🖇️ Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 4

SABADO kaya talagang mag-isa lang sa bahay nila si Kisses. Nasa probensiya pa kasi ang Nanay Dory niya. Si Ikay naman ay umuwi din sa pamilya nito maging si Mang Kerio. Sabado kasi ang day-off ng mga ito para naman makasama nito ang mga pamilya nila. Siya naman, as usual, nag-iisa na naman. Pero di niya naman iyon ipinag-aalala kasi kaya niya naman ang sarili niya.

Bumaba na siya saka nagtungo sa kusina. She really used to be alone. Yung parents niya naman, umuwi ang mga ito kagabi saka umalis din nung madaling-araw. Kaya naman napag-iwanan talaga siya. Pero hindi naman yun problema para kay Kisses. Marami naman siyang maaaring mapagka-abalahan para di siya ma-bored. At saka, nawiwili din siya sa pagbabasa ng librong hiniram niya kay Mr. Suan noong nakaraang araw. Tungkol ito sa pag-iibigan nina Karia at Pio. Nakakalungkot basahin sapagkat napaka-komplikado ng sitwasyon ng bawat isang tauhan. Lalo na si Ezaquel, ang lalaking nakatadhanang ipakasal kay Karia.

Napaupo si Kisses sa isang monoblock na upuan saka pasandal na nagbasa ng libro. Mahirap matukoy kung ano ang nakasulat sa cover nito sapagkat nakasulat ito sa salitang Hebrew, ayon pa kay Mr. Suan. Bubuksan na sana ni Kisses ang libro ng biglang may nagdoor-bell. Nakangusong tumayo siya saka nagtungo sa gate ng bahay nila. Sino naman kaya ang maliligaw na bisita sa kanila sa ganitong oras? For heaven sake, mukhang alas singko palang yata ng umaga.

Naulit pa ang pagtunog ng doorbell kaya medyo binilisan niya ang paglalakad. "Wait lang! Bubuksan na!!" Napairap siya sa hangin saka binuksan ang gate.

Napakunot-noo siya ng walang mabungarang tao sa labas. My gosh! Guni-guni niya lang ba o talagang narinig niya? Sumilip lang siya sa labas para kumpirmahin ang hinala niya pero wala talagang tao. Imposibleng si Haris iyon dahil ayon pa nga, wala ng kasingkapal ang pagmumukha ng lalaking iyon. Wala rin sa bokabularyo nito ang salitang 'hide and seek'. Pero sino? Minumulto na ba siya?

Pipihit na sana siya patalikod ng maramdaman niya ang pagtama ng isang malamig na bagay sa batok niya. Medyo namamanhid na ito pero ramdam pa rin niya ang kirot. Pinilit niyang tingnan ang taong may kagagawan niyon pero nanghihina na siya.

Anong nangyari? Gising na gising ang diwa niya pero natatalo ito ng sobrang panghihina ng katawan niya... Ang Mommy niya... Ang Daddy niya... Sana naman may tumulong sa kanya...






"הם מחכים לך, נסיכה..."








Author's note:

Hello, Readers!!! I'm back!! Sana magustuhan niyo ang maikling chapter na ito...

Magkakaroon na po ng mga POV ang mga characters sa next chapter at sa mga susunod pang mga chapter. Hope you like it readers!! Don't forget to vote, and comment. Follow my account. Thank you, readers!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro