Chapter 57

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FIFTY-SEVEN

PAGKATAPOS ILAPAG ang dalawang bulaklak, agad ko namang sinindihan ang aking mga dalang kandila. Tahimik akong umupo sa lapag at pinakiramdaman ang paligid.

"Hello po," panimula ko. "Pasensya na po at ngayon lang ako nakadalaw. Hindi na po ako dumiretso rito matapos ang graduation dahil ang dami pong nangyari."

To be honest, I didn't know how to start. Kanina habang nasa biyahe ako papunta rito, pina-practice ko na ang mga sasabihin ko sa kanila. Ang tagal na rin kasi mula nung huli ko silang nadalaw at talaga namang ang dami ko ng utang na kuwento sa kanilang dalawa. Pero ngayong nandito na ako, hindi ko naman alam kung saan magsisimula. Kung paano sasabihin ang mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakalipas na buwan.

"Um . . . 'Ma, 'Pa, twenty-two na po pala ako," mahina kong sambit. "Hindi na nga po ako nakapunta rito nung birthday ko kasi may nangyari po. Saka kahit papaano naman po, I celebrated my birthday — with my friends po. Remember po sila Maris? Kasama ko po ulit sila. Wala nga lang sina Julius at Karen dahil may kaunting problemang nangyari sa kanila."

I cleared my throat. "Hindi ko po alam kung nasabi ko na 'to sa inyo pero naging si Paolo at Maris po. Mahal na mahal nga nila ang isa't isa, e. If you saw them together, 'Ma, 'Pa, paniguradong mapagkakamalan niyong mag-asawa na ang dalawa," I said then softly laughed.

"Pero . . ." When I paused, pinigilan ko ang sarili na maluha. "Pero . . . wala na po sila ngayon, e. Nag-break na po. Hindi po sinabi sa amin 'yong reason dahil bigla na lang din silang nawala dalawa. Nakakalungkot nga po at nakakapanghinayang."

Mas lalong dumoble ang katahimikan sa paligid matapos kong sabihin 'yon. Hindi ko na naman alam kung ano ang sunod na sasabihin. "Si Ely . . ." I tried to compose a sentence but I can't find the right words.

"Napakilala ko naman na sa inyo si Ely, 'di ba po?" pagtatanong ko at umaasang may sasagot sa akin. "Um, ayon po. He asked me last February if he can finally court me and I said yes po. Sino ba naman kasi ako para mag-no, 'di ba?"

Napahawak ako sa dibdib nang medyo nahirapan akong huminga. Ikinalma ko ang sarili at sinubukan ulit magsalita. "Alam niyo po, ang bait ng lalaking 'yon. Maalaga at hindi talaga ako pinapabayaan; napaka-romantic din po. Nang maging mag-roommate po kami, doon ko pa siya mas lubusang nakilala. He's really a good guy," I told them. "That's why when he confessed that he's in love with me, hindi po ako makapaniwala. I thought he was going to play my heart. Kung hindi niyo po kasi natatanong, maloko rin ang isang 'yon. Pero sa paglipas ng bawat araw, talagang namang pinaramdam niya sa akin kung gaano siya ka-sincere sa kanyang nararamdaman."

Telling them those things, made me reminisce the days I'm with him. Those happy and lovely moments we've spent together. Napangiti na lang ako sa mga alaalang awtomatikong nag-flash sa aking isipan.

"Hindi naman po mahirap magustuhan si Ely, e," I continued. "Sa totoo lang po, lahat ng hihilingin mo sa isang tao na magmamahal sayo ay nasa kanya na. He's beyond perfect to your ideal guy. Pero hindi ko po maintindihan ang sarili, e. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin masuklian ng buo ang pagmamahal na binibigay niya; bakit naghe-hesitate pa rin ako. Mahal ko siya pero . . ."

"Your heart is still belong with someone else."

I heaved a sigh. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas bago ako nakapagsalitang muli. "Bumalik na po si Victor. After more than a year, he finally came back. I finally heard his explanation on why he just left me like that before."

"Victor, I'm asking you! Bakit . . . Bakit ka umalis ng gano'n lang? Bakit mo ako iniwan nang wala man lang maayos na paalam? Bakit?"

Kanina pa kami nagtititigan. Sa isang iglap, bigla kasi siyang hindi makapagsalita. And I could tell that he's holding back his tears.

"Hindi mo man lang ako naisip," I bitterly stated. "Hindi mo man lang naisip 'yong mararamdaman ko! Hindi mo man lang naisip 'yong sakit na maidudulot mo sa akin! Hindi mo man lang—"

"That's not true, Chie."

"Then what happened?!"

"I was scared!"

Sa mahigit isang taon niyang pagkawala, ilang rason na rin ang naisip ko kung bakit niya nagawa sa akin ang bagay na 'yon. But I didn't expect that those three words were the reason he'll going to tell me.

"Why?" Pinilit ko nang pakalmahin ang sarili. I told to myself na kailangan ko munang magpakatatag kung gusto kong malaman ang katotohanan.

"I was an HIV positive, Chie," marahan niyang sambit sa akin na siyang talaga namang ikinabigla ko.

"A-Anong sabi mo?"

"Remember the day when we fought about Amanda?"

"T-Teka . . . B-Bakit nasama na naman ang—" I stopped midway when I realized something. "Oh, no. Don't tell me . . ."

"Before we went to Bohol, 'di ba napag-awayan muna natin si Amanda? 'Yong pinakahuling away natin tungkol sa kanya, natatandaan mo?" he asked and I slowly nodded as I'm trying myself to back on that day.

"Dahil sa sobrang sama ng loob ko sayo nung araw na 'yon, nagpunta akong bar mag-isa," aniya. "Ayaw na ayaw ko kasi talaga kapag nag-aaway tayo, e. Dahil pakiramdam ko 'yon ang nagpapa-trigger ng possible break-up natin. Kaya as much as possible, iniintindi talaga kita. Pero nung araw na 'yon, napuno na rin kasi ako kaya hindi ko na napigilan."

May ideya na ako kung saan papunta ang kuwento niya pero hinihiling ko pa rin na sana mali 'yong naiisip ko.

"Ayon nga, that night, I went straight to the bar. Nag-inom ako at nagpakalasing. Nasa plano ko na kasing muli kang kausapin sa gabing 'yon dahil nga ayaw kong natatapos ang araw na magkaaway tayo. Kaya kumuha ako ng lakas ng loob sa alak.

"Pero sa kalagitnaan ng pag-iinom ko, I saw Amanda. At first, I thought it was just a coincidence. Pero bigla ko na lang naririnig 'yong boses mo sa aking isipan na hindi coincidence na nandoon din si Amanda."

I knew it. May parte nga siya kung bakit kami naghiwalay ni Victor.

"Wala akong planong pansinin siya dahil paalis na rin ako no'n. I was already drunk for Pete's sake. But minutes later, I just found myself drinking with her," aniya. "And the next thing I knew, nasa apartment niya na kami habang magkatabi sa iisang kama. When I found out that we're both naked, I assumed that we did it. I know I'm just making an excuse right now, pero believe me, Chie, hindi ko talaga alam kung may nangyari ba sa amin o wala. Wala akong matandaan.

"But because we're both naked and we are sleeping in one bed, I thought we had sex, and that time, I know I made a really, really big mistake to you. Kaya nga agad kitang tinawagan at nanghingi ng sorry kasi hiyang-hiya ako sayo at diring-diri ako sa sarili."

When he mentioned about that, I suddenly remembered the night when he called me. He was crying for the unknown reason back then and kept on saying sorry. Takang-takang pa ako kung ano ang nangyari sa kanya no'n, 'yon pala 'yon.

"When I confronted her that night, she wasn't sorry at all. At nang pilitin niya akong makipaghiwalay na sayo para kami na ang magsama, doon ko lang na-realize 'yong mga sinasabi mo tungkol sa kanya. Doon ko lang napagtanto na she was really trying to destroy our relationship," aniya. "That's why I got mad at her and told her to stay away from us. But as expected, she blackmailed me, Chie. Hindi ko alam ang gagawin nung mga oras na 'yon dahil takot na takot na ako sa mga posibleng mangyari sa ating dalawasa relasyon natin. Pero akala ko 'yon lang ang magiging problema ko, hindi pala.

"Dahil nung oras na paalis na sana ako sa apartment niya, I accidentally found a bunch of medicines. And later on, I found out that she's an HIV positive . . . so am I."

Kanina pa ako hindi makapagsalita. Kanina pa ako walang masabi. I was trying to understand his explanation kaya nakikinig talaga ako pero sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig, sakit naman ang nagiging dulot nito sa aking puso.

"Natakot ako, Chie," he uttered in a cracked voice. "Sobra akong natakot nang malaman ang bagay na 'yon. I wasn't expecting it, e. Naisip din kita agad. Naisip ko 'yong mararamdaman mo; 'yong future mo. That's why I've made a hard decision."

"And it was to break my heart?"

"No, Chie. Hindi naman 'yon ang intensyon ko—"

"Pero 'yon ang ginawa mo, Victor." I took a deep breathe before slowly walking towards him. "Mas pinili mong saktan ako ng gano'n kaysa ipaliwanag ang sitwasyon." I then clenched my jaw. Marahan ko na rin siyang sinusuntok sa dibdib. "Ang selfish mo, e! Napaka-selfish mo."

Nagpatuloy lang ako sa pagsuntok habang umiiyak hanggang sa mapagod ako at mapaupo na lang sa sahig.

Pakiramdam ko, muli na namang nawasak ang aking puso. But this time, malala na — malala na ang pagkawasak nito na umabot na sa puntong hindi ko alam kung mabubuo pa ba akong muli pagkatapos ng lahat ng 'to.

"Chie, may isa pa akong gustong sabihin sayo." Tinitigan ko lang siya at sinadya kong hindi tumugon. "Kung papanindigan ko ang pagiging selfish ko, gusto ko lang sabihin na . . . I want you back. I want us back, Chie."

"Akala mo ba gano'n na lang kadali ang lahat? After what you did to me, Victor, akala mo mababalik na lang sa dati ang lahat dahil nandito ka na ulit ngayon at narinig ko na ang paliwanag mo?"

Napayuko na lang siya sa sinabi ko habang muli na akong tumayo. "I'm sorry . . . Hindi ko na dapat sinabi 'yon lalo na't alam ko namang masaya ka na kay Eliseo ngayon."

"Walang kinalaman si Ely rito kaya 'wag na 'wag mong mababanggit ang pangalan niya."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, nagdesisyon na akong umalis. Hindi ko na rin kasi kaya kung magtatagal pa ako sa lugar kasama siya. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas, nagbitaw na siya ng tanong na siyang nakapagpahinto sa akin.

"Do you love him, Chie?"

Napalunok ako at napapikit sa tanong niyang 'yon. Mabuti na lang at nakatalikod na ako sa kanya. "I-It's n-none of your business, Victor."

"Kung sasabihin mo sa aking siya na ang mahal mo, titigilan na kita at tahimik akong babalik sa States," aniya. "Pero kung may pagkakataon pa ako para bumawi diyan sa puso mo, maghihintay ako—"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at nagdire-diretso na ako palabas.

I couldn't imagine hurting Eliseo for him. Pero . . .

Bakit parang iba naman ang sinasabi nitong puso ko?

Matapos alalahanin ang nangyaring pag-uusap namin ni Victor, natagpuan ko na lang ang sarili na hindi na naman tumitigil sa pag-iyak. "I'm sorry, 'Ma, 'Pa, at kayo itong iniiyakan ko ngayon. Alam kong ayaw niyong nakikita akong umiiyak pero . . . pero hindi ko na rin po kasi kayang indahin 'tong sakit, e. Ang bigat na po kasi sa pakiramdam."

For the past five minutes, I kept on ranting about how I felt towards Victor and Eliseo. Binuhas ko na sa aking mga magulang ang lahat ng sakit. Dinamay ko na rin pati ang mga gumugulo sa aking isipan. Wala rin akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.

Bilib nga ko sa sarili ko, e. Ilang beses na akong umiiyak pero hindi pa rin maubos-ubos ang aking mga luha. Para bang hindi ako napapagod. Na sa pagkawasak ng aking puso ay talaga namang dadamayan nila ako. Ipaparamdam nila na sila ang kailangan ko upang maibuhos ko talaga ang lahat-lahat.

"Pesteng mga luhang 'to—" Hindi ko na natapos ang gustong sabihin nang may humarang na panyo sa aking paningin. Sobrang lapit nito sa aking mukha kaya muntikan na akong maduling. Mabuti nakalayo agad ako. "Ano—" Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko. Nang maaninag ko kasi ang mukha nito, awtomatiko akong nawala sa sarili.

"Nangangalay na ako, Chie," aniya at pilit na inaabot ang panyo.

"Anong ginagawa mo rito?"

***

Halos abutin din ako ng sampung minuto bago naayos ang sarili. Kusang huminto ang aking mga luha pagkakuha ko ng panyo mula kay Eliseo.

Agad din akong tumikhim upang kuhanin ang kanyang atensyon. "You didn't answer my question earlier, Ely. Why are you here?"

"Ikaw lang ba ang may karapatang magpunta rito sa sementeryo at dalawin ang namayapa nilang mahal sa buhay?"

I glared by his replied. Mukha ba akong nasa wisyo ng pakikipagbiruan ngayon? Ito talagang lalaking 'to, wala rin sa timing minsan, e . . .

"Masaya ka na sa pamimilosopo mong 'yan?"

"I just want to lift up the mood. Masyado ka kasing malungkot at gusto lang kitang pangitiin."

"No need. Hindi naman ako malungkot."

"At sinong niloloko mo?"

Sino nga bang niloloko mo, Chie? Bukod sa iyong sarili, sino pa?

Hindi ko siya sinagot at nag-iwas lang ng tingin. Tahimik ko na lang pinagmasdan ang kalangitan at mahinang umaasa na sana 'wag muna akong kausapin nitong si Eliseo. Lalong-lalo na kapag tungkol kay . . .

"Kumusta ang pag-uusap niyo ni Victor?"

Muli ko siyang tinitigan. Sa mga oras na 'to, ang sarap niyang sakalin, e. Hindi ba niya talaga makuha na ayaw ko munang pag-usapan ang bagay na 'yon?

"Nakapag-usap ba kayo nang maayos?" he continued. "Did you get the explanation—"

"I don't want to talk about it," I cut him off. "Please . . ." I looked at him, asking for his consideration. "Kahit ngayon lang, give me a break to him."

"Okay," he quickly replied.

Matipid akong ngumiti sabay bulong ng, "Thanks."

Ilang segundo ring namayapa ang katahimikan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita. "But can we talk about . . . us?"

I didn't know what to response so I kept silent. Naisip ko tuloy na parang mas gusto ko pang pag-usapan ang sa amin ni Victor kaysa sa amin ni Eliseo. Gulong-gulo na nga ako, e.

"Silence means yes," aniya.

I slowly shook my head. "Silence means nothing, Ely."

"So you don't want to talk about it?"

"Hindi naman sa gano'n."

"E 'di okay nga lang?"

I stared back. Looking at his reflection, I can say that the Eliseo I'm with today is far from the Eliseo I'm with every single day. He's far from his playful self now.

Ano kayang mga nasa isip nito ngayon? By any chance, okay lang kaya siya?

"Chie?"

I heaved a sigh. "Ano ba ang tungkol sa atin ang gusto mong pag-usapan?"

Sa pagngiti niyang hindi umabot sa kanyang mga mata, ramdam kong hindi siya maayos sa mga oras na 'to. At malaki ang posibilidad na isa ako sa dahilan ng bagay na 'yon.

Did I cause you pain again, Ely?

"Ano na . . ." Pigil-pigil ko rin ang aking hininga habang hinihintay ang kanyang sasabihin. "Ano na ang mangyayari sa atin ngayon, Chie?"

"Ely . . ."

"Now that he's finally back and you guys talked already, what will happen to us?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro