🖇️ Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


(Magsisimula na po ang mga POV ng bawat isa... Hope you like it readers)

Chapter 5

KISSES

MALAWAK NA HARDIN. Punong-puno ng iba't-ibang halamang namumulaklak ang buong paligid. Napakarami din ng paru-paro na iba't-iba ang kulay. Asan ako? Paano ako napunta sa lugar na ito? Saang lupalop ba ito ng mundo at ngayon ko lang nasaksihan? Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka muling inilibot ang tingin sa paligid. Napakaganda... Para akong nasa ibang bansa na autumn ang season. Napakaganda ng langit dahil wala itong makakapal na ulap. Marami din ang humuhuning mga ibon.

Pero paano nga ba ako napunta sa ganitong kagandang lugar? Napahawak ako sa ulo ko at pilit inalala ang nangyari kanina. Anong nangyari kanina sa akin? Tiningnan ko ang buong katawan ko. Hindi na ako nanghihina. Panaginip lang ba ito?

Napalingon ako bigla nang makarinig ako ng ingay mula sa kalayuan. Parang papalapit sa kinaroroonan ko ang ingay kaya napatago ako sa likod ng isang puno. Naningkit ang mga mata ko ng maaninag ang dalawang tao na parang may pinag-aawayan.

"Ano bang nangyayari sayo, Zep? Bakit bigla ka na lang nanghihina? Parang kanina ok—"

"Pwede bang manahimik ka muna, Raffa? Sinabi ko ng hindi ko alam di ba?" Medyo naiinis na sagot nung Zep doon sa babaeng nagngangalang Raffa.

Naku naman! Nagmumukha akong chismosa sa lagay na ito. Paano ba ako makakaalis dito? Gusto ko ng umuwi sa bahay. Baka umuwi na si Nanay Dory at madatnang wala ako doon. Pero paano? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako. Ayoko namang lumabas nalang bigla tapos magtanong sa kanila. Bigla naman akong napahawak sa bandang dibdib ko ng sumakit ito. Kaya naman napasandal ako sa punong kinatataguan ko. Anong nangyayari sa akin? Wala naman akong sakit sa puso ah? Pero bakit bigla nalang sumakit ang dibdib ko?

"Gusto ko lang namang tumulong, Zep! Alam mo namang ayokong nakikita kang nagkaka—"

Hindi na naituloy nung babae ang sasabihin niya ng bigla nalang may lumabas na apoy sa pagitan nilang dalawa. Nanlaki bigla ang mata ko sa nasaksihan. Paano nangyari yun? Nababaliw na ba ako?

"Hindi ko kailangan ang awa mo, Raffa. Malinaw na pinag-usapan na natin ang bagay na iyon, hindi ba? Huwag kang magbulag-bulagan, Raffa. Alam kong alam mo na may gusto sayo si Pier..." May diin ang bawat pagkakabigkas nito sa sinasabi niya. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil nakatagilid sila sa direksyon ko. Napatitig ako sa babaeng nagngangalang Raffa ng bigla nalang itong tumakbo paalis. Hindi ko alam pero nalungkot ako para sa kanya. Masakit masabihan ng ganun lalo na kung taong gusto mo ang nagsabi sayo.

Pinagmasdan ko mula sa kinatatayuan ko ang lalaking nagngangalang Zep. Nakatingala ito sa kulay asul na kalangitan. Nakahawak pa din ako sa puno para di ako matumba. Kumikirot pa rin kasi ang bandang dibdib ko sa di ko malamang dahilan. Napatingin ako sa paanan ko ng may makita akong isang bagay. Dahan-dahan ko itong pinulot para di ako makagawa ng anumang ingay. Napaka-familiar kasi ng bagay na ito kaya pinulot ko. At tama nga ang hinala ko, ito yung librong pinahiram sa akin ni Mr. Suan.

Ibig sabihin na totoo itong nangyayari sa akin? Pero sana naman panaginip lang. Ano naman ang gagawin ko sa lugar na ito? Magti-tiktok? Goshhh...gusto ko ng umuwi...

"Shhhh.....shhhh...."

Nagpalinga-linga ako para hanapin kung anong tunog iyon. Hindi naman ako bobo para di malamang ahas yung humuni di ba? Pero saan na? Di ako takot sa ahas pero ayoko ding makakita ng ahas... Gets niyo? Basta ganun na yun!

"Shhhh.... shhhh..."

Ayan na naman ang huni niya... Mukhang kailangan ko na talagang umalis dito sa pinagtataguan ko. Dahan-dahan kong sinilip yung lalaki at nakita ko itong nakatingala pa rin sa kalangitan. My gosh! Hindi ba nangangalay ang leeg niya kakatingala? Mukhang flexible yata ang le—

"WAAAHHH!!! AHAS!!! AHAS!!! SHOOOO!!!!" Napalayo ako bigla sa puno ng mahulog bigla yung ahas sa harapan ko. Kasasabi ko palang na di ako takot sa ahas di ba? Eh nagbibiro lang naman ako eh!

Dahan-dahan akong lumapit muli sa may puno upang kunin yung libro. Nabitawan ko kasi ito kanina ng biglang umepal yung tuksong ahas na iyon. Hahakbang na sana ako ng biglang may napakainit na bagay ang dumapo sa braso ko. Agad ko itong nilingon at medyo nasilaw pa yata ako nang makita ang mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Malilinlang na sana ako ng utak ko ng maalala ko yung libro.

"B-Bakit?" Taka kong tanong dito. Ramdam ko ang titig nito sa akin na parang tumatagos sa pagkatao ko. "B-bitawan m-mo a-ko" dagdag ko pa na agad niya namang sinunod.

"Sino ka? Saang dinastiya ka nagmula?" Tanong nito sa akin na labis ang pagtataka.

Dinastiya? Oo, alam niya yun kasi marami na siyang nabasang historical events pero ang weird naman yata? Millennials generation na ngayon tapos may pa-dinastiya-dinastiya pa siyang nalalaman? Adik yata ito eh...

"Pardon me? Sa isang bansa po ako nagmula...hindi sa dinastiya" Sagot ko sa kanya. Nakita kong nagsalubong ang kilay nito saka mariing tumingin sa akin.

"Huwag kang magkunwaring hindi mo alam, binibini. Halata sa iyong kasuotan na hindi ka nabibilang sa mga Eshionian. Inuulit ko...saang dinastiya ka nagmula?" May bakas na pagbabanta ang tinig nito. Napairap naman ako sa hangin saka siya tinaasan ng kilay. Grabe rin kasi magsalita. Ang lalalim ng tagalog.

"At sino ka para sabihing nagkukunwari ako? Ni hindi nga kita kilala eh!" sigaw ko sa lalaking nasa harapan ko. Hindi lang siya adik, magpambintang din!

Panaginip ba talaga ito? Pero mukhang bangungot yata kasi may nakita akong isang adik na lalaki.

Muli ko itong nilingon at pinasadahan ng tingin. Ayos ah! Naka-long sleeve eh ang init-init ng panahon. May sumbrero pa siyang pang korean style. Lakas ng tama nito. Sayang... Ang gwapo sana (-_-?)

Hindi ko na ito pinansin at muling hinanap yung libro. Asan na ba yun? Kainis naman kasi ng ahas na iyon eh!

Ilang minuto kong inikot-ikutan yung puno pero wala talaga ang libro. Huwag mong sabihing natunaw?! Iikot ulit sana ako nang biglang humarang sa harapan ko si Mamang gwapitong adik. Naka-crossed arm pa ang peg... Astigin din ito eh! ^_^

"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong nito sabay pakita ng libro sa akin na ngayon ay nasa mga mahiwagang kamay na niya! Ang adik na ito! Balak pa yatang nakawin ang libro ko!

"Akin na yan!"

Pero ang adik, itinago ulit sa likod niya yung libro ko! Hrrr!!

"Adik ka! Ibigay mo sa akin iyan!" muling sigaw ko. Napakaadik!!

Umiling-iling lang ito saka umatras ng tatlong beses. Napahawak pa ito sa dibdib niya saka nagtatakang tiningnan ako. Hindi ko alam pero nanghina ako sa mga titig niya... Crush ko na ba siya? Hindi naman di ba? Pero yung nagkakacrush lang yung nanghihina kapag tinititigan ng crush nila di ba?

"Sino ka ba talaga?"



A/N: End of the chapter. Thank you for reading! Don't forget to vote and comment. Tenkyu! ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro