Chapter 58

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FIFTY-EIGHT

SA DAMI ng aking iniisip nitong mga nakaraang linggo, nawala na sa isipan ko ang dapat gawin ngayong naka-graduate na ako.

Alam kong dapat sa mga oras na 'to ay naghahanap na ako ng kumpanyang a-apply-an. Pero may kung anong tumutulak sa akin ang nagsasabi na hindi muna 'yon ang kailangan kong gawin sa ngayon.

Ito ang isa sa struggle ng mga katulad kong fresh graduates, e. Sa problemang aking iniisip, hindi ko na namalayan na dumagdag na pala ako sa populasyon ng mga unemployed dito sa Pilipinas.

I shook my head before glancing at my wristwatch. 6:27 p.m. na pero wala pa rin sila. "Don't tell me hindi na naman sila aware na alas-seis ang usapan ng pagkikita-kita namin?" pagkausap ko sa sarili.

I was about to text each of them when I saw a familiar face walking towards me. "Karen!" I shouted, waving my right hand.

Nakangiti naman siyang dumiretso sa aking pwesto. "Bakit dito mo pa sa La Cathedral Café naisipang makipagkita? Ano'ng trip mo, ha?"

Kauuwi lang niya rito sa bansa no'ng isang araw. Dahil sa mga problemang nangyari sa aming lima, masasabi kong pansamantala kaming nagkawatak-watak after graduation. Kaya bago pa tuluyang masira ang pagkakaibigan namin, nakaisip na ako ng plano para hindi mangyari ang bagay na 'yon.

"Wala lang," nakangiting tugon ko. "Na-miss ko lang makipag-hangout sa inyo sa ganitong lugar."

"Wait — What do you mean by that? Hindi lang tayong dalawa—"

She didn't finish her sentence when I cut her off because I saw another two familiar faces. I then shouted, "Paolo! Julius!"

Agad naman silang napalingon sa gawi ko at kitang-kita ang pagkabigla ni Karen at Julius nang makita ang isa't isa.

"What's the meaning of this, Chie?" Karen asked. "You didn't tell me—"

"Because if I did, for sure, hindi ka pupunta."

Nang tuluyang makalapit si Paolo, agad niyang binati si Karen sabay baling sa akin. "Akala ko ba tayo lang ang mag-uusap? Bakit nandito 'yong dalawa?"

"He set us up," pagsasalita ni Karen.

Hindi ko muna sila pinansin dahil na kay Julius ang atensyon ko na siyang nanatiling nakatayo 'di kalayuan sa aming pwesto at titig na titig sa gawi ni Karen. Tumayo na ako para paupuin siya. "Hinay-hinay sa pagtitig at baka matunaw," bulong ko.

When he finally sat down, he looked at my direction then cleared his throat. "What's going on, Chie?"

"Okay, guys. Kalma lang tayo, pwede ba? I'll explain everything later."

"Bakit hindi pa ngayon?" ani Paolo.

"Kasi kulang pa tayo ng isa."

"Wait — What?! D-Don't tell me . . ."

Habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin, napatingin ako sa may pintuan. Sakto namang nakita ko si Maris na nililibot ang tingin sa paligid. When our eyes finally met, I raised my right hand and waved it. "Maris, dito!"

She smiled at me. Dire-diretso na siyang naglakad papunta sa amin nang bigla siyang napahinto. I creased my forehead and mouthed, "Why?"

Nang sundan ko ang tinititigan niya, halos matampal ko na lang ang noo sa isip. Hindi nga pala sila okay ni Paolo.

Muli kong kinuha ang kanyang atensyon at pinalapit na sa pwesto namin. Pero bigla na lang siyang tumakbo paalis. Sa bilis ng pangyayari, naabutan ko na lang ang sarili na hinabol siya.

"Maris, sandali lang! Ano bang problema?" Nasa baba na kami at nahawakan ko na ang kanyang kaliwang kamay. "B-Bakit ka tumakbo?"

"Really, Chie?" she uttered. Unti-unti niya na ring tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. "Are you that insensitive? Alam mo namang ayaw ko nang makita ang Marasigan na 'yon!"

I was about to say something when someone suddenly talked behind my back. "Same here, Vander. Ayaw rin naman kitang makita," ani Paolo na seryosong nakatingin sa kanya.

Nagtataka ko silang tinitigan. Ano ba talagang nangyari sa dalawang 'to? Bakit naman naging ganito ang pakikitungo nila ngayon sa isa't isa?

"See? Pareho naming ayaw makita ang isa't isa kaya what's the point? Hindi ka na dapat nagsayang pa ng oras," Maris told me then rolled her eyes. "Pwede naman kasing tayong apat na lang ang nagkita-kita at hindi mo na isinama ang isang 'yan."

Magsasalita pa sana ulit si Paolo nang agawin ni Julius ang atensyon namin. "We shouldn't blame Chie for doing this."

"I hate saying this but I agree with him," Karen said. "Sa tingin ko naman, may reason talaga si Chie kaya gusto niyang makipagkita sa atin."

Napangiti na lang ako sa sinabi nina Julius at Karen. Pero agad din itong nawala nang magpatuloy ang pagtatalo nung dalawa.

"Kayong dalawa," I said to get their attention. "Pwede bang tumigil na muna kayo sa pagtatalo kahit ngayon lang?"

"Itong si Marasigan ang pagsabihan mo. Daig pang babae kung makatalak, e."

"Hiyang-hiya talaga ako sayo, Vander, 'no—"

"Please," I cut him off. "Pwede bang isantabi na muna natin ang mga issue sa isa't isa kahit ngayon lang? Kasi . . . Kasi miss ko na talaga kayo, e. Tayo. 'Yong panahon na kumpleto pa tayo. Alam niyo namang kayo na lang ang natitira kong pamilya, 'di ba?"

***

Matapos ang masinsinang pakikiusap kina Maris at Paolo, tahimik na rin kaming bumalik lahat sa rooftop ng La Cathedral Café.

"Akala ko hindi na posible na magkasama-sama ulit tayong lima, e," pagbasag ko sa katahimikan. "Kumusta na ba kayo?"

"Stop the drama, Chie. Hindi pa rin ako natutuwang nasa iisang table kami ng lalaking ayaw ko nang makita pang muli," ani Maris.

"If that's the case, can you just at least pretend that you're okay with it?" asar ng sambit ni Karen. "Look, Maris, hindi lang ikaw ang uncomfortable sa sitwasyon ngayon. Sa tingin mo ba ginusto kong makita si Julius ngayon? Hindi naman, 'di ba? Pero para kay Chie, kaya ko namang magtiis ng ilang oras."

"She's right," pagsang-ayon naman ni Julius. "Kaya tayo gustong makita ni Chie kasi kailangan niya tayo sa mga oras na 'to. Kaya pwede bang makisama na lang kayong dalawa?"

Maris nonchalantly heaved a sigh before uttering, "Fine." Agad din namang nagbago ang reaksyon niya lalo na nung bumaling siya sa direksyon ko. "Sorry . . ."

I quickly shook my head. "Thank you, guys. Pero . . . Hindi lang naman talaga dahil doon kaya ko naisipang makipagkita sa inyong lahat ngayon. Sadyang miss na miss ko lang talaga kayo."

Walang nagsalita sa kanilang apat pagkatapos kong sabihin 'yon. Nanatali lang silang nakatingin sa direksyon ko. Siguro naghihintay ng susunod kong sasabihin.

I awkwardly smiled at them. "Guys, c'mon—"

"How are you, Chie?" Paolo cut me off. "I heard your ex is back."

"Tangina." Halos nagulat kaming lahat sa biglaang pagmumura ni Maris. She then clenched her jaw and stared at Paolo. "What kind of stupid question is that, Marasigan? Malamang hindi siya okay!"

"I'm not asking you, Vander," walang ka-emo-emosyong tugon niya naman sabay baling ulit sa akin. "Nakapag-usap na ba kayo?"

"Y-Yeah, we already talked," I replied, slowly nodding. "Pero pwede bang huwag na muna natin siyang pag-usapan?"

"How about my cousin? Kumusta kayo ni Lee? Okay lang ba kayo?"

"Pao—"

"Didn't you hear his request?" Pagputol ni Maris sa sasabihin ko. Seryoso ulit siyang nakatingin sa gawi ni Paolo habang nakataas ang isang kilay. "Ayaw niya munang pag-usapan, 'di ba? Why keep on insisting?"

"E, ikaw? Bakit ba sabat ka nang sabat? Hindi naman ikaw ang tinatanong ko, ah. And I'm just concern here! Sa kaibigan at pinsan ko."

"You're just being inconsiderate, Marasigan!"

"Tell that to yourself!"

"Huwag mo kong baliktarin. Ikaw 'tong inconsiderate sa atin at hindi ako."

"Talaga? Sino ba sa atin ang nagdedesisyon mag-isa? Ako ba, Vander? Ako ba?!"

"But that's not only for myself! Tangina naman, Marasigan. Paulit-ulit ko nang sinasabi na para sa ating dalawa rin 'yon."

"Stop cursing!"

"Then stop shouting!"

"Puta naman, tumigil kayong dalawa!" Pagsingit ni Karen na siyang ikinagulat naming lahat. Once in a blue moon lang kung magmura siya ng gano'n kalutong kaya hindi na nakapagtataka na tumahimik na lang bigla 'yong dalawa. "Mahiya nga kayo at hindi lang tayo ang tao rito. Look, pinagtitinginan na nila tayo."

After she said that, I looked around. And she's right. Nasa amin na nga ang atensyon ng mga tao sa paligid. Bago pa ako makapagsalita, nakita ko na lang ang halos sabay na pagyuko ng dalawa habang pa-iling-iling naman si Karen sa kanyang puwesto.

"Daig niyo pang mga high school," sambit ni Julius sabay buntonghininga.

"Now, let's settle the problem between you two," ani Karen. "Gusto niyo bang pag-usapan?"

"No."

"Ayaw."

Halos sabay na tugon nina Paolo at Maris.

"Okay, fine." Mabilis namang tumingin sa gawi ko si Karen pagkatapos. "How about you? Gusto mo bang pag-usapan?"

"H-Ha? B-Bakit ako?"

Hindi naman talaga 'to ang pinunta ko rito, e. Gusto ko lang sila makita't makasamang muli. Pero bakit parang naha-hot seat naman ako?

"Chie, hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo pang magsabi," ani Julius. "Pero tandaan mo na nandito lang kaming apat para sayo. We're always willing to listen and give you a piece of advice."

Because of what he said, nagdesisyon na akong sabihin sa kanila ang lahat ng gumugulo sa aking isipan nitong mga nakaraan.

Maybe I need to hear their perspective about my situation right now. Baka nga matulungan nila ako.

***

"What? B-Bakit ganyan kayo makatingin?"

Habang nagkukuwento ako kanina, wala talaga ni isang kumikibo sa kanila. Tahimik lang silang nakikinig kaya naging mabilis at maayos din ang lahat. Pero ngayong tapos na ako, halos pare-pareho naman ang ginagawa nilang pagtitig sa akin.

And I don't know if it's a good thing or not.

"Guys—"

"So you love them both?" Karen asked.

"Hindi naman sa gano'n," I reasoned out. Hindi na kasi talaga ako sigurado sa nararamdaman kong 'to, e. Kaya kahit ako, gulong-gulo na rin.

"Wala bang mas matimbang sa dalawa?" pagtatanong naman ni Julius. "I mean, it's possible to love a two person at the same time. But it's impossible if you love them in the same way. May mas matimbang dapat. May mas mahal ka."

"I don't know," I whispered. Napayuko na lang ako dahil mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi ni Julius. He has a point. Hindi nga maaaring mahalin ko silang dalawa ng sabay.

"Chie." Napaangat agad ang aking ulo nang tawagin ako ni Paolo. "Did you really love him?"

I creased my forehead. "Ha?"

"Si Lee," aniya at nanatiling seryosong nakatingin sa akin. "Minahal mo ba talaga si Lee?"

"Pao, ano bang klaseng tanong 'yan?" ani Julius. Sinenyasan ko siyang hayaan si Paolo. Mukhang marami siyang gustong sabihin sa mga oras na 'to at kailangan kong marinig ang lahat ng 'yon.

"Kasi base sa mga sinabi mo mukhang hindi mo naman talaga minahal ang pinsan ko, e."

Gusto ko siyang kontrahin. Gusto ko siyang sigawan. Pero nanatili lang akong tahimik.

"Una pa lang naman, ayaw mo na sa kanya, 'di ba?" he continued, "Pero dahil siya ang laging nandiyan sa tabi mo, unti-unti kang nahulog. Pero hanggang doon lang 'yon. Hindi na umabot sa puntong minahal mo siya, 'di ba? Kasi paano naman aabot doon kung, simula pa lang, may iba ng laman 'yang puso mo?"

"Bakit . . ." I took a deep breathe. "Bakit ba parang siguradong-sigurado ka diyan sa mga pinagsasabi mo?"

"Because it's true," he quickly replied. "That's the truth you can't acccept, Chie. Hindi mo talaga siya minahal."

"Sa tingin mo ba aabot pa 'to sa gan'to kung totoo 'yang mga sinasabi mo?" mahina kong tanong. Pakiramdam ko kasi, unti-unti nang nawawala ang aking boses. Parang may kung ano ng bumabara sa lalamunan ko.

"Exactly," aniya sabay tawa nang mahina. "Aabot pa nga ba 'to sa gan'to kung minahal mo talaga si Lee? Kasi kung minahal mo talaga siya, sa tingin ko naman, hindi na kailangan pang umabot sa gan'to, e."

I shook my head. "Diyan ka nagkakamali, Paolo. Minahal — no. Mahal ko si Ely," I said straight to his face.

"Then why can't you choose him?"

Sa sinabi niyang 'yon, naramdaman ko na lang ang pagsikip ng aking dibdib. Nagmistulang matutulis na patalim ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig na direktang tumama sa puso ko.

"See? Hindi ka makasagot kasi nga tama ako," pagpapatuloy ni Paolo. Sa mga oras na 'to, gusto ko na siyang patahimikin. "At kung totoo nga 'yang sinasabi mo na mahal mo si Lee, hindi ka na dapat maguluhan pa. Because you can easily choose him over your ex who fuckin' hurt you and made your life miserable for a year. If you truly love him, you will choose him, Chie." Then he stood up and walked away.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga binitawan niyang salita. Lalo na roon sa huli niyang sinabi.

"Ayaw kong aminin pero may punto ang Marasigan na 'yon," pagbasag ni Maris sa panandaliang katahimikan na namayani pagkaalis ni Paolo. "Kung mahal mo nga si Lee, Chie, hindi mo na kailangan pang mamili. Or else . . ."

Napalunok ako ng laway sabay tanong ng, "Or else what?"

"Or else siya pa rin talaga," aniya. "Si Victor pa rin talaga hanggang ngayon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro