Chapter 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 18

Celines Point of View


Masisigurado ko ngayon, habang naglalakad kami nina Mom rito sa mall ay hindi maipinta ang mukha ko.

Paano ba naman, nakita ko na naman ang pagmumukha ng Kyle na yan. Naaalala ko pa rin ang sinabi niya sa'kin no, nakakairita tuloy.

Naramdaman kong may umakbay sa'kin, tiningnan ko naman ng masama si Kyle, pero parang wala lang yun sa kaniya. Nagbuntong hininga ako saka tinanggal ang pagkaka akbay niya sa'kin. Saka ako naunang maglakad sa kaniya.

Kung alam ko lang na si Ninang Karla ang kikitain ni Mom, edi sana hindi na'ko sumama. Alam ko naman kasi na isasama niya si Kyle lalo na't nalaman niyang doon na ako nag aaral sa SSU.

"Buti at naisipan mo akong yayain, Karla. Akala ko, ako pa yung magyayaya sayo" rinig kong sabi ni Mom kay Ninang Karla

So si Ninang talaga ang nagyaya kay Mommy. Si Mommy naman 'tong sinama rin ako. Dapat si Kuya nalang, di naman ako mahilig magshoping eh

"pinaplano ko rin yan kaso alam mo na, parehas na tayong busy kaya minsan nalang tayong makapag bonding" sabi ni Ninang saka napatingin sa'kin "buti at naisipan mong ilipat tong si claire sa SSU" dagdag ni Ninang

Sa totoo lang nawi-weirduhan ako sa kanila ni Mom. As far as I know, mag best friend silang dalawa since their college years. Nagkahiwalay nga lang yata sila nung magtrabaho si Ninang sa korea at doon niya nakilala si Tito Kiel. Si Mom naman nakilala si Dad sa office nito.  Nagtatrabaho siya kay Dad as Secretary. Kapag nagkukwento sa'min si Dad noon lagi niyang niloloko si Mom, kesyo pinikot daw siya ni Mom. Pero ang totoo siya naman ang nang blockmail kay Mom na tatanggalin niya ito sa trabaho. Nakakatuwa ang love story nilang dalawa. Ako kaya? Kaylan kaya ako magkakaroon ng love life, charot lang. Kaylangan ko munang tapusin ang college ko bago ang mga ganiyan ganiyan.

"Si Christofer ang nag lipat kay Linlin sa SSU, para iisang school nalang silang dalawa ng kuya niya" sabi ni Mom kay Ninang, nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila hanggang sa makapaso kamisa isang botique "Di naman namin siya dapat ililipat kaso napansin namin ni Chris ang mga pasa sa braso niya at nalaman namin na binubully pala siya kaya nilipat nalang namin siya sa SSU. At least doon mababantayan siya ng kuya niya" Dagdag ni Mom.

Pansin ko naman ang nagulat na expression ni Ninang "na-bully siya?" tanong niya kay Mom saka siya napatingin saglit sa'kin bago tumingin ulit kay Mom "Hindi halata, she looks brave and strong" sabi niya kay Mom

Napabuntong hininga nalang ako. I want to go home. Nakakaboring dito.

Pagkatapos nila sa botique na yun ay pumunta sila sa spa. Nakasunod lang kami sa kanila. Wala naman akong binili, wala kasi ako sa mood para bumili ng gamit since may mga damit pa naman ako sa bahay.

Humarap sa'min si Ninang and Mom bago sila pumasok sa Spa, "Gumala nalang kaya muna kayo, mukhang nababagot kayo rito kasama namin" sabi ni Mom.

"Oo nga, pumunta kayo sa gusto niyong puntahan dito sa mall. Pero kaylangan bumalik kayo dito after two hours" sabi ni Ninang saka siya tumingin kay Kyle "Dala mo ang wallet mo diba?" tanong ni ninang sa kaniya.

"Geulae eomma, wae??" tanong ni Kyle kay Ninang

Siguro nakikipag usap siya kay Ninang using  Korean language

"Don't use that language on me, Justin. Nasa pilipinas tayo at wala sa Korea kaya magsalita ka ng tagalog" saway sa kaniya ni ninang

Pinapanood ko lang sila, wala ako sa mood makipag usap eh.

"arasso" sagot parin ni Kyle in Korean.

Matigas talaga ulo ng isang yan, Ninang.

Napabuga naman ng hangin sa inis si Ninang, I know na naiinis na siya. Kitang kita mo naman yon sa expression niya eh "Ewan ko sayong bata ka. Siya, ikaw nalang ang magbayad kapag may gustong bilhin tong si Claire" sabi ni ninang sa kaniya

Nanlaki naman ang mata ko "No need Ninang---"

"I don't take no for an answer,vClaire" putol sakin ni Ninang "Sumama ka muna sa kaniya, balikan niyo nalang kami rito ng Mommy mo after two hours" dagdag niya.

"pero nin---"

"Sige na. See you later" sabi niya saka sila pumasok ni mom sa loob

Napabuga nalang ako ng hangin. I think may pinaplano sila ni Mom. At once na malaman ko kung ano yun, di ko papansinin si Mommy hanggat wala siyang binibigay na explanation sa'kin.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong sakin ni Kyle

"Bahala na, ikaw nalang magdesisyon" sabi ko sa kaniyang "basta worth yun ng two hours" dagdag ko

Bahala na nga

Kyle's Point of View

Habang naglalakad kami ni Celine dito sa mall, pansin ko na parang ang tahimik niya masiyado. I mean lagi naman siya tahimik pero iba ang pagiging tahimik niya ngayon.

Nakasunod lang ako sa kaniya nang biglang may bumunggo sa kaniyang babae. Natapon sa damit niya yung binili kong choco smoothie, kinuha ko agad ang panyo ko sa bulsa at inabot yun sa kaniya. Tinanggap naman niya iyon at pinunasan ang sariling damit.

Hinanap ko agad ng tingin yung babaeng bumangga sa kaniya. Nakita ko agad yung babaeng yun kasi di pa naman siya nakakalayo sa'min. Nilapitan ko yun at kinausap "di ka ba magso sorry sa nabangga mo?"  Seryosong tanong ko dun sa babae.

Nakatungo yung babae. Nung tumunghay siya ay doon ko lang nalaman na si Hally pala yun. Sinusundan niya ba ako?

Ngumiti siya ng humarap na siya sakin "oh come on, kulang pa yan sa ginawa niyang sakin" ngumisi siya. "Lahat inagaw niya sa'kin so, bakit ako magso-sorry?" saka niya tinapunan ng masamang tingin si Celine.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Anong pinagsasabi niyang inagaw ni Celine sa kaniya?

"Apologize to her now" seryosong utos ko sa kaniya.

Nakangiting umiling siya, naiirita ako sa ngiti niyang "No and never" matigas na sabi niya saka lumapit sa'kin "Isa ka sa mga kinuha niya sa'kin kaya kulang pa yan bilang paghihiganti ko" malambing na sabi niya

Ramdam ko ang paghawak ni Celine sa long sleeve ko. Tumingin naman ako sa kaniya  "Don't mind her, tara na" yaya niya sa'kin.

Lumayo naman ako kay Hally at sumama kay Celine. Naiirita na talaga ako sa Hally na yun. Pansin ko pa rin ang pag tanggal ni Celine sa smoothie na natapon sa damit niya. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.

I grab her wrist at dinala siya sa isang botique. I just pick a pair of white shirt and denim jeans at binayaran yun sa counter, saka binigay yun kay celine at sineniyangsan siya na magpalit. Nang matapos siya magpalit ay kinuha ko ang gamit niya saka hinila ko nalang siya dun sa pupuntahan namin

That woman! I will make her stop what she's planning to do to Celine

-----

"hayy, nakakapagod" sabi ni Celine nang makalabas kami ng Quantum.

Kung ano ano kasi ang pinaglalaro namin sa loob. Basta maubos lang namin yung 100 tokens. Halos lahat ng games dun ay nilaro namin kaya may buhat buhat siya ngayong isang malaking teady bears at dalawang maliit na panda. Apat lahat yung mga teddy bears, ako lang yung may buhat ng isa pang malaki. Tapos panay rin kami kain kanina.

"Anong oras na kaya?" biglang tanong niya.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko, we're just in time. Pupuntahan nalang namin sina Mom sa spa.

"Tara, sunduin na natin sila" yaya ko sa kaniyang saka hinawakan ang wrist niya

Sumunod nalang siya sakin. Nang makarating kami sa tapat ng spa ay nakita naman namin sina mom na palabas. Binitawan ko na si Celine saka inantay nalang sila.

Nang makita nila kami ay ngumiti sila saka niyaya kaming maglunch kasama nila. Mom noticed na iba na ang suot na damit ni Celine. Pinaliwanag ko naman sa kaniya ang nangyari. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami ni Mom, she was smiling ear to ear. Napailing nalang ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay bumungad sakin ang mukha ni Red na prenteng naka upo sa sofa "Binilhan mo ko ng teddy bear?" tanong niya.

"Ba't naman kita bibilhan? Nagpabili ka ba?" tanong ko sa kaniya.

Ngumisi naman siya "Nakipag date ka no? iba ang ngiti mo eh" asar niya.

Napailing nalang ako saka pumunta sa kwarto ko. Nilagay yung dalawang teddy bear sa one seater couch ko at tinitigan saglit yun.

She's so kind. Kahit pinagti tripan na siya ay mabait pa rin siya sa'kin. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

----
a/n: ayiiee, sana all haha

First Published
Date: December 28, 2019

___

Edited
Date: December 01, 2023

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro