Kabanata 26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 26

Thalia Shiloah’s POV:

Lumipas ang ilang mga araw, at patuloy ako sa pagbisita ng silid-aklatan. Nakikini-kinita ko na ang kalalabasan ng silid-aklatan, at hindi na ako makapaghintay na matapos ito.

Sa mga nakalipas na araw marami ang nangyari, marami ang naganap na siyang tunay na ikinatuwa ko. Maligaya ng muli ang aming kaharian, ang mga pixies at ang mga halaman ay masisigla, at malalago na.  Walang nagnanais na maulit pa ang ganoong bagay. Hahanapin ko ang nilalang na may kagagawan noon kung sakali na manyari man iyon muli, na sana ay huwag na.

Sa mga nagdaan din na araw ay napagdesisyunan ni Donovan na tuluyan na akong ligawan. Ang sabi ko ay baka nagmamadali siya dahil napakabilis ng mga pangyayari, ngunit ang sabi niya naman, ay hindi na niya nais pang patagalin na ligawan ako dahil gusto niya naman daw ako. Makapaghihintay daw naman siya, hayaan ko lamang daw siya.

Hindi ko alam, subalit tila natamaan ako sa sinabi niya, na bakit patatagalin pa kung gusto mo naman.

“Gusto ko na nga ba si Donovan?” aniko, at napakagat sa aking pang-ibabang labi. Umiling-iling ako, at iwinaksi sa aking isipan ang ideyang iyon. Napakabilis naman, at kahit hindi kami, ay kapag nalaman ito ni ina, ay tiyak na magagalit iyon.

“Bakit umiling-iling ka riyan binibini?” ani ng bagong dating na si Donovan.

Napamulat ako at nanlaki ang mga mata, nagpalinga-linga ako sa paligid, ngunit kalaunan ay napahinga naman ng maluwag. Mabuti na lamang, at malayo-layo ang distansiya namin sa kaharian, walang mahuhuli, walang gigisahin.

“Bakit bigla-bigla ka na lamang sumusulpot?” aniko habang mariin siyang tinitigan.

Hindi ko maiwasan na mamangha sa kaniyang mukha na kahit may takip ang pang-ibabang bahagi, ay kitang-kita ko pa rin ang kaniyang pagiging magandang lalaki. Saan kaya nagmula ang lalaking ito?

“Huwag kang mag-alala, walang nakakita sa akin, mahusay akong magtago,” aniya, at kaagad na tumingin sa akin.

Napalunok ako ng aking sariling laway ng wala sa oras bago ko ibaling ang aking paningin sa ibabang bahagi, tama siya, nagtatago kami.

Kaya siguro sa mga nakalipas na araw, ay bigla-bigla na lamang siyang nawawala dahil alam niyang kagagalitan ako ng aking ina kapag nakarating sa kaniya na ang kaniyang nag-iisang anak na babae, ay may kinikitang isang makisig na lalaki.

“Bakit ka napadaan dito? May sasabihin ka ba?” aniko habang pilit nilalabanan ang kaniyang titig, na ako rin naman ang unang bumitaw.

Ipinaikot ko na lamang ang aking mata dahil dito. Hindi ba siya kumukurap?

Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa dahil sa naging kilos ko bago sumagot. Bakit maging ang kaniyang ngiti, at tawa ay kahali-halina? Hindi na maganda ang nagiging epekto sa akin ng lalaking ito.

“Nais kitang makita, hindi ba nililigawan kita,” aniya, at yumuko, tila nagsasabi na ako ay kaniyang binabati.

Pinigilan ko ang aking sarili na ngumiti o mamula dahil sa kaniyang ginagawa. Baka mamaya ay sabihin pa ng lalaking ito na ang bilis ko naman mahulog, kahit ang totoo, ay oo, unti-unti na akong nahuhulog.

“Kung nililigawan mo ako, bakit wala kang dalang bulaklak o kahit tsokolate man lamang?” tanong ko at bahagyang sinilip  ang kaniyang mga kamay na nakabuka, isang palatandaan na walang dala ang lalaki na kahit anuman.

“Ganoon ba iyon? Ikaw pa lamang kasi ang aking naliligawan, huwag kang mag-alala binibini, sa susunod ay may matatanggap ka na mula sa akin,” aniya, at ngumiti sa akin. Umangat ang tela na nakatakip sa kaniyang mukha, kung kaya’y alam ko na ngumiti siya.

Nagbibiro lamang sana ako, ngunit tila sineryoso niya ang aking sinabi.

Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na naiwasan ang mamula. Hindi ko alam kung dahil baa ko pa lamang ang kaniyang napupusuan o dahil may susunod pa.

Naku, iba na talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito, malaki na ang nagiging impluwensiya niya sa akin. Normal pa ba ito?

Bago pa humaba ang usapan tungkol sa kung bakit wala siyang handog para sa akin, na hindi naman talaga kailangan, ay nagsalita na ako, at binuksan ang panibagong usapin.

“Kumusta pala ang mga halaman at pixies sa lugar ninyo? Maayos na rin ba sila ngayon?” aniko.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba iyon, ngunit tila naging balisa ang mga mata ni Donovan, bigla siyang titingin sa malayo, titingin sa baba, subalit hindi siya titingin sa akin. Anong nangyayari sa lalaking ito?

“Donovan, ayos ka lang ba?” tanong ko, at bahagyang humakbang papalapit sa kaniya, ngunit nag-angat ito ng tingin sa akin na siyang ngiti ang aking sukli.

“Pasensiya na, sa kuweba ako namamalagi, kung kaya’y nang sinabi mo ang mga salitang iyon, ay hindi ko maiwasana ang malungkot para sa mga pixies, at halaman dito sa ating mundo.” Isang matipid na ngiti ang aking naging sagot sa kaniyang mahabang sinabi.
Ang lungkot nga siguro kung maninirahan ka sa kuweba, wala kang kasama.

“Binibini, maraming salamat sa paglalaan mo ng oras sa akin para sa araw na ito, uuna na ako,” aniya.

“Teka, san—,” bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay lumipad na ang lalaki patungo sa kagubatan, kung saan naroroon ang kaniyang kuweba.

Napahawak ako sa aking bibig, at kaagad na napailing. Mukhang ang usapin na nabuksan ko, ay sensitibo sa kaniya, marapat na hindi ko na iyon tinanong. Sa kuweba siya nakatira kung kaya’y malamang walang pixies, at ang halaman ay maaaring kakaunti o wala talaga.

Nagkibit-balikat na lamang ako.

“Siguro, sa silid-aklatan na ang destinasyon ko,” aniko, bago tahakin ang daan patungo sa silid-aklatan.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2023.
                             

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro