Chapter 56

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FIFTY-SIX

NANINIWALA NA talaga ako na kapag masyado kang masaya, tahimik ng naghihintay ang kalungkutan sayo. Na sa isang iglap, from the happiest person alive to the saddest one ang iyong magiging transition.

Parang ako nga — sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw; pero ngayon, hindi ko na alam kung nag-e-exist pa ba sa aking katawan ang emosyon na 'yon.

At masasabi kong isa sa naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon ay ang break up ni Maris at Paolo. They officially broke up a week after our graduation. Mag-i-isang buwan na pala silang malabo sa isa't isa. At sa aming magkakaibigan, ako na lang pala ang walang ka-alam-alam sa bagay na 'yon. Alam daw kasi nilang may sarili akong pinoproblema sa mga oras na 'yon kaya hindi na muna nila sinabi sa akin. Panigurado raw kasing mag-aalala pa ako.

Malamang! Kaibigan ko sila kaya mag-aalala ako. Feeling ko nga wala akong kwentang kaibigan, e. Kasi hindi ko man lang nahalata na may gano'ng pangyayari na pala sa kanilang dalawa. Saka ang saya-saya pa kaya nila nung birthday ko! Tapos . . . Tapos biglang gano'n.

Mas lalo pa akong nafu-frustrate dahil hindi ko alam ang dahilan ng hiwalayan nila. Actually, wala raw nakakaalam. Hindi ko rin naman kasi sila makausap dahil bigla na lang sila nawala dalawa. Mukhang parehong nagpakalayo-layo.

Tapos dumagdag pa 'yong dalawa.

It's been a month since Victor suddenly showed himself after what he did to me back then. Alam ko namang mangyayari rin ang bagay na 'yon pero hindi ko lang inaasahan na sa mismong graduation ko pa talaga siya makikitang muli. Hinanda ko na nga ang sarili sa muli naming pagkikita pero nung nandiyan na siya sa harap ko — nung nanyari na — I became lost. Bigla akong nawala sa sarili at hindi mapakali. I didn't know what to do that time and I didn't know what to say kaya ginawa ko na lang ang unang bagay na pumasok sa aking isipan nung mga oras na 'yon. I ran away.

Alam kong hindi dapat ako tumakbo nung araw na 'yon. Alam kong dapat hinarap ko siya. Pero ano'ng magagawa ko? Hindi pa talaga ako handa.

Hindi pa ako handang masaktan at makasakit kung saka-sakali. I need a lot of time to think, to fix myself, to ensure my feelings.

"Pero hanggang kailan ba ako tatakbo at magtatago? Isang buwan na rin ang nakalipas, o," I talked to myself . . . again. Dahil wala akong kaibigan na makausap nitong mga nakaraang araw, naging habit ko ng kausapin ang sarili. Medyo weird pero nakasanayan ko na. In that way, nagiging ayos ako kahit papaano. Kasi kahit sa gano'ng paraan, nailalabas ko ang aking mga saloobin. "Handa na ba akong harapin sila? Handa na ba akong harapin siya? Handa na ba akong harapin 'tong nararamdaman ko?"

As I repeatedly asked myself those questions, my phone rang. Isang unregistered number na naman ang nakita kong naka-flash sa screen. Halos ilang araw na rin akong nakakatanggap ng tawag mula sa mga kumpanyang nag-aalok sa akin ng trabaho. Ni hindi ko nga alam kung paano nila nakuha ang number ko. E, wala pa kayo akong pinag-a-apply-an.

I swiped the accept button. "If this about a job, I'm not interested—"

"Chie."

Napatigil ako pagkarinig ng boses sa kabilang linya. Bakit gano'n? Isang taon mahigit din siyang nawala pero bakit kabisado ko pa rin ang boses niya? Bakit gan'to ang nararamdaman ko nang muli niyang sambitin ang aking pangalan? Bakit ako nagkakaganito?

"C-Chie?"

He called my name again. Doon pa lang, nahihirapan na akong huminga.

I shook my head and sat properly. I also took a deep breathe before asking, "S-Sino 'to?"

"It's Victor."

I know.

"Oh."

"Um . . . c-can we talk?"

"H-How did you get my number?"

"Kay Eliseo."

When he mentioned his name, muli kong naalala na halos isang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi na siya rito sa condo umuwi matapos ang insidenteng 'yon. After I ran away, he tried to talk to me. Pero dahil gusto ko talagang mapag-isa nung mga oras na 'yon, I told him to disappear. Not that I really meant what I said pero dahil nasabi ko na, hindi ko na mabawi. Hindi niya naman ako iniiwasan. Mukhang binibigay niya nga ang space na kailangan ko para ayusin ang mga dapat ayusin.

But what happened? Why did he give my number to Victor knowing that it's the only way for him to talk to me? I mean, is that his way for telling me that he's letting me go?

"Why?"

"What do you mean by why, Chie?"

"W-Why did he do that?"

"I talked to him, Chie. And then I begged just to get your number."

"Anong pinag-usapan niyo? Bakit mo siya kinausap? What did you tell him? Siya, what did he tell you?"

"Relax, Chie. I didn't do anything. Kinausap ko lang siya para hingin ang number mo nang maayos. Gusto lang kasi talaga kitang makausap."

"Pero ayoko."

"Chie, please naman . . ."

"I'm sorry but I'm not ready to talk to you, Victor."

Then I ended the call. After I did that, I just found myself crying again.

Isa pa pala 'to sa pinoproblema ko these past days — ang bigla-bigla kong pag-iyak sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko nga sobrang dehydrated na ako sa ginagawa ko.

Tinuloy ko lang ang pag-iyak hanggang sa wala nang lumabas na luha. Gano'n na ang naging cycle ko. Iiyak, titigil; iiyak, titigil. Paulit-ulit na lang na gano'n kaya minsan, napapagod na rin ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako iyak nang iyak. O baka alam ko naman talaga pero ayaw ko lang tanggapin na 'yon ang dahilan.

After I cried, I finally checked the message I received minutes ago. Habang naiyak ako kanina, nag-vibrate ang phone ko. At dahil ayaw kong maistorbo, hindi ko muna ito binasa.

From: Unknown Number
Please, let me talk to you, Chie. I just want to personally explain everything before I back to States.

Pagkabasa ko ng text message na 'yon, bumalik na naman sa aking alaala ang araw na iniwan niya ako with his stupid break up message.

Why are you doing this to me Victor?

***

I didn't know what's gotten into me to agreed of meeting up with him. Basta inisip ko na lang na baka ito na ang closure na matagal ko nang hinihintay. At para na rin matapos ang lahat.

3 p.m. ang usapan namin at sinadya kong magpa-late. Bago ako pumasok sa coffee shop, I checked my wristwatch. It's only 4:29 p.m. Kulang pa 'tong mahigit isang oras sa ginawa niyang papagpapahintay sa akin noon.

Pagpasok ko sa café, siya agad ang bumungad sa akin. Dali-dali siyang napatayo nang makita niya ako. "Chie!"

Ngayon ang unang beses na matititigan ko siya nang malapitan matapos niya kong iwan. Getting closer to him, masasabi kong wala namang masyadong nagbago sa hitsura niya. Medyo nag-mature lang siguro siya ng kaunti dahil sa bigoteng hinayaan niyang tumubo. Then I also noticed that his hair was dyed blond. Sa pangangatawan naman, lumaki ito ng kaunti kumpara sa huli naming pagkikita. Mukhang patuloy pa rin ang pagpunta niya sa gym.

"Are you okay? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Akala ko napaano ka na kasi mahigit isang oras—"

"I purposely did it," I cut him off. "Sinadya kong magpa-late kasi nagda-dalawang-isip pa rin ako kung itutuloy ko ba 'to o hindi. Pero dahil may isa akong salita at hindi ako katulad ng iba diyan na basta-basta na lang nang-iiwan — este nang-i-indian, I came."

"Chie naman . . ."

"Let's cut the chase, Victor. What do you want to say?"

"Can we have a sit first?"

Humugot ako ng isang malalim na buntonghininga bago umupo.

"Stop staring," I told him. Pagkatapos kasi naming makaupo, hindi na siya nagsalita. Hindi man ako nakatitig sa kanya, ramdam kong hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa akin. At hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi man lang ako naiilang.

"I-I'm sorry, h-hindi ko lang mapigilan," aniya. "I've missed you, Chie."

Oh.

Don't panic, Chie. Just relax. Hindi mo kailangan mag-respond.

"I couldn't believe you gave me a chance see you this close again," he continued. "A-Akala ko hindi na kita makikitang muli."

"Look, Victor. Hindi ako pumayag makipagkita sayo para diyan," I said, trying to act normal kahit kanina ko pa ramdam ang kaba sa buong katawan. "I agreed to meet you because I want to hear your explanation why you just left me like that."

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo pagkatapos kong sabihin 'yon. "Then come with me."

***

"Saan ba tayo pupunta? Saan mo ko dadalhin?" alanganing tanong ko nang pinapapasok niya ko sa sasakyan.

"I just want to explain everything in the place we're both familiar with," he answered.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Bakit, hindi pa ba okay rito sa café? Bakit kailangan pa nating lumayo? May binabalak ka sa akin, 'no? Are you perhaps planning to kidnap me?"

Sa dami ng tanong na binato ko sa kanya, mahinang pagtawa lang ang naging tugon niya.

"What's funny?" seryoso kong tanong. 'Yong kabang nararamdaman ko kanina, nawala na. Napalitan na ng inis. "Do I look some joke to you, Victor?"

"Wait, what? No!" he quickly replied. "Naalala ko lang kasi 'yong dati. Hindi ka pa rin pala nagbabago—"

Dahil ayaw ko nang marinig ang mga pinagsasabi niya tungkol sa nakaraan, I cut him off by asking, "Kanino pala 'tong sasakyan? Is this yours?"

"Ah—"

"'Di ba, may gusto kang puntahan natin kung saan tayo mag-uusap?" tanong ko nang muli kong pigilan ang kanyang pagsasalita. He nodded as a response and when he's about to say something again, muli akong nagsalita. "Then let me drive para makasigurado akong hindi mo 'ko ki-kidnap-in."

"W-Wait . . . What did you say?" taka niyang tanong. "M-Marunong ka ng mag-drive? Paano?"

"Eliseo taught me," I casually replied. "He even let me borrowed his car when I need it. Pero minsan, hindi siya pumapayag kasi mas gusto niyang ipag-drive ako. Bakit, do you have a problem with that?"

He shook his head. "Ah, I see."

"Now, give me your keys para makaalis na tayo at matapos na ang pag-uusap na 'to."

"I can't let you drive that car, Chie."

"What? Why?"

"Dahil wala akong tiwala kung paano ka tinuruan ng Eliseo na 'yon," he then grinned. I clenched my jaw and almost rolled my eyes by what he said. He's really testing me. "Isa pa, hindi ko naman sasakyan 'yan. I just borrowed it. Nasa States 'yong sasakyan ko dahil hindi naman ako magtatagal—"

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya napahinto. Gusto kong marinig 'yong buo niyang sasabihin. Kung paano ulit siya aalis na parang wala lang. Na kung titingnan, napakadali lang talaga para sa kanya iwan ang mga tao rito sa Pilipinas. I mean, I'm not only talking for myself. I know that he has some friends here.

"Why did you stop?" I curiously asked.

"Chie, does not what I mean — oh, crap. I-I'm sorry."

I arched my brow. "What are you sorry for?"

"Chie . . ."

"Stop saying sorry, Victor, if you didn't know what you did." He apologetically looked at me kaya iniwas ko na ang aking tingin. "'Di ba, we are going somewhere? Ano pang hinihintay natin? Ayaw kong gabihin."

I heard him sigh before going in driver's seat. Pumasok na rin ako sa loob nang makapasok siya.

We'll be having a long moment of silence, for sure.

***

Like what I expected, binalot talaga kami ng katahimikan. Sa halos kalahating oras ng biyahe, wala ni isang nagsasalita sa aming dalawa. Which is a good thing for me. I don't want to talk to him here. Isa pa, I'm silently tracing where are we really going. Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong ideya.

"Can I . . . play some music?" Akala ko guni-guni ko lang na nagsalita siya. Sobrang hina kasi na halos hindi ko na marinig at maintindihan. Mabuti na lang muli siyang nagsalita. "If you don't want to—"

"Don't mind me, Victor. Do what you want," kalmadong sambit ko habang tahimik na pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.

Mayamaya lang, nakarinig na ako ng tugtog.

Go ahead and bark after dark
Fallen star, I'm your one call away.
Motel halls, neon walls
When night falls, I am your escape.

When you lay alone, I ache
Something I wanted to feel.

The first and last time I heard that song was when we went together in Bohol. Malinaw pa sa aking alaala kung paano niya kinanta ang kantang 'yon sa akin nung araw na 'yon. Dahil 'yan ang huling kinanta niya sa akin bago niya ako iwan, hindi ko na magawang pakinggan ang kantang 'yan pagkatapos.

Tapos ngayon . . .

If you've been waitin' for fallin' in love
Babe, you don't have to wait on me.
'Cause I've been aimin' for Heaven above
But an angel ain't what I need.

"Not anyone, you're the one. More than fun, you're the sanctuary. 'Cause what you want is what I want, sincerity . . ." Nang sabayan niya ang kanta, napapikit na lang ako habang inaalala ang mga ginawa namin noon sa Bohol. Bigla na lang kasi itong nag-flash sa aking isipan.

Those memories were the memories I'm trying to bury for good. Pero kahit anong gawin ko, I always failed.

"Nananadya ka ba?" wala sa sarili kong sambit.

He confusingly stared at me. "H-Ha?"

I mentally slapped my face. I also shook my head after realizing what I said. When I stared at his direction, he still looks confused.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin—" Agad akong natigil sa pagsasalita nang mapansing unti-unti ng nagiging pamilyar sa akin ang aming mga dinadaanan. "N-No way . . ." I whisphered.

Kung tama nga 'tong hula ko, papunta kami ngayon sa dati kong tinutuluyan na apartment.

***

May dumagdag na naman na mga tanong sa aking isipan.

When we arrived in the place where I lived before, I was really shookt that the apartment house was still there. Ni parang wala ngang nagbago at gano'n na gano'n pa rin ang hitsura nito. Pagkatapos kasi akong sapilitang paalisin dito nung anak ni ate Mel, hindi na talaga ako bumalik. Bukod sa masyadong maraming alaala ang dapat kong kalimutan na naroroon, umiinit din ang dugo ko sa anak niyang 'yon.

"If I remembered it correctly, sabi niya sa akin, may nakabili na raw ng apartment house na 'to at gusto ng bagong may-ari na i-renovate agad as soon as possible kaya pinaalis kaming mga tenant na kasalukuyang nakatira noon," pagkausap ko sa sarili. "Kung gano'n, bakit parang wala man lang  nangyaring renovation?"

"Let's go inside, Chie," ani Victor at dire-diretsong pumasok sa loob.

"Wait!" sigaw ko para makuha ang kanyang atensyon. "Bakit tayo papasok? May apartment ka ba rito? Dito ka ba nakatira? Kasi alam mo namang trespassing 'tong gagawin natin, 'di ba?"

When he just gently laughed, I automatically creased my forehead. Ano'ng problema niya? May nakakatawa ba sa mga tanong ko? "Don't worry, Chie. Hindi trespassing 'tong gagawin natin. Just trust me," aniya at tuluyan nang pumasok sa loob.

Dahil mukhang wala naman akong choice, sumunod na lang ako sa kanya. At hindi ko talaga mapigilang magtaka nang mapansing wala talagang nagbago sa lugar.

Hindi kaya . . . nagsinungaling lang 'yong anak ni ate Mel sa amin noon na ipapa-renovate talaga 'tong apartment kahit naman?

"We're here." Tinignan ko kung saan nakahinto si Victor pagkasabi niya non. At halos manlambot ako mula sa aking kinatatayuan nang makita siyang pumasok sa mismong apartment ko dati.

Wala na akong sinayang pa na oras at sumunod na ako sa kanya. Pagpasok sa loob, halos ma-istatwa ako sa nakita.

'Yong eksaktong interior design ng apartment ko dati ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Pati 'yong mga gamit, nandito pa rin.

A-Anong ibig sabihin nito?

"Nang mabalitaan kong wala ka na rito at ire-renovate na 'tong buong building, I contacted ate Mel right away. Tapos nalaman kong patay na pala siya at 'yong nag-iisang anak na niya ang bagong may-ari nito," panimula niya. "Ayon nga, after negotiating with her, nakumbinsi ko rin siyang sa akin na lang ibenta 'tong building."

"W-What?"

"Yes, Chie. I bought this building . . . for you. For us. Kasi alam mo ba, ang dami ko ng plano sa atin, e," aniya. "Akala ko nga, may kahit katiting na chance pa ako para ipagpatuloy ang mga plano na 'yon kasama ka sa oras na bumalik na ako rito sa Pinas, mukhang wala na pala. Malabo na. Kasi may iba ng lalaking nagpapasaya sayo."

"A-Ano bang pinagsasabi mo?"

Hindi ba napa-process ng aking utak ang mga sinabi niya kani-kanina lang. Pilit ko pa 'tong iniintindi. Ito na ba? Ito na ba talaga ang oras na maririnig ko na ang kanyang paliwanag kung bakit niya nagawa sa akin ang lahat ng 'yon noon? Kung bakit mas pinili niya akong iwan kaysa ipaliwanag kung ano ba ang problema . . . o kung may problema nga ba talaga. Kasi kung ito na nga 'yon, hindi ko alam kung handa na ba talaga ako malaman ang lahat.

"I-I'm sorry, Chie. I'm sorry for everything I did to you."

Okay, fine. Mukhang ito na nga talaga ang chance ko para alamin ang tunay na nangyari. Hindi ko na 'to papalagpasin pa.

I stand properly and took a deep breathe before asking, "So why did you left just like that?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro