🖇️ Chapter 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng








🖇️ Chapter 18


LUMIKO kami ni Raffa pakanan. Nagbabakasakaling naroon ang daan palabas. Pero parang pabalik-balik lamang kami. Kung anong nadaanan namin kanina ay ganun pa din naman. At doon ko lang napagtanto na pabalik-balik nga kami. We're trapped!!

"May mga Eshionian na nandito, Kariella. Kailangan natin silang hanapin!" puno ng pag-asang sambit ni Raffa. Lihim akong nanalangin... Sana nga...

Mas binilisan pa namin ang lakad namin lalo na nang makarinig kami ng mga tinig sa kabilang pasilyo. Hinawakan ko ang braso ni Raffa at tinakbo ang isang daan na may liwanag na nag-aabang sa pinakadulo. Iyon na ang lagusan!

"Bilisan mo, Raffa! Malapit na tayo!" sigaw ko saka siya muling hinila. May mga nakausling tinik ang bawat pader kaya doble ingat kami. Baka matuhog nalang kami bigla... Edi may instant barbeque agad... Pero dahil hindi ito oras ng pagbibiro ay mas dinoble namin ang bilis ng takbo namin.


"Napapagod na ako, Kariella... Ang sakit ng buong katawan ko..." dinig kong sabi pa nito. Nilingon ko siya at nginitian. Hindi ngayon ang oras para sumuko... Kailangan naming makalabas na dito!


"Konting tiis nalang, Raffa! Malapit na tayo!!" sigaw ko sa kanya. Takbo lang kami ng takbo. Subalit ng malapit na kami sa lagusang iyon ay may kung anong humila sa amin pababa. Isang patibong!!

"Aray..."

"K-kariella..." daing nito sa pangalan ko. Tumingala ako. Hindi naman masyadong malalim ang kinahulugan namin. Pero malakas ang impact... Ang sakit...

Nag-isip ako ng paraan kung paano kami makakalabas sa patibong na ito. Bakit ba ang lupit ng mga Hesiconian na ito? Problema sa paglabas ng lagusan at problema na naman sa paglabas sa patibong na ito! Tsk!

Nilingon ko si Raffa. "Masakit ba?" tanong ko.

Alam kong obvious ako pero nag-aalala ako eh. Tumango naman ito saka dahan-dahang tumayo. Baka sa oras na makalabas kami sa lupaing ito ay nagkalasog-lasog na kaming dalawa... Huwag naman sana...

Tila may kung anong pumasok sa utak ko kaya napatayo ako ulit. Tiningnan ko si Raffa na medyo nagtataka sa akin. I estimated the height of this hole. At sa nakikita ko ay kasingtaas lamang ng dalawang tao ang butas. So, lumapit ako sa gilid at muling tiningnan si Raffa.


"Tumungtong ka sa balikat ko... Lalabas na tayo dito..." sabi ko dito saka umupo upang makatungtong siya sa balikat ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod nito kaya kinailangan kong hawakan. Nang makatungtong ay dahan-dahan akong tumayo at kumuha ng lakas sa lupang nasa harap ko.


Nang maramdaman ko na medyo gumagaan na ito ay saka ko nalaman na nakasampa na ito sa gilid ng butas. Pagkaakyat ay inilahad nito ang kamay kaya agad ko iyong inabot. Ginamit ko ang buong lakas ko upang makaakyat ako. At salamat naman kasi nagawa ko. Pareho kaming pawisan at kapwa hinihingal.

Pero panandalian lamang iyon dahil nakarinig ulit kami ng mga yabag ng paa na malapit lamang sa amin. Lumingon ako sa likuran at nakita kong malapit na kami sa lagusan. Kita ko na ang mga namumulaklak na halaman sa labas nito.

Tumayo na kami ni Raffa saka muling tinakbo ang lagusan. At sa wakas ay nagtagumpay kami. Takbo-lakad ang ginawa namin hanggang sa mapagtantong nasa gitna kami ng napakalawak na lupain. Para siyang field kaso mas malawak pa ito sa field. Nagtatakang tiningnan ko si Raffa. "Nasaan tayo?"

"Nasa bulwagan tayo ng Hesico, Kariella. Dito ginaganap ang pagsasanay ng mga Hesiconian..." paliwanag ni Raffa. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Wala ni isang tao ang naroon maliban sa aming dalawa. Nasaan na ang sinasabi nilang mga Eshionian na lumusob dito sa Hesico? Prank lang ba iyon?

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko nagawa dahil may kung sino na nagsalita mula sa aming likuran...

"Palay na mismo ang lumalapit sa amin... Mga magaganda pa naman ang lahi ng mga ito..." mapang-uyam na sabi nito. Dahan-dahan kaming lumingon dito. At doon ko nakita ang isang may katandaan ng lalaki na may malaking pilat sa mukha. Tila humati ang pilat na ito sa mukha niya. A diagonal scars.

Nakita ko kung paano kami nito pasadahan ng tingin. May halong pagnanasang tingin... Naisip ko na hindi lang pala ma-pride ang mga tao sa lugar na ito. Mga manyakis din... Nang muli ko itong tingnan ay nasa akin na ang buong atensiyon nito. Subalit natigil ang paglalakbay ng mata nito sa may bandang dibdib ko. Nangunot ito na parang nagtataka.

Nagtaka din ako. O my gosh! Naging flat chested na ba ako? Kakapain ko na sana kaso nagsalita ulit ito. "Bakit nasa iyo ang kuwintas ni Karia? Ikaw ba ang tinutukoy noon sa akin ni Ezaquel?" tanong nito habang nakatingin sa akin. Nilingon ko si Raffa at ganun din ito. Kuwintas ni Karia? Kay Karia ang kuwintas na ito?

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo... Akin ang kuwintas na ito at hindi kay Karia..." matapang kong sagot dito. Nakita ko kung paano mandilim ang mga mata nito. He's getting into my nerves na kasi eh! Nakakabawas ng kagandahan...

Pero ang pandidilim ng mga mata niya ay napalitan ng tila nasisiyahang tingin. Nakita din namin kung paano kumurba sa isang mapaglarong ngisi ang kanyang labi.

"Huwag mo na ako subukang linlangin, binibini... Dahil alam ko na ikaw ang batang tinutukoy ni Ezaquel noon..." matagumpay nitong sabi sa akin. Nilukob ako ng kaba. Maging si Raffa ay ganun din. Paano niya nalaman?

"Hindi ako yun..." matigas kong pagsalungat dito. Subalit tumawa lamang ito ng malakas. Isang mapang-asar na tawa... Mabulunan ka sana...

"Hahahahahahahahaha!!!! Mas lalo mo akong pinapabilib, binibini. Gaya ka din talaga ng iyong ina... Masyadong malakas ang loob! Hahahahahahaha!!!" tumawa ito ng tumawa. Wala sa sariling napaatras ako. Ganun din si Raffa. Nakakatakot ang taong nasa harapan namin ngayon. Kulang nalang ay tubuan siya ng sungay...

"Kung gayon... Maisasakatuparan na namin ang matagal ng plano! Mabubuhay muli ang aking pinakamamahal na asawa!!! Hahahahahaha!!!" malakas nitong tawa muli. Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig. Anong plano? Anong mabubuhay muli? Paano nila gagawin iyon?

"Ganito pala kasuwerte ang tadhana sa amin... Dahil muling mabubuhay ang reyna ng lupaing ito... At sa pamamagitan iyon ng dugo mong itim... Binibini..." nakangising tugon nito. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

Dugong itim...

Dugong itim...

Ganun ba kalakas ang dugong iyon upang maghatid ng maraming kamalasan ko?

Sa sandaling iyon ay napuno ng mga nakatalukbong ng itim na mga tao ang buong bulwagan na iyon. Napakarami nila. Nakakatakot. Para sila yung mga tao sa palabas na nagsasagawa ng mga itim na ritwal.


"Hulihin ang dalawang iyan!" Dumagundong ang malakas nitong tinig sa buong bulwagan na iyon. Nahintakutan kaming napaatras ni Raffa. Anong gagawin namin?!!


"Itigil mo ang kahibangang iyan, Hecus!!!"

Mula sa likuran namin ay nangibabaw ang isa ring napakalakas na tinig. Isang pamilyar na tinig na noon ko pa narinig...

"Mr. Suan..."






A/N: Hala!!! Si Mr. Suan daw?!!! Bakit nandoon?!! 😲😲

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro