Kabanata 45

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 45

Xiomara Yvette’s Pov:

Kung kanina ay wala akong nararamdaman na pagkabahala o anumang kaba ay tila nag-iba ang aking pakiramdam sa pagkakataon na ito. Napuksa na namin ang mga minotaur, ang lahat ng minotaur ay patay na, hindi na sila humihinga, ngunit hindi ko inaasahan na may kasunod pa pala. May mga kalaban pa pala ang naghihintay sa amin, ang mga itim.

Kung ikukumpara kanina ay walang-wala ang dami ng mga minotaur, tila naging triple ang bilang ng mga itim. Mula sa mga lobo, ibon, at iba pang mga hayop subalit may iilang mga diwata rin, itim na diwata ang nasa panig nila. Napalunok ako ng makailang beses at mas lalong nananig ang kaba sa aking didib.

Ninanais ko man na iwaksi subalit hindi ko magawa, napupuno ng mga negatibong bagay ang aking isipan.

Ang mga nararamdaman na iyon ay bigla rin naglaho ng maghawak-hawak kami ng kamay ng aking mga kapatid. Kakaiba, parang may kung anong elektrisidad ang dumadaloy sa aking katawan dahil sa naramdaman ko ang isang bagay. Iyon ay ang pagtitiwala sa sarili, sa mga oras na ito ay higit na kailangan namin ang magtiwala sa aming mga sarili dahil kami at kami lang ang maaaring magtulungan sa mga oras na ito.

‘Pagbilang ni kuya Lucian ng tatlo, pupuwesto tayo,’ iyon ang naging pahayag ni ate Xavi sa aming mga isipan. Nang mapasulyap ako sa puwesto ng aming mga magulang at maging sa puwesto ng aming mga kasama ay nakita ko sa kanilang mga mata ang pagkalito, pagkalito sa mga pangyayari.

Kaagad kaming nagsipagbitiw sa aming pagkakahawak sa bawat isa ng magsimulang bumilang si kuya Lucian sa aming mga isipan, nagagawa namin ito dahil kay ate Xavi.

‘Isa,’

Nagsimula kamng maglakad papunta sa ibat-ibang direksiyon, si kuya Lucian ay patungo sa kaliwang bahagi habang si ate Xavi naman ay sa kanan at kami ni kuya Leo ang magkasama. Patungo kami sa harapan. Nang makatatlong malilit na lakad kami ay nagpatuloy si kuya Lucian sa kaniayng pagbilang.

‘Dalawa,’

Kaagad namin nilabas ang aming mga sandata, mukhang hindi pa iyon napapansin ng mga itim dahil nagpatuloy pa sila sa kanilang paglapit.

‘Tatlo!’

Sa pagtatapos ng pagbibilang ni kuya Lucian ay ang pagsisimula namin sa pag-atake, mukhang nagkamali ako kanina noong mga oras na naisip ko na hindi nila kami napansin. Dahil ang ilang mga itim ay tuluyan nang nakapalibot sa bawat isa sa amin.

Kaagad kaming umaksiyon at ginamit ang aming mga sandata, si ate Xavi ay ginagamit ang kaniyang latigo upang mapuksa ang mga lobo at ilang mga hayop, si kuya Lucian na ngayon ay ang pana at palaso ang hawak upang mapuksa ang mga itim na ibon habang kami ni kuya Leo ay ang bahala sa mga natirang nilalang. Gamit ang kaniyang sibat at ang aking espada ay sabay-sabay namin na pinupuksa ang mga itim na diwata.

Mukhang may sinabi si ate Xavi kina kuya Yael at Santiago gamit ang pakikipag-usap sa isipan dahil naramdaman ko ang paggawa ni kuya Yael ng harang, kasabay noon ay ang unti-unti nilang paglayo. Iyon ang lubusang nakabubuti sa ngayon, upang sa ganoon ay hindi na sila mapuruhan pa dahil sa mga itim.

‘Kuya Lucian lituhin mo sila, Mara, Leo, habang nililito ni kuya Lucian ang mga itim ay gumawa na kayo ng hakbang, kung kinakailangan ay gamitin ninyo ang inyong mga kapangyarihan upang tuluyan ng mapuksa ang mga minotaur.’

Dahil sa sinabing iyon ni ate Xavi sa aming mga isipan ay nagkatinginan kami ni kuya Leo. Mukhang hindi nga matatapos ang labanan na ito kung walang magsisimula ng magiging dahilan upang magtapos ang panibagong digmaan na ito.

Nakita ko si kuya Lucian na ginagawa ang buo niyang makakaya upang malito niya ang mga itim dahil palipat-lipat na ito ng puwesto na naging dahilan upang mahirapan ang mga itim na puksain siya. Habang si ate Xavi naman ay tila kinakausap ang ilang mga itim gamit ang kaniyang isipan dahil may ibang mga itim an natutuod na sa kanilang mga kinatatayuan.

Muli kaming nagkatinginan ni kuya Leo sa pagkakataon na ito at sa mga oras na ito ay alam na namin ang dapat naming gawin. Kaagad na namin na ipinagsanib puwersa ang aming kapangyarihan ni kuya Leo.

Gamit ang hangin ay pinaiikot ko ito sa buong paligid kung nasaan ang mga minotaur, gamit naman ang kapangyarihan ni kuya Leo na apoy ay isinama niya ito sa aking kapangyarihan na naging dahilan upang makarinig kami ng mga hiyaw at sigaw na nangagaling sa mga itim. Hindi ako nakuntento na matupok lamang sila ng apoy bagkus ay kasabay ng pagkain sa kanila ng apoy ay ang pagkawala ng kanilang mga hininga dahil sa aking kapangyarihan.

Hindi ako makapapayag na may matitira pa sa kanila, hindi nila kailangan na manatili pa rito para lamang gambalain ang mga nilalang na tahimik na namumuhay dito sa San Agustin. Kinakailangan na maibalik ang katahimikan na ginambala ng mga itim.

‘Mara, Leo, ngayon na,’ dahil sa sinabi ni ate Xavi sa aming isipan ni kuya Leo ay napatingin ako sa kanilang dalawa. May ngiti sa kanilang mga labi habang sabay silang tumango ng makailang ulit. Napalingon ako sa paligid at wala na ang mga itim, wala na ang mga kalaban.

Kaagad na bumuhos ang aking luha dahil dito, hindi dahil sa lungkot o galit, ngunit dahil sa kagalakan.

Hindi na kami nag-aksaya pa ni kuya Leo ng mga segundo at minute dahil kaagad na naming ginawa ang pinakahuli naming plano.

Gamit ang kapangyarihan ni kuya Leo ay pinalibutan niya ang buong kuweba ng apoy na siyang naging dahilan upang muli naming ipagsama ang aming kapangrihan.

Dahil sa hindi ganoon kabilis kumalata ang apoy sa buong kuweba ay ginamit ko ang hangin na aking kapangyarihan upang ang apoy na ginawa ni kuya Leo ay tuluyang makapasok sa buong kuweba. Hindi nagtagal at kitang-kita na ng aking dalawang mata ang pagkatupok ng kuwebang makailang beses namin na hinahanap, tuluyan ng natupok ang kuwebang alam kong hindi na mabubuong muli kailan pa man.

‘Job well done Arthur-Añonouevo’s,’ hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabing iyon ni ate Xavi sa aming isipan. Yeah, we all did the right thing to do, to bring back thr peace in San Agustin.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2022.
                             

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro