Chapter 59 (Part II)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FIFTY-NINE
Part Two

I DIDN'T stop calling his name. Dahil mabilis ang paglalakad na ginawa niya, tumakbo na ako. Pero wala pa ring silbi kasi hindi ko talaga siya maabutan. And when I saw that he already reached the elevator, doon ko na mas lalo pang binilisan.

"Sandali lang, Ely!" I said, trying to open the door. Naghintay pa ako ng ilang saglit pero ayaw na talagang magbukas. When I saw that it stopped in 26th floor which is 'yong floor kung nasaan ang condo unit niya, nag-isip na ako ng paraan.

Dahil nasa 40th floor 'tong pool area at iisa lang ang elevator na gumagana rito, I had no choice but to use the staircase. Hindi pa ako nagsisimula pero napapagod na agad ako.

I immediately looked for the emergency exit and when I found it, wala na akong sinayang pa na oras. Huminga muna ako nang malalim bago sinimulang bumaba. When I reached the 35th floor, sumuko na ako. Sinubukan ko nang mag-elevator and luckily, nakagamit naman ako. Pressing the 26th button, tahimik na akong nagdadasal na sana nandoon pa rin si Eliseo sa condo. Sana wala na siyang pinuntahan pang iba.

I need to talk to him.

Ting!

Pagbukas ng pinto ng elevator, kinakabahan man, dire-diretso na akong nagpunta sa unit niya. And when I easily opened the door, doon na ako mas lalo pang kinabahan. I clearly remembered that I close it before I go to the pool area. And now that it's not lock, ibig sabihin may tao sa loob. Nasa loob nga siya. Sana.

Dahan-dahan ko itong binuksan. Pagpasok sa loob, agad ko siyang hinanap. I was about to go to his room when I heard some sounds in the living room area.

"Ely," I called his name when I saw him sitting in the couch. Balak niya sanang buksan ang TV pero hindi niya naman na itinuloy at ibinaba na lang ang hawak-hawak na remote control.

"Tapos na kayong mag-usap?" he then casually asked. "Sorry at mukhang na-istorbo ko pa kayo. Hindi ko naman sinasadya na sundan kayo roon sa pool."

Takang-taka ko lang siyang tinitigan. Why is he acting like that?

"It's not what you think, Ely—"

"Sshhh, Chie," he cut me off. "It's okay. You don't need to explain. You don't owe me an explanation, okay?"

Mas lalo akong kinakabahan sa mga ikinikilos niya. Mas gusto ko pang magalit siya sa akin kaysa 'yong gan'to, e. Bakit ba hindi siya nagagalit? Bakit ba gan'to 'yong reaksyon niya?

"Ely naman . . ."

He just smiled at me then stood up. "Kumain ka na ba? What do you want to eat? Ipagluluto kita," sunod-sunod niyang sabi habang papunta sa kusina.

Napapikit na lang ako bago siya sundan. "Ely, mag-usap muna tayo."

"Can we eat first?" aniya. "Gutom na kasi ako, Chie, e. I haven't eaten a proper food for weeks already. Look, nangangayayat na ako. Nawawala na rin 'yong abs ko."

"Ely—"

"Hindi na rin kasi ako nakakapag-gym, e. Masyado akong maraming iniisip nitong mga nakaraan kaya nawawala na sa isip ko ang pagpunta sa gym."

"Ely, please . . ."

"Na-miss ko rin 'tong kusina ko," pagpapatuloy niya lang sa pagsasalita at hindi talaga ako pinapansin. "Ang tagal na rin nung huli akong nakapagluto rito. Hindi ko nga sigurado kung marunong pa akong magluto, e."

"Ely, ano ba—"

"O, sakto! May stock pa pala tayong meat," pagputol niya ulit sa sinasabi ko. Abala siya ngayon sa pagkakalkal sa ref. "Should I try to cook adobo today? What do you think, Chie? Okay lang ba na mag-adobo tayo ngayon?"

"C-Can we talk first?" I mumbled. Hindi niya pa rin talaga ako pinansin. Nafa-frustrate na ako rito. Walang luha ang lumabas habang nag-uusap kami ni Victor kanina kahit na gusto-gusto ko nang umiyak pero dahil sa ginagawang pangde-deadma nito ni Eliseo, naiiyak na ako.

"What taste do you want, Chie? Medyo matamis ba, maalat, o katamtaman—"

"Ely, kausapin mo muna ako!" Hindi ko na napigilan at napataas na ang aking boses. Napansin ko ang dahan-dahang pagbaba niya ng kanyang mga hawak sabay lingon sa aking direksyon.

"Masaya ka ba, Chie?" he asked me in a cracked voice. "Are you . . . Are you really happy now?"

"Ano bang tanong 'yan, Ely?"

"Kasi kung masaya ka talaga ngayon, masaya na rin ako. Kung ano o sinuman ang nagpapasaya sayo ngayon, tatanggapin ko. Kung saan ka sasaya, Chie, susuportahan lang kita."

"E-Ely, ano ba 'yang—"

"You know what, I'm not like this before," he uttered, cutting me off. "Ni hindi nga ako naniniwala sa true love, e. Not until I met you. For some unknown reason, na-attract na lang ako sayo. Hanggang sa napagtanto kong hindi na lang simpleng atraksyon ang nararamdaman kong ito. Hindi ko naman ginusto 'to, e," aniya sabay tawa. "Pero hindi ko rin naman pinagsisisihan."

Nang magtama ang aming mga mata muli siyang ngumiti. Pero hindi nawala ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. "Alam ko namang siya pa rin, Chie."

I want to stop him. Ayaw ko nang marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin. Pero hindi ko naman magawa. Sa hindi malamang dahilan, hinayaan ko na lang siya.

"Hindi naman nagbago, 'di ba? Nabawasan lang 'yong pagmamahal mo sa kanya pero hindi naman nawala. Naiisip mo pa rin siya, nami-miss. Hinahanap-hanap mo pa rin 'yong pagmamahal niya," pagpapatuloy niya, "Alam ko ang lahat ng 'yon pero pinagsawalang bahala ko. Mahal kasi kita at naisip ko na lang na kung ipagpapatuloy ko lang na ipakita't iparamdam ang pagmamahal kong 'to, baka may chance pang mapalitan ko siya sa puso mo.

"But it didn't work. I did everything but it's still him. He's still the one you love."

"Ely . . ."

"Dati, hindi ako nagsasawang hilingin na sana, pagdating ng araw na 'to, ako ang piliin mo; na sana ako naman. Pero naisip ko ngayon, wala namang saysay na ako nga ang pipiliin mo pero hindi ka naman magiging masaya. Kung gano'n ang mangyayari, I can't be happy too."

I want to correct him. I want to tell him that I didn't choose Victor. That . . . That I actually chose no one. Pero wala talagang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. Hindi ko man lang siya kinokontra.

"Chie, masaya ako na nakilala kita," aniya sa malumanay na boses. "Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko. Masaya ako na kahit papaano ay pinagtagpo ang ating mga puso."

Masaya rin ako, Ely.

"Maybe in some parallel universe, we'll meet again," he whispered but enough for me to hear it. Dahan-dahan na rin niya akong nilalapitan. "Maybe this is not the lifetime for the both of us. Maybe in this lifetime, I just meant to fall deeply to you." Muli siyang malungkot na napangiti pagkatapos sambitin ang huling linya na 'yon.

"Pero kahit gano'n, hihintayin ko pa rin 'yong panahon na magkikita tayong muli. Hindi ako naniniwala sa reincarnation pero 'yon na lang ang panghahawakan ko sa ngayon."

Hindi ko na talaga napigilan at napaiyak na lang ako. Sa pagpatak ng unang luha sa aking mga mata ang siya ring unti-unting pagkadurog ng puso ko. Lalo pa akong nasasaktan ngayong nasasaksihan ko rin ang dahan-dahang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi.

"I'll wait for you, Chie. Even if it takes you thousands of years to get back; even if by the time I get to see you, all the stars would be gone, I don't care. I still wait for you. Maghihintay lang ako hanggang sa dumating ang panahon na magkarugtong na ang tadhana nating dalawa; na tayong dalawa na talaga ang para sa isa't isa."

"P-Para k-ka namang sira, e." Sa wakas, nakapagsalita na ako. "B-Bakit m-mo naman ako h-hintayin ng gano'n katagal?"

"Because that's what people do when they're deeply in love with someone," mabilis niyang tugon. Hindi niya pa rin talaga pinuputol ang pagtitig ng diretso sa aking mga mata. "They patiently wait."

Pagkabitaw niya ng tatlong salita na 'yon, hindi na ako nagsayang pa ng oras at dali-dali ko na siyang yinakap.

Akala ko, hanggang doon na lang ang iiiyak ko. Pero dahil sa binulong niya sa akin habang magkayakap kami, tuluyan na akong napahagulhol.

"Chie, if I had my life to live again, I promise that I'd find you sooner."

***

A/N: I'll try to post the 60th chapter later at 23:00 onwards so stay tuned! I'm half-way done on writing it kaya baka ma-post ko na rin talaga mamaya. But it still depends on my "kasipagan" huhu. Kung hindi ako mapapatambay sa Twitter o YouTube, at kung hindi ko maisipan ituloy ang panonood ng K-Drama na nire-rewatch ko ngayon, malaki ang posibilidad na makapag-update ulit ako mamaya. Hehe.

Anyway, may tanong pala ako: how was this chapter? Nasaktan ba kayo? Naiyak?

Kasi ako, oo! Share ko lang naman 'yon, hahaha.

Ayon, salamat nga pala sa pagbabasa. Hanggang sa muli!

Stay in love and don't be rude, folks!

Yours truly,
Endee

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro