Epilogo

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Epilogo


Kakaibang saya ang aking nadarama habang nakatanaw ako sa aking harapan, ang mga minotaur, wala na sila. Ang kanilang kuweba ay tuluyan ng tinupok ng kapangyarihan ni kuya Leo. Ang mga itim ay tuluyan na namin na binawian ng buhay. Wala na sila, wala ng mga kalaban, wala na, tapos na, okay na wala na sila.

Kaagad akong napaluhod at hindi na alintana sa akin kung pinangunugunahan ako ng aking emosyon, dahil ang pinaka-importante sa akin ngayon ay ang makita ang lahat ng mga binihag ng mga minotaur na ngayon ay ligtas na. Kita ko, lahat sila ay mayroong hindi nawawalang ngiti na nakapinta sa kanilang mga labi.

“Tapos na, ligtas na sila mudra at pudra,” nakaluhod kong saad habang nadarama ko na ang unti-unting pagpatak ng isang saganang mga luha galing sa aking magkabilang mata.

Hindi ko mailarawan kung anong dapat ko pang masabi sa mga oras na ito, sapat na siguro na makita ko ang lahat na naririto na kahit nanghihina man ay hindi ito naging hadlang upang gawin nila ang isang bagay na siyang hinihingi ko lamang sa mga oras na ito. Walang iba kundi ang walang kapantay nilang mga ngiti.

Napa-angat na lamang ako ng aking tingin ng may humawak sa aking magkabilang balikat at pumantay sa akin mula sa aking pagkakaluhod. Si Santiago, si Santiago ang nasa aking harapan ngayon. Walang naging emosyon ang aking mukha maliban na lamang sa napanganga ako dahil sa sumunod niyang ginawa.

Hinawi niya ang ilang mga buhok na nakaharang sa aking mukha at pagkatapos ay hinaplos niya ang aking kaliwang pisngi.

“Mara, tapos na, nasagip niyo na ang mga magulang ninyo, ang tanging kailangan niyo na lang gawin ay isara ang portal,” ngumiti lamang ako dahil sa sinabi ni Santi ngunit kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata.

Siguro ay iniisip niya na isang araw ay mawawala na lamang kami sa mundong ito at hindi niya na kami muling makikita pa. Ngunit mukhang malabo naman ata na mangyari iyon lalo na sa panahon ngayon, lalo na at may kakaibang puwang na si Santiago sa aking puso.

Inilahad ni Santiago ang kaniyang kamay na siyang inabot ko naman kaagad, naging dahilan ito upang sabay kaming mapatayo at tanawin ang mga nilalang na aming nasagip. Masarap pala sa pakiramdam na may nagawa ka at may naitulong ka para makapagbigay ng katahimikan sa isang lugar na pinaninirahan ng napakaraming mga nilalang.

Isa na lamang ang kinakailangang gawin upang matapos na ng tuluyan ang lahat ng ito. Ang maisagawa na namin ang aming natatanging misyon na maisarado na ng tuluyan ang portal. Marapat na maisarado na ito upang sa gayon ay wala ng maganap na anumang bagay na magdudulot ng kapahamakan sa mga nilalang na naririto sa San Agustin.

Kasama si Santiago at kuya Yael at ang aking mga kapatid ay sabay-sabay kami na naglakad patungo sa kinatatayuan ng aming lolo at lola. Hindi na kailangan pa na mag-aksaya pa ng oras, ang aming misyon ay ngayon na namin tatapusin.

“Mga apo, narito ang susi upang tuluyan ng misara ang portal na namamagitan sa mundo ng mga immortal at mga mortal.” Napatingin kaming lahat kay lola Jara ng ibigay niya ang susi kay kuya Lucian at nang matanggap ni kuya Lucian ang susi ay tumingin siya sa amin. Isang tingininan lamang namin lahat ay alam na namin ang marapat namin na gawin.

Kaagad kaming humingi ng gabay sa mga nakatatanda sa amin patungo sa lugar kung saan naroroon ang portal, ngunit ang sumunod na sinabi ni lolo Simon ang siyang hindi ko inaasahan, mukhang ayaw na nga ata nila kaming pahirapan pa.

“Mga apo, iyang puno na nasa ating harapan ang palatandaan kung saan naroroon ang portal,” tanging pagtango ang naisagot namin kay lolo.

Wala na kaming hinintay pa at naglakad na kami kaagad patungo sa puno na nasa aming harapan, makalipas ang bilang sa mga daliring hakbang namin ay ibinuka na ni kuya Lucian ang kaniyang kamay at doon ay nasilayan namin ang isang bilog na tila kasing lamang ng isang jolen.

Ngunit ang bilog na ito ay kakaiba, ito ay pinagkalooban ng apat na ibat-ibang mga kulay. Ang mga kulay na iyon ay ang puti, asul, lila at berde. Maliit man ang bagay na ito ay alam ko naman ang kaya nitong gawin, ang maisarado at mabuksan ang portal.

“Hindi po ba dapat na bukas na ang portal? Pero bakit wala po kaming nakikitang portal o kakaibang bagay sa aming harapan?” hindi ko maiwasan ang mapatanong. Ang pagkakaalam ko ay para maisara ang portal ay dapat bukas ang portal, ganoon kasimple.

"Malamang ay may ginamit silang mahika para hindi natin ito makita. Santiago, maaari mo bang tanggalin ang mahika?” nang banggitin ni lola ang pangalan ni Santiago ay napatingin ako rito, isa nga pala siyang diwata na mayroong kapangyarihan, na mundo.

Tumango siya bilang sagot at hindi nagtagal ay nakita na namin ng tuluyan ang isang portal na may katulad na kulay sa bilog na hawak ni kuya Lucian na tinatawag nilang susi.

Nakamamangha ang kulay, naghahalo-halo ang mga kulay na puti, asul, lila at berde sa gitna ng portal, umiikot-ikot ito na tila may sariling buhay.

Pinakinggan ko ang sinabi ni ate Xavi sa aming mga isipan, ito ang mga salitang dapat naming bigkasin para tuluyan na naming maisarado ang portal.

“Mortales e inmortales allow us to close the veiled majestic door,” sabay-sabay naming sinabi ang mga salitang iyon ng tuluyan ng mailagay ni kuya Lucian ang bilog na iyon sa gitna ng portal.

Matapos naming sabihin ang mga katagang iyon ay lumiwanag sa buong paligid dahil sa biglang pagliwanag na nanggaling sa portal. Napahawak kami sa aming kaniya-kaniyang mga mata ng masilaw kami sa liwanag na nagmumula sa portal, hanggang sa bigla na lamang din maglaho ang liwanag na siyang naging dahilan upang makita namin ang kaninang puno ng kulay na portal na ngayon ay maski isang kulay ay wala na.

Kasabay ng pagkawala ng liwanag sa portal na iyon ay ang pagka-iwan ng susi sa portal na ngayon ay nasa kamay na muli ni kuya Lucian. Kung ganoon ay para mabuksan ang portal ay ilalagay sa gitna ang bilog at sasabihin ang mga katagang marapat sabihin, at kapag tuluyan na itong nabuksan ay iluluwa nito ang bilog upang kapag isasarado na ang portal ay muling ilalagay sa gitna ang bilog at babanggitin naman ang mga linyang marapat sabihin.

“Tayo’y magdiwang!”

“Mabuhay ang San Agustin!”

“Mabuhay ang mga magkakapatid na Arthur-Añonuevo!”

Napuno ng tawananan at sigawan ang paligid ng tuluyan na namin na maisarado ang portal. Kahit ang iba ay sugatan ay nanghihinay ay hindi ito naging hadlang upang makita namin sa bawat isa ang kagalakan sa aming mga mata.

Napatingin ako kina mudra at pudra na masayang kayakap ang bawat isa, hindi ko maiwasang mapangiti rin dahil sa eksenang iyon. Magkakasama ang tatlo kong mga kapatid at nakita ko ang paglapit ni kuya Yael kay ate Xavi, mukhang ang noong pantasya ni kuya Yael na maligawan si ate Xavi ay maisasakatuparan na.

Tuluyan na akong tumalikod sa eksenang iyon upang sana ay magpasalamat sa mga nilalang na tumulong sa amin upang matapos ang misyon na ito, subalit pinigilan ako ng isang kamay upang ako ay makapaglakad muli.

“Santiago?” naguguluhang tanong ko sa kaniya, paano ba naman, bigla-bigla na lamang akong pipigilan.

“Mara, noong una hindi ko inaasahan na titibok pala ang puso ko para sa isang nilalang, ngunit napatunayan ko na magkakagusto rin pala ako, simula ng makita kita, Mara, ang tinitibok ng puso ko ay ang pangalan mo,” aniya ni Santiago kasabay ng paghawak niya sa aking kanang kamay upang dalhin ito sa kaniyang bibig at ito ay bigyan ng isang maliit na ngiti.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sitwasyon na ito, wala rin akong mahanap na tamang nga salita upang matugunan ang pag-amin ni Santiago. Hanggang sa isang iglap ay hindi ko nalamang namalayan na nakabig ko na pala siya papalapit sa akin, para sa isang yakap.

“Santi, making ako man ay ikaw rin ang tinatangi ng aking puso,” sa wakas ay nasabi ko na rin ang nais kong sabihin sa kaniya.

Dahil sa aking sinabi ay mas humigpit ang pagkakayakap namin sa bawat isa, ayaw ko ng kumala pa, ayaw ko ng umalis pa mula sa mga yakap niya.

Akala ko ay puro kasiyahan na lamang ang madarama ko pagkatapos ng laban na iyon, subalit ang kaninang pagtatambol ng aking puso dahil sa kasiyahan ay napalitan ito ng isang matinding kaba.

Nakakita ako ng isang pigura ng isang nilalang na sa kasalukuyan ay nakatingin sa akin. Kinakabahan, natatakot, nangangamba, tatlong magkakahalong emosyon ang aking nadarama sa mga oras na ito.

‘Sino ang babaeng iyon?

‘Sino ang naka-itim na babaeng tumalikod habang may ngisi na nakapinta sa kaniyang mga labi?’

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2022.
                             




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro