatay na siya at sinunog ang bangkay kaya hindi na namin nakita..." pagtatapos nito sa kwento.

Kinain ako ng takot ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung bakit.

Bakit nga ba? Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Kasi sa oras na maramdaman ko ang ganitong pakiramdam, palaging may nangyayaring hindi maganda. Hindi lamang makaisang beses na nangyari ito. Kahit noong nasa mundo pa ako ng mga taong tunay na kasama ko.

"Delikado ang buhay mo dito, Kariella... Hindi ko din maintindihan kung bakit ka muling naparito pagkatapos ng maraming taon. Kung totoong hindi ka talaga taga-rito at hindi ikaw si Kariella na anak nina Karia at Pio, paano ka napunta dito? Anong papel mo sa kapanahunang ito?" seryosong tanong nito sa akin.

And that makes me speechless. Hindi ko din alam kung bakit...




A/N: WAAAHHHH!!! ANOTHER UD NA NAMAN!!!! SORRY PO KUNG NGAYON LANG!!! SORRY!

BTW, KEEP SUPPORTING ME!!! DON'T FORGET TO VOTE AND DROP YOUR COMMENT!! TENCHUU.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro