Chapter 55

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FIFTY-FIVE

SABI SA isang drama series na napanood ko dati, some love begins without the owner of the heart realizing that one's love has begun. Mare-realize na lang daw natin, isang araw, na in love na pala tayo sa isang tao; na kinain na ang ating puso ng sistema ng pag-ibig.

Love gets into our heart.

When I realized it, he took a corner of my heart all of a sudden.

Nang maghiwalay kami ni Victor, buong akala ko hindi na ako capable na magmahal muli. Sobra kasi akong nawasak; nasaktan. Akala ko hindi na kakayanin ng aking puso kung muli akong susugal sa pag-ibig. Pero nagbago ang lahat nang lubusan ko pang nakilala si Eliseo.

Some say for one to fall in love, 0.2 second is more than enough. But the time I needed to fall in love with him took a couple of months because of the heartbreak I had.

It took a couple of months before I admitted to myself that I'm now into him. That I'm in love with the guy named Eliseo Borromeo.

Pero may biglang tanong ang gumulo't nagtalo sa aking isipan: I am really in love with him? Or I'm just in love with the idea that he's in love with me?

"I know that it's hard to forget someone who gave you so much to remember," pagbasag ni Eliseo sa ilang oras na naming katahimikan.

Mula sa resort hanggang sa biyahe pauwi, walang nagsasalita sa aming dalawa; walang umiimik. Kahit nga nung makasakay na kami sa elevator paakyat sa condo, wala pa rin. Hanggang sa nagdesisyon na nga siyang basagin ito bago pa kami makapasok sa loob.

For now, I'll let him talk.

Masyadong naubos ni Amanda ang energy ko sa pakikipag-usap sa kanya. Halos na-drain ako — both emotionally and mentally. Parang mas matindi pa ang pag-uusap namin kaysa sa pakikipag-usap ko sa mga panel noon.

"Alam mo naman, Chie, na I choose you, 'di ba?" he asked. On our way here, inihanda ko na ang sarili para rito. Ilang beses ko pa ngang pinaalalahanan ang aking mga luha na kahit anong mangyari, huwag na huwag silang babagsak sa harap ni Eliseo. Masyado ko na siyang nasasaktan. At ayaw kong dagdagan pa ito kapag nakita niya 'kong iiyak. "And I'll choose you, over and over and over. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing you, Chie," he continued.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin at saka hinawakan ang aking magkabilang kamay. Pagkatapos nilunod niya ako sa kanyang mga mata na nangungusap na . . . "Sana ako rin," aniya. "Sana kahit papaano, piliin mo rin ako."

Nang bitawan niya ang mga salitang 'yon, halos hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng aking puso. Parang bahagya itong huminto. Hindi ulit ako makahinga nang maayos. Nahihirapan akong intindihin ang mga sinasabi niya.

I feel cornered.

"Natatakot ako, Ely," I finally admitted. Akala ko magtatagumpay ang aking mga luha ngayon, but they failed me again. Because right after I said those three words, nag-uunahan na sila sa pagbagsak. "Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Natatakot ako na baka . . . baka masaktan lang kita."

He quickly gave me a hug. 'Yong mahigpit na klase ng yakap na parang nagsasabing, "tahan na; 'wag ka nang umiyak. Nandito lang ako sa tabi mo at magiging ayos din ang lahat."

"Ayaw naman kitang pilitin, Chie, e. Basta gusto ko lang malaman mo na ikaw 'yong taong araw-araw kong pipiliin," bulong niya habang marahang hinahagod ang aking likod upang mapakalma ako sa pag-iyak. Mayamaya lang, muli siyang bumulong sa akin. "At maghihintay ako hanggang sa dumating 'yong panahon na ako naman ang pipiliin mo."

And that's how our day ended.

Kinabukasan, parang bumalik na sa normal ang lahat. Pero para sa akin, alam kong may nagbago. Lalo na sa nararamdaman ko.

"This is not right," I told to myself. "I shouldn't be unfair to him. Hindi niya deserve 'to. Dapat ko nang ayusin ang sarili bago pa mahuli ang lahat. You should fix your feelings, Chie, right away."

Dahil baka sa huli, hindi lang siya ang masasaktan ko. Pati na ang sarili ko kung nagkataon.

***

I need someone to talk to about this. Baka sumabog na ang utak ko dahil panay sarili ko na lang ang aking kausap nitong mga nakaraang araw.

It's been two weeks since I became confused — to myself and to my feelings. And I'm aware that it wasn't healthy at all.

I tried to contact Maris and Karen but their line were both busy. Sa lahat ng kaibigan ko, sa tingin ko kasi, silang dalawa lang ang makakausap ko patungkol sa aking sitwasyon. Alam ko kasing kahit papaano masasagot nila ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan.

And now that I can't contact them, hindi ko na alam kung sino pa ang pwedeng lapitan. Wala naman na kasi akong ibang kaibigan—

"That's why fix your feelings first, Chie. Kasi kapag si Eliseo ang nagmahal, binibigay niya talaga lahat. At bilang kaibigan niya, sa tingin ko naman deserving din siya sa gano'ng klaseng pagmamahal."

Oh right, si Axcel!

Hindi ko alam pero bigla na lang sumagi sa aking isipan 'yong napag-usapan namin no'ng birthday ni Paolo. 'Yon ang una't huling beses na kinausap niya ako tungkol sa amin ni Eliseo. Maybe, I can talk to him again this time.

I took a deep breathe before dialing Axcel's number. Hindi ako mapakali nang magsimulang mag-ring ang aking phone.

"Um, Chie?"

He answered! Umayos ako ng upo pagkarinig ng kanyang boses sa kabilang linya.

"Hi, Axcel."

"Ah . . . hi? Bakit napatawag ka bigla? May problema ba?"

"Um, can I talk to you?" I hesitatingly asked. "I . . . I need your help."

"Is it about Lee?"

Nang banggitin niya si Eliseo, bigla naman akong nag-dalawang-isip. Mukhang maling desisyon na sa kanya ako hihingi ng tulong. He's his friend and—

"Chie? Are you still there?"

"Ah, y-yeah. Ano, um, Axcel, nevermind na lang pala. I'm sorry to disturb—"

"Where are you? Pupuntahan na kita," pagputol niya sa sinasabi ko na siyang aking ikinagulat. "At alam ko 'yang iniisip mo ngayon, Chie."

"H-Ha?"

"Don't ever think that you can't talk to me because I'm friend with Lee, okay? Kung may problema ka, pwedeng-pwede mo 'kong kausapin. Isa pa, kaibigan din naman kita. You guys welcomed us warmly, remember?"

"Thank you, Axcel," mangiyak-iyak kong sambit. Hindi ko talaga alam kung anong ginawa kong kabutihan ngayon o no'ng past life ko para biyayaan ng mga gan'tong klaseng kaibigan. I'm really luck to have them all.

After I told him where are we going to meet, dali-dali na rin akong nagbihis. I wore a simple striped shirt and shorts. Then I paired it with my go-to sandals. Pagkatapos mag-ayos, lumabas na 'ko ng kwarto.

"May lakad ka?"

I startled when Eliseo suddenly appeared in my sight.

"May kikitain lang ako," sagot ko matapos maka-recover sa pagkabigla. "Babalik din ako agad."

"Sino? Sila Maris?"

"Nope. Old friend," I lied. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na si Axcel, 'di ba? Because if I did, he'll surely throw a lot of questions pa. "Babalik din naman ako agad."

"Okay," he replied. It looks like he's not convinced but for some reason, he just let it slide. "Um, may I drive you? Wala naman akong ginagawa."

"Ah, hindi na. Magco-commute na lang ako."

"Sigurado ka?"

"Yep!"

"Okay."

"Okay. I'll see you later."

After I bid goodbye, dire-diretso na akong naglakad palabas.

***

Wala pa kaming kalahating oras nag-uusap ni Axcel, marami na siyang bagay na ipina-realize sa akin. Mukhang sa tamang tao nga ako lumapit at humingi ng tulong.

"Now, I'll ask you again," he told me in a serious manner. "At gusto kong maging honest ka na sa sarili mo."

Marahan akong tumango bilang tugon. Bahagya rin akong napakapit sa aking upuan dahil alam kong mabigat ang tanong na bibitawan niya.

"Are you still in love with your ex?"

Dalawa lang naman ang sagot na pagpipilian ko sa tanong niyang 'yon: oo o hindi. Pero bakit hirap na hirap ako? I can easily said no kasi 'yon naman talaga ang nasa isip ko pero may kung ano sa akin na pumipigil para 'yon ang isagot.

Sa totoo lang, hindi ko naman na talaga siya mahal, e. Pero bakit . . . bakit hindi ko masabi ang bagay na 'yon?

"Okay, Chie, let me change my question," ani Axcel nang mapansing nahihirapan akong sumagot. "Kung babalik ang ex mo, tatanggapin mo pa rin ba?"

Natahimik ako bigla. Paulit-ulit na rumehistro ang tanong niyang 'yon sa aking isipan.

Ano nga bang gagawin ko kapag, isang araw, bigla na lang bumalik si Victor sa buhay ko?

***

In a few minutes, mahahawakan ko na rin ang aking pinaghirapan na diploma. Pero hindi ko magawang maging masaya nang lubusan dahil sa ilang bagay na gumugulo sa isipan ko.

Until now, I'm still confused with my feelings towards Eliseo and . . . my ex, Victor.

Hindi rin mawala-wala sa aking isipan ang mga sinabi ni Axcel no'ng araw na nakapag-usap kami.

"I think I know the answer," he said after the minute-long of silence. "A piece of advice, Chie: huwag mo nang pataasin ang hope ni Lee na siya ang pipiliin mo."

"W-What do you mean?"

"Mahal mo si Lee, 'di ba?" tanong niya at mabilis naman akong tumango bilang tugon. "Pero hindi mo pa rin mabitawan ang ex mo?"

I nodded again, feeling guilty.

"At alam mo naman na isa lang ang maaari mong piliin sa kanilang dalawa—"

"I chose Ely," I uttered, cutting him off. "Siguro nga hindi ko pa rin mabitawan si Victor pero si Ely ang pinipili ko."

He heaved a sigh. "Why him, Chie? Bakit si Ely ang pinili mo?"

"A-Ano?" naguguluhan kong tanong.

"Bakit pinipili mong mag-stay sa kanya ngayon kung pwede mo naman na siyang i-let go para hindi na kayo magkasakitan pa sa huli?"

"Why would I let him go, Axcel, if I love him?"

"Are you sure that it is love?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Look deep into your heart, Chie, and find out whether it's love or just a feeling of relief," aniya. "Kasi baka kaya mo lang nasasabi ang bagay na 'yan dahil si Lee ang nandiyan para sayo ngayon. Dahil si Lee ang nagpaparamdam ng pagmamahal na hindi mo makuha sa ibang tao kasi wala ang tao na 'yon sa tabi mo ngayon. And if that's the case, you're just being unfair, Chie."

After he said that, I realized that it's the same thing when I asked myself if I'm really in love with him or I'm just in love with the idea that he's in love with me.

Ngayon, mas lalo pa 'kong naguluhan.

Ano nga ba talaga 'tong nararamdaman ko kay Eliseo?

Natigil ako sa pag-iisip nang mapansing nagpapalakpakan na ang mga tao sa aking paligid. Mukhang tapos na ang speech ng aming summa cum laude. Pabalik na rin kasi ito sa kanyang pwesto.

Ilang saglit lang, nagsimula ng tawagin isa-isa ang mga BSBA students na ga-graduate sa taong ito. Habang hinihintay kong tawagin ang aking pangalan, wala sa sarili akong napatingin sa gawi nila Tita Elena. Dahil nga wala naman na akong ni isang kamag-anak dito, nag-insist na si Eliseo na ang mama niya na lang ang sasama sa akin pag-akyat sa stage. Hindi naman na ako makatanggi dahil si Tita Elena na  rin mismo ang nag-offer.

Nauna na kasi ang graduation nila Eliseo sa amin kaya present na present siya ngayon. And the thought of having him beside me in the moment like this made me really happy.

"Bakit ba kasi kailangan pang maging gan'to kakomplikado ang lahat?" tanong ko sa sarili habang nanatiling nakatingin sa gawi ni Eliseo na ngiting-ngiti at patuloy ang pagkaway sa akin.

***

"Congrats, Chie!" Maris cheerfully greeted me the moment our graduation rites ended. "Finally, graduate na tayo!" she added then hugged me.

I hugged her back. "Masaya ako at sabay-sabay tayong naka-survive," sabi ko naman. "Teka, nasaan sina Paolo at Julius? Parang hindi ko na nakita."

"Um, sorry, Chie, I'll be back. Puntahan ko lang sila Mama," nagmamadaling sambit niya at hindi man lang pinansin ang tanong ko.

I looked around. Kanina ko pa hinahanap ang dalawang 'yon. Nakita ko naman sila kanina pero hindi ko nga mga nakausap dahil ang lalayo ng pwesto namin sa isa't isa.

Habang iniikot ang paningin sa paligid, someone shouted my name. Tapos nakita ko na lang na patakbong papalapit si Robi sa akin habang tahimik naman na nakasunod si Axcel sa kanya nang naglalakad.

"Congrats, man!" bungad ni Robi sabay yakap sa akin. "Nasaan pala si Lee? Bakit hindi mo kasama?"

"Sinamahan niya lang si Tita Elena sa CR—"

"There he is," pagputol ni Axcel sa sinasabi ko. Paglingon ko sa likuran, papalapit na nga sila Eliseo.

"Hi, boys," ani Tita Elena. "Dahil nandito na kayo, let me take a picture of you guys. Kayong apat, bilis."

Dali-dali namang lumapit si Robi sa tabi ko. "Game po kami diyan, Tita!" aniya. Hinila niya na rin si Axcel na nanatiling nakatayo sa tapat namin.

"Congrats ulit," dinig kong bulong ni Eliseo sa akin nang tabihan niya naman ako sa kaliwa sabay akbay.

"Salamat," I replied, giggling.

"Okay, ngumiti na kayong apat. In one, two, three, say cheese!"

After taking a couple of shots, she excused herself. May isang Prof kasi ang kumausap sa kanya. And according to Eliseo, family friend daw nila 'yon.

"So where do you want to eat?" Eliseo suddenly asked. "Mom suggested na doon na lang tayo kumain sa Japanese restaurant in BGC."

"T-Teka . . . Hindi ba nakakahiya? Bakit kasama ako?"

"C'mon, Chie, si mama na mismo nagsabi na we'll treat you kasi nga graduation mo."

"That's unfair!" pagsingit ni Robi. "Bakit wala namang pakain si Tita nung graduation natin?"

"Then you can join us, Robs," iling na sambit ni Eliseo.

"Talaga? E 'di, ayos!"

"Actually, niyayaya tayong lahat ni mama. Hindi ko nga lang sigurado kung makakasama 'yong iba dahil baka may kanya-kanya silang lakad. You know, family celebration."

"Speaking of them, wala ba kayong napapansing kakaiba?" I asked. "Lalo na kay Maris at Paolo. Parang hindi ko pa ata kasi sila nakikitang magkasama ngayon."

"Hindi mo pa ba alam—" Robi didn't finish his sentence because Axcel suddenly tapped his back.

I creased my forehead. "I knew it! There's something going on—"

Ako naman ngayon ang hindi natapos sa pagsasalita dahil sa biglaang pagdating ni Tita Elena. "Ano, tara na? Baka nagugutom na kayo."

"Let's go, 'Ma," ani Eliseo. "Chie agreed na doon na lang tayo sa Japanese restau sa may BGC kumain."

Mukhang may alam din siya. Teka — Sa mga ikinikilos nila, mukhang ako na lang ata ang walang alam sa nangyayari. Pero ano nga bang meron?

"That's good then," she said, smiling at my direction. "Let's go na at baka maabutan pa tayo ng traffic."

Sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng auditorium. Sinabayan nila Robi at Axcel si Tita Elena sa paglalakad sa unahan habang nasa likuran naman nila kami ni Eliseo.

I was about to ask him on what's going on between our friends when he suddenly stopped walking. Dahil magkasabay kaming naglalakad, napahinto na rin ako.

"M-May problema ba?" dali-dali kong tanong. Napakunot na lang ako ng aking noo nang makita ang hitsura niya. Seryoso siyang nakatingin sa . . .

Sinundan ko ang gawi ng tinitingnan niya at halos mawala ako sa balanse nang makita ito. Hindi ako makapaniwala.

"Totoo ba 'tong nakikita ko?" I asked myself, looking at someone standing not far from where we were at the moment. He's holding a bouquet of flowers and he's also smiling at my direction — but not his usual smile. May halong kalungkutan ang mga ngiti niyang 'yon. Agad ko itong nasabi lalo na't hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata.

Hindi ba ako nagha-hallucinate na nakikita ko si Victor sa mga oras na 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro