Chapter 59 (Part I)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FIFTY-NINE
Part One

MAYBE THEY'RE right.

Hindi ko nga talaga siguro minahal si Eliseo. O kung minahal ko man talaga, hindi naging sapat para siya ang piliin ko.

Not that I already chose Victor over him. It's not like that. I actually didn't choose anyone. I didn't even choose myself. Why would choose someone who only caused pain to the people he loves, right?

Sa mga oras na 'to, I'm just wretched.

Ayaw kong sisihin ang sarili sa mga nangyari dahil pakiramdam ko naman ay wala akong kasalanan. Hindi ko naman kasalanan na masaktan at magmahal, 'di ba? Hindi ko naman kasalanan na magkagusto sa dalawang lalaki at nung oras na kailangan ko nang mamili, hindi ko magawa.

Ang komplikado na nga ng mundo, dumadagdag pa ako.

Isa lang naman ang gusto kong mangyari, e. I just want to be happy. I just want to feel the pure happiness again inside me. 'Yon lang naman. Pero bakit ang hirap i-achieve?

Bakit kailangan pang may masaktan? Bakit kailangan pang may pusong masugatan? Bakit kailangan pang may maiwang luhaan?

Hindi ba puwedeng wala na lang masaktan kapang nagmamahal?

"Hindi," a little voice in the back of my head replied. "Kasi kapag wala nang masasaktan, hindi na magiging balanse ang lahat. Kung puro saya na lang ang mararamdaman ng bawat taong nagmamahal, mawawalan na ng saysay ang kahulugan ng pag-ibig. Love is a mixture of happiness and pain."

Nagbuntonghininga na lang ako sa narinig. "I always asked questions as if I didn't know the answers in the first place," I thought, shaking my head. "Para tuloy akong sira."

For the second time today, I heaved a sigh. And in split seconds, muli na namang rumehistro sa aking isipan ang mga sinabi ni Paolo kagabi. Bawat salita ay malinaw na umuulit sa isipan ko. Patuloy ang pag-echo; ang pag-replay.

Dahil nga roon, hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi ko tuloy alam kung mabuti ba na hindi umuwi si Eliseo kagabi dahil nakapag-isip-isip din ako kahit papaano. I'm still hesitating to contact him until now. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano siya haharapin at kakausapin.

"Should I call him?" I asked myself. "Itatanong ko na lang kung bakit hindi siya umuwi kagabi."

I was about to dial his number nang muli na naman akong natigilan. "What if he doesn't want to talk to me now? Paano kung kailangan niya pala ng alone time  . . . para makapag-isip-isip? Mamaya kasi maka-istorbo lang ako sa kanya."

"Walang mangyayari kung puro ka lang what ifs diyan." I heard that voice again. Alam kong sariling boses ko 'yon. Pero . . . ang weird pa rin talaga na kinakausap ako ng sarili ko.

"Fine," I uttered, stretching both of my arms. "Kung sasagutin niya, e 'di okay. Kung hindi . . . um, okay pa rin naman."

Ida-dial ko na talaga ang kanyang number nang may mag-pop-up na new message sa screen.

From unknown number — oh, wait. It's him. I remembered that this is the number he used when he contacted me. Nagtataka man, I still read his message. "Can we talk again today? I just want to bid a proper goodbye to you."

Bago pa ako makapag-isip ng ire-reply sa kanya, inagaw na ng pagtunog ng doorbell ang aking atensyon. Dali-dali na akong tumayo para pagbuksan ito. At talaga namang nagulat ako sa tumambad sa akin.

"You're here," wala sa sarili kong sambit.

"Ah, yeah." He akwardly smiled sabay kamot sa likurang bahagi ng kanyang ulo. "Baka kasi hindi ka pumayag kaya sinadya na talaga kita rito. But don't get me wrong, Chie. Like what I texted to you, gusto ko lang talaga magpaalam sayo nang maayos."

"B-Babalik ka na sa States?"

When he nodded as a response, I felt something inside me. May kumirot banda sa aking dibdib. At ayaw ko nang isipan pa kung para saan ang bagay na 'yon.

Papapasukin ko na sana siya sa loob nang sabihin niyang, "Puwede bang sa ibang lugar na lang tayo mag-usap? Kahit sa rooftop na lang nitong building o di kaya sa may pool area."

Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch. 3:21 p.m. pa lang at paniguradong sobrang init kung sa rooftop kami mag-uusap. "Sa may pool area na lang," I replied. "Okay lang ba na mauna ka na roon at mapapalit lang ako saglit ng damit?"

"Um, hintayin na lang kita at sabay na tayo pumunta roon," mabilis niyang sambit. "Hindi ko kasi alam kung saan banda ang pool area dito."

Dahil mukhang wala naman na akong magagawa, tumango na lang ako bilang pagpayag at dali-daling dumiretso sa kuwarto.

Hindi ko alam kung saan mapupunta ang usapan namin mamaya pero may kakaiba akong pakiramdam na hindi magiging maganda ang kalalabasan nito.

Sana nga lang mali 'tong nararamdaman ko.

***

We arrived at the pool area five minutes ago. Walang katao-tao pagdating namin kaya solo namin ang lugar sa mga oras na 'to. Dahil wala pang nagsasalita sa amin, tanging tunog lang ng kalmadong tubig sa swimming pool ang naririnig.

"Ah . . ."

Dahil siya ang may gustong kumausap sa akin, hinihintay ko lang siyang magsalita. I don't even know what I'm going to say.

"K-Kumusta ka naman na?"

I stared at him. "Okay lang naman ako," I said then smiled.

"That's good to hear." Ibinalik niya rin ang ngiti sa akin. "Masaya ako na okay ka naman ngayon."

I was hesitating if I'll ask him back. Parang ang rude naman kasi kung hindi ko rin siya kukumustahin, 'di ba? But when I was going to say something, he suddenly spoke again.

"Um, ako rin pala," aniya. "Okay lang din naman ako. If ever you're just wondering." He awkwardly laughed after he said that. "Ah . . . nga pala, Chie."

"Hmm?"

"In three days, I'll heading back in States."

Hindi naman na ako nabigla dahil nasabihan niya na rin ako tungkol dito pero parang hindi pa rin ako makapaniwala. At dahil wala naman akong masabi, nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.

"I know you're not interested pero maayos naman ang buhay ko roon," aniya. "I earned my degree in culinary there. Habang naggagamot ako, nagpatuloy ako sa pag-aaral. And luckily, I'm HIV-free na. Tapos . . . sa tulong na rin ni mama at ng iba naming kamag-anak doon, tinatayo na 'yong restaurant ko."

Wala sa sarili na lang akong napangiti habang pinapakinggan ang mga kuwento niya. Hindi ko man personal na masabi pero masara rin ako para sa kanya.

"Pero, Chie, alam mo ba na kaya kong iwan ang buhay ko roon para sayo?" I looked at him, creasing my forehead while trying to understand what he said. "If you'll tell me to stay right now, mag-i-stay talaga ako, Chie."

"Victor . . ."

"I know, I know," he said, "I know that it's impossible. Pero nagbabaka-sakali lang naman ako."

Nanatili lang akong tahimik.

"I really regret everything I did that day," he continued. "Sana pala nung pinaalis mo ako nung araw na 'yon, hindi ako umalis. Sana pala kahit anong ginawa mong pagtulak at pagtaboy sa akin, nagmatigas na lang ako. Sana pala pinakinggan na lang kita at hindi na ako nakipagtalo sayo. E 'di sana . . . hindi tayo gan'to ngayon. Wala sana tayo sa sitwasyong 'to.

"Ang tanga ko talaga, e. Sa dami ng puwedeng pakawalan, ikaw pa 'yong pinili ko. Sa dami ng puwedeng bitawan, ikaw pa. Tingnan mo tuloy ako, habangbuhay magsisisi sa katangahang ginawa." He then held both of my hands. "Kung mababalik ko lang talaga ang oras, hindi ko gagawin 'yong mga ginawa ko sayo. Hinding-hindi."

"It's cliché to hear but everything happens for a reason, Victor. At naniniwala akong may rason kung bakit talaga nangyari ang lahat ng 'yon. Kung bakit sa dami ng tao sa mundo, sa atin pa nangyari ang bagay na 'yon." Hinawakan ko pabalik ang kanyang mga kamay at binigyan din siya ng isang matipid na ngiti. "Tapos na rin naman na 'yon kaya kalimutan na lang natin. Let's move forward and start anew."

Nang makita kong biglang nagningning ang kanyang mga mata, medyo nataranta ako. "That's not what I meant—"

"I know," he cut me off, teasingly laughed. "You don't need to explain, Chie."

"Tsk." Binawi ko na ang aking kamay dahil hindi pa rin siya tapos sa pagtawa ng nakakaasar sa akin. Mayamaya lang muli na naman siyang sumeryoso.

"I also know that it's not easily for you to forgive me," aniya. "And don't worry because I understand you. Huwag ka rin mag-alala kasi hindi naman ako mapapagod sa paghingi ng tawad sayo. Hindi ako mapapagod sa paghihintay hanggang sa dumating 'yong araw na tuluyan mo na talaga akong mapatawad. I'll patiently wait for that day to come, Chie. Alam mo namang pagdating sayo, sanay na akong maghintay, 'di ba?"

Sabay kaming natawa sa sinabi niyang 'yon.

Ilang segundo lang, ako naman ang sumeryoso sa aming dalawa. "May gusto rin pala akong sabihin sayo."

Sa totoo lang kasi, hindi naman na ako galit kay Victor. Oo, nasaktan niya ako — sobrang nasaktan. Pero sa 'di malamang dahilan, hindi ko talaga magawang magalit sa kanya. Yes, I was resenting him for a year because of what he did to me. But after I heard his explanation, muling gumaan 'yong pakiramdam ko, e. Para bang nabunot na rin ang tinik na matagal-tagal namalagi sa aking puso.

Ayon lang naman kasi talaga ang kailangan ko. His explanation. Because without that, I'll keep on blaming myself. Hanggang siguro sa pagtanda, sinisisi ko pa rin ang sarili kaya kami nagkahiwalay kung hindi ko narinig ang paliwanag niyang 'yon.

Pero kahit gano'n, hindi ko pa rin talaga siyang magawang mapatawad. Naniniwala kasi akong isang proseso ang pagpapatawad at sa tingin ko naman, nasimulan ko na ang prosesong 'yon. Hindi ko man siya mapatawad nang lubos sa mga oras na 'to, dadating din ang panahon na magagawa ko ang bagay na 'yon.

I just need a little more time for that.

"What is it? Are you going to confess that you're still in love with me?"

Seryoso niyang binitawan ang mga salitang 'yon kaya hindi agad ako nakapag-react. Naramdaman ko lang na awtomatikong lumaki ang aking mga mata at bumakas ang pagkagulat sa mukha ko. Bigla ring bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi malamang dahilan.

"Ano?" I dumbfoundingly asked after getting back to my senses.

"Joke lang," he quickly replied. "Pinapagaan ko lang 'yong atmosphere."

"Hindi ka pa rin talaga magaling mag-joke hanggang ngayon," I seriously uttered.

Tinawanan niya lang ako sabay sabing, "At hindi mo pa rin masabayan ang humor ko hanggang ngayon."

Wala sa sarili na lang akong napailing. "Alam mo, nakalimutan ko na 'yong sasabihin ko. Ang gulo mo kasi, e."

"Uy, ito naman. Game na, game na," aniya. "Mukhang seryoso 'yong sasabihin mo kaya, sige na. I'll listen carefully." Umayos na rin siya ng tayo at tahimik na ngang hinintay ang sasabihin ko.

I cleared my throat first. "I just want to say thank you and sorry," I mumbled.

"What? Ang hina ng boses mo, hindi kita marinig."

"Ang sabi ko thank you at sorry."

His eyes suddenly widened, trying to figure out why I said those things. "Para saan?"

Muli akong humugot ng isang malalim na buntonghininga. Nagda-dalawang-isip pa talaga ako kung sasabihin ko ba ang mga 'to sa kanya dahil pakiramdam ko hindi naman na kailangan. Pero dahil malaki ang posibilidad na ito na ang huli naming pagkikita, nagdesisyon na akong sabihin na lang sa kanya. Wala naman sigurong mawawala sa akin.

"Thank you kasi . . ." panimula ko. Pilit na inaalala ang mga sasabihin. ". . . kasi sinikap mo pa ring ibigay 'yong paliwanag na kailangan ko. I know it wasn't easy for you to do that, but you still did. Kaya gusto kong magpasalamat sayo. Hindi mo ako tuluyang iniwan sa ere na nagtataka kung saan ba ako nagkamali o kung ako nga ba ang may mali. Tinuldukan mo na rin 'yong mga tanong na halos gabi-gabi kong iniisip. Siguro wala lang sa iyo 'yon pero napakalaking bagay na non sa akin. Kaya maraming salamat."

Napangiti lang siya at nanatiling tahimik kaya ipinagpatuloy ko na ang sasabihin.

"Sorry naman kasi hindi pa talaga kita kayang lubusang mapatawad," I uttered, letting out a sigh. "I can't fully forgive you now. Masyado mo kasi akong sinaktan," I jokingly said. But when he didn't laugh, I made a serious face again. "But don't worry because I'll forgive you soon. That's for sure. Hindi lang talaga ngayon pero mapapatawad din kita soon."

"I'm really stupid to let you go," mabilis niyang sabi sabay talikod. Bigla na lang siyang nagpunas ng luha. Teka — umiiyak ba siya?

"Victor . . ." I called him. "Are you okay?"

He sniffed, looking at my eyes again. "Puwede ba akong mag-request for one last time, Chie?"

"O-Oo naman. Ano ba 'yon?"

"Can I hug you?"

I didn't answer, I just spread my arms instead. After that, I just found myself hugging him back. I also patted his back because he's continuously sobbing.

"Victor?"

"Hmm . . ."

"B-Bakit ka umiiyak? Wala naman akong nasabing nakakaiyak, ah."

"Can you at least pretend that you didn't see anything?" mahina niyang sabi. "And let me hug you for another minute, please."

Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya. Mayamaya lang siya na ang kusang humiwalay sa aming dalawa.

"Okay ka na?"

Mabilis lang siyang tumango bilang tugon. "Dahil nandito naman na tayo, lulubusin ko na."

"What do you mean?"

"Naaalala mo ba 'yong sinasabi kong pinag-iipunan ko dati?"

"W-Wala ka namang sinabi sa akin kung ano 'yon."

"Kaya nga. Pero naaalala mo na may pinag-iipunan ako, 'di ba?"

I nodded as I answered, "O-Oo naman."

"Actually that's for you." Nanatiling nakakunot ang aking mga noo pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko kasi siya maintindihan. "Para sayo 'yong pinag-iipunan kong 'yon."

"P-Paanong para sa akin?"

"Basta. You'll know when the right time comes," aniya. "Malapit na rin naman 'yong matapos kaya sigurado akong they'll contact you as soon as possible."

"What are you talking about, Victor? Wala akong maintindihan."

"Huwag mo munang isipin 'yon."

"Paano ko hindi iisipin, e pinag-isip mo na ako?"

Bigla niya na lang ginulo ang buhok ko. "Ito na lang. May gusto rin pala akong ibigay sayo bago ako umalis."

"A-Ano naman 'yon?"

May bigla siyang dinukot sa kanyang bulsa. "Sa totoo lang, matagal na 'tong nasa akin, e. Regalo ko sana 'to for your twenty-second birthday."

Nanlaki ang aking mga mata pagkakita ng isang maliit na kahon sa kanyang mga kamay. May ideya na ako kung ano ang laman non pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Bakit?

"Victor . . ."

"It was supposedly my promise ring for you," nakangiti niyang sambit sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "I bought this back then to show how I really love you and to tell you that I'm willing to keep you forever." Binuksan niya na ang kahon at tumambad nga sa akin ang isang napakagandang singsing. "Sana kahit malabo ko ng matupad 'yong pangako ko sayo, tanggapin mo pa rin 'to. Wala naman na rin kasi akong pagbibigyan nito kundi ikaw lang. Para sayo lang talaga 'to, e."

"Victor naman . . ."

"Chie, please?" Mas lalo pa kong nagulat nang bigla na lang siyang lumuhod. "Hindi ko naman hinihiling na suotin mo 'to, e. Basta tanggapin mo lang. Please?"

May sasabihin na sana ako nang mapatingin ako banda sa pintuan. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may nakatingin sa amin — sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Mukhang kanina pa nga siya roon at tahimik lang kaming pinagmamasdan at pinapakinggan.

Nang magtama ang aming mga mata, dali-dali na siyang tumalikod. And for unknown reason, I automatically shouted his name.

"Ely, wait!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro