Kabanata 27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 27

Thalia Shiloah’s  POV:          
                                                                
Pagkagising na pagkagising ko ay nagbihis kaagad ako ng aking damit pang-ensayo, sa araw na ito ay naisipan ko lamang na magtungo sa kagubatan, at mas lalong pag-igihan ang paggamit ng sibat. Gustuhin ko man na mag-ensayo o ‘di kaya naman ay matutong gumamit ng ibang sandata, ay hindi ko magawa, maliban sa salat ang aking kalaman sa mga bagay na ito ay wala rin sa akin magtuturo.

“Magandang umaga senyorita, sa kagubatan ho ang tungo?” tanong sa akin ni aling Lucia pagkaba na pagkababa ko ng ikalawang palapag.

“Opo, mauuna na po ako, kukuha na lamang ako ng isang tinapay,” sagot ko sa tanong ni aling Lucia habang nakapinta sa aking labi ang isang mayuming ngiti.

Wala pa akong narinig na sagot pa kay aling Lucia, kung kaya’y tinakbo ko na ang daan patungo sa labas ng aming kaharian.

Ewan ko ba kung bakit nagmamadali ako, siguro ay dahil sa tinatamaan na ng sikat ng araw ang aking balat. Kung sakali na mamaya ay matagalan ako sa pag-eensayo ay tiyak na mahapdi na sa balat ang sikat ng araw.

Ang kasalukuyan na inaaral ko sa paggamit ng sibat, ay kapag ito ay papikot-ikutin na. Kailangan ko ng balanse, at koordinasyon kapag isasagawa ko ang ganitong klaseng pamamaraan sa sibat.

“Kaliwa, kanan, ikot,” aniya ko, kahit na kanina ko pa ito paulit-ulit na isinasagawa. Kumpara kanina, ay nagagawa ko na, ngunit hindi pa ganoon ka-perpekto.

Sa totoong laban, ay kinakailangan na ang bawat galaw ay kalkulado, sa madaling salita, perpekto.

“Napakahusay mo pala talaga gumamit ng sibat.” Napalingon ako, at dahan-dahan akong tumigil sa pag-eensayo ng marinig ko ang pamilyar na boses, mula sa napakapamilyar na tao.

“Binibini,” aniya, at dahan-dahan tinanggal ang tabing sa kaniyang mukha, at kalaunan ay ngumiti.

Hanggang ngayon, ay hindi ko pa rin maiwasan na mailing sa kaniyang presensiya, lalo na kapag walang tabing ang kaniyang mukha, kitang-kita ko ang mga mata niya na kakaiba ang epekto sa aking sistema sa tuwing ako, ay kaniyang tinititigan.

Umatras ako ng isang beses, hindi ko pinahalata na naiilang ako, at pagkatapos ay kinuha ko ang bag na dala-dala kanina, at isinukbit na ito sa aking likuran.

“Bakit… tila nag-eempake ka na binibini?” tanong niya. Dahan-dahan niyang itinagilid ang kaniyang ulo sa aking dereksiyon, para siguro makita ang aking ginagawa.

Napatitig ako sa kaniya, ngunit kaagad na ibinaling din sa mga puno ang paningin dahil ayaw ko nang titigan pa ang kaniyang mga mata.

‘Nahuhulog na ako sayo Donovan, at ayaw ko ng magpatuloy pa ito. Wala akong alam sa pag-ibig, mababaliw ako.’ Ito ang mga kataga na nais kong sabihin sa kaniya, ngunit wala akong lakas ng loob. Si Prinsesa Thalia, ay walang lakad ng loob na sabihin sa lalaking kaniyang kaharap na unti-unti nang nahuhulog ang kaniyang loob dito.

Tumikhim ako bago magsalita. “Aalis na ako, masakit na sa balat ang sikat ng araw, hindi na ako makapag-eensayo pa ng maayos.” Ang itinuran ko ay kalahating totoo, at kalahating kasinungalin. Oo na masakit sa balat ang sikat ng araw kapag tumanghali na, subalit maaari pa rin naman akong mag-ensayo, sadyang ayaw ko lang dahil makasasama ko siya. Muli na naman kakabog ang aking puso sa hindi malamang dahilan.

“Kung iyong mamarapatin, ay maaari tayong mag-ensayo sa isang lugar na alam ko,” aniya, tumingin muna ito sa akin bago magpatuloy. “Malilim doon, hindi sasakit ang iyong balat, kung iyon ang ikinatatakot mo binibini.”

Tila naglalaban ang aming mga mata, dahil kapuwa nakatitig kami sa bawat isa. Sa pagkakataon na ito ay siya ang unang bumawi ng kaniyang tingin, ngunit pagkatapos, ay ngumiti na parang baliw.

Matatanggihan ko ba si Donovan? Syempre…

***














Hindi.

Kaya andito kami ngayon sa lugar na paborito ko rin, ang lawa, na malapit lang din sa kaniyang kuweba. Malilim nga naman dito.

“Oh, asan na ang pana, at palaso mo? Akala ko ay mag-eensayo tayo,” aniko at tinitigan ang sariling repleksiyon sa lawa.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking repleksiyon. Maraming nabago sa akin, marami akong natuklasan sa sarili, ayaw ko man aminin, ngunit hindi ko maitatangi na, simula noong dumating si Donovan, tila nag-iba ang takbo ng aking buhay.

Gigising ako sa umaga na masaya, at tila alam ang kabuluhan ng buhay. Simula noong dumating siya, ang mga bagay na gusto kong gawin, ay naisakatuparan ko. Ang mga ninanais ko, ay nagagawa ko. Lahat, ay nangyari, nang makilala ko si Donovan.

Bumalik lamang ang aking wisyo ng aking mapansin na dalawang mukha na ang aking nakikitang repleksiyon sa lawa. Ang repleksiyon ko, at ang repleksiyon ni Donovan.

Sa pagkakataon na ito ay hindi ako umatras, bagkus ay pinakatitigan ko ang kaniyang mukha sa kaniyang repleksiyon sa lawa.

“Bakit ako? Bakit ako Donovan?” tanong ko sa lalaki.

Masasabi ko na matagal-tagal na rin niya akong nililigawan, ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit ako ang kaniyang napusuan. Hindi naman puwedeng dahil ako ang binigyan niya ng obra, hindi naman puwedeng dahil prinsesa ako. Nais kong malaman ang kaniyang rason kung bakit ako, bakit ako ang kaniyang nagugustuhan?

“Hindi ko rin alam, hindi ko rin alam kung bakit gusto kita,” aniya.

Sa pagkakataon na ito ay humarap ako sa kaniya, at siya mismo ang aking tiningnan. Nagtatanong ang aking mga mata, habang ang kaniya, ay tila inaasam na paniwalaan ko siya.

“Hindi ko alam kung bakit, basta sa tuwing nakikita kita, tumitibok ang puso ko, mas mabilis kumpara sa normal na pagtibok nito. Sa tuwing nakikita kita, wala akong pakialam sa paligid. Hindi ko rin alam kung bakit ikaw ang aking pinili, siguro ay dahil ikaw si Thalia.” Wala akong masabi sa kaniyang mga itinuran. Patuloy lamang ako sa pagtitig sa kaniya, at alam kong nakanganga na ako sa mga oras na ito.

Bakit pareho kami ng nararamdaman? Nagugustuhan ko na ba siya o gusto ko na siya? Hindi ko alam.

“Puting rosas binibini, may handog na ako sa iyo ngayon,” aniya habang nakapinta sa kaniyang labi ang isang mayabong na ngiti.

Naglakad siya patungo kung saan naroroon ang aming mga kagamitan sa pag-ensayo, habang ako heto, iniwan niya malapit sa lawa, hindi alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon.

Matutuwa ba ako o kakabahan? Hindi ko alam.

Donovan, bakit ganito ang epekto mo sa akin?

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2023.
                             

                                                       

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro