🖇️ Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng








🖇️ Chapter 17

GINAMIT ko ang natutunan ko noon sa school namin kung paano tanggalin ang gapos sa kamay. Buti nalang at lagi kong suot ang bracelet kong may maliit na susi. Naaninag ko kasi mula sa kinauupuan namin ang lock na ginamit sa pinto. Although kakaiba ang lock na iyon but I'm hoping na kumasya ang susi na nasa bracelet ko.


"Sigurado ka ba, Kariella? Mapanganib ang buhay mo dito! Hindi ko din alam kung anong ipapaliwanag ko kay Aling Nadia sa oras na makalabas ako dito..." natatakot na sabi ni Raffa sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya. She's not that bad naman pala. Hindi kagaya noong unang paghaharap namin. Para siyang kakain ng tao dahil sa galit!


"Basta huwag kang mag-alala. Ang mahalaga ay makalabas ka ng lugar na ito..." paalala ko pa sa kanya. "Sa bandang silangan ka dumaan, Raffa. Nandoon ang gamot na panlunas na sinasabi ni Mang Roman sa atin. Dalhin mo iyon sa emperyo at umaasa akong pagagalingin ninyo si Zep..." mahinahon kong tugon. Sunod-sunod ang naging tango nito na para bang isang masunuring bata.

"Pero paano ka dito? Baka anong gawin nila sayo sa oras na malaman nilang mag-isa ka nalang bihag nila... Kariella, nag-aalala ako..." sagot naman niya sa akin pagkuwan ay narinig ko na itong humikbi. Pinagpatuloy ko ang pagkalas sa taling nasa kamay ko. Kaunti nalang at matatanggal na. Humihikbi pa din ito pero wala akong magawa. Huminto lamang ito ng makarinig kami ng mga yabag malapit sa labas ng pinto kung saan kami nakakulong.

"Tatagan mo ang loob mo, Raffa! Gawin mo iyon para kay Zeprael. Pakiusap...ipangako mo sa akin na gagaling siya..." nalulungkot kong bilin sa kanya.

"Gusto mo ba siya, Kariella?" tanong nito kaya napatigil ako. Naramdaman ko ding nanigas ang katawan ko sa narinig. Gusto ko ba siya?

"Bakit mo natanong?" tanong ko sa kanya pabalik. Narinig ko naman na mahina itong natawa.

"Halata sa boses, Kariella... Nag-aalala ka sa kanya dahil gusto mo siya. Kaya inuulit ko ang tanong ko... Gusto mo ba si Zep?" Dahan-dahan akong napalunok. Hindi ko alam. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko...


"H-hindi ko a-alam!" utal kong sabi sa kanya. Eh hindi ko talaga alam eh! Nakakainis na tanong naman kasi!! Hrr!!

"Haha... Gusto mo siya. Totoo iyon. Marahil ay naguguluhan ka dahil nakatatak sa isip mo na bawal kayo. Pero aminin mo man o hindi, gusto mo na siya simula pa lang..." tila natutuwang sabi pa nito. Napatirik ang mata ko sa kawalan. Bakit ako na yata ang topic ngayon?


"Kailangan mo nang umalis, Raffa! Tahimik na ang paligid sa labas..." sabi ko ng tuluyan ko ng makalas ang taling nakagapos sa akin. Dali-daling nilapitan ko si Raffa at siya naman ang kinalasan ng tali sa kanyang kamay.

Alam kong nagtataka siya kung paano ako nakalaya sa gapos. Pero hindi ko na lamang inintindi iyon at pinagpatuloy ang pagtanggal ng taling nakagapos sa kanya...
"Kailangan nating bilisan! Baka pumasok sila at maabutan tayo!" mahinang sigaw ko sa kanya. Nangapa kami sa dilim ng paligid. Naramdaman ko naman ang hawak nito sa braso ko at lumapit kami sa naka-lock na pinto.


Akala ko kakasya ang susing nasa bracelet ko pero hindi! Masyadong maliit ang padlock kaya hindi kumasya. Mawawalan na sana kami ng pag-asa ng makarinig kami ng malakas na sigaw mula sa labas.

"Nilusob tayo ng mga Eshionian! Ihanda niyo ang mga sandata!" malakas na sigaw ng isang lalaki mula labas. Humigpit ang hawak ni Raffa sa braso ko. Naramdaman ko din na nanginginig ito.


"Kariella... Natatakot ako..." sabi nito sa akin. Mas lalo pang nanginig ang kamay nito ng bigla na lamang may malakas na tumulak sa pinto dahilan upang tumilapon kami palayo. Napadaing ako ng maramdaman ang pagsakit ng kamay at likod ko... "Aray..."

"Walang makakalabas na buhay dito!!! Uubusin namin kayo!!!"

Dumagundong ang malakas nitong boses sa maliit at madilim na silid na ito. Agad kong nilapitan si Raffa at tinulungang tumayo.

"Are you okay?" tanong ko. Nangunot naman ang noo nito.

"Huh?"

"Ayos ka lang?" tanong ko pa. Tumango ito saka tumayo. Tiningnan namin kung paano manlisik ang mukha nitong taong sumigaw. Kahit madilim ay kita namin kung gaano kalaki ang katawan nito. Yung tipong isang hila lang sa amin ay posibleng magkalasog-lasog kami...

"Pakawalan niyo na kami!" sigaw dito ni Raffa. Sa isang iglap lang ay tila naging isa itong dragon. Tama nga si Mang Roman. Hindi sanay na nasisigawan ang mga Hesiconian. Gaya na lamang nitong Mamang nasa harapan namin ngayon...


"Sinisigawan mo ba ako, alipin?!!!" balik nitong sigaw kay Raffa. Dumagundong ulit ang boses nito. Nakakatakot...

Pero alipin? Alipin my ass... (-_-?)

"Hindi kita sinisigawan! Sinasabi ko lang na paka---------- Aacckk!!"


Nagulat nalang ako na nakita itong nakalapit na sa amin at sakal-sakal na si Raffa.


"Bitawa------- Aacckk!!"

"Papatayin ko kayo!!! Walang sino mang taga ibang bayan ang maaaring mangahas na pumasok sa lupain ng Hesico!!!" sigaw pa nito.

Agad akong humanap ng pwedeng panghampas sa Mamang sumasakal kay Raffa sa kabila ng kadiliman. Kumapa-kapa ako hanggang sa may mahawakan akong isang kahoy. Pinulot ko ito at ihinampas kung saan nakapwesto ang Mamang iyon.

"Aarrgghhhh!!!" daing nito. Naaninag ko naman si Raffa na napaupo sa sahig. Hindi ko na inabala ang Mamang iyon at agad nilapitan si Raffa.

"Bilis! Kailangan nating makalabas dito!" sigaw ko at agad naman itong sumunod. Lakad-takbo ang ginawa namin ni Raffa hanggang sa makalabas kami ng pinto. Buti nalang at wala ni isang bantay sa pasilyong daraanan namin. Hindi namin alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito pero wala kaming pakialam. Ang mahalaga ay makalabas kami ng buhay dito.









A/N: Waaahhhh!!! Keep reading!! Tenchuu 🌺😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro