Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 19

Celines Point of View

Nang matapos kaming sumayaw ay nag bow kami at saka bumaba na ng stage. Kanina, sobrang kinabahan ako kasi akala ko di papasok sina Ami at Dale. 10 minutes late na kasi sila. Buti nalang naki pagpalit sa'min ng number yung isa naming kaklase. Bale naging pang number 8 kami sa magpe-perform.

Pinunasan ko ang pawis ko ng makarating kami nina Ami sa room. Iniwan kasi namin dito yung gamit namin eh. Alangan namang dalhin namin yan doon edi mawala ang mga nakalagay jan.

"Noona!!" napatingin naman ako doon sa bintana.

Nakita ko yung kasama ni Kyle sa may bahay nila. Kaano ano kaya yan ni Kyle? Noona?? Ano ba yun?

"oy Ate daw" sabi ng isa sa mga kaklase namin na nag aayos ng gagamitin nilang props.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Noona? Ate? Sino naman kaya yung tinutukoy non? Lumingon ako sa likuran ko. Wala namang nakatingin sa kaniyang bukod dun sa sumabat kong kaklase.

Tumingin ulit ako rito, sineniyangsan niya naman akong lumapit sa kaniya kaya lumabas ako "Ako ba yung tinatawag mong noona?" tanong ko sa kaniya nang makalabas.

Tumango siya "Yeah, di ko naman alam ang pangalan mo eh, kaya noona nalang" sabi niya saka nilagay ang sariling kamay sa sariling bulsa

"Ano bang kaylangan mo at tinawag mo ako ha?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya "Nothing, I just want to say that your performance is so good. Ang ganda ng Choreography niyo" nakangiting sabi niya  "By the way, I'm Jarred Ken Park, Red for short. Kyle's cousin" pakilala nito sa'kin saka naglahad ng kamay

Tinanggap ko yun at nginitian din siya pabalik "Celine Franco" respond ko sa kaniya saka binitawan ang kamay niya "So pumunta ka lang dito para sabihin sa'kin yan?" tanong ko sa kaniya.

Tumango lang siya. Ang weird niya ah, parehas sila ng pinsan niyang sinto sinto.

Tumango siya "Yeah," prenteng sagot niya saka sumandal sa pader ng room "Ah nga pala, panoorin mo kami nina Hyung mag perform, pang number 20 kami" dagdag niya.

Mahina naman akong natawa "Am I your friend?" biro ko sa kaniya.

Paano ba naman kasi, kung makapag yaya siya sa'kin akala mo close kami. The last time I checked, may atraso pa yan saka si Kyle. I forgot na singilin sila.

Hayys.. hayaan na nga lang, mukhang hindi naman nila gagawin yung ipapagawa ko kapag siningil ko sila.

"aren't we friends yet?" inosenteng tanong niya "I thought we're friends already" sabay napakamot siya ng ulo.

Tinawanan ko siya "Charot lang yon, ano ka ba" sabi ko saka mahinang hinampas siya "do I look so serious when I said that?" I asked him

Ngumiti siya saka umiling "sort of, kasi lagi ka namang seryoso kapag nakikita kita" sabi niya.

I was about to talk ng biglang may babaeng nagharap sakin sa kaniyang at bigla nalang akong sinampal. I'm stuck on that moment, only I can hear is the crowds noise. I faced the girl who slapped me and I slapped her too. Anong akala niyang sa'kin? Basta basta nalang akong magpapasampal sa kaniya.

Kitang kita ko ang paniningkit ng mga mata niyang sakin "How dare you to slap me?!" sigaw nito sakin, I stay calm and hiding my hurt emotion.

"How dare you to slap me too?" walang emosyong sabi ko sa kaniya "Who are you to slap me just like that? Did you know na hindi pa ako pinagbubuhatan nang kamay ng mga magulang ko? At wala akong makitang rason kung bakit bigla mo nalang akong sinampal ng ganon ganon lang" walang emosyon ring dagdag ko.

"You were flirting with my boyfriend! You deserve that slap!" galit na sigaw niya sa'kin.

Tiningnan ko naman si Red "Is she your girl?" I asked him

He nodded "Yeah, and I think she's jealous on you" sagot niya sa'kin.

I faced the girl "You" turo ko sa kaniya " I'm not flirting with your guy, kung tutuusin dapat nga siya ang sampalin mo kasi siya tong nalapit sa ibang babae" I said to her, mukha naman siyang napahiya "Di sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ang bf mo. Well, he have a lot of friends. Di lang sayo umiikot sa mundo niya.  Mayron siyang ibang kaibigan na gusto niyang kausapin. Not all the time that you can hurt someone like that, we we're just talking about the performance tapos bigla kang susulpot at mananampal. Where's your manner in that?" inis na tanong ko sa kaniya.

Napa tungo naman siya. Anong akala niya, pwede niyang nalang basta bastang gawin yon sa'kin? I just talk to Red, tapos bigla siyang mananampal.

"What's with the comottion here?" rinig kong tanong ng bagong dating

I know that's Kyle. I already know his voice, a bit loud and low.

Tumingin naman sa'kin yung babae "I'm sorry, I was just—jealous" napatungong sabi niya.

I gave her a bored look "not all the time pwede mong sabihin na nagseselos ka lang, you should have to asked too, hindi yung basta basta ka nalang susugod at mananampal" sermon ko sa kaniya, well naulit lang yung sinabi ko kanina.

"Aren't you going to answer me?" rinig kong sabi ni Kyle.

I just ignored him and look to the girl "well apology accepted" I said "but once na maulit to, don't expect me to accept your apology" Dagdag ko saka tinanguan nalang si Red, "I'm going in, talk to your girl at ayusin niyo yan" I demand on him saka pumasok sa loob ng room.

Nakakairita yun ah but, atleast naka bawi ako sa pagsampal niya sa'kin.

____

"hooooohh!!" sigaw ng mga audience nung sina Kyle na ang magpe perform.

He's with his cousin and eight friends. Sumakto silang walo ah. Mayroon rin silang gamit na instrument. Yun ay ang mga ginamit namin kanina. Hiniram ata yun ni Jake kay Dustin since magka banda naman sila

Pumwesto sila bago kantahin ang Not Another song about love ng hollywood ending. Si Red ang naunang kumanta bago si Kyle

"woooohh,, go kyle!!" sigaw ng mga audience, grabe ang impact niyang sa mga babae ah ..

Pansin ko na parang may hinahanap sila sa crowd. Siguro hinahanap nila yung gf ni Red. I just fold my arm into my chest while watching them. Habang naririnig ko yung kantang yun, biglang pumasok sa isip ko yung araw na sinabihan ako ni Kyle na ayaw niyang daw sa'kin. Wala sa sariling napangisi ako. Tungkol ba sakin yang kinakanta niya?

Saka niya ako tiningnan nang matapos nila ang kanta. Ayan na naman ang tibok ng puso ko. Hindi nagiging normal kapag direkta akong nakatingin sa kaniya.

Next na kumanta ay sina Jake at yung tinawag nila nung nakaraan na si Drake. I Found a girl by The Vamps ang kakantahin nila. Naunang kumanta si Drake bago si Jake. Sa chorus ay sabay sila.

Napangiti ako ng makita ko ang itsura ni Ami. Para kasing siya yung pinapatamaan ni Jake sa kanta. Pero hindi naman siya lesbian, siguro ay yun lang ang tingin ni Jake sa kaniya o kaya may ibang pinapatamaan itong dalawang to.

Nang matapos ang kanta ay natawa ako dahil sa itsura ni Ami. Salubong na kasi ang mga kilay niya habang nanonood. Sumunod naman sina Ace at Harry na kinanta ang Just my type ng The vamps.

Medyo baritone ang boses nila compare sa original na kumanta pero swak naman. May talent rin pala itong dalawang to.

Napatakip ako ng tenga ng tumili yun mga babae. Seryoso? ano bang pinagtitilian nila?

Ang next naman ay sina Chester at Denver. They are my classmate in TLE. Sa ICT kaming tatlo. Somebody to you ng The Vamps ang kinanta nila. Si Denver ang naunang kumanta bago si Chester.

Nag finger heart pa si Chester pagkatapos nilang kumanta. Tiningnan naman siya ni Denver ng nadidiring tingin dahilan para matawa kaming lahat na nanonood.

Ang sunod naman ay yung Xander at Stephen. Pinakilala sila sa'kin ni Red kanina noong hindi pa sila nagpe perform. Hooked by Why don't we ang kinanta nila.

Natawa nalang ako ng matapos sila kumanta, nagtilian kasi yung mga babae ng kumindat yung Stephen. Ang galing nilang kumanta, yung boses nila hindi halata sa mukha.

Akala ko tapos na, yun pala ay meron pa. Lahat ata sila kakanta, lalong nagtilian yung mga babae kaya nagtakip ako ng tenga. One thing ng One direction ang kinanta nila.

Nang matapos sila ay umingay ang gym.

"Woohh!! isa pa!! isa pa!!"

Parang may concert dito ah. grabe ang hiyawan ng mga babae. Kanina nang magperform kami halo yung lalaki't babae. Ngayon puro babae lahat.

Parang nabasag ata ang eardrums ko dahil sa sigawan at tilian ng mga babae.

May kulabit naman sa'kin, tiningnan ko kung sino yun "Hoy nakatingin siya oh" sabi ni Cassie sa'kin at nginuso yung nasa unahan.

Tumingin naman ako sa unahan. Nakita kong naka tingin sa'kin si Kyle saka nginitian ako. Imbis na kiligin ay napangiwi ako. Pinaghahampas nina Dale ang braso ko.

Hays parang mga timang.

Tumingin ulit ako sa harap, nakatingin pa rin sa pwesto ko si Kyle then he mouthed.

'I like you'

Huh?

--------

a/n: huh? anong klaseng reaksyon yan Celine ahaha

First Published
Date: December 29, 2019

___

Edited
Date: December 01, 2023

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro