CHAPTER II: BAYABAS

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

🍛🍛🍛

"Hi!" Nakangiting bungad nito ng harangin sya ng sumunod na araw, hindi nya ito pinansin at iniwasan nya iyon. Tumuloy sya sa loob ng kagubatan at walang imik na naglakad kahit pa kinukulit sya nito.

"Pwede ba!" Inis na sabi nya dahilan para mapahinto ito. "Alin ba sa mga sinabi ko ang mahirap intindihin? Gaano ba kahirap maintindihan na tigilan mo na ako at ayokong maging kaibigan mo?" Galit ng sabi nya dahilan para mapahinto ito.

"Okay...sorry." Mahinang sabi nito saka umalis, napabuntonghininga na lamang sya ng tuluyan itong nawala sa paningin nya.

Sumobra na ba sya? Pakiramdam nya'y oo pero siguro'y tama lamang iyon, upang hindi na mas tumagal pa ang pangungulit nito. Ayaw nyang masanay sa panibagong pagbabago na panandalian lamang at tama sya dahil ng sumunod na mga araw ay hindi na nya ito muli pang nakita.

Ipinagkibit-balikat na lamang nya iyon at nagpatuloy sa araw-araw na buhay habang paulit-ulit na sinasabi sa sariling tama sya, wala lamang magawa iyon sa buhay kaya ginugulo sya at ngayon nga ay sa wakas nagsawa na rin ito.

Abala sya sa pamimitas ng talbos ng gabi upang ilahok sa gata para sa ulam nila mamayang gabi ng pag-angat nya ng tingin ay nakita nya ito, napakurap-kurap sya at napatuwid ng tayo. Kumunot ang noo nya ng ngumiti ito.

"Isang taon pero hindi nagbago ang reaksyon mo sa tuwing makikita ako." Natatawang puna nito.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Dinadalhan ka ng puto?"

Hindi nya alam kung matatawa sya o maiirita, ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kanya at iniaabot ang hawak.

"Aanhin ko yan?" Mataray na tanong nya.

"Ahmm," napatingin ito sa hawak. "Kakainin?"

Napabuntonghininga sya. "Hindi kita maintindihan."

Napakunot ang noo nito. "Bakit?"

"Bakit mo ba ginagawa ito?"

"Dahil kaibigan kita?"

"Ang weird mo." Naiiling na sambit nya saka bumalik sa ginagawa, lumipat ito sa tabi nya at nakitingin sa ginagawa nya.

"Para saan yan?" Usisa nito.

"Ulam namin mamaya."

"Inuulam pala yan?" Tanong pa nito na tinanguan nya lang. "Anong luto?"

"Ginataan." Tipid na sagot nya saka inilagay ng maayos sa bilao ang mga napitas nya.

"Uuwi ka na agad?" Tanong na naman nito ng ilagay nya sa ulo ang bilao matapos magpagpag ng suot nyang bestida,.

"Marami pa akong gagawin."

"Kagaya ng?"

"Bakit kailangan kong isa-isahin sayo?"

Napailing ito. "Ang sungit mo pa rin talaga." Hindi na sya umimik at ng makalabas sila ng gubat ay iniabot nito sa kanya ang supot. "Huwag mong subukang humindi, pasalubong ko yan."

Napakunot ang noo nya. "Pasalubong?"

Tumango ito. "Kadarating ko lang mula sa maynila."

"Maynila?" Ulit nya na tinanguan nito.

"Doon ako nag-aaral, college na ako." Tiningnan sya nito. "Ikaw ba?"

"Highschool..." mahinang sagot nya pero ngumiti ito.

"17 ka na di ba? 22 na ako." Natatawang sabi nito na tinanguan nya.

"4th year highschool na ako."

"3rd year college naman ako, pa-graduate ka na pala."

"Ganoon ka rin."

Tumawa ito saka umiling. "Hindi pa, dalwang taon pa ako sa college."

"Bakit?"

"Limang taon ang kurso ko, ikaw? Ilang taon ba ang kukunin mo sa kolehiyo?"

Nag-iwas sya ng tingin. "Hindi ko alam kung aabot pa ako doon." Halos pabulong ng sagot nya bago ito binalingan. "Sige na, dito na ako. Salamat sa puto." Sambit nya saka nauna ng maglakad at hindi na nya nilingon pa iyon.

Buong gabi nyang inisip ang usapan nilang iyon, hindi dahil iniisip nya ito kundi ang tanong nito. Iniisip nya kung makakaabot ba sya sa baitang na iyon, batid nya naman kasing mahirap. Napaka-hirap makapasok sa kolehiyo, isa pa ay wala silang sapat na pera para pag-aralin sya ng kanyang mga magulang sa kolehiyo.

Minsan nakararamdam sya ng lungkot dahil naiinggit sya sa mga kasing edad nyang sadyang pinagpala at lahat ng klase ng prebilehiyo sa buhay ay nakukuha ng mga ito. Nalulungkot sya dahil hindi sya sigurado kung makakamit ba nya ang pinapangarap nyang propesyon sa buhay lalo na't isang hamak na mahirap lamang sya.

Naiiyak sya sa tuwing maaalala kung gaano kababa ang estado ng buhay nila, ni hindi nga sya maka-attend ng recognition man lang dahil nahihiya syang wala syang maisuot na magandang damit at kutyain na naman sya ng mga matapobre nyang ka-eskwela tapos darating pa ang graduation, pakiramdam nya palagi na lamang syang pinagkakaitan ng dahil sa kahirapan.

"Fatima," rinig nyang tawag ng kanyang ina kinaumagahan.

"Po?" Magalang na sagot nya.

"Bantayan mo nga muna itong niluluto ko, aasikasuhin ko lang ang bunso mong kapatid." Utos ng kanyang ina kaya naman agad syang tumango at inasikaso ang utos nito.

Isinasalin na nya ang tirang ulam na niluto ulit ng kanyang ina ng mapatingin sya sa sabitan kung saan nya isinabit yung dala nyang puto. Nakaligtaan na nya iyon sa dami ng ginawa nya pagkauwi kahapon.

"Nay, yung puto po na nakasabit nasaan na?" Tanong nya ng bumalik ang kanyang ina.

"Ah, iyon ba? Binaon ng kuya mo yung dalawa tapos inalmusal ng itay mo ang isa, sayo ba iyon?"

Agad syang umiling upang itanggi. "Nakita ko kasi kagabi."

Saglit syang tiningnan ng kanyang ina bago ito tumawa. "Huwag mo ng itanggi, natanaw kita kahapon."

"Nay?" Gulat na sambit nya.

"Mayroon ka na bang manliligaw, fatima?"

Mabilis syang umiling. "Si nanay naman, wala iyon."

Hindi kumbinsidong tiningnan lang sya nito bago nagpatuloy sa ginagawa. "Sya nga pala, maaari ka bang mamitas ng bayabas? Gagawa ako ng minatamis para meryendahan natin mamaya."

Agad syang tumango habang may ngiti sa labi. "Opo naman nay! Sige, maliligo lang po ako tapos mamimitas na ako."

Tinapos nya ang almusalan at naligo, nagsuot sya ng pants na pinaglumaan na ng kanyang kuya na tinahi naman ng kanyang ina upang magkasya sa kanya, maging kasi ang pinaglumaan nitong shirt ay sya rin ang sumasalo sapagkat wala naman silang pambili ng bago para sa kanya kaya't tinatahi na lamang iyon ng kanyang ina upang magkasya sa kanya. Nagbitbit din sya ng sako, yung maliit na pinaglalagyan ng limang kilong bigas saka tinupi ng mas maliit para ilagay sa bulsa. Nakasuksok naman sa tagiliran nya ang kutsilyong palagi nyang bitbit na nagsisilbing gamit nya sa lahat ng bagay maging sa pagprotekta sa kanyang sarili.

Papasok na sya ng gubat ng mapahinto sya, agad iyong tumayo ng makita sya mula sa pagkakaupo sa sanga saka lumapit.

"Hi," bungad na bati nito.

"May kailangan ka?"

Umiling ito. "Anong gagawin natin, today?"

Napakunot ang noo nya. "Natin?"

Tumango sya. "Sasamahan kita, ayos lang?"

"Hindi." Diretsang sagot nya na ikinatawa naman ng lalake.

"Hindi ka man lang talaga magkunwaring okay sa akin ano?"

"Para saan?"

"Para pakisamahan ako?" Hindi sya umimik at naglakad, sumunod naman ito. "Galit ka?" Tanong nito.

Napabuntonghininga sya. "Gusto mo ba talaga ng taong pinakikisamahan ka dahil napipilitan?"

Umiling ito. "Masyado naman kasing halata na ayaw mo sa akin."

"Yon naman pala, bakit ayaw mo pa akong lubayan?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko rin alam,"  napahawak ito sa batok. "Basta naaaliw akong sumunod-sunod sayo."

"Ang weird mo," naiiling na sambit nya saka inilabas ang sako at ipinahawak sa lalake. "Hawakan mo na lang 'yan ng may pakinabang naman ang pagsunod-sunod mo."

Naguguluhang tiningnan sya nito. "Anong gagawin ko dito?"

"Hawakan mo nga,"

"Bakit?"

"Mamimitas ako ng bayabas."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ano iyon?"

"Hindi mo alam kung ano ang bayabas?" Umiling ito kaya napabuntonghininga sya, lumapit sya sa puno at pumitas saka ipinakita. "Ito ang bayabas."

"Kinakain 'to?" Takang tanong pa sa kanya kaya napasimangot sya.

"Hindi, ibinabato yan. Gusto mo subukan ko sayo?" Taas ang kilay na sarkasmong sabi nya.

Bahagya itong natawa. "Hindi ko talaga alam, pasensya na."

Bumaling sya sa puno at nagsimulang mamitas. "Kinakain yan ng may kasamang asin pero gagawing minatamis ni nanay mamaya para sa meryendahan." Paliwanag nya dahil pakiramdam nya ay kailangan nitong malaman iyon.

"Minatamis?"

Tumango sya. "Oo, masarap magluto ang nanay ko ng ganoon." Pagmamalaki nya na nginitian nito.

"Hindi pa ako nakakakain ng ganoon, pwede ka bang magdala bukas?"

Napahinto sya. "Dadalhan kita?"

Tumango ito. "Kung ayos lang sayo."

Ibinalik nya ang tingin sa ginagawa. "Ayoko."

"Bakit naman?"

"Hindi ka special para bitbitan."

"Pero magkaibigan naman tayo ah?" Katwiran nya.

"Hindi tayo magkaibigan."

"Hanggang ngayon?"

"Hanggang ngayon."

Napailing-iling na lang ito, umuwi rin sya agad ng matapos mamitas para makagawa agad ang kanyang ina ng minatamis na meryenda nila. Ginugol nya ang buong araw sa pagtulong sa gawaing bahay, kinabukasan ay wala naman syang sadya sa gubat pero hindi nya alam kung bakit ba pinagbigyan nya ang nais nitong dalhan nya ito ng minatamis na gawa ng nanay nya.

Napabuntonghininga sya, ayos lang naman siguro iyon sapagkat ilang beses na rin naman sya nitong binigyan ng puto. Siguro naman ay ayos lang na sya naman ang magbigay sa pagkakataong ito.

Bumagal ang lakad nya hanggang sa huminto sya ng makitang nakaupo na naman ito sa sanga animo'y may iniintay, paglapit nya ay tumayo ito saka ngumiti sa kanya.

"Hi," bati nito pero imbis na bumati pabalik ay iniabot nya ang Tupperware na dala nya. "Ano 'to?" Kunot-noong tanong ng lalake pero hindi sya sumagot kaya't binuksan na lamang nito iyon at agad na napangiti ito ulit ng makita ang laman.

"Akala ko ba ayaw mo?" Nang-aasar na tanong nito.

Nagkibit-balikat sya. "Nagbago ang isip ko, kawawa ka naman kasi."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Mainit-init pa ah," punang sambit nito.

"Kung ayaw mo, akin na at ibabalik ko." Inis na sabi nya pero itinago na nito sa likod ang tupperware para hindi nya makuha.

"Wala ng bawian," sambit nito. "So, may gagawin ka ba sa loob ngayon?" Tanong nito na inilingan nya.

"Uuwi na ako."

"Teka," pigil nito ng akmang tatalikod na sya. "Samahan mo muna ako,"

Napakunot ang noo nya. "Saan?"

"Sa loob?"

"Anong gagawin mo?"

"Actually wala, gusto ko lang maglakad-lakad."

Tiningnan nya ito ng masama. "Kung may pinaplano ka, sinasabi ko sayo kayang-kaya kong gilitan 'yang leeg mo." Pananakot nya na tinawanan lang nito animo'y na-aamaze sa kanya.

"Alam ko naman, huwag kang mag-alala wala akong balak na masama ngayon pang-dinalhan mo ako nitong minatamis kahit pa sabi mo ayaw mo."

"Nagbago nga ang isip ko!" Inis na sabi nya na tinawanan lang ulit ng lalake.

Lumakad sila papasok sa loob, hindi nya alam kung bakit ba nagsasayang sya ng oras na samahan ito pero napapabuntonghininga na lang sya dahil para bang kusang loob naman syang sumama kahit pa tumututol sya.

"Ayos lang ba kung kainin ko na 'to? Natatakam ako sa bango e." Paalam nito habang naglalakad sila.

"Bahala ka sa buhay mo." Tanging sagot nya.

Binuksan nito ang tupperware at nagsimulang kumain. "Nga pala, matagal na tayong magkakilala pero di ko pa alam kung anong pangalan mo, tawagin na lang kitang sungit?" Biro nito na inirapan nya.

"Fatima Faye ang pangalan ko."

"Ang ganda naman ng pangalan mo pero ang pangit ng ugali mo ah." Kumento nito, nanlaki ang mga mata nya ng marinig iyon at kusang gumalaw ang kamay nya para hampasin ang lalake ng malakas.

Tinawanan sya nito habang dumaraing. "Vladimir ang sa akin."

"Walang nagtatanong,” malditang sabi nya.

"Ang pangit talaga-aray!" Hinampas nya ulit yun. "Matapon ang minatamis ko!"

"Isa pang-ulit sasapakin na kita." Pananakot nya.

"Nakakatakot faye, grabi." Biro nito saka lumayo sa kanya.

Napairap na lang sa hangin si Faye at di na inintindi ang sinabi ni Vladimir, mapipikon lang kasi sya kung papatulan nya ang sinasabi nito.

"Iuuwi ko muna 'to ah? Huhugasan ko muna." Paalam nito ng matapos kumain, “pero pasabi sa nanay mo, ansarap ng minatamis nya pwede umulit?"

"Wag kang abusado, ayoko ng magdala."

Tumaas na naman ang sulok ng labi nito. "Ayaw raw pero magdadala naman, yiii! Nahihiya ka ba sakin?"

Nagpagpag sya ng sundutin nito ang tagiliran nya. "Kadiri ka, alam mo yun?"

Tumawa ito. "Hindi e,"

Nagpatuloy sila sa paglalakad-lakad, panay ang daldal nito habang tahimik lang syang nakikinig sa lahat ng sinasabi nito hanggang sa mapadako sa ex nito ang usapan nila.

"Taga-rito sya?" Di mapigilang tanong nya na tinanguan nito. "Yung ipinalit nya taga-rito rin?"

"Oo,"

Napatango-tango sya. "Mas gusto nya pala ng malapit lang....ilang taon kayo?"

"Sampung taon."

"Tapos ipinagpalit ka sa malapit," muli syang napatango-tango. "Ang wise ng decision nya ah,” kumento nya.

"Nakakasakit ka naman, sino bang kaibigan mo?"

"Wala,"

"Hey! Di mo pa rin ako kaibigan? Grabi ka na manakit."

Napairap sya. "Ang drama ng buhay mo."

"Ikaw ba, nagka-nobyo ka na?" Usisa ni Vladimir na inirapan nya ulit. "Hindi ko kasalanan kung maduling ka kaiirap mo ah!"

"17 pa lang kaya ako, bawal pa kong mag-nobyo tsaka ayoko."

"10 ako noong maging nobya ko sya."

"Ang harot mo naman pala."

Tumawa sya. "Well, medyo, pero crush ko kasi sya nun." Tiningnan sya ni Vladimir. "Ikaw ba, nagka-crush ka na?"

Umiling sya. "Ayoko."

"Lahat na lang ayaw mo."

"Actually, ayoko rin sayo." Sambit nya na tinawanan lang ni Vladimir, gusto na nyang isiping nabaliw na ang lalake dahil sa pakikipaghiwalay ng nobya nito pero mukhang matino pa naman ito kaya mukhang hindi naman.

"Oo nga pala, babalik na ako sa maynila sa makalawa. May gusto ka ba?" Tanong nito.

Umiling sya. "Wala."

"Dali na, paniguradong pagbalik ko graduate ka na ng highschool kaya isipin mo na lang graduation gift ko yun."

"Wala nga."

"Wag ka ng mahiya, ano nga?" Pamimilit nito kaya naiinis na tiningnan nya iyon.

"Katahimikan, kaya mong ibigay?" Taas ang kilay na paghahamon nya kaya napatikom ito ng bibig.

"Hindi ko pala kaya," pag-amin nito makalipas ang ilang sandali. "Wala na ba talagang iba?"

"Wala." Seryosong sabi nya at hindi na inimik pa si Vladimir kahit anong pangungulit nito sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro