Kabanata 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 11

Xiomara Yvette's Pov:

Pagkagising na pagkagising ko ay aking nadatnan kaagad sila ate Xavi at kuya Lucian na bihis na bihis na, tila may pupuntahan.

Mukhang hindi ata napansin ng aking mga kapatid ang naging pagbangon ko dahil abala sila sa pag-aayos. I tilt my head out of confusion when ate Xavi started to put some weapons in her bag. She wore her iconic oversized shirt and her not so long short. On the other hand kuya Lucian was wearing a pants and a polo. I also saw him put a knife on his hidden pocket. What is happening?

"Should I also get dress? Lalaban na ba tayo sa mga minotaur?" agarang tanong ko.

Inayos ko na ang aking pinaghigaan at mabilisan na ginawa ang mga bagay na ginagawa ko sa umaga. Nilabas ko na rin ang aking susuotin at mabilisan ang pagtungo sa banyo, ngunit napagtanto ko na sarado ito. Kuya Leo must be there.

"May nakuha akong mensahe mula kay mudra, hanapin daw natin ang mga Godmother niya," wala na akong naging sagot sa sinabi ni ate bagkus ay nagsimula na lamang akong mag-isip.

That means we are not yet going to save our parents but instead we needed to find the Godmothers of mudra.

Napatingin ako sa pinto ng banyo ng makitang bumukas na ito, andito nga si kuya Leo. Mayroon pa itong tuwalya na nakapalibot sa kaniyang leeg.

Ngumiti lamang sa akin si kuya, senyales na maaari na akong pumasok sa loob ng banyo dahil tapos na siya. Walang sali-salita na pinasok ko ang banyo at doon ay ginawa ang bagay na dapat kong gawin, ang maligo.

I expected that kuya Leo will also bring some weapon just like my two older siblings. Marahil ay dapat ko rin na dalhin ang aking sword na nakatago bilang isang hair comb.

"Are you guys ready?" ang siyang naging pagtanong ni kuya sa amin ng tuluyan na akong makalabas mula sa banyo.

I nodded as answer and at the same time I started to remove the towel that I used to dry my hair. Each one of us look to each other before we finally go out in our room.

Napangiwi na lamang ako ng magsimula ang pabubulong-bulungan ng mga diwata ng makita ang aming paglabas sa aming silid. Maybe they are not expecting this kind of clothes we are wearing. I see nothing wrong about our clothes but fairies here are maybe not familiar with this kind of clothes. All eyes are on us and I hate that.

"Don't mind them." Tumango na lamang ako bilang sagot sa sinabi ni kuya at itinuon na lamang ang atensiyon sa paglalakad.

Salamat naman at naabot na rin namin sa wakas ang bukana ng kaharian ng San Agustin. We are about to enter the kingdom when suddenly, one of the soldier stop us.

"Bakit ganiyan ang mga kasuotan ninyo? Hindi kayo maaaring pumasok ng kaharian ng basta-basta."

Para sa pangalawang beses sa pagkakataong ito, napangiwi na naman ako.

"We should change, mas mabuting makisama tayo dahil galing tayo sa mortal na mundo," aniya ni kuya Leo na siyang sinangayunan namin.

Humingi kami ng paumanhin sa kawal at handa na sanang umalis upang makapagpalit ng damit na aayon sa kanilang lugar ng sa isang iglap ay hinarang kaming muli ng mga kawal. Sa pagkakataon na ito ay hindi na isa ang humarang sa amin ngunit lima, limang mga kawal ang nakaharang sa amin at nakatutok sa amin ang kanilang mga sibat.

"Takte, anong ginagawa niyo?" kalmado ngunit iritadong tanong ni ate Xavi sa mga kawal.

We don't know what's wrong with them, we just want to leave because we needed to change, that's it. Napalunok na lamang ako ng makitang marami na ang mga nakiki-chismis sa mga nangyayari.

"Paano ninyo nakita ang immortal na mundo? Sinong mga magulang ninyo? Bakit kayo naririto sa San Agustin? Anong pakay ninyo? May lahi ba kayong immortal?" sunod-sunod na naging pagtanong ng bawat isa sa limang kawal na siyang nakapaligid sa amin.

Nagkatinginan kami at wala ni isa sa aming magkakapatid ang nais na sumagot. Tila naghihintay ang lahat sa aming magiging pagsagot ng sa hindi inaasahan ay dumating ang dalawang lalaking immortal.

"Mga anak sila nina Ximena Arthur at Leander Añonuevo, malamang kung kilala niyo sila ay magkakaroon kayo ng ideya kung sino sila." Nagbulong-bulungan ang mga diwata dahil sa sinabi ni Santiago. Kung ganoon, ay kilala ang aming mga magulang dito at mukhang may nagawa pa sila sa San Agustin.

"Let's go," aniya ni kuya Yael na siyang ikinataka namin. Iiwan ba namin si Santiago rito?

"Paano si Santiago? Iiwan ba natin?" naunahan na naman ako ni ate Xavi sa pagtatanong, 'di bale na.

Hindi ko na naman kita ang mga mata ni kuya Yael dahil sa kaniyang bangs, looks like he doesn't want someone to see his eyes.

"Santi can handle it, follow me," he demanded. We doesn't have any choice but to follow kuya Yael as he finally entered the kingdom of San Agustin.

As we entered the kingdom, I saw queen Cairine and king Khallil sitting on their expensive thrones. Mukhang hinihintay kami.

"Greetings our queen and king, I am the prince of  the kingdom of the air, Yael Kingsley Finch," hindi na ako nagtaka na prinsipe si kuya Yael. Based on how he act, how mature he is, I can tell that he is really a prince.

Tanging pag-bow at pagngiti lamang ang aming nagawa dahil kahit narinig na namin kay kuya Yael kung paano bumati ay malamang nagkahihiyaan pa rin kami.

Hindi ko na napansin na bumati pa pala si Santiago sa reyna at hari, namalayan ko na lamang kasi na nasa tabi ko na ito at iwinawagayway ang kaniyang kamay sa aking harapan.

"Hilo, okay ka lang?" tanong habang patuloy siya sa kaniyang ginagawa.

Napa-ismid na lamang ako at hindi siya sinagot, tumungin ako sa harapan at nakita na nakikipag-usap na pala ang aking mga kapatid sa hari at reyna.

"Nais lamang po namin na pormal na magpaalam, tutungo po kami sa mga Godmothers ng aming ina dahil ani ng aking kapatid na si Xaviera, ay nais ng aming ina na magtungo kami sa kanila. Nagka-usap po ang aking kapatid at ang aming ina sa pamamagitan ng kanilang isipan."

I still can't believe how fluent kuya Lucian is, in speaking Filipino language. Most of the time his not like this, that's why I am amazed.

"Kung iyan ang gusto ng inyong ina ay wala na akong magagawa pa, ngunit nais ko sana na isama ninyo si Santi at si Yael sa inyong pupuntahan. Ito ay inyong misyon ngunit nais ko na matuto pa ng lubusan sina Yael at Santi kaya kung hindi naman sa inyo problema ay maaari ba na isama niyo sila?" ang naging komento ng reyna.

Kuya Lucian looked at us but kuya Leo was the only one who nodded, mas mabuti na rin na may kasama dahil hindi rin naman kami pamilyar sa lugar na ito. I can't even remember if we've been here when we're kids.

"Wala pong problema sa amin iyon, mas makabubuti po na may kasama kami dahil hindi po kami gaanong pamilyar sa San Agustin," just like what I think.

Ngumiti ang reyna bago hinayaan ang kaniyang asawa na si haring Khallil ang magsalita.

"Kung gayon ay narito ang ilan sa mga sandata na maaari niyong gamitin, hindi natin alam kung ilang araw kayo magtatagal doon, basta huwag ninyong kalimutan ang balitaan kami." Tumango kami sa sinabi ng hari at nagsimula ng maglakad patungo sa gilid kung saan naroroon ang mga sandata na kaniyang tinnutukoy.

Kinuha namin ang mga sandata na sa aming tingin ay kaya naming gamitin. I get one of the swords there because I already know how to use this, mapapagpahingahan ko rin ang espada ko dahil dito. Kuya Lucian get one of those spears while ate Xavi get one of those whip and kuya Leo got a crossbow, mas madali raw gamitin kumpara sa isang long bow, aniya.

Si kuya Yael na mukhang bihasa naman talaga ay kinuha ang isang long bow habang si Santiago naman ay kumuha ng halos lima o pito pa nga ata na punyal na siyang ikinangiwi ko na lamang.

"Gusto mo rin?" inosenteng pagkakatanong ni Santiago sa akin. Porke nakita niya ako na nakatingin sa hawak niya ay tinanong na niya ako kaagad.

"Not at all." Tanging sagot ko at mabilisan siyang tinalikuran.

We already know what we should do when all of us started to get what we needed, we already bid our goodbyes to the queen and king so we started to gather around kuya Yael and put our hands onto his shoulders. Hindi nagtagal ay naramdaman na rin namin ang lamig ng hangin ng magsimulang mag-teleport si kuya Yael.  Mukhang alam na niya kaagad kung saan kami marapat na pumunta.

"Dito na 'yon?" ang siyang naging tanong ni ate Xavi.

"Hindi pa ata, walang bahay o." Kamot ulo na sagot ni Santiago habang palinga-linga.

Sinimulan ko na rin ang magpalinga-linga at tama nga siya, walang mga bahay o kubo man lamang sa paligid.

"I have a map, you can take a look on it." Ibinigay ni kuya Yael ang mapa na dala kay kuya Lucian at doon kami nagsimulang magkumpulan.

"Ito, ito 'yon!" aniya ni kuya at may itinurong direksiyon sa mapa.

Napatingin kami sa kaniya ngunit hindi kaagad na naniwala.

"Kuya how can you be so sure about this?" tama si kuya Leo, paano nakasisiguro si kuya Lucian na tama ang sinabi niya.

"Trust me, you know instincts." Kumindat si kuya at nagsimulang maglakad patungo sa kaniyang kaliwa.

"Oy! Hintay!" sigaw ni ate Xavi at sumunod kay kuya Lucian. Nagkatinginan kami ni kuya Leo at walang nagawa kundi ang sumunod na rin.

Napatigil lamang ako ng mapansin na hindi sa amin sumusunod ang Fern duo.

"Tara, 'wag na tayong magsayang ng oras," kita ko ang pagtigil ni kuya Leo dahil sa aking sinabi. Samantala, si kuya Lucian at ate Xavi naman ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad.

"How can Lucian know where your mom's Godmother is, just by looking on the map?" kaya naman pala, iyon ang dahilan ni kuya Yael na mukhang siya rin na dahilan ni Santiago.

"Trust kuya, hindi tayo mapapahamak sa instincts niya," si kuya Leo ang sumagot.

We continued walking and just then I felt the presence of Santiago beside me. Iniwan ako ni kuya Leo dahil sumabay ito kay kuya Yael na hindi marunong tawagin si kuya Lucian na kuya.

"Problema mo?" hindi ko pinansin ang pagsasalita ng katabi ko dahil ayaw ko. Naaalibadbaran ako sa kanya, 'yon lang.

Hindi nagtagal ay tumigil si kuya Yael at kuya Leo sa paglalakad kaya tumigil din kami ni Santiago.

"Kuya, what's wrong? Why did you stop?" tanong ko kay kuya Leo. Wala akong nakuhang sagot dito bagkus ay nagsimula muli silang maglakad.

"The Godmothers, they are waiting for us," sagot ni kuya Leo bago ako binigyan ng hindi gaanong kalakihan na espasyo upang makita ko ang nsa aming harapan.

Just then, I saw a four gorgeous women standing in front of their house smiling from ear-to-ear, waiting for us. 

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2022.
                             




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro