Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 10

Celine 's Point of View

Aiissh,, nakaka ilang katok na'ko dito sa pinto ng kwarto ni Kyle pero, di niya parin binubuksan yung pinto.

"Hoy Kyle! buksan mo to!" sabi ko saka kinatok ulit yung pinto.

Nag inatay ako ng ilang minuto pero di niya pa rin binubuksan, ano bang ginagawa niya jan sa loob?

Tinawag ko yung lalaki kanina para pabuksan sa kaniya yung pinto "Buksan mo, dali baka matapon tong soup na hawak ko" sabi ko sa kaniya.

Binuksan niya naman ang pinto. Buti may susi siya ng kwarto ni Kyle. Kundi uuwi nalang ako sa bahay at magbababad sa kaka cellphone.

"Magagalit si hyung sa'kin kapag nalaman niyang binuksan ko to. Kaylangan tahimik ka lang makapasok sa kwarto niya. Para di niya mahalata na nandito ka" mahinang sabi niya.

Aiissshh "Sira ka ba? Papapuntahin mo'ko dito tapos sasabihin mo yan sa'kin? Sarap mong iuntog kay Kyle" inis na sabi ko sa kaniya.

Ang gulo ng utak,, hayy

Nang binuksan ko ang pinto ay pumasok ako sa loob at nilapag yung tray na may lamang Soup, gamot and isang baso ng gatas. Oo gatas talaga, eh sa yun ang trip kong ipa inom eh.

"Red, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka ngang papasok dito sa kwarto ko? Ang kulit mo masiyado" halata ang panghihina sa boses ni Kyle.

Napatingin naman ako sa pinto kung nasan yung lalaking nagngangalang Red. Nag peace sign siya sa'kin bago biglang sinarado yung pinto

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Napapunta ako sa pinto at tinry na buksan yun pero di na bumukas.

Peste

Lumakad nalang ako pabalik dun malapit sa higaan ni Kyle "Hoy, gising jan" sabi ko saka tinanggal yung naka takip na kumot sa mukha niya.

"Ano ba?! kitang mala--- ba't ka nandito?" salubong na kilay natanong niya sa'kin.

Pinag krus ko ang sariling braso sa aking dibdib "Tanungin mo yung magaling mong kasama rito sa bahay" sabi ko sa kaniya. Saka umupo sa maliit na sofa malapit sa higaan niya "Hinarangan niya ko jan sa labas, tapos sabi niya tulungan ko daw siya kase nilalagnat ka raw" dagdag ko saka tumingin ng diretso sa kaniya .

Anong akala niya? Siya lang pwedeng mainis? ako rin no.

Tinakip niya ulit yung kumot sa mukha niya "Lumabas ka na lang" sabi niya.

Naningkit ang mata ko "Hoy, excuse me lang ah, paano ako lalabas kung naka lock yung pinto ng kwarto mo? may doorknob nga pero ayaw namang bumukas tss" Inis na sabi ko sa kaniya. "Kainin mo yung niluto kong soup saka inumin mo yung gamot para pwede na'ko ng makauwi" dagdag ko.

"Ayokong uminom ng gamot" sabi niya habang nakatakip pa rin ang kumot sa mukha.

Bumuntong hininga ako "Ang tigas din ng ulo mo eh no? Pa'no ka gagaling kung di ka iinom ng gamot ha?" nakakainis na siya ah

"Ayoko nga sabi eh"

Napabuga ako ng hangin saka tumayo at kinuha yung isang bowl ng soup. Lumapit ako sa higaan niya saka umupo dun. Tinanggal ko yung nakatakip na kumot sa mukha niya "Bumangon ka jan" sabi ko sa kaniya.

"Ayoko nga sabi eh!" sabay takip ulit ng kumot sa mukha niya.

Ang kulit naman nito.

Tinanggal ko ulit yung kumot na nakatakip sa kaniya "Isa Kyle, di mo magugustuhan kapag di ka sumunod sa'kin" banta ko sa kaniya.

Inis namang bumangon si Kyle. Yes!! I'm win! Haha

Buset to masiyado. Gusto pang pinagbabantaan eh.

"Ayoko nga sabi eh" mahinang sabi niya habang salubong ang mga kilay.

"Wala kang magagawa. Maling tao yung pinaghingan ng tulong ng kasama mo eh" nakakibit balikat ko nalang na sabi sa kaniya

Nilapit ko sa kaniya yung bowl na may soup. Kinuha niya naman yun, nakakaisang subo palang siya ng biglang mabitawan niya yung kutsara saka niluwa yung kinain niya dun sa gilid ng higaan niya. Kadiri naman to.

"Ikaw nagsasayang ka ng pagkain ah. Tapos nagkalat ka pa aiissh" Inis na sabi ko saka kinuha yung bowl sa kaniya.

"Di mo sinabi na mainit pa pala yan, napaso tuloy yung dila ko" sabi niya.

"Common sense kase, kita mong may usok pa konti oh" sabi ko.

Nag scoop muna ako ng isa saka hinipan yun para lumamig saka ko siya sinubuan, kinain niya naman yun. Masiyadong bini baby nito yung sakit niya, pa'no siya gagaling kung ganiyan siya tss.

May utang pa sa'kin tong lalaking to eh. Bago meron na naman siya ngayon. Pa'no ba yan nadagdagan na naman hahaha. Lagot to sa'kin  bukas kapag pumasok to. Ano siya sinuswerte

Parehas talaga sila ni kuya kapag nagkakasakit. Ang tigas ng ulo sarap iumpog sa pader. Pa'no ba naman iinom lang ng gamot eh ayaw pa. Gusto eh pinipilit pa para makainom. Naiinis ako sa mga taong ganon. Ako pag nagkakasakit hindi naman ganon. Kapag alam kong masama ang pakiramdam ko, iniinuman ko agad yun ng gamot para mawala agad. Para wala na akong iindahing sakit sa katawan. Pero itong si Kyle, ewan ko kung anong meron sa isip nito. At pati ang pagkain ay ayaw rin kainin tss, daig pa ako grabe.

"Ayoko na" sabi niya saka nilayo yung kamay ko na may hawak na kutsara. Tiningnan ko yung bowl ng soup. Konti nalang yung laman.

"Ubusin mo na. konti nalang oh" sabi ko sa kaniya.

"Ayoko" sabi niya

Bumunong hininga nalang ako saka nilagay yung kutsara dun sa bow. Nilagay ko yung bowl sa may tray at kinuha naman ang isang baso ng gatas saka yung gamot para sa lagnat. Umupo ulit ako sa gilid ng higaan niya saka inabot yung gamot sa kaniya pati rin yung gatas. Ininom niya naman yun.

Binalik niya sa'kin yung baso pagkatapos niyang uminom.

"Mamaya pa tatalab yung gamot kaya mag hintay ka nalang jan" sabi ko sa kaniya saka binalik yung baso sa may tray.

"Bakit ganiyan ang soot mo?" Tanong niya sa'kin

Napatingin naman ako sa soot ko, ano na namang problema nito?

Umupo ako sa gilid ng higaan niya "Baket? Ano bang masama sa soot ko?" tanong ko sa kaniya

Umiling siya "Wala naman. Sagutin mo muna yung tanong ko. Ano yan, ganiyan ang suot mo ng pumunta ka dito?" tanong niya

"Oo bakit, eh sa hinarangan ako nung lalaking kasama mo dun sa labas eh. Dapat kanina pa ako nakauwi, kung di lang ako naawa dun sa lalaking yun" sabi ko sa kaniya

"Tapos?"

"Yun, pumunta ako dito. Galing kasi ako sa simbahan kanina. Kakauwi ko lang" sabi ko

Napatango tango nalang siya

Tumayo ako "O siya tumayo ka muna jan saglit at buksan mo yung pinto, alien yung pinto niyo. Di ko alam kung pa'no nuksan yun" sabi ko sa kaniya.

Nakita ko naman ng kinuha niya yung cellphone niya at may tinawagan siya "Buksan moo yung pinto" sabi niya sa kausap saka  binabaan ng tawag

Yun na yun?

Bumukas naman yung pinto "Dalhin mo na yan dun sa baba" utos ni Kyle dun sa lalaking kasama niya

Kinuha naman nung lalaki yun saka lumabas

Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan yung pulsuhan ko, napatingin naman ako sa kaniya "Mamaya ka na umalis" sabi niya

Bakit naman?

Binitawan niya yung pulsuhan ko saka siya humiga, nakatalikod siya sa pwesto ko "Mamaya ka na umalis kapag okay na ako. Ihahatid nalang kita mamaya" sabi niya

Umupo nalang ako sa gilid ng higaan niya. Pumaharap siya ng higa saka pumikit. Kinuha ko yung kumot at kinumotan siya hanggang sa balikat. Saka ako tumayo para kumuha ng basang bimpo dun sa banyo niya. Meron naman siyang sariling banyo dito sa kwarto niya. Kaya binasa ko agad yung bimpo at piniga yun. Saka ako bumalik sa pag upo dun sa gilid ng higaan niya at nilagay yung basang bimpo sa noo niya.

"Dami mo nang utang sa'kin ah" pabirong sabi ko sa kaniya, alam kong hindi pa siya tulog dahil nagalaw yung eye lids niya.

"Alam ko. Kaya thank you" sabi niya habang nakapikit.

"Di ako natanggap ng thank you" sabi ko, pero trip ko lang yun.

"Oo na, tumahimik ka nalang jan" sabi niya.

Tumayo ako saka inusod yung maliit niyang sofa malapit sa higaan niya, nakialam ako sa mga librong nakalagay dun sa bookshelf niya, kumuha ako ng isang libro dun saka bumalik dun sa maliit na sofa at nagbasa.

Mamaya nalang ako magtetext kay kuya pagtapos kong basahin to

Kyle's Point of View

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko galing sa isang cellphone. Napatingin ako sa gilid ko, nakita kong natutulog si Celine . Akala ko umalis na siya kanina, bumangon ako at kinuha yung maingay na cellphone na nandoon nakalagay sa side table ko.

Di sa'kin yun, siguro kay Celine kasi siya lang naman yung taong kasama ko dito sa loob ng kwarto ko. Nakita ko kung sino ang caller dun

'Kuya kong bakulaw, (Toffer)'

Yun yung nakalagay

Ang totoo? Trip niya talagang tawagin yung Kuya niya ng bakulaw eh no

Sinagot ko yung tawag "hello"

"Hoy Celine, nasaan ka na? mamaya pupuntahan na'tin sina mom at dad dun sa opisina. Saan ka ba nagpunta?" rinig kong sabi ni Toffer sa kabilang liniya

"si Kyle to Toffer" sabi ko sa kaniya

"Oh, ba't ikaw ang sumagot? Nasaan yung kapatid ko?"

"Andito sa bahay natutulog. Don't worry, ihahatid ko siya jan pag gising niya" sabi ko

"Okay, pasabi nalang sa kaniya na tumawag ako ah. Sige ibababa ko na to, bye" sabi niya saka pinutol yung tawag.

Pinatay ko yung phone ni Celine saka nilapag ulit yun doon sa side table. Tumayo naman ako saka nilipat si Celine sa higaan ko. Buti di siya nagising. Humiga ako dun sa kabilang part ng kama at pinagpatuloy ulit yung tulog ko.

---------

a/n: dali ka Kyle pag gising niyan hahaha. enjoy reading

First Published
Date: December 22, 2019
___
Edited
Date: November 04, 2023

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro