CHAPTER I: PUTO

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

"Nay! Saglit lang po ako promise!" Sigaw ni Fatima habang papalayo sa kubo na kanilang tinitirhan, bitbit nya ang isang basket kung saan nya ilalagay ang isdang mahuhuli nya sa sapa. Ganoon ang palaging routine nya sa lumipas na mga araw dahil ang kanyang amang mangingisda ay mayroong trangkaso at walang ibang aasahan para magkaroon sila ng ulam para sa araw na iyon kundi sya lamang.

Ang kuya nya kasi ay nasa bayan nagta-trabaho samantalang ang bunso ang naiiwan namang katuwang ng kanyang ina sa pag-aasikaso sa tahanan nila, maaari naman syang huwag magtungo sa sapa sa loob ng kagubatan ngunit ayaw na nyang mag-ulam ng asin dahil pakiramdam nya magkakasakit na sya sa sunod-sunod na araw na iyon ang kanyang inuulam.

Maingat syang naglakad sa daan na tinatahak, marami kasing nakausling kahoy na kung hindi sya mag-iingat ay paniguradong masasaktan na naman sya ng mga iyon. Diretso ang isip nya sa kung ano ang dapat gawin kaya ng makarating sa sapa ay agad syang nanghuli ng isda para sa ulam nila ng araw na iyon.

Masaya sya, sobra dahil ng matapos sa panghuhuli ay lagpas sa mga daliri nya ang kanyang nakuha. Buong lakas nyang binitbit iyon pauwi sa kanila kahit pa pagkaliit-liit nya, hindi nya batid kung bakit pero bigla na lamang bumagal ang lakad nya hanggang sa tuluyan na syang napahinto. Inilinga nya ang ulo at tiningnan ang paligid, pilit nyang pinakikiramdaman ang nakapalibot sa kanya hanggang sa rumihistro ang isang ingay na para bang mayroong nasasaktan.

"Tulong! Tulong!"

Napakurap-kurap sya ng marinig iyon, pinilit nyang hinanap ng tingin ang sumisigaw pero hindi nya makita at akmang magpapatuloy na sya sa paglalakad ng may matinis na pagdaing ang sunod nyang narinig, kumabog ang dibdib nya sa kaba at para bang may kusang nagpagalaw sa paa nya, tinungo nya ang pinanggagalingan ng ingay at nanlaki ang mga mata nya ng makita nya ang isang lalake na sa tingin nya ay higit na mas matanda sa kanya, nakaakyat ito sa isang malaking bato habang mayroong ahas sa ibaba no'n at binabantayan ang kawawang lalake.

Akmang tutuklaw na ang ahas ng mabilis nyang hawakan ang ulo nito, hindi nakapalag ang ahas dahil na rin sa pagbwelo nya. Inalis nya ang tali sa buhok at itinali iyon sa ahas saka nya binitbit iyon at inihagis sa malayo, bumaling agad sya sa basket nya at binitbit iyon.

"Bilisan mo na, baka bumalik iyon." Nagmamadaling sabi nya saka naglakad, takot man ang lalake ay agad sya nitong hinabol.

"Salamat," rinig nyang sambit nito ng makahabol sa paglalakad nya.

"Sa susunod ay huwag kang papasok sa masukal kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo." Masungit na sabi nya dahil naiinis sya sa kaduwagan nito, hindi na nya iyon pinansin at iniwanan na doon.

Nalimutan na nya ang tungkol sa lalakeng iyon sa paglipas ng mga araw, wala na rin sa isip nya ang naganap dahil kusang nakakalimot ang isip nya sa mga bagay na hindi naman nya gaanong pinahahalagahan.

Nakasuot sya ng bestida ng marinig nya ang galit na boses ng kuya nya ng makitang walang ulam na naroon, ihininto nya ang ginagawa at iniligpit saka hinanap sa sabitan ang basket nya. Dali-dali syang lumabas ng bahay na ang tanging bitbit ay basket, nalimutan na nga nyang palitan ang suot na bestida at basta na lamang tumungo sa loob ng kagubatan para pumunta sa sapa.

Tuloy-tuloy lang ang lakad nya ng maramdamang para bang may sumusunod sa kanya, saglit syang huminto at para bang ganoon din ang ginawa ng sumusunod sa kanya kaya naman sinubukan nyang linlangin ito, sapagkat kabisado na nya sa loob ng isang taon ang kagubatan ay nagawa nyang malaman kung sino iyon, kunot ang noo nya ng makitang isang lalake iyon.

Sa sobrang kaba dala ng kabog ng dibdib ay agad nyang inilabas ang kutsilyong nasa loob ng basket nya.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw nya, abot-abot na kaba ang nadarama nya sa isiping baka pagsamantalahan sya nito kagaya ng mga naririnig nya sa balita sa radio ng kanyang ama.

"Hindi kita sasaktan, ibaba mo 'yan." Seryosong sabi nito sa kanya.

"Masasaktan ka talaga kapag lumapit ka!" Itinutok nya ng maayos ang kutsilyo. "Bakit mo ako sinusundan?!" Nagpa-panic na tanong nya.

"Kalma, sinundan kita dahil pamilyar ka sa akin at tama nga ako, ikaw yung nagligtas sa akin noong nakaraang taon."

Napakunot lalo ang noo nya ng marinig iyon, pinilit nyang kalkalin sa isip ang sinasabi nito pero hindi nya maalala. "Iniligtas kita noong nakaraang taon? Hindi kita maalala!"

"Yung batang iniligtas mo sa ahas," pagpapaalala nito kaya natahimik sya saka lamang nya naalala na mayroon nga syang tinulungan noong nakaraang taon.

"Anong mayroon at kailangan mo kong sundan?" Salubong ang kilay na tanong nya.

"Gusto lang sana kitang kamustahin," di siguradong sagot nito.

"Hindi tayo magkakilala o magkalapit para kamustahin mo ako." Masungit na sabi nya.

"Alam ko pero utang ko sayo ang buhay ko."

"Hindi ako naniningil kaya umalis ka na lubayan mo ako."

"Bakit naman parang ang ilap mo?" Kunot-noong tanong nito saka humakbang palapit dahilan para mapaatras sya at bumagsak sa lapag dahil sa naatrasang nakausling kahoy, napatili sya ngunit mabilis naman syang inagapan ng lalake kahit pa bumagsak sya sa lapag. "Ayos ka lang?" Tanong nito.

Tinaasan nya ng isang kilay iyon. "Ano sa tingin mo?"

"Bakit ang taray mo naman?"

"Wala kang pakealam."

"Okay..." pinulot nito ang basket nya, inagaw nga iyon saka tumayo at nagmamadaling naglakad palayo pero nanlaki ang mga mata nya ng makahabol ito. "Saan ka pala pupunta?"

"Wala kang pakealam."

"Kasasabi mo nga lang,"

Napahinto sya sa inis. "Pwede ba?! Wag mo kong sundan!"

"Sasamahan lang naman kita,"

"Hindi ko kailangan."

"Ang sungit mo."

"Wala kang pakealam, lubayan mo ako!" Pagtataboy nya ngunit muling dumaan ang mga araw at palagi na itong nakabuntot sa kanya kaya naputol na ang pisi ng pasensya nya. "Pwede ba?! Tigilan mo ako!" Sigaw nya na nag-echo sa buong kagubatan.

"Bakit ba inis na inis ka sa akin?"

"At nagtatanong ka pa! Bakit kasi ayaw mo kong lubayan!"

"Gusto ko lang namang makipagkaibigan." Sambit nito na ikinahinto nya, kaibigan wala sya ng bagay na iyon, sino ba naman kasing nais makipagkaibigan sa isang hamak na katulad nya? Maging sa paaralan ay walang nais na makipagkaibigan sa kanya dahil bukod sa luma na ang mga damit nya ay ayaw ng mga ito sa isang pulubing gaya nya.

"Hindi mo gugustuhing maging kaibigan ako,” diretsang sabi nya na ikinakunot ng noo nito.

"Bakit naman? Tingin ko naman ay mabuti kang kaibigan."

"Tigilan mo ako." Tanging sabi nya saka tinalikuran ito pero isang linggo ang nakalipas at napakakulit pa rin nito, pinipilit syang kausapin at palaging sumusunod sa kanya. "Oo na!" Iritang sigaw nya. "Magkaibigan na tayo! Lubayan mo na ako!" Pagbibigay nya para lamang huminto na ito dahil ganoon naman palagi kapag pumayag na sya ay saka naman nawawala kaya naman pumayag na sya para lamang mawala na ito ngunit doon sya nagkamali dahil sa mga sumunod na araw ay sumusunod pa rin ito.

"Ano ba talagang problema mo?!" Frustrated ng tanong nya.

Napabuntonghininga ito. "Naghiwalay na kami ng girlfriend ko."

Napakunot ang noo nya, ano iyon? "Ha?" Tanging sagot nya.

"Ibig kong sabihin nobya, naghiwalay na kami ng nobya ko." Sagot nito na ikinatahimik nya. Huminto sila sa gilid ng sapa at naupo sya, naupo din ito sa tabi nya.

"Bakit naman kayo naghiwalay?" Di nya mapigilang tanong dahil alam nyang masakit iyon, base na rin sa mga nababasa nyang nobela.

"Ipinagpalit nya ako sa iba."

"Grabi naman," tiningnan nya ito at para bang nakaramdam sya ng lungkot at pagsisisi na sinusungitan nya ito ganitong mayroon pala itong pinagdaraanan. "Wala ka bang ibang kaibigan?"

Umiling ito. "Dito ay wala ngunit sa maynila ay iilan lang din."

Muli nya itong tiningnan. "Taga-maynila ka?" Tanong nya at ng tumango ito ay hindi na sya umimik.

Taga-maynila, ibig sabihin mayroong kaya ito sa buhay o baka mayaman ito at paniguradong wala lamang itong mapagkaabalahan kaya sya nito inaabala, paniguradong hindi naman talaga ito seryoso sa pakikipaglapit sa kanya. Iyon ang paulit-ulit nyang ipinapaalala sa sarili sa mga sumunod na araw na palagi pa rin itong sumasama sa kanya sa kagubatan, palagi nyang ipinapaalala sa sarili kung gaano kababa ang estado nya kumpara rito upang hindi umasang baka sakali ay magkaroon sya ng tunay na kaibigang kagaya nito dahil kung tutuusin ay malabo-labo 'yong mangyari.

"Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong nya ng papasok na sila sa loob ng kagubatan. "Nasasayang lang ang oras mo sa pagsama-sama sa akin."

"Mayroon pero tinapos ko na ng maaga."

Napakunot ang noo nya ng marinig iyon. "Bakit?"

"Para makasama ako sayo,"

Napahinto sya. "Bakit mo naman gugustuhing sumama sa katulad ko?"

Huminto rin ito at tiningnan sya. "Dahil nalilibang ako?"

Nagsalubong ang mga kilay nya. "Ang ibig mong sabihin kaya ka narito para malimutan sya?"

Nag-iwas ito ng tingin. "Hindi-"

"-umalis ka na," pagtataboy nya. "Hindi ako panakip butas o payasong makapag-aaliw saiyo." Seryosong sabi nya saka nagpatuloy sa paglalakad at iniwanan ito.

Sinasabi na nga ba nya, tama ang kanyang kutob. Sino ba naman kasing magkakainterest sa katulad nyang mababa lamang? Para namang mayroong bagay na ka-inte-interesado sa kanya, hindi dahil nais nyang maging interesado ito sa kanya ngunit dahil batid nyang ang isang katulad nya ay malabong maging kaibigan ng isang kagaya nito, iyon ang palaging sinasabi sa kanila ng kanyang ama noon, wala raw magnanais na makipaglapit sa mga katulad nilang mahirap. Hindi nya noon maintindihan kung bakit ngunit ngayon ay alam na alam na nya kung bakit, kung gaano kalayo ang agwat ng dahil sa mga kaklase nyang halos ipamukha sa kanya ang pagiging mahirap nya.

"Teka lang!" Hiyaw nito pero ni hindi nya nilingon. "Hindi ganoon!" Sigaw pa nito pero wala syang pakealam, pagod na syang maging panakip butas kapag wala ng ibang pagpipilian, ilang beses na nya iyon naranasan sa mga kaklase nyang pinipili lamang sya kapag wala na ang mga itong pagpipilian at kapag mayroon ay halos isuka sya ng mga ito bagay na ikinasasakit ng puso't damdamin nya.

"Hi!" Bungad nito ng sumunod na araw, hinarang pa sya nito para lamang pansinin nya.

Salubong ang kilay na nag-angat sya ng tingin. "Ano na namang kailangan mo?" Magaspang na tanong nya.

"Ito naman, araw-araw mo na lang akong sinusungitan." Ipinakita nito ang dala. "Galing kaming bayan ni mama, naisip kong dalhan ka nito."

"At bakit?"

Ngumiti ito. "Kasi magkaibigan tayo?"

Tinabig nya ito. "Hindi tayo magkaibigan." Sambit nya saka nilagpasan ito.

"Teka lang, ayan ka na naman e!" Reklamo nito saka sinundan sya.

"Sabi ko di ba, tigilan mo na ako, humanap ka ng ibang guguluhin!"

"As much as I want to-" nilingon nya ito. "-ang ibig kong sabihin kahit pa gustuhin ko ay ayoko pa rin, napaka-sasama ng ugali ng mga bata rito."

Gusto nyang matawa ngunit pinigilan nya, masyado kasi itong nagpapakahirap na isalin sa tagalog ang bawat ingles na mababanggit nito marahil akala nito ay hindi nya iyon naiintindihan.

"Ganoon din naman ako katulad nila,"

Umiling ang lalake. "Ramdam kong hindi dahil kung oo ay hindi mo ako ililigtas."

"Napaka-oa mo, alam mo yun?" Huminto sya at hinarap ito. "Simpleng bagay lang iyon bakit kailangan mong i-exaggerate ng ganito?"

"Hindi iyon simpleng bagay, kung hindi mo ako iniligtas ay baka namatay na ako dahil sa ahas na iyon."

"Bakit ba kasi naroon ka?"

Nag-iwas ito ng tingin. "Naligaw ako e tapos pinilit kong hanapin ang daan palabas pero ahas ang nakita ko at hindi ang daan." Napahawak ito sa batok, animo'y nahihiya. "Buti na lamang at dumating ka."

"Pwede ba, hindi ako si darna tigilan mo ang ganyan." Masungit na saway nya na ikinatawa nito.

"Talagang lagi kang nagsusungit," sambit nito na inirapan nya lang saka tumuloy sa paglakad. "Sa sapa ka ulit pupunta? Bakit lagi kang humuhuli ng isda?"

"Bakit ang dami mong tanong?"

"Kasi wala kang sinasagot ni isa?"

"Baka gusto mong manahimik? Ang sakit mo sa tainga."

Tumawa ito. "Napaka-lakas talaga ng loob mo, ni hindi ka man lang nagdadalawang isip na magsalita ng ganyan sa akin."

Naningkit ang mga mata nya. "Bakit dapat ba may special treatment purket mayaman ka?"

"Alam mo?" Gulat na tanong nito sa kanya.

"Halata naman, di ba?"

"Napansin mo talaga? Akala ko pa naman ang simple na nitong suot ko."

Tinaasan nya ito ng kilay. "Iniinsulto mo ba ako?"

Agad itong umiling. "Hindi sa ganoon, gusto ko lang namang makibagay sayo para di ka mailang sa akin."

"Wala kang magawa sa buhay ano?"

Tumango ito saka naupo sa bato ng makarating sila sa sapa. "Ang boring sa bahay," tiningnan sya nito. "Pero hindi ibig sabihin no'n na panakip butas kita ah, di ka rin mukhang payaso."

"Ewan ko sayo." Ismid nya, inalis nya ang suot na tsinelas saka lumusong sa sapa. Humarap naman ito sa gawi nya at pinanood sya sa ginagawa nya.

"Alam mo, ang galing mo." Nangalumbaba ito. "Ilang taon mo na bang ginagawa yan?"

"Isa." Tipid na sagot nya.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ulit nito.

"Labing-anim." Napahinto sya ng mapansin ang gulat sa mukha nito habang nakaawang ang mga labi. "Bakit?"

"Sixteen ka lang? Seryoso?" Di makapaniwalang ulit nito na tinanguan nya. "Damn," mahinang sambit nito na mas nagpakunot ng noo nya.

"Bakit ano bang akala mo?"

"20?"

"Mukha ba akong bente?" Taas ang kilay na tanong nya rin, napatili sya ng kumisay ang isda at nabitawan nya iyon, napatayo naman ang lalake. "Ikaw, ilan taon ka na?"

"21." Di pa rin makapaniwala ito habang nakatingin sa kanya.

Napatango-tango sya saka itinuloy ang ginagawa, inilagay nya sa basket ang mga nahuli nya at pagod na naupo sa gilid ng sapa. Isinuot nya ang tsinelas ng matapos magpunas ng kamay at pagpagan ang suot nyang damit.

Tiningnan nya ito. "Nalunok mo na ang dila mo?"

Bahagya itong natawa saka umiling. "Hindi lang talaga ako makapaniwala, nagagawa mo ang lahat ng ito samantalang ang bata mo pa pala samantalang ako noong edad kong ganyan ay naglalaro pa nga ako."

Napabuntonghininga sya. "Magkaiba naman tayo ng kinalakihan."

Napatango ito. "Sabagay, pero para saan ba ang mga kinukuha mo?"

"Ulam," simpleng sagot nya.

"Bakit hindi na lang kayo bumili kaysa mahirapan ka ng ganoon?"

Nagsalubong ang mga kilay nya. "Mukha ba akong may pambili?" Tiningnan nya ang mga kamay saka marahang pinisil iyon ng salitan upang mawala ang pamamanhid.

"Pasensya na," rinig nyang sabi nito.

Tiningnan nya ito. "Bakit ka naman humihingi ng pasensya? Hindi mo naman kasalanan kung ganito kami kahirap."

"Alam ko, pero pasensya kasi ang insensitive ko."

"Buti naman alam mo." Sambit nya at namayani na ang katahimikan sa pagitan nila.

"Nga pala, bago ko pa malimutan." Inilapit nito sa kanya ang kanina pa nitong dala. "Huwag mong hihindian yan."

"Ano ba yan?" Tanong nya, binuksan nito ang supot at sinilip nya iyon. "Puto?"

"Oo, kumakain ka naman ng ganito di ba?"

Napakunot ang noo nya. "Bakit puto?"

"Sorry, nag-expect ka ba?"

Umiling sya. "Hindi, ni hindi nga kita naalala e."

"Medyo masakit pero okay lang ba 'to? Babawi na lang ako sa susunod,” nag-iwas ito ng tingin. "Ito lang kasi ang kayang bilhin ng allowance ko kahapon."

"Hindi na kailangan, ayos lang naman."

Tiningnan nya ako. "Sigurado ka?" Tumango sya kaya ibinigay na nito iyon sa kanya pero ibinalik nya ang isa sa lalake. "Bakit?"

Tinaasan nya ito ng kilay. "Alangan naman kumain ako ng mag-isa?"

"Pero-"

"-aysh! Andami mong kontra."

Natawa ito. "Binili ko nga kasi para sayo tapos ibinabalik mo sa akin."

"Hati nga tayo, mas makulit ka pa sa akin."

"Okay, okay." Sambit nito saka hindi na umulit. "May gusto ka bang iba?" Rinig nyang tanong nito pagkaraan ng ilang sandali.

Napakunot ang noo nya. "Anong iba?"

"Ibang bagay o pagkain?"

"Para saan?"

"Para sa susunod na lumuwas kami ni mama sa bayan, yung gusto mo na ang mabili ko."

"Salamat pero huwag na, hindi na kailangan."

"Ito naman, iyon lang naman ang maibibigay ko sayo."

Tinaasan nya ito ng kilay. "Bakit kailangan mo pang magbigay? Wala naman akong hinihingi."

Nagkibit-balikat ito. "Wala lang, pasasalamat?"

Tumayo sya ng marinig iyon. "Wag mo ng ulitin 'to." Seryosong sabi nya saka binitbit ang basket at lumakad.

"Teka!" Pigil nito saka hinabol sya, kinuha nito ang basket at tiningnan sya. "Galit ka?"

"Tingin mo?"

"Galit ka, nagsusungit ka na naman."

Saglit syang napapikit ng mariin. "Tigilan mo na ako." Tanging sabi nya saka kinuha ang basket at iniwanan iyon.

Ayaw nya sa lahat iyong tumulong sya pero kailangan pang suklian ang ginawa nya, naiinis sya sa ganoon dahil pakiramdam nya naiinsulto sya. Para kasi sa kanya, sapat na yung pasasalamat ngunit ang bigyan sya ng kung ano-ano ay pakiramdam nya binibili ang kabaitan nya, bagay na ayaw nya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro