Chapter 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 14

Celine's Point of View

"Oy alam niyo ba, maraming students na daw ang hindi nasunod sa school policy dito sa SSU" biglang sabi ni Dale samin habang nakopya kami ng lecture sa board.

Lumipat ng section si Dale at nandito siya ngayon sa section namin, sa 4-A kasi siya bago nag request siya sa Adviser niya na lumipat nalang dito kasi di na daw siya natutuwa sa mga kaklase niya doon.

Napatingin naman ako sa kaniya "Saan mo naman nalaman yan Dale?" tanong ko sa kaniya saka nagsulat ulit.

"Edi dun sa kaibigan kong SC officer" sagot niya

Talaga lang ha?

Iba talaga kapag may kaibigan kang member ng SC. Makaka kuha ka agad ng balita eh

Mukhang against na nga yung ibang students, pansin ko rin yung pagbabago ng SSU netong mga nagdaang araw. Hayy, bahala na ang mga SC Officers tungkol jan sa gulong yan. Deserve nila yan

"Oh. Dapat lang yan sa kanila, tinanggal nila kayo sa SC eh" sabat nung isang kaklase namin. Nakikinig pala sila

"Akala ko pa naman matatalino yung mga nasa 4-A. Ba't naman ganun yung ginawa nina Pres? Di makatarungan sa'tin yun no" sabi pa nung isa

Napabuntong hininga nalang ako saka sinarado ang note book ko kasi tapos na ang komopya ng lecture. Napapaisip tuloy ako. Maraming what if's ang na lumalabas sa utak ko ngayon, at isa na dun yung kina Ami at Dale. Paano kung hindi sila natanggal sa SC? Magiging ganito pa rin kaya yung mga Schoolmates namin? One month na rin ako rito pero feeling ko dito talaga ako nag aral noon pero sa dati kong school, iba ang patakaran dun. Walang magagawa ang mga SC officers nila kung ano ang gustong ipagawa ng Principal. In short parang design lang sila dun. Pero dito, parang mas nasusunod pa ang SC kesa sa Principal. I wonder kung ano kaya ang ugali ng principal dito.

At speaking of Pricipal, magtatanong ako kay kina Ami since matagal na sila dito "ahm,, Ami pwedeng magtanong?"

Humarap naman siya sa'kin "Ano naman ang itatanong mo?" tanong naman niya sa'kin

"Yung principal niyo, anong ginagawa niya? Bakit parang mga SC ang nasusunod dito?" tanong ko dahilan para mapatingin sina Cassie at Dale sa'kin

May nasabi ba akong masama?

Napatingin naman ako sa ibang mga kaklase namin, mukha namang di nila narinig yung tanong ko kasi tuloy lang sila sa mga ginagawa nila. Ah nga pala, absent si Dustin, may pupuntahan daw sila nina kuya ngayon eh

"Naku Cel, hindi mo dapat tinatanong yan ngayon" mahinang sabi ni Cassie

Nangunot naman ang noo ko "Bakit naman?" tanong ko, ganon na ba ka big deal ang tanong ko sa kanila?

Lumapit sila ng kaunti sa'kin "Wag mong tatanungin ang ginawa ng principal dito sa school na to. Di mo magugustuhan kapag siya ang namahala dito" mahinang sabi ni Dale

Ha? I don't get it

"Bakit naman?" tanong ko sa kanila

"Mamaya na namin sasabihin sayo kapag breaktime na. Mahirap na, baka may makarinig satin at isumbong tayo" mahinang sabi ni Ami

Okay

Bakit ganon, parang natakot ako bigla

Kyle's Point of View

"Mr, Park, I'm talking to you. Bakit biglang naging ganon na lang bigla ang naging response ng mga schoolmates nyo?" seryosong tanong sa'kin ni Mrs. Park-my mother and also our School Principal

Tumingin ako sa kaniya "I didn't know" sagot ko

Wala naman talaga akong alam tungkol dun eh, naging ganiyan nalang simula nung malaman nilang hindi na sina Amira at Dale ang SC Secretary & Assistant Secretary

"You don't know?" di makapaniwalang tanong niya sa'kin , napatungo ako "Ikaw Mr, Aragon? Care to explain what's happening now with your schoolmates?" mariing tanong niya kay Jake

Di naman sumagot si Jake. Alam naming galit ngayon si Mrs. Park. Mukhang nakarating sa kaniya yung balita tungkol sa kung ano ngayon ang nangyayari dito ngayon. At mas lalong mananagot ako kapag nakarating ito sa daddy ni Jake. Di nun magugustuhan kapag nalaman niyang may babaeng nagpapasunod sa anak niya ngayon.

"Hindi ka sasagot?" tanong ni Mrs, Park sa kaniya. "Alam nyo bang pwedeng makarating to kay Mr. Aragon? At kahit kayo mismo hindi magugustuhan kapag nalaman niya iyon" mariing sabi niya.

Nakatungo nalang kaming mga SC Officer na nandito sa loob ng Principals Office. Iba talaga kapag nandito kami at kausap si mom, talagang ginagawa niya kung ano ang dapat gawin niya rito sa SSU as the Principal. At dito sa loob ng Office na to, wala siyang kinakampihan. Kahit anak niya ako, hindi niya ako itinuturing anak kapag nandito kami. At ma's lalong hindi niya kami kakampihan ngayong alam namin ni Jake kung anong mali ang ginawa namin

"Asan si Ms. Austria and Ms, Gamboa? Sila ang SC Secretary. Di ba dapat nandito sila ngayon?" biglang tanong niya

Sasagot sana ako ng maunahan ako ni Yza-ang SC treasurer "Tinanggal na po sila ma'am sa pagiging SC" sagot nito

Kita naman namin ang pagsalubong ng kilay ni mom "Ano? Bakit? Sino ang nagtanggal sa kanila?"

"Me" walang emosyong sagot ko "May nilabag na rules si Ms. Austria kaya ko siya tinanggal as the SC Secretary" dagdag ko

"at si Ms. Gamboa? Anong ginawa niya? Bakit pati siya tinanggal mo?" seryosong tanong niya sa'kin

"Wala siyang ginawa, tinanggal ko rin siya kasi may nahanap na akong ipampapalit sa kanilang dalawa" sagot ko

Di makapaniwalang tiningnan niya ako "Do you hear yourself Mr. Park? Tinanggal mo si Ms. Gamboa for no reason? Are you out of your mind?!" galit na sabi niya sa'kin

"Yes, I'm out of my mind madam" seryosong sagot ko "Wala naman kayong magagawa kung ayaw niyo sa bagong SC eh, it's my own decission. at decision ko ang masusunod kasi ako ang SC president" matapang na sabi ko

Isang malakas na sampal ang natamo ko sa kaniya "How dare you to talk to me like that? Hindi kita pinalaking ganiyan Justin" galit na sabi niya sa'kin.

"Tawagin nyo sina Ms. Austria at Ms. Gamboa pati rin yung bagong SC Secretary. Hindi kayo makakalabas ng office nato hanggat di naaayos ang problemang to" seryosong sabi niya "At kapag hindi ko nagustuhan ang ugali ng ipinalit niyo, mage elect ulit tayo ng New Set of SC Officers pero di kasali etong dalawang to" sabay turo niya samin ni Jake "Kag stay pa rin kayo, kaylangan lang palitan ang mga hindi ko tinuro, maliwanag?" tanong niya at tumango naman kami "Now, tawagin niyo na sila" utos niya kina Yza na agad namang sumunod

Napapikit nalang ako at bumuntong hininga

Bahala na nga

Celine's Point of View

"Are you okay?" tanong ko dun sa babaeng pinagtripan nina Hally

Tumango lang siya. Tinulungan ko siyang tumayo, rinig ko ang pag ingay ng paligid dahil sa eksenang nangyayari ngayon dito sa cafeteria

"Thank you" pasasalamat niya sa'kin, nginitian ko lang siya saka hinarap sina Hally "Ba't niyo naman ginawa yon sa kaniya? Walang ginagawa sa inyo yung tao oh" sabi ko sa kanila

Nakita kong ngumisi lang si Hally pati yung mga kasama niya "Wow, trying to be a hero here huh? Nice, nice Celine. Wala akong masabi" sabi niya at pumalakpak palakpak pa "Ang bait mo naman masiyado" dagdag niya

Nginisian ko siya pabalik "oh really? Ganon talaga ako eh, salamat nalang" sarkastikong sabi ko "You shouldn't doing this. Do you know why?" tanong ko sa kanila

"At bakit ha? Sige nga sagutin mo ko?" nanghahamong tanong niya sa'kin

"Kasi SC Officer ka, have you forgotten? Well atleast pinaalala ko ngayon sayo, and thanks to me" sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti

"You bitch!" akma niya akong lalapitan ng biglang may tumawag sa kaniya

"HALLY!! SHEENA!! DALE!! AMI!! PINAPATAWAG KAYO NI MADAM PRINCIPAL" rinig naming sigaw nung babae dun sa entrance ng canteen

Inirapan naman ako ni Hally pati nung kasama niya bago sila umalis. Nginitian ko nalang yung babae bago ko puntahan sina Cassie na ngayon ay nakatayo "Samahan natin sila Celine" sabi sa'kin ni Cassie

Tumango nalang ako saka kami pumunta sa principals office. Sa labas lang kami nag antay ni Cassie. Mga ilang sandali may lumabas na babae at tinawag kaming dalawa ni Cassie.

Hala! Nag aantay lang naman kami rito sa labas eh.

Pagpasok namin ay nanlaki agad ang mata ko ng makita ko kung sino ang principal

Si Ninang Karla?

Siya yung Madam Prinsipal?

Ngumiti naman sa'kin si Ninang Karla "So dito kana pala nag aaral, my one and only god daughter. Di mo man lang ba ako yayakapin?" tanong niya sa'kin

Lumapit lang ako sa kaniya saka niyakap "It's nice to see you again Ninang" nakangiti kong sabi sa kaniya saka lumayo

"Now nandito na ang lahat. I think mas maganda kung magdadagdag ako ng member ng SC at meron rin akong tatanggalin" sabi ni ninang "matatanggal tong dalawang ito" sabay turo niya kay Sheena at Hally "at ikaw claire you will be the new SC Secretary"

Ha?

Ako?

SC Secretary??

Are you for real?

----------

First Published
Date: December 24, 2019

___

Edited
Date: November 07, 2023

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro