Chapter 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FORTY-SEVEN

HINDI MUNA ako umuwi sa condo pagkatapos ng pag-uusap namin ni Amanda. Sa may THP ako dumiretso. Matagal-tagal na rin kasi nung huli kaming — akong — nakapag-inom dito. Ayaw ko naman kasing sa may condo magpakalunod sa alak dahil nandoon si Eliseo.

I don't want to bother him with my shits in life.

"One more glass, please," sabi ko sa may bartender na nasa harapan ko. Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Mukhang bago lang dito.

Pagkabigay niya, dali-dali ko itong ininom. In-adjust ko pa ang aking mga mata nang makaramdam na ng hilo. Mayamaya, may nilapag na naman siyang baso ng alak sa harap ko.

"Ang advance mo mag-isip, ah," komento ko.

"Ipinapabigay lang 'yan sa inyo, sir," aniya.

"Sino?" tanong ko at tinuro niya naman ang isang babaeng malagkit ang tingin sa akin, 'di kalayuan sa pwesto ko. "Just give it back to her."

"Bakit naman, sir? Hindi mo type? Ang ganda kaya, o."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bakla ako."

Napailing naman ako nang masilayan ang gulat na ekspresyon niya.

"Sorry, sir, pero may girlfriend ako —"

"The fuck?!" I cut him off. "Hindi kita type, 'no. Wala ka pa kaya sa kalingkingan ni Ely," huli kong sabi bago iniwan 'yong pera. Tuluyan na rin akong tumayo at naglakad palayo.

I went outside and sat down at the bench I saw beside THP. Magpapahinga lang ako nang kaunti bago umuwi. Para siguradong tulog na rin si Eliseo.

"Ay, tangina!" I gasped when my cellphone unanticipatedly rang. "Bakit siya tumatawag? Hindi pa rin ba siya tulog?" tanong ko nang makita ang pangalan ni Eliseo sa screen.

Hinayaan ko lang na mag-ring nang mag-ring ang aking cellphone. I don't want to answer it. Bahala siya diyan. Paniguradong tatanungin niya lang naman kung nasaan ako, bakit hindi pa ako umuuwi o kung okay lang ba ako. Bukas ko na lang siya kakausapin—

"Don't you have any plan to answer my calls, do you?"

Nagulat ako nang marinig ang boses niya. Paglingon ko sa pinanggalingan nito, nasilayan ko ang kanyang seryoso mukha.

"What are you doing here? How did you find me?"

"Ano ba ako sayo, Chie? Bakit hindi mo man lang sinabi na mag-iinom ka pala rito? Kanina pa ako nag-aalala sayo."

***

We fell in very uncomfortable silence. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe at kasalukuyang naipit sa traffic pauwi.

Kanina ko pa gustong mag-sorry pero hindi ko naman alam kung paano babasagin ang katahimikan. Hindi rin kasi siya nagsasalita kanina pa.

Kanina ko pa rin pigil-pigil ang hininga dahil baka dumagdag pa ito sa awkwardness namin; at nang umandar na muli ang sasakyan, saka lang ulit ako nakahinga nang maayos.

Ilang saglit lang . . .

"Chie —"

"Wait," I cut him off when I feel something inside. "Pwedeng patigil saglit sa gilid?"

"Ha? Bakit?"

"Nasusuka ako."

Agad niya naman itong inihinto sa may gilid ng kalsada. Wala na akong sinayang pa na oras at dali-dali na akong lumabas.

"Kapag hindi kasi kaya, 'wag mag-inom nang marami," rinig kong sambit ni Eliseo sa gilid ko habang marahang hinahagod ang aking likuran. "Sandali lang, may kukunin lang ako."

Bumalik naman siya agad dala-dala ang kanyang bottled water at saka ito binigay sa akin. "Drink it."

"Salamat," mahinang sambit ko nang kuhain ito sa kanya. Pagkatapos kong uminom, muli ko siyang hinarap. "I'm sorry."

"Sa condo na tayo mag-usap."

He was about to turn around when I stopped him. "I'm sorry for making you worried again."

He heaved a sigh. "Huwag mo na lang uulitin, okay?"

Napatango na lang ako bago sumunod sa kanya pabalik sa sasakyan. When he started the engine, I let out a deep sighed. "May sasabihin pa pala ako sayo."

"What is it, Chie?"

"Nakipagkita ako kay Amanda kanina."

Muli niyang inihinto ang sasakyan at kunot-noo akong tinitigan. "Why?"

"May tinanong lang ako sa kanya."

"About your ex?" he asked and I slowly nodded. "Chie, nagtataka lang ako. Hindi ka pa rin ba talaga maka-move on sa nangyari?"

"Hindi naman sa gano'n, Ely —"

"E, bakit patuloy mo pa ring binabalikan ang nakaraan?"

Hindi agad ako nakasagot. Nang magtama naman ang aming mga mata, halos todo pigil ako sa para hindi umiyak.

I looked away before mumbling, "I want to set him free." Muli ko siyang hinarap at tiningnan ng diretso sa mga mata. "At magagawa ko lang 'yon kapag nalaman ko ang dahilan kung bakit niya ba nagawa sa akin 'yon."

"Natatakot kasi ako, Ely," I continued. "Natatakot ako na kapag sumugal na naman ako, maulit lang 'yong nangyari. Kaya nga gusto kong malaman 'yong dahilan para . . . para pwede kong maiwasan. Para pwede kong baguhin. Para pwede kong i-improve. Because after what happened, I became scared to fall in love again thinking that I'm the one who's at fault kaya niya ako iniwan."

He then looked at me with a serious expression. "What if he'll come back? What will you do, Chie, if he wants you back?"

***

"Nag-away ba kayo ni Lee?" pagbasag ni Paolo sa katahimikan. Nandito kasi kami nila Maris sa may library, pinag-aaralan ang kanya-kanya naming parte sa thesis. Dahil gustong mapag-isa nila Julius at Karen, kaming tatlo na lang ang nagsama-sama.

Napatingin na rin sa gawi ko si Maris na may halong pagtataka.

"Hindi," mabilis na sagot ko. Hindi naman kami nag-away. Hindi niya lang ako pinapansin dahil wala akong nabigay na sagot sa tanong niya nung nakaraan.

"Then why are you ignoring him for days already?"

"I'm not ignoring him, Paolo. Baka siya 'yong hindi namamansin sa akin, 'no."

"Nag-away nga kayo?" pagsingit naman ni Maris. "Oh my! Bakit hindi ko man lang napansin?"

"You're busy with your thesis for the past days, boss babe," Paolo answered. "Saka naghinala lang ako nang tanungin ko si Lee tapos nagkibit-balikat lang siya sa akin."

"Spill the tea, Chie! Anong meron? Tungkol saan naman ngayon ang pinag-awayan niyo?" ani Maris.

"Hindi nga kami nag-away," depensa ko. Pinanliitan niya naman ako ng mata kaya nagbuntonghininga na lang ako. "He just asked me about Victor."

"Tapos?"

"Tinanong niya kasi ako kung anong gagawin ko kapag bigla na lang daw bumalik si Victor."

"And what did you say?"

"Wala."

"Wala?" sabay na sambit nila. "Wala kang gagawin o wala kang nasagot?" dugtong pa na tanong ni Maris.

"Wala akong nasagot." Tinitigan lang nila ako na para bang hinihintay na dugtungan ko pa ang aking sinabi. "Wala akong nasagot kasi hindi ko alam 'yong isasagot."

Nanatili lang silang nakatitig sa gawi ko na para bang may ina-analisa. "Bakit ganyan naman kayo makatingin?" takang tanong ko.

"You still have feelings for him," Maris stated.

Napayuko na lang ako dahil sa tingin ko ay tama naman siya. Hindi naman ako magkakaganito kung wala na talaga, e. Pero bakit? Bakit hanggang ngayon meron pa rin?

"Gets kong first boyfriend mo si Victor, Chie. Pero sinaktan ka na niya. Sana naman matauhan ka na," ani Paolo. "Si Lee 'yong nandiyan para sayo ngayon. And we all know how much he loves you."

Natuluyan na akong hindi makapagsalita.

When Maris held my right hand, she just heaved a sigh. "Basta, Chie, don't break someone else's heart for someone who broke yours."

I understand what she's trying to say. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis sa sarili. Bakit ba kasi ang gulo ko? Bakit pati mismo kong nararamdaman hindi ko maintindihan?

Sabi ng isip ko, I'm over with Victor. Paliwanag niya lang ang kailangan ko pero tapos na kami. Ngunit umaapila naman 'tong puso ko.

"Chie, kung hindi ka pa sigurado kay Lee, mas mabuting ipaintindi mo na sa kanya ngayon pa lang," marahang sambit naman ni Paolo. "Ayaw kong masaktan kayong dalawa sa huli. You're both important to us."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro