Chapter 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 23

Celine's Point of View

"Try this one" sabi sa'kin ni Kyle saka sinubo sa'kin yung inorder niya kaninang Ossobuco.

Hmm, masarap siya pero ma's gusto ko yung Tiramissu haha.

Last na yun, marami rami rin akong nakain dahil jan sa lalaking yan. Akalain mo yun pati yung inorder ko na wala sa inorder niya eh kumukuha rin siya.

Uminom ako ng tubig. I'm already full, feeling ko kahit anong oras pwede ko ng isuka yung mga kinain ko.

"I girlfriend nalang kaya kita agad tutal dun rin naman tayo papunta" malokong sabi niya

"O sige" pag payag ko saka nagpunas ng bibig.

"Talaga?" di maapaniwalang tanong niya

Tumango ako "Oo" nakangiting sagot ko "Tapos break rin tayo agad." dagdag ko

Dumilim naman ang mukha nya "Ano? Di ka pwedeng makipag break sa'kin, Claire" seryosong sabi niya

"Doon din naman papunta yun eh" sabi ko sa kanya "Kyle, hindi lahat ng bagay kaylangan mong madaliin, kaylangan lahat ng gusto mong makuha ay madadaan mo sa tamang proseso kung pa'no mo ito dapat kuhanin." pangaral ko sa kanya "Listen, kapag nagawa mo yun. Yung nais mo ay mapupunta rin sayo ng walang kung anong problema. Parang tayo, kaylangan mo munang manligaw bago kita sagutin" dagdag ko.

Lumukot ang mukha niya "eh don na rin naman kasi papunta yon" giit niya

"Leche, kung ganyan ka makikipag break ako sayo agad." Sabi ko at sinamaan Siya ng tingin Lahat ng bagay ay di pwedeg madaliin okay. They need process, kung ayaw mong makinig sa'kin, pwes tigilan mo na ako" dagdag ko saka tumayo.

Tumayo rin siya saka nag iwan ng pera sa mesa. Nauna na ako sa kanyang maglakad.  Nakaka inis 'tong lalaking to, ayaw atang makinig sa'kin.

Nagulat ako ng biglang may nantakip sa mata ko, aalisin ko sana yung blindfold pero binulungan niya ako na kaylangan ay di ko yun tatanggalin kaya hindi ko nalang tinanggal.

----

"Ano ba to Kyle? Saan mo ba ako dinala?" tanong ko sa kanya

Hanggang ngayon kasi di pa rin niya tinatanggal yung blindfold na nakatakip sa mata ko. Ramdam ko ang pagtama ng malamig na hangin sa balat ko. Hindi naman totally-ng long sleeve dress ang soot ko kaya ramdam ko ang lamig ng hangin.

Napaigtad ako ng maramdaman kong tinatanggal na niya ang blindfold sa likod ko. Nang matanggal yun ay nag blurred ng kaunti ang paningin ko, pero konti konti ring lumilinaw.

Napadapo ang kamay ko sa mismong bibig ko dahil sa nakita ko, ramdam ko ang pag init ng gilid ng mata ko

'HAPPY BIRTHDAY LIN!!!' yan ang nakita ko sa play ground, may christmas lights dun at may nakalagay pa sa babang 'from: ky'

May mga pictures na naka palibot doon. Puro yun mga pictures namin noong mga bata pa kami. Di ko maiwasang hindi mapaluha dahil doon. Humarap ako kay Kyle, may hawak na siyang pink na cake at may pangalan ko pa talaga doon.

"Happy Birthday again, Claire"nakangiting bati nya "blow the candle now" dagdag niya.

Pinunasan ko muna ang luha na nasa pisngi ko, at hinipan yung dalawang candle na may number 1&7. Nakangiti pa rin siya sa'kin

"Pinaghandaan mo talaga to ah" tudyo ko sa kanya.

Tumawa lang siya saka pinunasan ang pisngi ko ng gamit ang panyo niya 

"Iyakin ka pa rin eh no" sabi niya habang tinatali yung ribbon ng cake

Umirap ako "Ewan ko sayo Kyle" sabi ko nalang

Lumapit ako sa mga pictures, agad nangunot ang noo ko ng makita yung ibang pictures don. Andito rin pala yung binuhat ako na parang sako ni Kyle noong second day ko palang sa SSU. Tapos yung hinalikan niya ako nung first day ko roon, meron rin yung naglalakad kami pauwi na may dalang groceries. Tapos yung magkasama kaming dalawa sa mall na may buhat na teddy bear. Nanlaki yung mata ko ng meron rin yung magkatabi kaming natutulog noong araw na nagkasakit siya, tapos meron rin yung sinalo niya ako doon sa kitchen at yung tulog siya tapos ako yung gumawa ng project nila ni Kuya.

Pa'no naman siya nagkaroon ng mga pictures nito? May inutusan ba siya?

Maya maya ay nakita kong may idinikit pa si Kyle na tatlong picture

Yung una yung dala niya rin yung groceries na pinabili ni Cassie sa'kin. Tapos sumunod yung kumakain kami kanina sa  Italian cuisine, then yong pangatlo ay yung hawak niya yung cake kanina at nag blow ako non. Napalinga ako sa paligid, nakita ko si Red na nag-wacky pa ng makita ko siya. Natawa nalang ako at napailing.

Tiningnan ko siya "Yung iba rito nakita ko sa SSU undergound updates kaya stolen, tapos yung iba nakuha ko kina Jake at Red "sabi nya habang nakatingin sa mga pictures saka tumingin rin sakin "Nagustuhan mo ba?" tanong niya.

Ngumiti ako saka tumango. Medyo stalker-ish ang datingan pero ang cute. Di pa rin talaga siya nagbabago, katulad pa rin siya nang Kyle na nakilala ko noong bata pa kami.

-----

"Earth to Celine" rinig kong sabi ni Ami kaya ako napatingin sa kanya

"Anong nangyari sayo Cel? Parang lutang ka ata ngayon" tanong ni Cassie.

Hayys,, Ano bang nangyayari sa'kin?

Kagabi, no'ng hinatid ako ni Kyle sa bahay. Di maalis sa isip ko yung sinabi niya, naiinis tuloy ako tss.

Umuling ako "Wala to" sabi ko sa kanila "Tara, san ang next?" tanong ko l

"Food Court!!" sigaw nina Dale at Ami.

Natawa nalang kami ni Cassie dahil sa kanilang dalawa.

'tong dalawa talaga, damaing kumain pero di nataba haha.

-----

a/n: eto na ata ang pinaka short ud ko haha. Enjoy reading everyone.

First Published
Date: January 1, 2020
___

Edited
Date: January 5, 2024


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro