Chapter 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 22

Celine's Point of View


Hinatid ako ni Kyle hanggang dito sa bahay ni Cassie kanina. Si na ang may buhat ng pinamili ko. As if naman na makikinig sa'kin 'yang lalaking yan eh pinapalayo ko na nga. Siya naman tong lapit ng lapit sa'kin, kaloka.

Kanina pagpasok ko rito sa loob ng bahay ni Cassie. Akala ko walang tao, kasi nakasara ang ilaw no'ng pagbukas ko ng pinto. Nang binuksan ko na ang ilaw ay nagulat ako ng biglang may naghagis ng mga ginupit gupit na color papers sa'kin saka ako binati ng happy birthday.

Muntik pa nga ako mapaluha ng bigyan nina Ami ako ng regalo. These girls really love me so much. Talagang nag effort sila para sa birthday ko. Kahit more than one month ko lang sila nakasama, talagang gan'on na ako ka special sa kanila.

Kung ano ano ang ginawa namin. Kumain, kumanta, sumayaw at kung ano ano pa. ngayon ko lang na experience ang ganito. Yung su-sorpresahin ka ng iyong mga kaibigan sa mismong birthday mo. Yung ultimong kaylangan ka pang utusang bumili ng kung ano ano para lang paghandaan nila yung birthday mo.

Ewan ko kung ilang oras kaming nag-saya. Basta pakiramdam ko ang saya saya ko ngayon dahil sa tatlong 'to. Nang mapagod kami ay umupo kaming apat sa sofa habang tawa ng tawa.

"Hanep na yun, daig pa na'tin ang lasing h
dahil sa mga kalokohan" natatawang sabi ni Cassie saka uminom ng juice.

Tumawa lang kami, malakas talaga ang tama namin ngayon kahit di kami uminom ng alak.

Napatigil ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang cp sa bulsa at tiningnan kung ano yung dahilan at bakit tumunog 'yon.

Nakita ko ang isang text galing kay Dad. Kay Dad? Ano namang meron at tinext niya ako ngayon?

In-open ko yung message

From: dad

'princess, kaylangan mong umuwi ng maaga, kaylangan mga 4:30pm ay nandito ka na okay. See you later'

-++

Hala, sabi nila kahit anong oras ako pwedeng umuwi. Bakit ganon?

Hinarap ko sina Cassie "Ahm,, nag text si dad, kaylangan ko raw umuwi mamayang 4:30 pm." sabi ko sa kanila

Pansin ko naman na napatingin sila sa mga wrist watch nila. Saka sila humarap sakin "It's already 4:18 pm. Linisin nalang natin to bago ako umalis" sabi ko sa kanila

Nalungkot naman ang mga itsura nila, parang kanina lang ang saya namin tapos ngayon biglang lumungkot

"Hayaan niyo bukas, pupunta ulit ako dito. Girl bonding ulit tayo" sabi ko sa kanila

Tumango nalang sila. Tumayo na ako saka kinuha ang walis tambo para linisin ang mga kalat namin, sina Cassie naman ang nagtanggal ng mga kung ano anong nakakabit sa dingding. Nang matapos kami ay kinuha ko na ang bag ko at sinukbit yon

"Kaylangan mo na ba talagang umuwi?" malungkot na tanong sakin ni dale

Tumango ako, ti-next kasi ako ni Dad. Kaylangan hanggang 4:30 lang ako dito, eh 4:25 na, 5 minutes nalang para maka uwi ako samin

"Basta bukas girls, gala tayo, treat ko okay" sabi ko sa kanila saka isa isa ko silang bineso "bye bye girls. See you tomorrow" nakangiti kong paalam saka lumabas ng apartment ni Cassie

Habang naglalakad pauwi ay pumasok sa isip ko yung sinabi ni kyle kanina. Susunduin nya daw ako at magdi dinner kami? Pinagloloko ata ako nung lalaking yon.

Kyle's Point of View

"You look good son. Ang gwapo mo ngayon" puri sa'kin ni Mom pag baba ko ng hagdan,

Ngumiti nalang ako

I'm going to fetch Claire a minute from now. I'll treat her a simple dinner since today is her birthday. And I also want to say something. Alam ko may kasalanan ako sa kanya, kaya I want to be with her kahit ngayon lang na special day niya.

Tiningnan ko ang wrist watch ko. It's already 5:55 pm. Inayos ko ang coat ko at kinuha ang susi ng kotse sa tabi ng couch bago lumabas ng bahay.

My dad bought me a car noong mag 18th birthday ako 4 days ago. Noong araw na pinalayo kaming dalawa ni Dustin kay Claire. Walang nakaka alam ng birthday ko except sa aking pamilya at mga kaibigan. Iyon ang unang birthday l na pinalayo ako ng babaeng gusto ko sa kanya. Umiyak ako? No. Wala namang rason iyakan ko siya. Alam ko naman kasing na ako yung may mali kaya deserve ko yon.

Ipinark ko ang kotse sa labas ng gate nina Tito Christofer-daddy ni Claire. Lumabas ako ng kotse saka inantay si Claire doon.

Magkasing tanda lang kami ng Kuya ni Claire, pero masmatanda ako kay Toffer ng 4 months. January 13 ako samantalang si Toffer ay April 19. Kaya hindi ko siya tinatawag na Kuya Toffer. Ayoko rin ng tinatawag akong Kuya kahit magkaibigan kami. Dahil sa edad ko, yun din ang dahilan kung bakit ang tawag sa'kin ni Red ay Hyung

Napansin ko namang bumukas yung gate sinenyasan ako ng yaya nina Claire na pumasok sa loob. Kaya pumasok na ako. Nakita ko naman si Tito Chris na nakaupo sa sofa kasama si Toffer at ang mommy nya, ngumiti ako saka nag bow.

"Good evening tito, tita " bati ko sa kanila

Ngumiti naman sila "Good evening din hijo"sabi ni Tito Chris "Maupo ka, nagbibihis pa si Claire sa taas"dagdag nya

Umupo naman ako dun sa isang one seater na upuan. Pucha, kinabahan ako dun ah

Pansin ko naman ang mahina at palihim na pagtawa ni Toffer sa tabi ng Mommy niya. Ipinagsawalang bahala ko nalang yun saka itinuon ang atensyon ko sa mga susi ko. Buti naman at sasama sakin si Claire.  Ayy mali, di ko nga pala siya binigyan ng choice, eh sa yun ako eh. Selfish na kung selfish pero gan'on talaga ako.

May narinig akong tumikhim, napatingin naman ako ron

Shit!!

Celine's Point of View

Kanina pa ako patingin tingin sa bintana nrtong kotse ni Kyle. Para kasing di ako mapakali rito sa loob, kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko simula nung sunduin niya ako sa bahay.

Sina Mom naman kanina pati si Kuya, di ko maintindihan kung bakit tinutulak nila ako palapit kay Kyle. Nawe-weird-uhan ako dun sa kanilang dalawa. ew5an ko ba kung sadyang inaasar lang nila ako kay Kyle o ano.

"We're here" biglang sabi ni Kyle saka pinatay ang makina ng kotse.

Tinanggal niya ang seatbelt at saka lumabas ng kotse. Tinanggal ko naman ang seatbelt ko, I was about to open the cars door ng bumukas ito. Nakita ko ang nakalahad niyang kamay na parang sinasabi na tanggapin ko yun. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba o hindi ang kamay na yun. Pero sa huli tinanggap ko yun para di sya mapahiya.

Para nga ba di sya mapahiya?

Napailing ako ng pumasok yung tanong na yun sa utak ko. No. this is dangerous, hindi ko dapat hayaang mahulog nalang ako basta basta kay Kyle. Loko yan eh.

'di pa nga ba ako nahuhulog sa kanya?'

Pesteng tanong to, waaahh am I out of my mind?

Pumasok kami sa isang Italian cuisine. Akala ko ba simpleng dinner lang? Ba't dinala niya ako dito?

"Table for two ma'am, sir?" tanong sa'min nung parang waiter ata yun?

Kita ko namang umiling si kyle "I reserve a table" tipid na sagot ni kyle

"Name? sir" tanong nung guy kanina.

"Kyle Park" sagot ni Kyle.

"I'll take you there ma'am, sir" sabi nung waiter saka siya naglead sa'min ng daan  papunta sa ni-reserve ni Kyle.

Nang makarating kami ay pinaupo ako ni Kyle sa isang upuan, siya naman doon sa harapan ko. Kinuha ko ang menu saka nagtingin tingin roon. Wala naman akong alam sa mga ano dito, ang alam ko lang ay yung pasta and lasagna.

"I'll get Fiorentina Steak, Risotto,bottarga, Pasta Con Pomodoro E Basilico, ossobuco and lasagna" sabi ni Kyle sa waiter.

"for drinks sir?"

"just water"

Hala, ano naman kaya ang oorderin ko? Hayss bahala na nga

"Ribollita, Fiorentina Steak, Focaccia, Tiramisu and Truffles"sabi ko sa waiter "water also" dagdag ko

Mas madami ang inorder ni Kyle kayslsa sa'kin, di naman ako masyadong gutom. Naka dalawang kain na nga ako ngayong hapon eh

Umalis na yung waiter, kaming dalawa nalang ni Kyle ang nandito sa table na'to. Maya maya ay bigla siyang tumikhim. Napatingin naman ako ng diretso sa kanya "Ahm,, Claire" rinig kong tawag niya sakin. Ba't niya pa ako tinatawag eh nakatingin na nga ako sa kanya.

"hmm?" I respond

"Happy Birthday"bati nya ulit sakin "I know galit ka sa ginawa ko nung Monday, pero sana mapatawad mo ako" sabi niya saka tumungo

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Yan lang ba ang sasabihin niya?

"I know, wala akong karapatang magselos sa harap mo. Pero, Claire, sana naman pag bigyan mo ko" he said in pleading eyes saka hinawakan ang kanang kamay ko "I really like you Claire, kaya sana pagbigyan mo akong ligawan ka" he said directly while at my eyes.

Naestatwa ako dahil sa ginawa niya. What the hell? Bakit parang may mga nagliliparang kung ano ano sa loob ng tyan ko? Bakit parang sumobra ata sa bilis ang tibok ng puso ko? Okay lang ba ako?

" Claire" tawag niya ulit sa pangalan ko, nakatingin ulit ako sa kaya "You know me, I don't take No, for an answer" sabi niya

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Kinuha ko naman ang kamay ko sa kanya saka inirapan siya. Nagsabi pa siya ng ganon. "Alam ko, ikaw pa ba eh ang kulit nga ng lahi mo" medyo inis na sabi ko sa kanya

Bigyan ko kaya sya ng chance? Pwede naman siguro yun no? basta kay Daddy siya magpapaalam

"Claire sige na, bigy-"

"Oo na, basta kay Daddy ka magsabi" Sabi ko at nag iwas ng tingin.

"yes!!" parang nanalo niyang sabi

Napailing iling nalang ako dahil sa inasta niya. Para siyang ewan

"Di ko na kaylangang mag sabi sa kanya Claire" bigla niyang sabi, nangunot naman agad ang noo ko

Anong di na niya kaylangang magsabi?

"Pumayag na si Tito Chris kahapon pa" nakangising sabi niya

What?!

-----

a/n: Advance ng mag isip si Kyle hahaha. Happy New Year sa inyo. Enjoy reading

First published: December 31, 2019
Edited: January 5, 2024

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro