Kabanata 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 12

Xiomara Yvette's Pov:

I can't deny that this four beautiful ladies, I mean fairies, are totally gorgeous.  Other than the beautiful faces they have, the dresses they are wearing are truly elegant. I also admire how true the smile written in their faces are.  Ang gaganda nila.

"M-magandang umaga po, kayo po ba ang mga Godmothers ng ina namin?" tanong ni kuya Lucian na siyang ikinangiti ng apat na mga diwatang ito sa aking harapan.

"Oo kami nga, huwag na kayong magduda pa," sagot ng diwata na naka-kulay puting damit.  Well doubting them didn't even came up in my mind. Siguro ay dahil alam ko at ramdam ko na kakampi sila. I feel like the air is telling me to trust them.

"Weh? Sure po ba 'yan?" nasapo ko na lamang ang aking noo dahil sa naging tanong ni ate Xavi.

Akala ko ay magagalit ang mga fairies ngunit tumawa pa sila, taliwas sa aking iniisip. The Godmother of mudra who wear an orange dress was the one who answered the question of ate Xavi.

"Akala ko ay kamukha mo lamang si Ximena, kaugali mo rin pala," aniya ng diwata na may kulay kahel na damit. Tama sila, among the four of us, I can tell that ate Xavi is the carbon copy of mudra.

Madalas silang mapagkamalan na kambal lalo na at parang hindi naman tumatanda si mudra, isa sa dahilan nito ay dahil immortal si mudra. May mga pagkakataon na parang hinulma si ate Xavi kay mudra, maliban na lamang sa mga mata nila na magka-iba. Araw-araw kaming magkakasama at sinabi minsan ni pudra na kung anong ugali ni ate Xavi ngayon ay siyang ugali ni mudra noon.

On the other hand, kuya Lucian was the one who got the traits of pudra, palatawa, mapagbiro ngunit mapagmahal. While us, kuya Leo and me, are the mixture of both mudra and pudra.

The four gorgeous fairies laughed on chorus, ngunit ang tawanan na iyon ay agad din na pinutol ng Godmother ni mudra na mayroong kulay pulang damit.

"Tama na sa mga salita aking mga kapatid, magpakilala na tayo dahil mukhang uulan pa ata, pagmasdan niyo ang kalangitan," sinunod namin ang sinabi ng fairy na may pulang damit. She's right, the sky is dark and I'm sure later on, a big amount of rain was about to pour.

"Ako si Dahlia, ako ang nagbigay kay Ximena ng kaniyang espesyal na abilidad na tinatawag na bilocation." Napatingin kami kay kuya Lucian nanng sabihin ito ng may pulang damit. Godmother Dahlia has a similarity with kuya Lucian, their smiles can enlighten someone.

"Ako ang pangalawa sa aming magkakapatid, Camelia ang ngalan ko at ako ang nagbigay sa inyong ina ng isang espesyal na abilidad na tinatawag na telepatiya. Huwag niyong kalilimutan na ako ang pinakamaganda." Nagsipagtawanan kami dahil sa itinuran ni Godmother Camelia, ang nakasuot kanina ng kulay puting bestida.

Lahat kami ay natawa sa sinabi na iyon ni Godmother Camelia maliban na lamang sa diwata na may kulay kahel na damit, nakita ko ang pag-ismid nito na marahil nakita rin ng mga kasama ko.

"Hoy, mas maganda ako, 'yon ang tama. Ako si Marigold, ako ang nagbigay sa inyong ina ng kaniyang abilidad na makakita ng mga pangyayari sa kinabukasan." Sa pagkakataon na ito ay sa akin naman natuon ang atensiyon nila. If that's the case, then I'm happy that I met the Godmother of mudra who gave her the special ability called, precognition.

"Lavender ang aking ngalan, kakambal ko si Marigold at ako ang nagbigay sa inyong ina ng isang espesyal na abilidad na kung saan maaari niyang makita ang pangyayari sa nakaraan." Yumuko si Godmother Lavender at muling nanahimik.

I felt that we do have similarities, the way I hate attention, introductions and the way I became shy everytime makes me think that Godmother Lavender and I are sisters. Siguro siya ang pinaglihian ni mudra noong ipinagbubuntis pa lamang niya ako.

"Puwede po ba namin kayong tawagin na bloom sisters?" gusto ko ang nais itawag ni ate Xavi sa mga Godmothers ni mudra.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Godmother Dahlia at Godmother Camelia habang si Godmother Marigold naman ay napataas ang isang kilay habang si Godmother Lavender ay nakayuko pa rin. Sobra naman ata ang pagkamahiyain ni Godmother Lavender lalo na at ilang libong taon na siguro sila namamalagi rito.

"Ano ang iyong ibig ipakahulugan sa iyong tinuran?" nakataas pa rin ang kilay na tanong ni Godmother Marigold kay ate Xavi na siyang ikinakunot naman ng noo ni ate.

Mukhang hindi ata natatandaan ni ate ang mga ikinuwento ni pudra na, hindi marunong ang mga naririto ng Ingles na lenggwahe maliban na lamang kung naturuan sila nila queen Cairine at queen Yvonne.

"Po? Bloom sisters po, para easy po ang pagtawag sa inyo," napabuntong hininga ang tatlong Godmother maliban kay Godmother Lavender.

"Speak in the language of Filipino, they can understand it," mukhang nakuha naman ni ate Xavi ang nais sabihin ni kuya Yael.

Tumango-tango si ate at kalaunan ay nagsalita na rin.

"Bloom sisters po, ang ibig sabihin ay namumulaklak na magkakapatid na babae, tutal galing po ang mga pangalan ninyo sa ibat-ibang uri ng bulaklak," malumanay ang pagkakasabi ni ate Xavi sa bawat salita na kaniyang binibitiwan. May pa-aksyon pa ang bawat pagbigkas ni ate Xavi sa mga salita na siyang naging dahilan upang mas maintindihan ito ng mga Godmothers.

Tumango si Godmother Dahlia at ganoon din si Godmother Marigold, habang si Godmother Camelia at Godmother Lavender ay kapuwa may mga ngiti na sa kanilang mga labi na nakapinta.

"Maaari, sa ngayon ay magtungo na tayo sa aming tahanan dahil umaambon na," tama si Godmother Camelia, umaambon na nga.

We followed the four Godmothers and as we entered their house I can smell that we will be having a delicious dinner.

"Matagal na po ba kayo rito?" ang naging tanong ni kuya Leo ay ang parang naging katanungan na rin naming lahat. We look around the house and by seeing it, I can easily tell that this house was built a long time ago.

"Oo iho, isa kami sa mga sinaunang diwata na patuloy pa rin na nabubuhay sa mundo ng San Agustin," si Godmother Dahlia ang sumagot sa tanong ni kuya Leo.

Kung ganon ay marami na nga talaga silang napagdaanan, malamang sa malamang ay marami na rin na mga digmaan ang kanilang nasaksihan. I'm again amazed that someone like them can manage to live for a very long time. I know that they are immortals but the fact that nobody managed to kill them is indeed amazing. 

"Bukas ay magsipaggising kayo ng maaga dahil hahasain natin ang inyong mga espesyal na abilidad," aniya ni Godmother Marigold na iyang sinangayunan naman kaagad ng kaniyang kapatid na si Godmother Camelia.

"Tama si Marigold at isa pa kung iniisip niyo na aatake kaagad kayo ay pasenisya ngunit nagkakamali kayo, kailangan ninyong matuto at hindi niyo kailangan ang magpadalos-dalos. Darating ang araw na ating pinakahihintay."

We really want to save our parents right away ever since we landed our feet on the ground of San Agustin. At the same time we know we can just go to those minotaurs and kill them in an instant. We have a knowledge and some skills but it was just not enough. 

Nagulat na lamang kami ng ang tatlong Godmothers ni mudra ay nagmistulang mga pixie dahil sa liit ng mga ito. What's going on? Bago pa man may makasagot sa amin ay nagsalita na kaagad ang isa sa kanila na hindi ko na matukoy kung sino. Hindi ko pa nga gaaanong tanda ang kanilang mga boses.

"Mga sinaunang diwata kami kaya may kakaiba rin kaming kakayahan, iyon ay ang mabago ang aming laki kung kailan namin nanaisin."

Mukhang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila namamatay ang ang kanilang isa pa na esspesyal na abilidad kung saan nababago nila ang kanilang mga laki.

"Alam ko na marami pa kayong mga katanungan, pero sa ngayon ay ihahatid ko na kayo sa inyong matutulugan," for the first time, Godmother Lavender talk.

Hindi na kami sumagot at tanging pagtango at pagngiti na lamang ang aming ginawa upang sabihin ang mga salitang 'sige po' sa mas mabilis na paraan.

I know tommorow is an another day to be ready for, a new day that will give us the determination to fight.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2022.
                             

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro