🖇️ Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🖇️ Chapter 9

MALAWAK at malinis na paligid ang bumungad sa amin pagkababa namin sa sinasakyan naming Cerbes. Agad kong binuksan ang dala kong payong saka naglakad na rin gaya ni Mrs. Koen.

Naninibago man ay binalewala ko nalang. Marami akong nakikitang mga taong nagsisipaglakaran. May kakaiba rin silang kasuotan. Halos lahat ay may suot-suot na mga sumbrerong matutulis ang tuktok. Yung hugis salakot na sumbrero.

"Sumama ka sa akin, Kariella. Pupuntahan natin ang amiga kong si Solan. May ipinaluto ako sa kanyang kakanin para sayo..." sabi nito sa akin. "Halika."

Pumasok kami sa medyo may kalumaan pero napakalinis na bakuran ng bahay. Yari sa bato ang pinto. Nagtataka ako kung paano nila nagagawang isara at buksan ang pintong iyon?


"Ang asawa ni Solan ang umukit ng pintong iyan. Makapal at mabigat kung tingnan sa labas pero manipis lang ang pintong iyan. Siya lamang ang may kakayahang gumawa ng bagay na iyan sa buong bayan ng Eshion..." paliwanag ni Mrs. Koen ng makitang nagtaka ako sa pintong gawa sa bato.


"Ang ganda... Sila lang ba ang may ganitong desinyo sa bayang ito?" pang-uusisa ko pa.


"Hindi. Mayroon pang isa. Ang imperyo ng emperor... Tanging emperor at Omegas lamang ang may ganitong klaseng desinyo sa tahanan. Nagsisimbolo kasi ito ng karangyaan."


Tango lang ang aking naisagot saka muling tinitigan ang mga desinyong nakaukit. Naalala ko tuloy yung antique shop ni Mr. Suan. Gaya nito ay may mga desinyo rin siyang halos magkapareho lamang.

Nabanggit na sa akin noon ni Zep yung tungkol sa mga Omegas. Sa pagkakatanda ko, doon niya ako balak dalhin noon. Kaso nagkataong wala kaya kina Mrs. at Mr. Koen niya ako dinala. Wala namang problema kasi mabait naman ang mag-asawa.


Hindi na kailangang pang kumatok kasi bigla na lamang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang medyo may katandaan ng babae. Medyo bata lamang siyang tingnan kaysa kay Mrs. Koen. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto saka ngumiti sa amin.


"Narito na pala kayo! Wala dito ngayon ang aking esposo. Nasa kabilang bayan siya kasama ang aming anak..." paliwanag nito saka kami inaya papasok.


Maganda din ang bahay. Halos lahat ng kagamitan ay gawa sa tunay na bato. Hindi gaya sa amin na gawa sa semento or mga figurine.


Nakakalungkot nga lang isipin na wala ako sa bahay ngayon.


I used to read some historical books during this time. I used to watch some movies or clips about history. No more CDs. No more everything I used to do everyday in life. Kung nandito lang si Harris ngayon, kanina pa ako nun inasar. I can't live without those things. Because those represent me for who am I.


"Napakaganda mo talaga, Kariella... Gaya lamang ng iyong ina..."


Nahinto lamang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ang boses ni Aling Solan. Nilingon ko ito at tipid na nginitian.


"Salamat po..." sagot ko.


Nag-usap-usap kami tungkol sa kung ano-ano. Naikwento din niya sa akin yung tungkol sa sinasabi nilang ina ko na si Karia.


Pero hindi yun ang pinagtakhan ko. Sapagkat nabanggit din niya sa akin yung tungkol sa libro ni Karia na lagi daw nitong dala-dala noon. Bigla kong naalala ang librong ibinigay sa akin ni Mr. Suan. Yung librong naglalaman ng kwento patungkol sa ipinagbabawal na pag-ibig.


At doon lamang pumasok sa isipan ko ang lahat! Nasa loob ako ng kapanahunang nakatala sa librong nabasa ko!!


"May magic po ba ang librong iyon?!" tanong ko. Nagkatinginan naman sina Aling Nadia at Aling Solan at sabay na napakunot ang noo.


"Magic?" takang tanong ni Aling Solan sa akin. Hindi nila alam yung magic?!

"Anong magic, hija? Pangalan ba yun?" tanong naman ni Aling Nadia.

Enebeyen... –_–?


"Ahmm...mahika po! Ang tinutukoy ko po kung may mahika yung librong iyon?" tanong ko kay Aling Solan. Nakita ko naman itong napailing.


"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nawala din ang librong iyon kasabay ng pagkawala ni Karia. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung nasaan ang librong iyon..." pahayag nito.


Kami naman ni Mrs. Koen ang nagkatinginan. Alam niya kasi na nasa akin ang librong tinutukoy ni Aling Solan. Ang libro ni Karia...


"Solan...nasa pangangalaga ni Kariella ang librong iyon." Napabaling sa akin si Aling Solan. Nasa mukha niya ang naghahangad ng kompirmasyon. Dahan-dahan naman akong tumango.

"Opo... Sa katunayan, ipinahiram lamang sa akin ang librong iyon. Balak ko din iyon ibalik sa nagmamay-ari ng libro sa oras na makabalik ako sa dati kong buhay..." seryosong paliwanag ko sa kanila.

"Anong ibig mong ipahiwatig, Kariella?" tanong ni Aling Solan. Malungkot akong ngumiti bago sumagot.

"Isa po akong tao na nabuhay sa milenyong taon. Hindi po ito ang tunay na kapanahunan ko. Sa totoo lang, wala akong kaalam-alam sa ganitong lugar na ito..."

"At hindi po ako si Kariella. Kung nagkataon mang magkamukha kami ay hindi ko alam. Ako po si Kisses. Kisses Monterez. Nag-aaral po ako. At yun ang ikinakabahala ko... Dahil nasa loob ako ng kapanahunang ito..." mahabang paliwanag ko sa kanila.

Pareho silang walang imik na dalawa. Marahil ay prino- proseso pa sa mga utak nila ang mga sinabi ko.

Pagkalipas ng mahabang katahimikan ay si Aling Solan na mismo ang unang nagsalita.

"Kung hindi ikaw si Kariella... Paano ka napunta rito sa Eshion? Tanging mga Eshionian lamang ang nakakapasok dito. Mahigpit ang siguridad ng emperor sa bayang ito..."

Tumingin lamang ako sa kanya at dahan-dahang umiling. Wala akong kaalam-alam...








A/N: Kawawa naman si Kisses... Masyado ng clueless... Hintay nalang Kisses! Makakalabas ka din!! Sooonnnnn!!! Hahaha!!

BTW, thanks for reading!!! Keep voting and supporting me!!! Labyu guys!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro