Chapter 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 13

Celine's Point of View

Papasok na ako ng SSU ng maramdaman kong may sumusunod sa'kin. Sa tuwing lilingunin ko naman yun ay wala naman akong makitang nasunod sa'kin

Nalulungkot talaga ako para kay Ami. Syempre it's her first time na maging parte ng Student Council pero nagging ganon pa. Naiinis din ako dun sa magkaibigang makikitid ang utak eh. Sarap nilang ingudngud sa batyang may mainit na tubig para matauhan sila.

Pero di pa rin maalis sa isip ko kung bakit pinili nila Kyle sina Hally at sheena para maging SC Secretary? Sorry to say this pero, I don't think kung tama ba talaga na piliin nila ang dalawang nangunguna sa listahan as the SSU Bitches.

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa'kin, tiningnan ko naman kung sino yun "Good Morning Celine" nakangiting bati sa'kin ni Dustin

Oo, si Dustin nga. Himala maaga siyang pumasok ngayon

Ngumiti ako "Good morning rin" bati ko sa kaniya pabalik "Aga mo ngayon ah" sabi ko sa kaniya.

"kaylangan eh" Tipid na sabi niya habang nakangiti pa rin.

Tinapik ko naman ang braso niya na nasa balikat ko "Braso mo" sabi ko sa kaniya.

Tinanggal niya naman ang pagkaka akbay niya sa'kin. pinatigil niya ako sa paglalakad at kinuha yung bag ko "I'll carry this for you" sabi niya.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya "Anong nakain mo at ka aga aga eh ganiyan ang kilos mo?" tanong ko sa kaniya.

"I'm in a good mood kaya ko ginagawa to" sabi niya habang naglalakad kami.

Natawa naman ako "Eh pano kapag hindi ka good mood? Hindi mo gagawin yan?" tanong ko sa kaniya.

Lumiko kami

Umuling siya "Gagawin pa rin" sagot niya at humarap sa'kin "I like you Celine" sabi niya dahilan para mapatigil kami sa paglakad "And I also want to court you, kung papayag ka" dagdag niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. He likes me daw, and he wants to court me. Is he for real??

Humarap ako sa kaniya "uhm,, Dustin,, ano kase--" pinutol niya ang sasabihin ko

Ngumiti siya "Di pa pwede? I know. Sinabi na yan sa'kin ng kuya mo" sabi niya "Let's be friends then, I'll wait Celine, kahit kaylan pa yan mag aantay ako" this time sumeryoso siya.

Bakit parang kinabahan ako bigla? Siguro dahil lang to sa gulat. Oo tama, dahil lang to sa gulat

Tumingin ako sa kaniya "Di mo kaylangang gawin yun Dustin, enjoy your last year of being a high school student here. Ayokong magkaganiyan ka ng dahil sa'kin" inipon ko talaga lahat ng lakas ng loob ko para sabihin yun sa kaniya.

Ayoko siyang umasa, kahit kaibigan siya ng kuya ko, walang rason para ipagpatuloy niya yun.

Tumigil naman siya saka pabirong sinapo ang left chest niya kung saan naka locate ang puso niya "Ouch! Basted agad ako. Grabe ka naman Celine" umacting pa siyang nasasatan

Natawa ako, seryoso na nga yung sinabi ko, ginawa niya naman yun katawa tawa

"Oh diba tumawa ka rin, kanina ang lungkot lungkot ng expression mo eh" sabi niya sa'kin  at pumasok kami sa room

"Something happened kasi" sabi ko

Tumango tango nalang siya "Ah,," sabi niya saka nilagay yung bag ko sa upuan ko "Saan kayo kapag break time, di ko na kayo nakikitang kasama nina Aragon ah" pag iiba na ng topic

"sa Music Room, trip ni Ami dun eh"

Ngumiti ulit siya "Sige, sasama ako sa inyo mamaya" sabi niya sa'kin saka umupo sa upuan.

Umupo na din ako sa upuan ko,, wala pa sina Ami at Cassie. Sabagay maaga pa naman

Kahit sandali ko lang nakasama si Dustin kanina, napagaan niya agad ang loob ko.

Kinuha ko nalang yung cp ko sa bulsa saka nag open sa fb, nanlaki agad yung mata ko ng buksan ko yung page ng SSU Underground Updates.

Teka ako to ah, tsaka si Dustin. Eto yung magkasama kaming naglalakad papunta sa room. Sino namang nagvideo samin?

May caption na nakalagay 'SSU New Couple'

Napatingin naman ako sa mga mga comments, puro 'ayyiiee' at 'sweet' ang nakalagay. Meron pang 'Black Knights vocalist, Dustin Gonzales is not single anymore'

Ang OA naman nila, pinapatawa lang naman ako ni Dustin kanina eh pssh

Maya maya ay dumating sina Cassie at Ami. Nakangiti sila pareho sa'kin, malamang nakita na nila yun "Kwento kana Celine dali" sabi ni ami ng makaupo silang dalawa sa tabi ko.

Napa iling nalang ako

Sabi na nga eh

Kyle's Point of View

"Kyle, ano ng gagawin ko ngayon?"  problemadong tanong ni Jake sa'kin

Umalis na kasi si Amira sa kanila. Di ko alam kung bakit, siguro dahil yun dun sa away sa GC ng SSG's. Pero kung yun nga ang dahilan, parang ang babaw naman masiyado

Katabi ko siya ngayon sa upuan "edi kausapin mo" sabi ko saka nilagay yung notebook ko sa bag makikita mo naman siguro agad dito sa SSU kasi dito pa naman siya nag aaral dagdag ko saka sinukbit ang bag ko

Tumayo siya saka sinukbit din ang bag niya "eh pano ko naman siya makakausap? bantay sarado tayo nung dalawa" inis na sabi ni jake saka kami lumabas ng room

Oo nga, bantay sarado kami kina Sheena at Hally. talagang sinisigurado nila ng di kami makakalapit kina Amira. So posessive right? daig pa nila ang lalaki sa kilos nila.

Nakita agad namin sila ng malagpasan namin ang room nina Amira, 4-A kasi kami, sina Amira naman 4-B tapos sina Hally 4-E bale sila yung last section, ang lakas nilang magmalaki pero nasa lowest section sila.

Lumapit sila sa'min saka ngumiti. "Tara na" sabi ni Hally. Sumunod naman kami.

Pansin ko ang hindi magandang pagtingin ng ibang mga studyante rito mula nong malaman nila ang tungkol sa relasyon namin ni Hally. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh ayoko namang saktan ulit ni Hally si Celine.

Pagpasok namin ng cafeteria ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag akbay ni Dustin kay Celine habang nandun sila sa pumipila. Kasama nila sina Amira, Cassandra at si Dale—dating Assistant secretary. Yung inutusan kong magbigay kay Celine ng bracelet as peace offering ko. Kasama rin nila sina Toffer at Alex, pati rin si Jasper na ngayon ay katabi rin ni Amira na nakikipagtawanan rito.

"Dun nalang tayo sa SC Office kumain, umorder nalang tayo sa fastfood. Ayoko rito may nakikita akong di kaaya ayang tingnan" biglang sabi ni Jake saka lumabas Cafeteria

Tumingin ulit ako kina Amira na ngayon ay nasa amin na rin ang atensyon. Napailing nalang ako saka sumunod sa kanila

Sa lahat kasi ng pwedeng makita ba't sila pa, tch!

Celine's Point of View

"Amira, alam mo bang para kang rosas?" biglang sabi ni Jasper kay ami

Babanat nanaman yang si Jasper, kanina pa yan eh

Suminsim nalang ako ng fruit juice habang pinapanood silang dalawa

"Bakit na naman?" tanong ni ami sa kaniya

Natawa naman kami nina Cassie  at Dale dahil sa tanong ni Ami, siguro kanina pa yan naiinisdahil kay jasper

"Kasi ang ganda mo at mabango pa" sagot ni Jasper kay Ami, hanep na yun

Sumimangot lang si Ami tapos kami naman nina Cassie ay mahinang natawa. Seryoso, medyo pangit siyang bumanat hahaha

Binatukan naman ni alexander si Jasper "Sampaguita kasi yun brad, hina ng utak mo masiyado" sabi ni Alex saka tumuloy sa pagkain

Natawa naman sina Kuya at Dustin sa sinabi ni Alex, mas nakakatawa pa si Alex kay Jasper eh

Andito nga pala kami sa rooftop, dito daw natambay si Dale kapag ayaw niyang mag stay sa room niya. Sinama niya kami dito para dito nalang daw kami laging mag lunch since may lamesa naman dito at mga upuan

Kanina, habang naorder kami ng pagkain sa cafeteria di ko maiwasang hindi marinig ang pinag uusapan ng ibang estudyante doon. Kesyo napaka desperada daw nina Hally at Sheena dahil nilandi raw ng mga ito sina Kyle. Well, na kay kina Kyle yun kung magpapalandi sila ni Jake kina Hally pero sa tingin ko nagpalandi rin sila psshh. Ipinalit daw nina Kyle sina Hally as Secretary ng SSG kay Ami para daw makapaglandian sila sa SC office, may point rin sila don. Tapos sabi pa nila mas maganda raw kung magbotohan nalang ulit dahil wala raw silang tiwala dun kina Hally which is true naman talaga. Kahit kahapon lang yun nila nalaman, meron na agad ang against sa kanila. At mukhang hindi na interisado sina Dale at Ami kung ibabalik man silang dalawa sa SSG.

Bigla namang tumili sina Dale at Cassie, napatingin naman kaming lahat na nandito sa kanilang dalawa "Sakit nyo kamo sa tenga, alam niyo yun?" reklamo ni Alex sa kanilang dalawa

"Anong tinitili niyo jan ah. Nanonood kayo ng porn no?" tanong ni Jasper, binatukan naman siya ni Kuya

"Wag mong sagutin to Ami, bad influence to sayo. Ang bunganga walang preno eh" inis na sabi ni Kuya kay Ami

Napangiti naman ako dahil sa kakulitan nila

"Nakaka dalawa na kayong mag pinsan ah, isa pa tingnan niyo" banta ni Jasper, masama na ang tingin niya kina Kuya at Alex

Binatukan naman siya ni Dustin "Anak ng-" si Jasper. Tumawa naman kami dahil sa ginawa niya

"Sabi mo isa pa" natatawang sabi ni Dustin saka lumayo kay Jasper

Loko rin pala to hahaha

"Guys makinig kayo!" biglang sigaw ni Dale dahilan para tumahimik kaming lahat "Sabi rito sa SSU Underground Updates, may contest daw na magaganap. By group, bale sa isang grupo six to ten members. Nakadipende na daw sa mga student kung gusto nilang may ka grupo sa ibang section. By talents ang labanan. at ang mga teachers ang gumawa ng school activity na to para daw malaman nila kung sino daw ang mga nag participate for this activity. ang mga head teachers ang magja judge para walang dayaan" mahabang sabi ni Dale

"Sali tayong apat, kakanta at sasayaw tayo" sabi ni Cassie  samin

"Di pwede ang apat Cas, 6 to 10 members nga diba" sabi ni Dale sa kaniya

"Edi sasali kami sa inyo" Sabi ni kuya "Support namin tong kapatid ko no, diba Alex?" inakbayan ako saka bumaling kay Alex na salubong ang kilay.

"Oo na" sagot nalang ni Alex "dapat kasama rin tong dalawang to" sabay turo niya kina Dustin at Jasper

"Wag si Jasper, baka manggulo lang yan" sabi ni Ami

Napangiti naman kami dahil sa inasal niya

"Ang sakit mo namang magsalita Ami, wala ka bang tiwala sa'kin?" madramang tanong ni Jasper kay Ami dahilan para ang kaninang ngiti namin ay maging tawa na

Siniko naman ni Cassie si Ami "Isama mo na yan, nakakadiring magdrama eh" natatawang sabi ni Cassie

Sinamaan naman siya ng tingin ni Jasper "Isa ka pa"

"Tama na nga yan!" sigaw ni Dale "Lahat tayo sasali okay, stop na" dagdag niya

Tumawa nalang kami

Ang lakas talaga ng mga trip nito

-------

a/n: oo malakas talaga Celine hahaha. kawawa naman si jasper, binubully nila haha

First Published
Date: December 24, 2019
___
Edited
Date: November 07, 2023

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro