Chapter 48

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FORTY-EIGHT

ILANG ARAW kong pinag-isipan ang mga sinabi sa akin nila Paolo at Maris. And I realized that they're both right.

Eliseo doesn't deserved the pain I might cause to him.

"I'll finally letting him go," I uttered to Maris. Siya lang ang kasama ko ngayon dahil busy ang iba naming kaibigan. "I think this is the right and perfect time to do this."

"Sigurado ka na ba diyan?" I nodded. "Wala nang atrasan 'to, Chie. If you finally decided to let him go, you should do it for real. Panindigan mo. Para sa huli, walang masasaktan."

Sa nakalipas na araw, siya lang ang tumatakbo sa aking isipan. When I thought about him not being beside me anymore, I kinda got scared. Doon ko napagtanto na importante na nga talaga siya sa akin; na hindi ko na rin siya kayang mawala sa aking buhay.

"O siya, tama na ang drama. Let's find a birthday gift to him," ani Maris. "Magpapa-party pa naman 'yon kaya nakakahiya kung wala tayong regalo."

"Hindi ko pa nga alam kung anong ireregalo ko, e."

"Alam mo, Chie, sabi ni Paolo, hindi naman materialistic 'yon si Eliseo. Saka ikaw pa ba? E, kahit tig-pisong candy nga ata ibigay mo roon, ayos lang. Basta galing sayo, ah."

"This is his first birthday na magkasama kami," I said and she suddenly grinned. "I mean, nandito ako. Kasi kakakilala lang naman namin, 'di ba? Kaya gusto ko namang gawing memorable ang birthday gift ko sa kanya."

"As you say so, Chie."

Hindi ko na lang siya pinansin ulit. We just roamed around the mall. Ilang stores na ang pinuntahan namin pero wala pa rin kaming nakita na pwedeng ipanregalo kay Eliseo. Hanggang sa nag-decide na lang si Maris na pabango ang bilhin. Habang ako, wala pa ring maisip.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-iikot sa mall nang mag-vibrate ang cellphone ko.

From: Eliseo
What time are you going home?

Agad na kumunot ang aking noo sa nabasa. Nitong mga nakaraang araw, naramdaman kong iniiwasan niya rin ako. Ni hindi na nga kami masyadong nag-uusap lalo na kapag hindi naman kailangan. At dahil 'yon sa huli naming pag-uusap tungkol kay Victor.

Kaya anong meron ngayon at bigla niya naman tinanong ang oras ng pag-uwi ko? Makikipagbati na ba siya?

"Sinong makikipagbati?" sabat ni Maris na siyang ikinagulat ko. Kunot-noo rin siyang nakatingin sa akin. "May kaaway ka ba?"

"Did I voice out my thoughts aloud?"

"Ano pa bang bago, Chie?"

Sinimangutan ko na lang siya bago nag-type ng ire-reply kay Eliseo.

"Sinong ka-text mo?"

"Ely."

"Ah . . . siya 'yong makikipagbati?"

"Hindi."

"E, ano?"

"He just asked me what time I'm going home."

"Ay, taray! Hindi pa kayo pero kailangan updated sa isa't isa, ha."

I glared at her direction. "Tumigil ka nga diyan," sita ko sa kanya. "Ngayon na lang siya ulit nagtanong ng gan'to, 'no. Kaya nga nakakapagtaka kung anong meron."

"Baka kasi nami-miss ka na," she annoyingly uttered. "Ikaw naman kasi, masyadong nagpapa-miss. Daig mo pa talaga ako. Ang haba ng hair mo!"

"Kapag hindi ka tumigil diyan, iiwan kita rito."

Tinawanan niya lang ang sinabi ko. Akala niya ba nagbibiro ako?

Hindi ko na lang pinansin ang mga pang-aasar niya at tiningnan na lang kung may reply na ba si Eliseo.

"O, bakit parang mapupunit na naman 'yang noo mo?"

"Wala pa siyang reply," takang tugon ko sa tanong ni Maris. "Usually kasi, nagre-reply agad 'yon."

"Ayan ka na naman sa pag-o-overthink mo. Stop that, Chie. Baka naman busy lang."

"Busy? E, bakit nag-text pa sa akin at nagtanong kung anong oras ako uuwi?"

"Aba, malay ko! Ako ba si Eliseo, ha?"

"Ang gago mo kausap, Maris," inis kong sabi bago binalik ang cellphone sa bulsa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Habang siya, tawang-tawa namang nakasunod sa akin.

"Baka kasi may surprise sayo, Chie, kaya tinanong kung anong oras ka makakauwi."

I immediately stopped walking when I heard what she said. Knowing him, baka gano'n nga 'yon. If that's the case . . .

"O siya, tara na at mamaya ka na kiligin diyan. Bilisan na natin kumain para makauwi ka na. Nakakahiya naman sayo, e."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Hindi ako kinikilig."

"Hindi raw kinikilig pero pulang-pula na 'yang magkabilang pisngi mo," natatawang pang-aasar niya at saka ako nilagpasan.

Dahil nauna na siyang naglakad sa akin, sumaglit muna ako sa glass wall ng isang shop upang tingnan kung namumula nga ang magkabilang pisngi ko — na hindi naman talaga. Paglingon ko sa gawi ni Maris, halos hindi na siya mapakali sa pagpigil ng tawa.

May masasakal talaga ako sa mga oras na 'to, e. Hindi ko naman sinasabing si Maris 'yon, ah. Pero parang gano'n na nga.

***

"Baka kasi may surprise sayo, Chie, kaya tinanong kung anong oras ka makakauwi."

Hindi na nawala sa aking isipan ang sinabing 'yon ni Maris; na hanggang sa pag-uwi, gumugulo pa rin talaga sa isipan ko.

Kung may sorpresa nga si Eliseo sa akin, ano naman 'yon? Saka bakit at para saan? At bakit parang nag-e-expect naman ata ako?

My thoughts were interrupted by the "Ting!" sound that the elevator made when it reached the 26th floor.

I just heaved a sigh. "Magugulat na lang ako kunwari kung may surprise nga siya."

I was about to swipe the card key I'm holding when the door suddenly opened. Nanlaki pa ang aking mga mata sa taong lumabas.

"Amanda?" I shockingly asked. "Anong ginagawa mo rito?"

Hindi naman agad siya nakasagot dahil sa pagsulpot ni Eliseo sa kanyang likuran. "Nandito ka na pala, Chie."

"So it's true that you guys are living here together, huh?"

Hindi ko siya pinansin at tiningnan lang si Eliseo. I arched my brow and he just mouthed, "What?" to me.

"Iba ka rin talaga, Chie, 'no? After Victor, isang Eliseo naman ngayon?" pagsasalita ulit ni Amanda. "Sino naman kaya sunod?"

"Wala akong panahong makipag-usap sayo, Amanda," I drly uttered then stared at Eliseo and added, "Mauna na ako sa loob at gusto ko ng makapagpahinga."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at nagdire-diretso na ako sa loob. May sinabi pa si Amanda pero hindi ko na 'yon masyadong narinig dahil hindi ko na rin naman inintindi pa.

Pagpasok ko sa kwarto, sa CR agad ako dumiretso upang maghilamos.

"Hindi man lang ako na-inform na gano'ng klaseng surprise pala ang maaabutan ko," pagkausap ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. "And I don't even need to fake my shock for that surprise, ha."

***

Matutulog na sana ako nang biglang gustong makipag-usap ni Eliseo kaya imbes na nasa kwarto, nandito kami ngayon sa may sala.

"I don't want to drink, Ely. May pasok pa ako bukas," sabi ko nang iabot niya ang isang bote ng beer sa akin. "Ikaw, wala ka bang pasok?"

"Pampatulog lang naman, Chie."

"You can drink milk instead of that."

"Hindi effective sa akin, e."

Napailing na lang ako at kibit-balikat. "Um, ano ba 'yong gusto mong pag-usapan natin?"

"I miss you," he suddenly said that made my eyes widened. "Gusto lang kitang makausap kasi miss na kita."

"Ayos ka lang?" wala sa sarili kong tanong. "Araw-araw kaya tayong magkasama kaya paanong miss mo na ako?"

He chuckled, still looking at my eyes. "Hindi ba pwedeng ma-miss lang kita kahit palagi naman kitang kasama?"

"Hindi," I quickly answered. I then seriously looked at his eyes also. "Hindi ka pa nakaka-isang bote pero mukhang ang lakas na ng tama mo."

"Malakas naman na talaga ang tama ko, Chie."

"Ha?"

"Sayo. Ang lakas na kaya ng tama ko sayo."

Sa sobrang corny ng sinabi niya, hindi ko na napigilan ang sarili at natawa na lang. Kapag usapang kalokohan talaga, numero uno ang lalaking 'to, e.

"Ely, kung wala naman tayong pag-uusapan, mauuna na ako dahil maaga —"

"I just invited Amanda to my birthday," he cut me off. I creased my forehead, wondering what he's going to say next. "Kaya siya nandito sa condo kanina. We just talked, Chie."

"Why are you telling me that?"

"Baka kasi kung ano pang isipin mo kaya mas mabuting maipaliwanag ko na agad kung ano bang ginagawa niya rito."

Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Panigurado kasing aasarin niya lang ako kapag nahuli niyang natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya sa mga oras na 'to.

I cleared my throat before uttering, "You don't need to tell me that, Ely. I mean, this is your place so you're allowed to bring any girl here without my permission."

Wala pang limang segundo pagkatapos kong sabihin 'yon, kakaiba na ang ngisi niya sa aking gawi.

"Kung anuman 'yang iniisip mo, tigilan mo na."

"Nagseselos ka ba, Chie?"

"Hindi. Bakit naman ako magseselos?"

"I don't know if it's just me pero bakit kinikilig ako kapag nagseselos ka?"

I just stared at him blankly. Ano bang nakain nito at kung anu-ano na naman ang pinagsasabi?

"Matutulog na ako —" Hindi ko na naman natapos ang gusto kong sabihin dahil bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

"Samahan mo muna ako rito saglit."

"Ely . . ."

"Please, Chie?"

Fuck. Why is he acting cute now?

Agad kong iniwas ang tingin dahil awtomatiko na namang napupunta ang atensyon ko sa mga labi niyang mapang-akit.

"Fine, I'll stay," pagsukong sambit ko. Muli na lang akong umayos ng upo.

"Why are you so damn attractive, Mister Richie Enrile, huh?"

That question suddenly brought a blush to my cheeks. I'm confused and embarassed at the same time. "Lasing ka na ba?" tanong ko na siyang inilingan niya naman bilang tugon.

"Hindi ko pa nga nauubos 'tong isang bote, lasing agad?" natatawang dugtong niya pa.

"Then why are you saying weird things?"

"Chie, I'm just being honest here."

"Ewan ko sayo," I mumbled before grabbing the other bottle of the beer.

"O, akala ko ba ayaw mong uminom?"

Hindi ko siya pinansin at tahimik na lang na itinungga ang bote ng alak. Akala ko tatahimik na rin siya pero wala pang isang minuto muli na naman siyang nagsalita.

"Psst, Chie . . ."

"Ano na naman?"

"I want to do something."

I creased my forehead. "Ah . . . okay?"

"Okay? Sigurado ka?"

"Ano ba kasing kinalaman ko sa gusto mong gawin na 'yan?"

"I want to kiss you."

What the — seryoso ba siya?! Nakipagtitigan lang ako sa kanya ng ilang segundo pagkatapos niyang sabihin 'yon upang sukatin kung pinaglalaruan niya lang ba ako o ano. Pero kita ko sa kanyang mga mata na seryoso nga siya!

Napalunok ako nang wala sa oras nang mapansin ang mabilis niyang pagbasa sa kanyang labi gamit ang dila niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili dahil bigla na lang akong pinagpawisan.

"Chie," he called me again using his husky voice. The way he looked at me right now, it melted me inside. "Will you allow me to claim your lips now?"

Awkward akong natawa na parang tanga. "Just do it, Ely," I jokingly answered to ease the tensioned. But when he showed his devilishly grinned, bigla na lang akong kinabahan kaya agad ko itong dinugtungan ng, "Joke lang."

"Jokes are half meant, babe."

"H-Hoy, Ely! U-Umayos ka nga diyan."

"Do you want me to kiss you or not?"

Tangina! Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?! Bakit ang wild nito ngayon?

Kung kanina, I still managed to talk to him smoothly; ngayon naman, parang may kung ano ng bumara banda sa aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita nang maayos. Puro paglunok na lang ng sariling laway ang nagagawa ko.

I admit it. Eliseo is fucking hot with or without showing his half-naked body. Sa paraan pa lang ng kanyang pagtitig, nagwawala na ang buong sistema ko, e. I don't even know how I remained calm in this kind of situation!

"Fine." Natigil ako sa pag-iisip nang muli siyang magsalita. "I won't kiss you. Sorry for being strange, Chie. I can't help my—"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at ako na ang lumapit sa gawi niya. Dahil hindi naman kami masyadong magkalayo ng pwesto, nagawa kong pumaibabaw agad ng walang kahirap-hirap sa kanya.

Sa ginawa kong 'yon, mukhang pareho kaming nagulat.

"If you're not going to kiss me, then I'll do it," I said before gently leaned on him.

When our lips touched, without knowing it, we just kissed passionately.

And for some reason, I think I finally found my happiness again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro