🖇️ Chapter 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng








🖇️ Chapter 16

HUMINTO kami sa gitna ng isang kagubatan. Lumapit ako kay Pier ng makitang hawak-hawak nito ang mapa na dala nila. Doon ko din napansin ang kanina pang nakamamatay na nakatingin si Raffa kay Pier.



"Marunong ka bang gumamit niyan, Kariella? Hindi ko kasi al------------------" hindi nito naituloy ang sasabihin ng biglang sumingit si Raffa.


"Bobo ka kasi kaya kahit mapa ay di mo alam kung paano gamitin. Naturingan ka pa namang anak ng Omegas pero walang alam sa buhay..." pagpaparinig nito.


Naniningkit ang mga matang bumaling dito si Pier. Kanina ko pa talaga napapansin ang bangayan ng dalawang ito... Konti nalang talaga at sabay ko silang pagbubuhulin sa isang puno...



"Medyo malapit na tayo sa kuwebang iyon. Kailangan na nating bilisan ang lakad natin para makarating agad tayo doon. Hangga't nagtatagal tayo sa gubat na ito ay masyadong mapanganib..." paliwanag ko naman. At doon lamang natigil ang bangayan ng dalawa.


Hay...buti naman...


"Hindi ba talaga delikadong magpalipas ng gabi sa loob ng kuwebang iyon?" Maya-maya ay natanong ni Raffa. Napahinto kami sa paglalakad at bumaling sa kanya. Halata sa mukha nito ang kaba.


Nagkibit-balikat lamang ako. "Hindi ko din alam... Pero mas lalong delikadong magtagal tayo sa gitna ng gubat na ito lalo na at pakalat-kalat ang ibang Hesiconian sa lugar na ito..."

Pagkasabi ko nun ay napuno na ng katahimikan ang buong paligid. Tanging mga tunog lamang ng kuliglig at mga nagliliparang tuyong dahon ang naririnig namin. Nanatili kaming mapagmasid. Mahirap pagkatiwalaan ang ganitong klaseng lugar. Lalo na at masama ang kutob ko sa lugar na ito.



Tanaw na namin ang lagusan ng kuweba ng bigla na lamang kaming napahintong tatlo. Nakarinig kami ng mga yabag ng paa na tumatapak sa mga tuyong dahon at lumilikha iyon ng ingay. Tikom ang bibig na naglakad kami patungo sa kuweba. Umaasang hindi iyon maglilikha ng kahit ano mang ingay.


Pero hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa kuweba ng bigla ko na lamang maramdaman ang isang malamig na bagay na lumapat sa aking leeg. Hindi lamang iyon pangkaraniwang bagay sapagkat ramdam ko ang talim niyon na sumusugat sa aking leeg...


"Sino kayo at bakit kayo naparito?!" mabagsik na tanong ng taong nasa aking likuran. Nakaramdam ako ng panghihina sa mga sandaling iyon. Anong nangyayari? Nanlalabo din ang aking paningin.


Anong nangyayari sa akin? Asan na sina Raffa? Sino ang mga taong ito? Mga Hesiconian ba sila?

Pero tuluyan ko nang nararamdaman na bumibigay na ang tuhod ko. Pero bago ako mawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Raffa...

"KARIELLA!!!"

At tuluyan ng nagdilim ang lahat...






NAGISING ako na sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko matandaan kung anong nangyari. Ang alam ko lang ay kasama ko sina Raffa at Pier. Idinilat ko ang aking mga mata at nilibot ang tingin sa buong paligid. Wala akong ibang makita kundi kadiliman. Kikilos na sana ako ng maramdaman ko ang mahigpit na bagay na nakagapos sa mga kamay ko. Kaya mas lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko.


"Hmmm..."

Natigil ako ng bigla na lamang may umingit sa tabi ko. Si Raffa! Kahit madilim ay pilit ko siyang inaaninag gamit ang mga maliliit na liwanag na nagmumula sa mga butas na nasa dingding.


"Raffa?" tawag ko dito.

Naramdaman ko ulit siyang gumalaw. "Hmmm?"

"Anong nangyari? Paanong nasa ganitong kalagayan tayo ngayon?" taka kong tanong sa kanya. Doon ko din narealize na hindi namin kasama si Pier! Asan na ang isang iyon? "Si Pier? Asan si Pier?" tanong ko pa.

Naramdaman kong umisod ito palapit sa akin. "Hindi ko alam. Nalinlang nila tayo, Kariella! Isang imitasyon lamang ang Pier na kasa-kasama natin papuntang kuweba kanina. Hindi ko alam kung nasaan ang totoong Pier!" mahinang sabi nito. Bakas sa boses ang pagtataka at takot.

Napaisip naman ako. Imitasyon? Paanong naging imitasyon? Ibig sabihin na hindi si Pier ang kasama namin sa loob ng tatlong oras na paghahanap sa kinaroroonan ng kuweba?

Napatigil ako ng may bigla akong naalala...

"......MALAYO pa ba tayo?" rinig kong tanong ni Raffa sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko pagkuwan ay nilingon siya. Ako kasi ang nauunang maglakad sa aming tatlo. Nasa gitna si Raffa at nasa hulihan si Pier.


"Malayo-layo pa tayo. Pero kailangan nating bilisan. Lalo na at malapit nang magtakip-silim" paliwanag ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hinto muna tayo saglit lang. Magbabawas muna ako ng tubig sa katawan..." rinig naming sabi ni Pier. Napagdesisyunan naming huminto muna sa isang malapad na bato na nasa gilid ng daan. Nagpaalam naman si Pier sandali dahil naiihi na daw ito...





"Malakas ang kutob ko na naiwan sa lugar na iyon si Pier, Kariella. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang bilis niyang bumalik kanina? Iyon ay dahil ginaya lamang siya ng kung sino!" nababahalang sabi pa ulit ni Raffa.


Doon ko lamang naintindihan ang lahat. Ginaya ng kung sino ang katauhan ni Pier upang dalhin kami sa kamay ng mga Hesiconian. At hindi nga sila nabigo. Dahil nandito kami ngayon sa madilim at mainit na silid na ito!



"Kailangan nating makaalis sa silid na ito, Raffa... Kailangan nating makakuha ng gamot para kay Zep. Hindi tayo pwedeng magtagal dito..." paalala ko sa kanya. "Kailangan na isa sa atin ang makatakas man lang... At ikaw iyon, Raffa... Tumakas ka. At humingi ka ng tulong mula sa Eshion!" dagdag ko pa.


"Teka? Bakit ako lang? Paano ka?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Ngumiti lamang ako saka umiling...


"Maiiwan ako dito... Ikaw lamang ang tatakas..."







A/N: End of the chapter na po. Another chapter ahead 🤗🌺 Keep reading and please leave some comments below 🤗🌺

Voting is highly appreciated. Thank you 🤗🌺

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro