Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 9

Celine's Point of View


"I lock mo yung pinto kapag aalis ka ah"  paalala sa'kin ni kuya.

Inirapan ko siya "As if naman na aalis ako dito sa bahay no. Wala naman akong pupuntahan unlike you na excuse yang gagawin niyo sa health" mataray na sabi ko

"Oo nalang" sabi ni kuya sa'kin saka lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. "babalik agad ako mamaya" sabi niya saka pinaandar yung sasakyan niya.

"kahit wag ka ng bumalik. Madaya ka naman eh" sabi ko sa kanya.

Siniringan niya nalang ako saka sya umalis. Pumasok ako sa loob ng bahay, nakita ko naman si Kyle na mukhang busy sa pagtutupi ng papel.

Akala ko ba tapos na sila jan kanina. Ba't andito pa tong isang to?

"di mo pa tapos?" tanong ko sa kanya

Napatingin naman siya sakin "di pa" sagot niya saka pinagpatuloy ang ginagawa.

Napa kibit balikat nalang ako saka pumunta sa kusina para hugasan yung mga plato.

Grabe sila kanina. Talagang naka ilang kuha sila ng kanin sa rice cooker. I didn't expect na magugustuhan nila yung luto kong adobo and chapsuy. Si Kuya naman, kunwari pang ayaw ng niluto ko pero naka ilang plato rin yun kanina, parang timang lang.

Sinuot ko ulit yung apron saka humarap sa lababo para hugasan yung mga pinagkainan namin. Buti nalang talaga bumili ako ng dishwashing liquid kanina, kung hindi paniguradong wala akong gagamiting pansabon sa plato.

Habang nagsasabon ako ng plato ay naisipan kong kumanta para libangin ang sarili ko. Masyado kasing tahimik, minsan di ko maiwasang matakot, baka mamaya may bigla nalang sumulpot na multo sa likod ko, matatakutin pa naman ako pagdating sa mga ganon

Singing is my way to relax myself. Ganito talaga ako, hobby ko ang pagkanta pero wala akong balak na sumali sa mga singing contest.

Patuloy lang ako sa pagkanta. I opened the faucet at sinimulan ng hugasan ang mga sinabunan kong plato. After no'n ay pinunasan ko muna isa isa yun saka nilagay sa lalagyan ng plato. Pagkatapos kong maghugas ay lumabas na ako ng kitchen at dumiretso sa living room, nakita ko naman si kyle na ??? nakatungo sa mini table. Nilapitan ko siya then I found out na natutulog na pala.

Akala ko ba tatapusin niya yung project nila ni kuya? Ba't to natutulog dito?

Napailing nalang ako, mga lalake talaga tamad, hay

Pumunta ako sa guestroom saglit at kumuha ng comforter, saka ako bumalik ulit sa living room at kinumutan si kyle

Oh, walang malisya to ah, baka kasi mang issue nanaman psshh

Napatingin ako dun sa ginagawa niya kanina, ano ba yan puro crumpled paper ang nakikita ko. Aksayado talaga

Tiningnan ko yung apat na tapos na, okay naman yung mga yon, lalo na yung kay kuya na maraming design. Ganito rin yung pinasa namin nung nakaraang araw eh.

Kumuha ako ng construction paper na black saka sinimulang gawin yung project nila, pustahan tong lalaking to pag gising magugulat kasi gawa na yung project nila, hmmp, sisingilin ko to kapag nagkita kami nito sa Monday.

Ako yung gumawa ng project namin nina Amira, A.P time namin yun ginawa kasi wala naman kaming teacher non, buti nga at may stock na construction paper dun sa locker ko, akala ko wala akong nailagay na ganon don pero nung chineck ko meron naman pala.

Kami nga yung pinaka unang nagpasa kaya mataas yung grade naming, yung ina naman naming kaklase ay next Monday nalang daw magpapasa para mapaghandaan daw nila.

After an hour natapos ko yung project nila. Bahala na si Kyle mag lagay ng pangalan nila, di ko naman kilala yung mga kasama nya bukod kay Kuya at Jake. Tumayo na ako at nag unat unat, nakakapagod din palang umupo sa sahig. Nilinis ko yung pinag gawaan ng project at inayos yung mga gamit, nagsulat muna ako saglit sa isang sticky note bago ako humiga sa sofa dahil tinamaan na ako ng antok.

Kyle's Point of View


"kyle, kyle" rinig kong may natawag sa'kin.

Napamulat agad ako ng mata ng maalala na may project nga pala akong dapat gawin ngayon.

"nakatulog kana jan, 4:35 na oh, nakabalik na ako't lahat lahat nandyan ka parin" sabi ni Toffer.

Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko, di ko talaga namalayan na nakatulog ako.

"Buti naman natapos mo na yung project natin, kunin mo na yan at iuwi mo na sa inyo. Baka makalimutan ko pa yan sa Monday kung sakin mo ipapatago yan" sabi niya pa bago siya umalis.

Yung project? Tapos na? panong??

Napatingin ako bigla dun sa project namin. Tapos na nga. Napalingon naman ako sa likod ko, may nakapatong na comforter saka nakita ko ang kapatid ni Toffer na mahimbing ang tulog sa sofa.

Binuksan ko yung project namin, may nakita ako na sticky note na nakadikit dun na may sulat.

'eyy, tinapos ko na yung project niyo ng kuya ko, ikaw nalang bahalang maglagay ng names niyo jan since di ko naman alam yung mga pangalan niyo.. may kapalit yan ah sisingilin kita sa Monday pag nagkita tayo – C.C.F'

Napa kurap nalang ako ng mata, siya na yung tumapos na project? Sana ginising niya ko para ako nalang yung gumawa. Tumayo ako saka kinuha yung comforter at kinumutan si celine. May utang na tuloy ako dito sa babaeng to. Ba't kasi napaka antukin ko eh peste.

Kinuha ko yung project at saka lumabas ng bahay nina Toffer. Sumakay ako sa bike ko at nag drive pauwi sa bahay namin. Nakita naman ako ni Red.

"oh, hyung, wae jigeum jib-ega??"tanong nya sakin habang nakain ng chips.

Trans:oh, hyung, bakit ngayon ka lang umuwi?

Napakamot ako sa batok ko "nan iljjig jamdeul-eoss eo" sabi ko sa kanya.

Trans: nakatulog ako kanina eh

"ahh okay" sabi niya.

Tinapik ko nalang sya saka ako umakyat papunta sa kwarto ko. Pakiramdam ko maraming nangyari ngayong araw.

Hayyy

Celine's Point of View


Today is Sunday!! Kakagaling ko lang sa church ngayon. Nakasuot ako ng kulay puting dress at pauwi na ako ngayon sa bahay

"Noona! Noona!" 

Napakurap ako ng huminto sa harap ko yung lalaki. I remember siya yung lalaking kasama ni Kyle kahapon.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Sobrang init ni kyle, di ko alam kung anong gagawin ko sa kanya" nagpapanic na sabi niya.

"edi painumin mo ng gamot"sabi ko sa kanya.

"eh ayaw nya nga akong papasukin sa kwarto niya. Tulungan mo ko please" pagmamaka awa niya sa'kin.

Ako? Bakit naman ako?

"ha? Bakit ako, wala ba kayong katulong?"tanong ko sa kanya.

"day off eh, sige na. tulungan mo na ako please" pagmamakaawa niya ulit.

Bumuntong hininga ako "uhm,, sige" pagpayag ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain papasok ng bahay nila.

Hala, di pa ako nakakapag bihis eh.

----

First Published
Date: December 21, 2019
___

Edited
Date: November 03, 2023

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro